Chapter 737: Baka Naman...Pwede Kitang Tulungan?
Mmm...ang isang demonyo na nakawala sa kadena...ay mapusok...
Nakapagpalit na si Ning Xi ng malambot at mainit na pajamas. Marahang pumasok ang kamay ni Lu Tingxiao sa pantulog nito, hinahaplos ang balingkinitang bewang, paakyat para haplusin din ang malambot nitong kurba...
Dahil malamig ang mga pala ni Lu Tingxiao mula sa malamig na hangin sa labas, hindi napigilan ng katawan ni Ning Xi na manginig. Hindi siya sigurado kung dahil lang ba talaga ito sa lamig o dahil sa pagkagulat niya sa mga himas kaya ganoon na lang ang reaksyon niya.
"Malamig?" Inalis agad ni Lu Tingxiao ang kamay niya.
Nagulo ang kanyang pantulog, pati na rin ang kanyang buhok, pero nakakabighani pa rin ang ganitong itsura ni Ning Xi. Mukha siyang malambot, mainit at matamis kaya naman mas nauubos ang natitirang kontrol ng lalaki...
Isa pa...
webnovel.com で好きな作者や翻訳者を応援してください