Chapter 15: Rain, Reed Evans's Sister?!
Jasper's Point of View
Nakatitig lang ako sa harapan at umaarteng normal para hindi mapansin na kinakabahan ako sa mga kaklase ko. Panay titig kasi ang ginawa nila mula kanina.
Nandito pa kami sa classroom ni Harvey at nagsusulat ng mga lectures ng guro namin. At kanina pa talaga ako natutunaw dahil sa mga titig nila.
Alam ko namang napaka pogi ko kaso s'yempre, kailangan din nilang makiramdam na may naiilang dito. Hindi na nga ako halos makapagsulat, oh?
"Jasper... " pangungulit ng katabi ko sa kanan. Pilit akong ngumiti at humarap sa babaeng 'yon para hindi nito mapansin na nahihiya ako.
Hinawakan ko ang baba niya, 'yong CHIN n'ya tapos inangat ito para magkapantay ang tingin naming dalawa.
"Mas gumanda ka pa yata ngayong umaga, tila para kang bulaklak na madaling magpapukaw sa atensiyon ko, binibini." tumili siya at halos himatayin na sa pagwawala, iba na kasi ang dating kapag ang isang poging katulad ko ang nagsalita.
Nagring na ang bell kaya tumayo na ako, kinindatan ko ang kaklase kong babae na tumili kanina. "See you." pa-cool kong pagpapaalam kaya natuluyan na.
Lumingon ako sa gawi ni Harvey, "Kainan na!" sigaw ko, "Harbe? Sabay na tay—" pagkaharap ko pa lang sa pwesto ni Harvey ay hindi na siya nakikita ng mga mata ko. Hinanap hanap ko siya hanggang sa makita ko siya mula sa peripheral eye view ko't nilingon siya. "Hoy!" tawag ko sa kanya at lumabas. Pero sa sobrang bilis din niyang maglakad, hindi ko na siya nahagilap.
Pero nakita ko naman si Haley. "Haleeee!" pabirong tawag ko at lumapit sa kanya, huminto siya sa paglalakad at sinamaan nanaman ako ng tingin.
"Kung tatawagin mo 'yong pangalan ko, ayusin mo" napakamot ako sa ulo habang pilit na natatawa
"Sorry na sorry na" paghingi ko ng pasensiya at nginisihan siya, "Saan ka kakain ng lunch?" tumalikod siya sa akin at naglakad. 'Di niya pinansin 'yong tanong ko. Grabe! Ano ba presensiya ko? Hangin?
"Kakain ako kung saan malayo sa 'yo" pagtataray n'ya. Joke. Pinansin niya ako pero pataray. Hays... Sa lahat talaga ng babaeng nakilala ko, s'ya 'yong pinaka kakaiba sa lahat. Akalain mo 'yon? Hindi n'ya pinapansin 'yong kagwapuhan na mayroon ako?
Pangit ba ako sa paningin n'ya? Kasi kung oo, naku. Kailangan na n'yang magpa-check up. Para ma-appreciate naman n'ya 'yong kagandahan ng mukha ko.
Sumunod ako sa kanya, "Aww, ang sweet sweet mo talaga, Haley!" pinantayan ko 'yong bilis ng paglalakad niya. "Sino last teacher niyo?" Hindi siya sumagot at walang gana lang na napabuntong-hininga. Napa-pout naman ako, "Haley, do you hate me?"
Tumingin s'ya saglit sa kisame bago ibaba ang tingin papunta sa daan, "I don't hate you" napangiti ako ng dahil doon, nawala lang nang may idagdag siya, "I'm just not excited about your existence" huminto't tumalikod ako kasabay ng pagtakip ko no'ng mukha ko.
Edi walang kwenta 'yong presence ko para sa kanya? Ang sakit sa kokoro 1ko!
"Yow!" sabay hampas ni Kei sa likod ko kaya tinanggal ko na ang kamay sa mukha ko at tiningnan siya, "Kain tayo sa tambayan" anyaya niya sa akin at tinawag si Haley, "Haley! Dali! Kain tayo sa tambayan!" sigaw nito habang winawagayway ang mga kamay sa ere. Lumingon naman ako si Haley, inaasahan na papayag siya pero tulad ng ginawa niya sa akin ay sinungitan lang din niya si Kei.
