Chapter 179: Hindi Klaro Ang Sekswal Na Oryentasyon
Pagkatapos niyang magsalita, hindi pinansin ni Ning Xi ang kaguluhan sa likod niya ay direktang sumakay sa itim na kotse na tumigil sa kanyang tabi.
Sa kabutihang palad, maselang inayos ni Lu Tingxiao lahat.
Nahulaan na agad niya na makukubkob si Ning Xi ng reporters ngayong araw, kaya naman ang bodyguards at ang kotse ay nagpakita sa tamang oras.
"Binibining Xi, saan na po tayo?" tinanong ng drayber.
"Umuwi na tayo." tumigil sandali si Ning Xi, at tsaka hindi napigilang itanong, " Bakit lahat kayo ay tinatawag akong Binibining Xi at hindi Binibining Ning?"
Ngayong napag-isipan niya ito, lahat ng nasa Lu residence, mula sa mga katulong hanggang sa mga nasasakupan ni Lu Tingxiao, lahat ay tinatawag siyang Binibining Xi o kaya naman Binibining Xiao Xi…" Utos po iyon ni CEO Lu," sagot ng drayber.
webnovel.com で好きな作者や翻訳者を応援してください