CHAPTER 144: Walang mas bubuti pa sa'yo
Bumuntong hininga si Ning Xi. "Nung panahong 'yun kasi, na-in love din ako sa isang lalaki, at kailangan ko ng status na makapapantay sa kanya."
May sumiklab sa mata ni Lu Tingxiao. "Si Su Yan?"
Tumango si Ning Xi at ngumiti. "Nagtataka ka ba na nagkakilala ang isang probinsyanang tulad ko at isang young master tulad ni Su Yan?"
Bago pa hulaan ni Lu Tingxiao ang sitwasyon, sinagot na rin ni Ning Xi ang sarili niyang tanong. "Mahina kasi 'yung baga ni Su Yan nung bata pa siya, kaya pitong taon siyang nanirahan sa probinsya, magkapitbahay kami.
"Nung una ko siyang nakilala, nag-collapse siya sa tabi ng kalsada, kaya binuhat ko siya sa likod ko tapos dinala sa bahay.
webnovel.com で好きな作者や翻訳者を応援してください