"Ayoko" agad na sagot nito habang hindi humihinto sa paglalakad, tumakbo na lamang ako papunta sa kanya at inakbayan siya.
Sinimangutan n'ya ako ng tingin, "Sige na sumama ka na sa amin, kakain ka lang naman, eh" inirapan niya ako't napabuntong-hininga.
"Okay, fine" pagpayag niya kaya nag-apir kami ni Kei na nasa tabi ko na ngayon.
"Tama nga si Reed, pabebe ka lang tala—" kinurot niya ang kamay ko na nakaakbay sa kanya kaya nagsisisigaw ako sa gitna.
Binigyan niya ako ng matalim na tingin, "Sasabunutan talaga kita." imbes na matakot ako sa tingin niya ay binelatan ko s'ya tapos kinurot ang pisnge n'ya. Nakatanggap tuloy ako ng batok mula sa amazonang babaeng ito.
***
IGINALA-GALA ni Haley ang tingin niya sa paligid, bago kasing ayos at linis 'yung tambayan kaya siguro siya nanibago.
Umupo siya sa couch na ga'non din ang ginawa namin, tapos nilagay niya ang tubig niya sa glass table. Tumango tango s'ya tapos ibinaba ang tingin sa amin, "Mas umayos ito kaysa dati" kumento niya.
Masiglang nag thumbs up si Kei, "I know, right? Ako nag-ayos niyan." proud na sabi ni Kei.
Tumingin ulit sa paligid si Haley. Kaya habang sa iba pa s'ya nakatingin ay ipinagpalit ko na 'yong naiwang baso ni Reed sa baso niya.
Hehe. Kaunting pangti-trip lang gagawin ko. Medyo bored ako, eh.
"I see." tugon niya at kinuha ang tubig ni Reed para inumin. Success!
"Haley, kay Reed 'yang baso na 'yan at hindi sa'yo" pagkasabi ni Kei 'non, naibuga na lang ni Haley 'yong tubig niya sa akin, nakaupo lang naman kasi ako sa tapat niya eh. Karma is a b*tch.
Humalakhak si Kei sa tuwa habang walang gana lang akong nakatingin kay Haley, "Yeah, right..." malalim ang boses ko ng sabihin ko 'yon.
Pinunasan ko ang sarili gamit ang tissue. "Kei! It's not even funny!" Inis na tugon ni Haley.
Pinunasan ni Kei ang luha sa gilid ng mata n'ya. "But I'm not joking, natawa lang ako dahil sa itsura ni Jasper, ang pangit kasi n'ya" napatayo ako dahil sa sinabi niya at tinuro ang mukha ko.
"Ito? Sa mukhang ito pangit?" hindi ko makapaniwalang tanong. Sinabihan akong pangit ng taong gustong gusto ko. Okay! Magpapa-pogi pa 'ko lalo!
Tongue out kong inayos ang buhok ko. Dapat magpa-pogi points kay Kei.
"May narcissistic syndrome ka ba?" tanong naman ni Haley na ngayon ay nakataas na ang kaliwang kilay.
Ako naman itong napalingon sa kanya, "Wala! Nagsasabi lang ako ng totoo!" sagot ko. Nag crossed arms siya at muli akong inirapan. Seryoso, hindi ba s'ya nangangawit kakaikot ng mata n'ya?
"Hindi ba't vacant time mamaya after break time?" tanong ni Kei kay Haley na tinanguan lang nito bilang sagot.
"Oh? Vacant time rin namin after break, eh" singit ko sa usapan.
Pinitik ni Haley sa ere ang buhok n'ya, "No one's asking you" pagtataray n'ya sa akin. Hindi na ako magtataka kung sa kanya namana ni Chummy 'yong pagiging mataray n'ya.
Hiniram ko kasi no'ng isang araw pero puro kalmot lang naman ang natanggap ko mula sa kanya. Kung bibigyan ko ng pagkain, tinatalikuran niya. Pero kakainin niya kapag hindi ako tumitingin.
