Chapter 696: Gusto Mo Ba Akong Gawing Kabit?
May pumasok pagkaalis ni Cheng Feng.
Naunang dumating si Hu Hongda.
Nakasuot ng rose pink turtleneck sweater si Ning Xi na bagay na bagay sa kanyang kutis. Ang maliit niyang mukha ay napakaganda ngayon. Nakahawak ang pareho niyang kamay sa cup habang tinitikman niya ang tsaa.
Namangha si Hu Hongda sa babae sa harap niya.
Nakakita na siya ng litrato niya noon at inakala niya na edited ito at hindi mapagkakatiwalaan. Kaya hindi niya inasahan na mas maganda pa pala siya sa personal. Mas maganda pa siya sa asawa niya kahit noong dalaga pa ito.
Kung tutuusin, may sarili silang kagandahan. Marahan ang itsura ni Ming Fangfang habang mabangis naman ang kay Ning Xi. Nakaramdam siya ng init sa katawan at lumala ang pagnanais niyang dumumina.
"Pasensya na at pinaghintay kita, Miss Ning." Parang maginoo kung umasta si Hu Hongda, bahagya pa siyang yumuko.
webnovel.com で好きな作者や翻訳者を応援してください