Chapter 51: Isa Nanamang Ex-boyfriend
"Alam mo na ba kung sino sila?" mababasa sa ekspresyon ni Lu Tingxiao na kapag nalaman niya kung sino sila, mapapatay niya ang mga 'to.
Kinatok ni Lu Jingli ang mesa. "'Yun nga 'yung gusto kong sabihin sa'yo. Kahit sa intelligence network na meron ako, nabablangko pa ako kung sino sila. Mukhang hihintayin muna natin ang next move nila bago tayo maka-try ulit."
Pero mukhang handa nang pumatay ang Big Demon King, mahihintay pa nga kaya niya nahintayin ang next move ng mga admirer?
Agad na may tinawagan si Lu Tingxiao, "Cheng Feng, tulungan mo akong mag-imbestiga ng dalawang tao," wika ni Lu Tingxiao gamit ang boses na kasing lamig ng hanging mula sa isang glacier.
Gulat na gulat si Lu Jingli. "Wow, talagang gagamitin mo pa ang Jin Yi Wei mo!"
webnovel.com で好きな作者や翻訳者を応援してください