Kumbaga namana no'ng pusa niya 'yong ugali ng amo. a Japanese term for a character development process that describes a person who is initially cold (and sometimes even hostile) before gradually showing a warmer, friendlier side over time.Tsundere2.
***
NATAPOS NA KAMING kumain kaya nagbasa na ako ng Otakuzine kung saan makikita rito ang mga synopsis ng mga animes lalo na 'yong mga updates.
Imbes na academic books ang basahin ko, ito talagang magazine ang inuna ko.
Bumuntong-hininga ako. Paano ko ba mababago itong bad habits ko?
Naglipat ako ng page nang mapatingin ako bigla kay Haley na tinuturuan si Kei magsolve ng rubik's cube.
Kapag titingnan mo sa una si Haley, para talaga siyang supladang babae—Mali, suplada talaga siya, pero kapag nakilala mo naman siya, may side siya na ikatutuwa mo, magugulat ka na lang dahil ga'non pala s'ya? But in a good way naman.
'Yung biglang mapapasabi ka na, "Ang cute n'ya... "
Pero wala akong gusto sa kanya. Sadyang attractive lang s'ya in her own way.
Sumandal si Haley sa lean seat 'tapos naglabas ng hininga, "Matutulog na muna ako, inantok ako bigla" bumilog ang mata ko dahil sa narinig ko. Iyong tainga ko naman ay tila parang lumaki.
Nakita ko ang pagtango ni Kei sa peripheral eye vision ko, "Sweet dreams, Haley" si Kei habang inaalis ni Haley ang pagkakatupi sa kumot, humiga na s'ya sa pahabang couch at kinumutan ang sarili.
May kumot sa couch na 'yon para kung gusto naming matulog o kapag nilalamig kami, nakahanda na lang diyan. May aircon kaya kami dito. Sosyal ba?
"Uupakan talaga kita Jasper kapag ginulo mo pa 'yong pagtulog ko" babala niya na para bang nababasa niya ang isip ko habang nakaharap sa sandalan no'ng couch.
Tinakpan ko ng kaunti ang mukha ko ng magazine, "Opo" pagsunod ko na akala mo naman asong maamo. Mga ilang oras pa ang nakalipas ng makatulog na si Haley. Naririnig ko na ang kaunting paghilik niya.
Hindi naman malakas pero humihilik pala siya.
Pa-simple kong tiningnan si Kei, "Pst, Kei. Tulog si Haley" nilingon ako ni Kei na halata sa kanya ang pag-aalala.
"Don't dare draw something weird on her face if you don't want to get hurt" babala niya sa akin pero nginisihan ko siya.
Idinikit ko ang patayong hintuturo sa aking bibig, "Hindi naman 'yon ang gagawin ko, eh" napatingin ako sa kamay niyang nakababa't nakalaylay. Pumunta ako sa kusina para kumuha ng whipped cream sa refrigerator at pumunta ulit kung nasaan si Haley matapos makuha iyon.
Nilagay ko ang laman no'n sa palad niyang nakalaylay at sinimulan na ang balak ko. "Jasper, ano 'yang gagawin mo?" Nakataas na kilay na tanong ni Kei.
"Just watch and learn" ikiniskis ko ang mga palad ko, ramdam ang sabik sa dibdib ko. Masaya ito.
Isinandal n'ya ang likuran n'ya sa sandalan ng upuan, "Bahala ka pero kung ako sa'yo hindi ko na gagawin 'yan " pero hindi ko pinakinggan si Kei at pumunta lamang sa likod ng couch kung nasaan siya.
Kumuha ako ng feather na kinuha ko lang sa stuff toy ni Kei at dahan-dahang inililibot ang feather sa pisnge niya. Tingnan natin ngayon kung hanggang saan 'yang pagtataray mo, Haley Miles Rouge.
Ang iniisip ko kasi kapag iginala gala ko ang feather sa pisnge niya, malaki ang chance na mahampas niya 'yong sarili niyang mukha kasama y'ung whipped cream, vi-videohan ko pa nga para may tatawanan ako kapag wala akong magawa, eh.
