Chapter 714: Imposibleng Maging Ganito Ka-Cute Si Kuya!
Subalit, hindi simpleng bagay ang kumuha ng master para kay Little Treasure. Gusto niyang pag-isipan pa itong mabuti bago magpasya.
Dahil nasa Imperial na ang Second Senior Brother ngayon, pwede niya na itong kausapin kahit kailan. Bukod sa bagay tungkol kay Little Treasure, marami pa siyang gustong itanong...
Sa entrance ng kanyang apartment.
Habang pababa sila ng sasakyan, nakakita si Ning Xi ng isang pamilyar na mukha na naglalakad papunta sa apartment at sumigaw siya, "Hoy! Lu Jingli!"
Humuhuni si Lu Jingli sa sarili at papasok na sana. Tumigil siya at lumingon nang marinig niya na may tumatawag sa kanyang pangalan.
Nalaglag ang mga car keys ni Lu Jingli sa sahig at agad na tinakpan ang kanyang mga mata, "Oh my God! Ano itong nakikita ko?! Mabubulag na ako!"
Isang cute na Little Red Riding hood ang kumakaway sa kanya, kasama ang dalawang lobo sa tabi niya.
webnovel.com で好きな作者や翻訳者を応援してください