webnovel

Let’s Do Something Meaningful

編集者: LiberReverieGroup

Chapter 687: Gumawa Tayo Ng Makabuluhang Gabi

Nanlambot ang ekspresyon ni Lu Tingxiao nang makita ang masunuring sagot ni Ning Xi. Tinignan niya ang kape sa lamesa at nagalit. "Hindi ka pa magaling! Hindi ka pwedeng magpuyat. Matulog ka na ngayon!"

"Huh? Pero pagkatapos ng nangyari, excited na ang isip ko. Hindi ako makakatulog agad!" paliwanag ni Ning Xi.

Nanliwanag bigla ang mga mata niya dahil sa naisip. "Ah! Alam ko na! Gumawa tayo ng makabuluhang gabi!"

Tinignan siya ni Lu Tingxiao at sinabi gamit ang garalgal na boses, "Tulad ng ano?"

Ilang sandali ang nakalipas...

"Ah...no!" sigaw ni Ning Xi sa gitna ng tahimik na gabi...

Tinignan ni Lu Tingxiao ang umuungol na multo at nakinig sa nakakatakot na background music habang nandidilim ang kanyang mukha.

Ang sinasabi niyang "makabuluhang" na aktibidad ay manood ng horror movie?

ロックされた章

webnovel.com で好きな作者や翻訳者を応援してください

次の章へ