Nakalagay 'yong phone ko sa glass table habang naka video record. May holder naman siya kaya hindi s'ya babagsak. Tinuloy ko ang binabalak ko, sa una palpak siya dahil ang pinanghahampas niya ay iyong kanan niyang kamay, pero noong ginawa ko ulit... Boom!
Nagtagumpay si aquoh! Nahampas niya 'yong mukha niya kasama 'yong whipped cream! Sabog sa mukha, kuha pa sa camera! Pero kailangan munang umalis si poging Jasper dahil may nagagalit na dragon.
"JASPER KYLE VILLANUEVA!!!" malakas na sigaw nito na kulang na lang ay umusok ang ilong, tapos hinabol niya ako ng makatayo siya. Hah! Magpapatalo ba ako? Kasama yata ako sa Track and Field kaya hindi niya rin ako maabuta--
"Whoa!" Napatalon ako noong tangka n'ya akong talisurin. Oh, sh*t man! Buti talaga naiwasan ko 'yon, dahil kung hindi! Malamang, nasubsob na ako sa lupa. "H'wag ka namang ganyan! Paano kung nasugatan 'yong gwapo kong mukha?" tanong ko habang tumatakbo.
"Huminto ka..." nanggigigil niyang utos. Huhu! Nakakatakot siya...
Mas binilisan ko pa ang pagtakbo ko para hindi niya maabutan. "Hindi na! Hindi ko na uulitin! H'wag mo lang akong habulin!" paki-usap ko.
"STOP RUNNING!" nag sign of the cross ako at nagdasal. Lord...
Pa-alisin niyo po ang masamang espiritu na nasa katawan ng halimaw na humahabol sa akin ngayon at kayo na ang bahala sa akin dahil naaabutan na niya ako.
Napunta na kami sa campus, paikot-ikot kami sa kung saan saan. At kung tutuusin, pagod na pagod na talaga ang paa kong tumakbo. "Hu-Min-To KA!!!" Napapatakip na lang ako sa bibig para mapigilang sumigaw.
Nilingon ko siya. Nanlilisik ang tingin niya dahil sa galit, at kung ako ang tatanungin niyo kung nagsisise ba ako, OO! Nagsisise talaga ako!
Takbo pa rin ako nang takbo hanggang sa maramdaman ko ang kung anong bagay sa ulo ko. Binato n'ya ako ng libro.
Haley's Point of View
"Ang bilis nga naman ng karma, ano? Jasper?" Pang-aasar ko at tumayo nang makuha ko 'yong libro sa lupa. Actually, it's a good thing that he woke me up since I had a bad dream, pero naalipuyatan naman ako kaya uminit agad 'yong ulo ko.
Ini-stretch ko ang katawan ko't naglabas ng hininga, "Hay naku, Jasper" sabi ko habang nagkakamot ng batok. "Maiwan na kita" umalis na ako kasabay ng pagkuha ko ng candy sa bulsa ng coat ko.
Nilapitan ng mga babae ang nakadapang si Jasper at pinaypayan ito.
"Jasper!"
"Ano ba'ng nakita mo sa babaeng 'yan? Masasaktan ka lang, baby ko."
You know I can hear you.
Napa-ungol ako dahil sa inis at sinipa ang batong nasa tapat ng paa ko.
Hindi ko nga inaasahan na may matataman pala ako, eh? Sakto pang natamaan ko siya sa ulo, "Ouch!" agad akong tumakbo bago pa niya ako makita.
Someone's Point of View
Nakahawak ako sa ulo ko at inis na tiningnan ang kung sino man. Ngunit sa sobrang dami ng estudyante ay hindi ko matukoy kung sino ang namato sa akin.
Sh*t, ang sakit kaya 'non? Mangbabato na nga lang, bato pa! Pwede namang tinapay na lang ang ibato sa akin!
"Salamat, ah?!" pagpaparinig ko sa nakabato. Buti na lang, hindi iyon matulis!
"Mirriam! Ano pa'ng hinihintay mo diyan?! Tara na!" Tawag sa akin ng KAIBIGAN kong si Trixie kaya napailing ako't umalis sa lugar na iyon.
