webnovel

Not Thick At All

編集者: LiberReverieGroup

Chapter 39: 'Di naman makapal

"L*che siya! Ano bang akal niya sa sarili niya?!" bigla na lang sumuntok si Ning Xi. Kung 'di nakailag si Lu Tingxiao, mula sa lakas ng suntok na 'yun, siguradong magkakabali ang panga niya.

"'Di dapat nagmumura ang mga babae," may kunot sa noo ni Lu Tingxiao.

Pero sa totoo lang, ang cute niya habang nagmumura.

Lasing na lasing si Ning Xi pero may natitira pa siyang gising na diwa. Ramdam niyang walang masamang hangarin ang nakayakap sa kanya at napakarahan pa nga nito, kaya unti-unti rin siyang huminahon. Nanatili na lang siyang nakakalong dito pero 'di na nagpupumiglas, patuloy lang dumadaldal dala ng kalasingan. "This old woman, iniisip niya na 'di na worth it… otherwise, otherwise base sa mukha ng matandang 'to… I can find an even bigger… the biggest and thickest thigh to hug[1]… Akala niyong lahat mahahadlangan niyo 'ko… aalis ako at maghahanap ng… I'll go now…"

Pagkarinig nito, napataas ang kilay ni Lu Tingxiao at kinuha ang mga kamay ni Ning Xi na inipit sa pagitan ng mga hita niya. "The one with the thickest thighs in the capital is right here. Gusto mo pa ba talagang maghanap sa malayo?"

Walang pakundangang pinisil ni Ning Xi ang muscles sa hita ni Lu Tingxiao at kinapa pa ang paligid bago malakas na sinabing, "Not thick! 'Di naman makapal eh!"

Lu Tingxiao: "…"

'Di siya pinagtuunan ng pansin dahil 'di sapat ang laki ng hita niya?

Walang lalaking matatanggap ang ganito.

Ang masama pa, may nahawakan ang kamay niya na hindi dapat mahawakan, tinapik niya pa. "Hm, ano 'to… nakakainis naman…nakakatusok sa'kin ah…"

Puno ng pagkainis ang tono niya.

Pumangit ang ekspresyon ni Lu Tingxiao.

Kapag pinagpatuloy ni Ning Xi ito, baka may gawin si Lu Tingxiao na taliwas sa pinaninindigan niyang moral.

Matagal nang wala ang tao sa labas kaya mabilis na binuksan ni Lu Tingxiao ang pinto at binuhat palabas si Ning Xi.

Nakarating na sila sa underground parking

Ang mayabang na nagbukas ng pinto ay si Lu Jingli.

"Bakit ikaw?" nagusot ang mukha ni Lu Tingxiao.

"Pumunta kasi ako sa inyo pero pareho kayong wala dun ni Little Treasure kaya hinanap ko kayong dalaawa! Kuya naman 'di mo talaga alam 'yung bro code. Kailan mo pa binili 'tong sasakyan? It's even cooler than the one you gave me! Pakiramdam ko wala na akong alam!" sa mukha ni Lu Jingli ay mukha siyang niloko.

'Di siya pinansin ni Lu Tingxiao at dinala na lang si Ning Xi sa back seat.

Sa harap nakaupo si Lu Jingli at lumingon sa likod para kilatisin si Lu Tingxiao at ang magulong damit ni Ning Xi, makikita sa mukha niya ang isang chismoso. "Sa'n mo siya sinundo? Bakit ang tagal niyo? Tignan mo si Little Treasure, muntik nang maging bato parang Amah Rock [2]!"

Sumilip na sa bintana si Little Treasure mula nang makita niya si Ning Xi.

Nag-alala si Lu Tingxiao na baka magligalig si Ning Xi habang lasing pero 'di niya akalain na nung lapitan ito ni Little Treasure, wala siyang ginawang kaguluhan, tinignan lang niya ang bata at niyakap na parang malambot na unan.

'Di si Lu Tingxiao yung tipong nagpapalaki ng chismis, inalis niya ang kurbata at jacket niya. "Anong nangyari ngayong araw?"

Sa pagbanggit ng expertise niya – investigation – sumigla bigla si Lu Jingli. "According to my sources, maayos naman ang lahat. Ginamit mo pa si Arthur, so of course Ning Xi successfully wowed the whole crowd, at gusto siya ng media!"

"Sinong nakita niya ngayong gabi?" Nagtanong ulit si Lu Tingxiao.

Pilit inalala ni Lu Jingli. "Bukod sa cast and crew, andun si Ning Yaohua, saka si…"

Tinignan ni Lu Jingli ang mukha ng kapatid niya at napalunok bago itinuloy ang sinasabi. "Su Yan… hula ko kaya siya nalasing nang ganyan ay dahil andun ang ex-boyfriend niya na boyfriend ngayon ng karibal niya sa buhay na si Ning Xueluo, kaya malamang masama ang loob niya…"

Kahit naging maingat na si Lu Jingli sa pagkukwento, nandilim pa rin sa isang iglap ang mukha ni Lu Tingxiao.

Talagang nakakatakot siya.

---

[1] Ang ibig sabihin ng 'to hug a big/thick thigh' ay sumipsip o pumapel sa isang tao lalo na sa may kapangyarihan.

[2] Ang Amah Rock ay isang natural rock formation sa Hong Kong – ang ibig sabihin ng Chinese name nitong 望夫石 ay 'binabantayan ang asawa'.

[1] Ang ibig sabihin ng ‘to hug a big/thick thigh’ ay sumipsip o pumapel sa isang tao lalo na sa may kapangyarihan.

[2] Ang Amah Rock ay isang natural rock formation sa Hong Kong – ang ibig sabihin ng Chinese name nitong 望夫石 ay ‘binabantayan ang asawa’.

LiberReveriePHcreators' thoughts
次の章へ