Chapter 59: Isang napakagwapong Big star ang Second Male Lead
Kahit na napatunayan ni Ning Xi ang acting skills niya ngayon, 'di nakabuti sa reputasyon niya ang nangyari; dahil masyado siyang magaling, tingin nila isa siyang vixem, iniisip nila 'di lang siya umaarte at nagpapakita lang ng sarili niya.
Natakot si Director Guo na maging unstable ang mood niya kaya lumapit 'to para i-comfort ang dalaga. "Ning Xi, easy ka lang. Makakasama rin natin next month ang second male lead, marami pang mangyayari!"
Pilit na ngumiti si Ning Xi. "Director Guo, sino po ba kasi 'yung second male lead? Mula po nung simula isinisikreto niyo na, ni wala pong clue. Maiintindihan ko po kung itinatago niyo sa media para sa gimmick pero 'di niyo po ba pwedeng sabihin sa'min?"
"'Di ko pa rin pwedeng sabihin, pa'no pag may mag-leak? Anyway, ang masasabi ko lang sa'yo, isa siyang big star!" pamisteryosong sagot ni Guo Qisheng.
Napadaan si Jia Qingqing nang marinig niya 'to at pasupladang bumulong "Second male lead lang naman, how big can he be? Kasing sikat niya ba ang king ng movies tulad nina Zhao Sizhou? Sister Xueluo, ano sa tingin mo?"
Ngumiti lang si Xueluo at walang sinabi, pero malinaw na tingin niya nag-eexaggerate lang si Director Guo.
'Di pinansin ni Ning Xi ang panghahamak ni Jia Qingqing at sumunod lang siya kay Guo Qisheng habang nagtatanong. "Edi gwapo po ba? Pwede ko naman malaman 'yon 'di ba? Sa script dapat gwapo 'yung second male lead para lahat ng dalaga sa capital magpanggap na may sakit para lang makita siya!"
May ilang intimate scenes si Ning Xi kasama ang second male lead. Hindi lang niya kailangan makipaglandian sa kanya pero may ilang sex scenes din sila. At saka, palagi silang magkayakap at magkahalikan kaya 'di naman mahirap sa kanya na talagang magkaroon ng pakialam dito.
"Syempre gwapo siya, sigurado akong matutuwa ka! Pag dumating ang panahon tapos 'di ka himatayin, 'yun ang nakakagulat!"
"No way, Director Guo, 'wag niyo po akong niloloko ah! Seseryosohin ko yan!"
…
Ang bilis ng panahon, August na. Dalawang linggo na siyang nakatira sa Lu residence at lalong bumubuti ang relasyon nila ni Little Treasure. Maayos rin naman ang takbo ng trabaho niya.
Nagkakasabwatan si Ning Xueluo at Jia Qingqing at paminsan-minsan pinagtitripan siya. Kahit na lagi naman niyang natutunugan, nakakapagod na ring palaging maging maingat, kaya naghahanap lang siya ng tamang opportunity para matalo sila at matapos na ang lahat.
Kakaiba man pero may pakiramdam din si Ning Xi na may tao sa production team na lagi siyang tinutulungan. Ilang beses na siyang may nakakaligtaan pero may dumarating ding mga maliliit na pahiwatig. Siguro may mga tao lang na 'di rin gusto ang kayabangan at mapagmataas na pagpapalakad ni Jia Qingqing. 'Di na masyadong inisip ni Ning Xi.
Sa ngayon, ang pinakamalaking sakit niya sa ulo ay ang pagpunta sa airport para makita ang isang nakakabwisit na lalaki.
Buong araw, kahit nasa set siya, patuloy siyang tinatawagan ng lalaking 'yun para paalalahanan siya.
Pagkatapos ng trabaho, bumalik muna si Ning Xi sa Lu residence dahil gusto niyang kunin ang equipment niya.
"Nakauwi ka na. May magandang hotpot restaurant na kakabukas lang, dalhin ba natin si Little Treasure para kumain sa labas ngayon?" nakaupo si Lu Tingxiao sa sofa at nagbabasa ng dyaryo, parang natural lang nung pagkakatanong ni Lu Tingxiao, parang asawang nagtatanong sa sariling asawa.
Nagulat si Ning Xi sa mga iniisip niya. Kalahating buwan pa lang pero sanay na siya sa pagkakasundo nila ni Lu Tingxiao.
Silang dalawa tapos kasama pa si Little Treasure; minsan pakiramdam niya mukha talaga silang pamilyang may tatlong miyembro.
Umiling si Ning Xi para alisin ang mga kakaiba niyang iniisip, at mahiyang sinabing, "Naku mukhang 'di ko kaya tonight. Papunta kasi ako ng airport, may i-mimeet ako, saka baka late na ako makabalik. Gusto ba ni Little Treasure mag-hotpot? Bakit 'di na lang kayo 'yung lumabas?"
"'Pag wala ka, 'di siya sasama sakin palabas."
"Ahem… okay. Edi next time tayo mag-hotpot!"
Ibinaba ni Lu Tingxiao ang dyrayo at tinignan siya nang madilim at malalim niyang mga mata. "May imimeet kang friend?"
"Well, parang ganun…" alanganing tumango si Ning Xi.
"Babae o lalaki?"
"Uh…"'di ba parang may nakakalimutan siyang boundary?