Reed's Point of View
Nandito na ako sa classroom, at kasalukuyan akong nakatingin sa babaeng nandoon sa harap ng pintuan, mukhang may hinahanap s'ya. Lumunok ako ng laway. What is she doing here?
"Hi! Sino iyong hinahanap mo?" Tanong ng lalaki kong kaklase.
"Ang cute mo, may boyfriend ka na?" anak ng tinapa. Tumayo ako at lumapit sa kanila.
"Sige, roon na kayo, bisita ko siya" umalis sila gaya ng sabi ko, nilingon ko si Rain na ngayon ay nakasuot ng matamis niyang ngiti. Bunsong kapatid ko siya.
"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo dito?!" pabulong kong sigaw at lumingon-lingon, "Seryoso ka ba?"
Mas nginitian niya ako kaysa kanina, "Mukha ba 'kong joke? Hello? Ano pa ba? S'yempre rito na ako mag-aaral! Kita mo ba itong uniform ko?" tukoy n'ya sa school uniform n'ya. "Enchanted University Student is me!" turo niya sa sarili.
Tiningnan ko ang suot niya. Oo nga, nakasuot na siya ng uniform ng Enchanted University. "Kailan pa?!" hindi ko makapaniwalang tanong, "Bakit sa lahat ng school na papasukan mo, dito pa?" sambit ko.
Nagpameywang s'ya at sinimangutan ako. "Ano ka ba kuya? Bakit parang ayaw mo ako dito? May tinatago ka 'no?" paghihinala n'ya at siningkitan ako ng tingin.
Napatingin ang mga kaklase ko sa akin ga'non din 'yong mga estudyante sa labas
"Sino 'yang babae? Ang puti."
"Kapatid ni Reed?"
Rinig kong sabi ng mga tao sa paligid at lumapit sa kapatid ko.
"Hi! Ako si Robin!" wala siyang pakialam kung ikaw si Robin dahil hindi niya tinatanong! Gunggong 'to.
"Color Green 'yong Ribbon mo, so 2nd year ka?" Tinanong mo pa, alam mo naman 'yong color coding ng school. Sa university na ito, malalaman mo kaagad kung anong year ang isang estudyante.
Sa Highschool, kapag 1st year ka. Yellow ang kulay ng Ribbon mo, Kapag 2nd, Green, Kapag 3rd year naman, Blue, katulad no'ng amin, at kapag 4th year ka na, magiging color Red na ang Ribbon.
Ribbon for girls and Necktie for boys if I make it clear.
"P're, pwede ko bang ligawan 'tong kapatid mo?" paalam ng lalaki sa kabilang section pero hinila ko lang si Rain palayo sa kanila.
"Bumalik na nga lang kayo sa mga classrooms niyo" nagrereklamo sila pero bumalik din pagkatapos, lumapit si Kei sa amin. Gulat na gulat noong makita si Rain, matagal na rin kasi silang hindi nagkita.
"Rain!" tawag ni Kei habang bumibilog ang mata nito. Nag "cheese" smile lang si Rain at nag peace sign. Muli, may lumapit nanaman kay Rain kaya nilayo ko ang kapatid ko sa kanya. Walang pwedeng lumapit sa kapatid ko!
"Sister Complex amputik!" pagpaparinig ni Kei sa akin.
"Hindi! Pinagtatanggol ko lang siya" Pagde-depensa ko at tiningnan si Rain, "Kanina ka pa ba nandito?" umiling ito bilang pagsagot.
"Hindi naman" hinampas ko ang mukha ko.
Huminga ng malalim at saka iyon ibinuga, "Okay lang sana na dito ka mag-aral para nababantayan kita pero hindi ko ine-expect na nakauwi ka na" Sumama kasi siya kina tito sa California ng mahigit 3 months. Eh, ang alam ko kasi ay matagal tagal pa 'yong balik n'ya rito.
Nag crossed arms siya at nag pout, "Malalaman mo rin naman kahit na hindi ko sabihi—" huminto siya at napatingin sa gawi ni Haley, medyo nag-iba rin ang paraan ng pagtingin niya kaya nilingon ko naman 'yon, "Oh...?"
