webnovel

The Writer's Story [Filipino]

Remaja
Sedang berlangsung · 71K Dilihat
  • 5 Bab
    Konten
  • peringkat
  • N/A
    DUKUNG
Ringkasan

THE ROMANCE NOVELIST SERIES STORY NO. 1 Writing will always be on top of her priorities. Ipinaglaban niya ito sa mga humadlang sa mga pangarap niya, including her family. She has a unique way on writing her stories, it is in a "special" research way. With a happy-go-lucky personality she was easily love by everyone. But there is a reason behind her facade. While he is a serious and mysterious drop dead gorgeous businessman. Fresh from his four year relationship break up. He is a good source of story, right? Isang writer na may kakaibang paraan ng pagsusulat. Isang taong pilit umaahon sa nasirang relasyon. Ang tanong: Can they save each other? Or not?

tagar
2 tagar
Chapter 1S I M U L A

***

Malamig ang hangin, indikasyon na malapit na ang pasko. Papalubog na ang araw ngunit hindi nito natinag ang isang lalaki. Nakatingin ito sa kabilang dulo ng malawak na lupain, nakapamulsa ito habang unit-unting naglalakad.

"May ligaw ka nanaman." Isang pilyong ngiti ang ibinigay ng binata. Tila ba inaasar niya ang kung sinoman.

"Ilang beses akong pumunta dito, lagi nalang may nauuna sa akin." Sabi nito habang dahan-dahang umupo sa damuhan. Itinaas pa nito ang mga puting rosas.

"Sabi ko naman sa'yo huwag kang magpapaligaw sa iba, diba?" May bahid ng kaunting selos at pagkamangha ang boses nito. "Alam mo namang seloso ako." Sabi pa nito.

Natahimik ang paligid. Dinadama ng lalaki ang lamig ng hangin.

🎶 "I take one step away. Then I find myself coming back to you. My one and only ... one and only you." 🎶

A sad smile crept on his face after singing his favorite song for her.

"Ang tagal na pala." sabi na naman niya pagkatapos ang mahabang katahimikan. "Ang tagal na pero ang sakit pa rin."

"Daddy, saan ko po ilalagay itong flowers?" tanong ng isang batang may mahabang pilik mata, maamong pares ng mga mata. Bilugan ang mukha nito at may itim na itim na buhok na umabot na sa may bewang nito.

"Lagay mo nalang dito, sweetheart." Nakangiti niyang sabi niya sa bata.

"You're always calling me 'sweetheart'. I told you call me 'baby', daddy." May bahid ng tampo ang boses nito ay may kasama pang tulis ng nguso. Sobrang cute nito sa paningin niya, para bang ang sarap nitong kurutin.

He can't stop himself, binuhat niya ito pagkatapos nitong ilagay ang mga bulaklak sa tabi ng bato. Hinalikan ang malalambot nitong pisngi habang tuwang tuwa siya sa pagtulis ng nguso nito.

Kamukhang kamukha mo siya. Bulong niya sa sarili.

"I want you to call me baby, daddy. But you always calling me sweetheart." Turan pa rin ng bata. Tila ba sobra ang pagtatampo nito sa tinawag sa kanya ng ama.

"But there is already someone I'm calling 'baby'."

"Who? Is she prettier than me?" inosente nitong tanong.

"Yes." Walang gatol naman niyang sagot.

"More adorable than me"?" Tanong ulit nito.

"Yes." Sagot niya ulit.

Makikita namang maluha luha na ang bata. Tila ba nasasaktan ito sa sinagot ng kanyang ama.

"D-do you… Do you love her than me?" Makikitang nagbabadya na ang luha sa mga mata nito.

Na tahimik naman ang ama nito.

"She came first, but … you're my everything." Sagot naman niya dito.

"I love you, daddy." Sabi naman nito at mahigpit siyang niyakap.

"I love you too, sweetheart."

"But who is she?" May halo pa din ng pagseselos sa boses nito.

"She's here. Naririnig ka niya." Nanlaki naman ang mga mata nito.

"Really? I want to see her! But I am sure I am much more awesome than her!" Nagpupumiglas ito sa hawak niya at nagpupumilit bumaba.

She ran from different angles, like finding some treasure.

"Daddy I want to meet her!"

"She's here."

The young girl keeps looking around until…

"Ow?!"

Anda Mungkin Juga Menyukai

CRUSH KITA ALAM MO BA {Book 1} (COMPLETED)

