Chapter 508: Sinusubukang Pagsalitain Si Little Treasure
"Tingxiao, anong nangyari kay Little Treasure? Bakit blangko ang mukha niya?" nag-aalalang tanong ni Yan Ruyi.
Sabik siyang makipagusap kay Little Treasure ngunit hindi ito umiimik o tumutugon sa kanya. Siyempre, mag-aalala siya!
Hindi masayang sumagot si Lu Chongshan, "Anong blangkong mukha? Kakagaling niya lang sa sakit, normal lang na wala pa siya masyadong reaksyon!"
Sa totoo lang, nag-aalala rin si Lu Chongshan. Nagdusa si Little Treasure sa isang matagal na lagnat, baka namaan nakaapekto ito sa kanyang pag-iisip...
Sumimangot si Qin Mufeng, nag-aalala din sa kondisyon ni Little Treasure dahil hindi karaniwan ang nangyayari dito.
webnovel.com で好きな作者や翻訳者を応援してください