"Rai--" lumapit na siya kay Haley bago ko pa man matawag ng buo ang pangalan niya.
"Hey!" bati niya nang makarating s'ya sa harapan ni Haley, tiningnan naman siya nito mula sa peripheral eye view bago alisin ang suot-suot niyang earphones para lingunin ang kapatid ko.
"W-what?" naiilang na tanong ni Haley, biglang hinampas ni Rain ang dalawa n'yang kamay sa lamesa ni Haley.
"Sa tingin mo nagkita na tayo?" tanong ni Rain. Nakarating na kami sa pwesto nila. Hoy, hoy...
Saglit na hindi nagsalita si Haley at nakatitig lang kay Rain.
"I-I don't think so" sagot niya at taas kilay akong nilingunan, "Who is she?" Si Kei na ang sumagot sa tanong niya.
Inilahad n'ya ang kamay kay Rain, "Kapatid siya ni Reed, si Rain"
"Sup! I'm Rain Evans! Nice to meet you" ngiting pakilala ni Rain sa sarili n'ya, humarap sa kanya si Haley at tumango.
"Haley Miles Rouge, nice to meet you too, Rain" pagpapakilala naman ni Haley. For the first time, hindi siya nagtaray! Halos kuminang tuloy 'yong mata ko kaya nagbato ng masamang tingin sa akin si Haley.
Nakita ko ang kakaibang ngiti at tingin ni Rain pero pinalitan niya 'agad ito ng masiglang mukha. "Ah! Haley? Wait! You're the one who's been--" don't tell me?!
Tinakpan ko kaagad ang bibig ng madaldal at pasaway kong kapatid bago niya pa sabihin 'yong sasabihin niya. Pinagpapawisan ako kahit na medyo malamig lamig naman dito sa classroom. "Ah eh... Ano! Babalik na siya sa classroom niya kaya saglit lang at ihahatid ko 'yong kapatid ko" paalam ko.
"!@!#/^&*)!"
Aish! Dinala ko na siya sa labas, "Maya na lang!" Paalam ko pa sa dalawa at nilabas na nga 'yong kapatid ko.
Haley's Point of View
"Weirdo" sabi ko pagka-alis nila
Inilagay ni Kei ang mga kamay sa kanyang likod, "Do you think he's cute?" Nilingon ko siya, nakangiti pa rin siya sa akin kaya inilayo ko ang tingin. Ang liwanag niya. 'Di ko kayang tingnan.
"Huh? Where did that come from?" taka kong sabi.
Inilagay n'ya 'yong index finger n'ya sa chin n'ya, "Reed. He's cute, right?"
Cute? Sinabi ba niyang cute? "What are you saying? Saan banda siya naging cute?" Tumawa siya.
"Wala ka bang gusto kay Reed?" napaisip ako sa naging tanong niya, pero mayamaya pa'y natawa na lang ako.
"Gusto? Ha-Ha-Ha! Ayan na siguro ang pinaka nakakatawang joke sa lahat! Made my day! Whoo!" I said sarcastically and rolled my eyes at her. "Sheesh! Don't mess around with me! Sinong magkakagusto sa taong 'yon?!" Umupo si Kei sa tabi ko at ngiting akong tiningnan.
"Ako, gusto ko si Reed" namilog ang mata ko.
"Seriously?" hindi ko makapaniwalang tanong. Kaya pala niya tinatanong sa akin, eh!
Tumango s'ya, "Of course, kaibigan ko s'ya at mabait naman si Reed" bumaba ang balikat ko. Akala ko gusto talaga n'ya. "Bakit? Ano'ng akala mo?" tanong n'ya kasabay ang pagtakip ng bibig n'ya. Nakangisi talaga s'ya ngayon.
Simangot akong naglayo ng tingin, "Nothing, really..." sagot ko.
Ipinatong n'ya 'yong siko n'ya sa sandalan ng upuan 'tapos kumalumbaba.
"Well whatever, kumusta naman kayo ni Harvey sa bahay?" Tanong niya, ibinalik ko ang tingin ko sa kanya.