"Bamby!.." kahit sobrang basa na ako. Nilalamig na dahil kanina pa ako sa ilalim ng malakas na ulan. Nakaya ko pa ring tumayo at harapin ang taong tumawag saking pangalan. Hindi Bamby ang tawag nya sakin eh. Babe!. Bakit biglang nagbago?. Halos hindi ko na sya maaninag. Hapon na kasi kung kaya't madilim na ang paligid. Epekto ng malakas na ulan. Kinuyom ko ang palad nang matanaw kong palapit sya sakin. "Dyan ka lang!.." nanginginig kong sambit. Nag-init muli ang gilid ng mata ko. Hindi ko na kailangan pang magpanggap na hindi umiiyak dahil hindi naman iyon halata sa lakas ng ulan. Para ngang nakikisama sakin ang panahon. Nagdadalamhati rin sa unang pagkabigo ko. Dinadamayan ako. Sinasabing, umiyak ka lang para di masakit. Pero tangina talaga! Kahit anong iyak ko. Masakit pa rin eh. Sobrang sakit ng puso kong makitang unti unting nawawala ang taong pinangarap ko. "Babe?.." basag na rin ang kanyang boses. Isang pulgada pa rin ang agwat naming dalawa. Ngunit sa layo naming iyon, ramdam ko pa rin ang hindi ko maintindihan na presensya nya. Ang gulo. O ako ngayon ang naguguluhan sa lahat. "Di mo naman sinabi sakin na, ang tindi pala ng sikat ng araw sa inyo.." Tumingin ako sa kawalan. Natatawa. Baliw na yata ako. Pinunasan ko ang luhang naglandas saking pisngi. Di pa nga ata luha iyon eh. Kundi tubig ulan. Ganun na ako kalito sa nangyayari. "Ang init nyo masyado.... nakakapaso.." Wala na akong pakialam kung hinde nya maintindihan ang sinabi ko. Ang gusto ko lang ngayon, ay sabihin lahat ng gusto ko... sa huling pagkakataon.. "Babe?.." muli. Gumawa sya ng limang hakbang pero hanggang doon nalang sya dahil ayokong lumapit pa sya. "Dyan ka lang!." mariin kong banta. Natigilan sya. Nagmamakaawa ang kanyang mga mata. Pulang pula na rin ang kanyang ilong. Tanda na umiiyak rin sya. Hell! Wala akong pakialam. "Nangako ka hindi ba?.." suminghot ako. Sa wakas, nagkaroon ng lakas ng loob na tumingin sa kanyang mata. "Nangako ka sa akin?." hindi sya tumango o umiling o kahit na ano. Pinanood nya lang akong humagulgol sa unang pagkakataon. Bumuhos ang luhang kanina ko pa ayaw pakawalan. Hindi ko na kaya. Ang hirap. "Kumapit ako doon.. pinaniwalaan ko..pero anong ginawa mo?.." nanghina ang tuhod ko dahilan para mapaupo ako. At... doon umiyak ng umiyak. "Hindi ko alam..." "Anong hindi mo alam huh?.. Jaden, naniwala ako sa'yo.. bakit mo iyon sinira?.." Hindi sya makapagsalita. Huminga ako ng malaim bago muling tumayo. "Anong pakiramdam huh, masarap ba syang humalik?.." "Bullshit!!." malutong nitong mura. "Hindi ko yun ginusto.." dagdag nya matapos ang ilan pang mura. "Hindi ginusto pero pumayag ka!?.." mahina ngunit madiin ko itong ipinahayag sa kanya. Konting konti nalang, sisigaw na ako. Konting salita pa Jaden. Isa na namang mura ang pinakawalan nya. "Kaya pala hindi mo magawang tugunan ang mga tawag at text ko dahil masyado kang abala.." "Bamby, tama na..." mahinahon nynag himig. Di ko sya pinakinggan. Nagpatuloy lamang ako. "Mas masarap nga naman sya kaysa sakin..." "Sinabi nang tama na!!!.." sa unang pagkakataon. Nakita ko kung paano sya magalit. Ramdam ko ang apoy na nag-aalab galing sa kanyang mata kahit malamig ang bawat patak ng ulan. Galit ang namutawi sa kanya. Wanna read more?. Add this story in your library and see for yourself! You'll loved it!. Please Like, Comment And Share! Thank you!. Keep safe y'all!!!

Chixemo · Remaja
4.7
303 Chs

A House With Heartthrobs (Tagalog Version)

Si Kaoree Rogen ay simple lamang babae hangad niyang makatapos nang pag-aaral ngunit sa kasamang-palad ay may nangyari hindi inaasahan. Dahil rito tinulungan siya nang kanyang matalik na kaibigan, si Jez. Si Jez na naninirahan kasama ang apat pang mga lalaki. Doon ay tinanggap si Kaoree upang manilbihan at tumira sa iisang bubong kasama ang limang lalaki. Si Thaddeus, kilala bilang isa sa pinakagwapo at tahimik na lalaki sa kanilang lima. Sporty type siya at isa siyang introvert. Kabaligtaran niya ay si Latrelle, siya ay kilala hindi lang dahil sa ka-gwapuhan niyang taglay ngunit karamihan sa mga babaeng nagkakagusto sa kanya ay dine-date niya. Ang pinakaclose niya naman ay si Marcus , parehas silang makulit ni Latrelle kaya sila ang pinaka magkasundo sa lima. Hilig niya? Babae? Hindi. Mahilig siya sa paru-paro at adventurous siyang tao. Ang Heather nilang lima - Si Wyndery na sinalo ang lahat ng bagay na pinaka sa isang lalaki. Nasa kanya na ang talino, kabaitan at ka-gwapuhan. Ngunit ang kagandahan ay walang ibang sumalo kung hindi si Jez. Si Jezrielle, ang bestfriend ni Kaoree na hinding-hindi siya pababayaan. Nang makilala ni Kaoree ang apat na lalaki ay nagbago ang lahat. Lalo ng nahulog ang loob ng tatlo sa limang lalaki sa kanya. Ano nga ba ang mas mananaig? Ang pagkakaibigan, o ang puso? Ngunit paano na lang kung hindi lang pala iyon ang susubok sa kanila lalo na kay Kaoree? Pilit man na hindi alalahanin ang nakaraan ay sadyang binabalik ito ng tadhana. Ang nakaraan bang ito ang magiging sanhi upang magkawatak-watak sila o mas papatagin ang kanilang pagkakaibigan? -Writer: 4the_blg3, chasing_dreams a.k.a chace_gonzales

Chace_Gonzales · Remaja
Peringkat tidak cukup
17 Chs

peringkat

  • Rata-rata Keseluruhan
  • Kualitas penulisan
  • Memperbarui stabilitas
  • Pengembangan Cerita
  • Desain Karakter
  • latar belakang dunia
Ulasan-ulasan
WoW! Anda akan menjadi peninjau pertama jika meninggalkan ulasan sekarang

DUKUNG