Chapter 251: Ang Backer ni Su Yimo
Nanliit ang mga mata ni Ning Xi matapos marinig ito.
Hindi ito ang unang pagkakataon na marinig niya sa ibang tao na kinasusuklaman ni Lin Zhizhi ang mga artistang tulad niya.
Napakahirap sabihin na wala siyang pakialam.
Pagkatapos ng lahat, ito ang taong lalaban sa mga pagsubok kasama niya sa hinaharap.Kung ang kanilang paniniwala ay hindi tugma mula sa simula, paano na lamang sila magtutulungan mamaya?
Napansin ni Lin Zhizhi ang pagamba sa mga mata ni Ning Xi. Tumingin ito kay Zhap Meixin, at nagawa pang sabihin, "Tila hindi ata naintindihan ni Sister Meixin ang isang bagay tungkol sa akin. Alam naman ng lahat na ang pagiging maganda ay regalo sa industriyang ito. Isa ito sa mga biyaya ng Diyos, isang bagay na hinihiling ng iba ngunit hindi nakukuha, bakit ko ito kaiinisan?"
"Ang kinaiinisan ko ay ang mga taong may itsura ngunit kulang naman kalidad at pagiging propesyunal.
webnovel.com で好きな作者や翻訳者を応援してください