"Tss, huwag ka na lang magtanong" niyakap ako bigla ni Keiley na ikinagulat ko, "Hey! 'Wag mo nga akong yakapin" nahihiya at naiirita kong daing.
Ngumuso siya, "Bakit ba ang cold mo sa akin?" nagtatampo tampuhan n'yang sabi habang idinidikit ang kanyang pisnge sa pisnge ko.
"C'mon, stop it and let me go" pero hinigpitan pa niya ang pagkakayakap sa akin. Gusto kong humiwalay pero hindi ko alam kung paano.
"Wow, you're so soft, sarap mo sigurong yakapin tuwing gabi" napatingin ang mga lalaki sa amin kaya bigla kong tinakpan ang bibig niya.
"Will you shut your mouth, Keiley!?" pasigaw na bulong ko sa kanya. Iba ang naiisip ng ibang tao sa sinabi niya, eh!
Hiniwalay niya ang mukha niya sa akin kaya napatingin na ako sa kanya, "I told you to call me by my nickname"
"Keiley..." tawag ko sa pangalan niya.
"Kei"
Iritable akong naglabas ng hininga, "Aish!"
***
UWIAN NA kaya lumabas na kaming tatlo sa room na sakto din ang paglabas nila Harvey.
Nagsabay kaming pumunta sa parking lot. Kasama na rin namin si Rain ngayon. "Mauna na lang ako, may bibilhin pa ako" paalam ko.
Humarap silang lahat sa akin, "Samahan kita para makasabay ka na sa akin pauwi" I appreciate Keile--Kei's kindness, but no thanks.
"No, it's okay don't mind m--" umabante si Harvey at sumabat sa usapan.
"Ako na lang ang sasama sa kanya" humarap kaming lima kay Harvey.
"Oh, please... Mas magandang ako ang mag-isa kaysa makasama ang isang katulad mo" he slidely turn his eyes on me.
"Mas lalo namang ayaw kitang kasama kaya h'wag kang mag assume, at huwag kang mapilit, ah? Kapag may nangyaring hindi maganda sa 'yo, malalagot ako kay mommy" umabante ako ng isang hakbang.
"What are you talking about, huh? Bakit ka naman mapapagalitan? Boyfriend ba kita?" Ramdam ko ang kakaibang tingin ni Kei dahilan para lingunin ko siya.
Eh?
"Bakit ba ang kulit mo? Nasa iisang bahay lang tayo so in-charge ako sa pagbabantay sa isang babaeng matigas ang ulo katulad mo!" ibinalik ko ang tingin ko sa kanya. Nanggagalaiti ang ngipin ko sa sobrang gigil. Ako pa talaga 'yong matigas ang ulo?!
"Augh! Shut up! Shut up! Aalis na ako kaya h'wag kang susunod!" at naglakad na nga ako, pero nagulat ako nang hilahin at itulak niya ako papunta sa kotse niya. "Ah! You know how to die?" sigaw ko habang sinusundan siya ng tingin na papunta ngayon dito sa loob ng kotse.
"Kung tatahimik ka diyan edi okay, pero kung hindi, bahala ka sa buhay mong mapagod kakasigaw" sabi niya nang makaupo na sa driver's seat.
Humarap ako sa kanya, "Bakit kasi bigla mo na lang akong ipinasok dito? Pumayag na ba ako?!" bulyaw ko. May student's license siya kaya hindi ko na kailangang mag worry, pero hindi pa rin pwedeng nandito ako. Ayoko s'yang sumama sa akin.
Hinarap ko ang katawan ko sa pinto at sinusubukang buksan ito, "Buksan mo itong pinto, Harvey!" utos ko habang pilit na binubuksan ang pinto. Bakit kasi ayaw mabuksan?!
"Kahit na ano'ng gawin mo, hindi mabubuksan 'yan, kaya manahimik ka na lang diyan pwede ba?" at pinaharurot na niya ang kotse, kumaway lang si Rain bilang pagpapaalam habang wala naman akong nagawa kundi ang mapasandal sa lean seat.
"What the f*ck..."