webnovel

The Wrath Of Jupiter (Tagalog/Filipino)

Portia Jade Montenegro cares about only one thing, ang iahon ang kaniyang sarili sa kahirapan. She only wanted to earn money but who would've thought that she would earn the love and lust of his unpredictable and ruthless boss too?

Luzparadise_ · Masa Muda
Peringkat tidak cukup
13 Chs

Dose

"Alam mo, Portia, minsan iniisip ko na patagong nag resign si Mr. Dagon." Ngumuso si Selena bago tiningnan ako ng diretso sa mata.

"Wala kang makukuhang chismis sa akin, Selena." I sighed bago inayos ang nakakalat na mga papel sa desk ko.

"Wala ka ba talagang balita? Usap-usapan na kaya sa buong department ang misteryosong pagkawala ni Mr. Dagon. Lalo na nagkakagulo na dahil sa biglang pagkawala ng ilang milyon na funds ng kompanya!" She said while panicking. Napabuntong hininga naman agad ako.

Hanggang ngayon, hindi pa rin na re-resolba ang problemang umusbong noong nakaraan.

Ang mga investors ng kumpanya ay nagsisimula na na na kwestiyonin ang kakayahan ni Mr. Jaxon sa pagpapatakbo ng kompanya. Sinisisi nila si Mr. Jaxon na siya kuno ang dahilan kung bakit nawalan ng napakalaking pera ang kompanya. Hinahanap na rin nila si Mr. Dagon dahil naniniwala sila na kayang-kaya ni Mr. Dagon na maayos ang problema, hindi katulad ni Mr. Jaxon.

Sa totoo lang, naaawa ako kay Mr. Jaxon. Mr. Jaxon is trying his best naman. Walang ginawa kaya si Mr. Jaxon kundi mag trabaho ng mag trabaho, hindi na nga siya lumalabas sa opisina niya.

Minsan iniisip ko na inaanay na doon sa loob si Mr. Jaxon dahil sa ang tagal na niyang nakakulong doon.

Ayan, tingnan niya, sa sobrang pressure Mr. Jaxon isolated himself. Ang sasama talaga ng ugali ng mga tao na nasa kompanya. Palit kaya sila ng pwesto ni Mr. Jaxon, tingnan natin kung ano ang mangyayari.

Tapos itong kay Mr. Dagon naman halos mabaliw at pumuti na ang mga buhok ng mga empleyado niya na iniwan niya sa ere kung kailan siya babalik.

Nag tanan na talaga siguro sila ng fiance niya.

Marami nang nag pull out na mga investors, may mga petition na rin na nangyayari. Ewan ko ba sa mga taong 'to. Mas pipiliin ko na mas manatili nalang sa probinsya kesa makisali sa gulo ng mga mayayaman.

"At tsaka, Selena, ano ba ang ginagawa mo dito sa desk ko?" iritado kong tanong sa kanya. "Kitang ang dami dami kong ginagawa tapos kakausapin mo pa ako."

"Pwede ba, Portia? Huwag mo akong ma attitude-attitude diyan. Akala mo ba ikaw lang ang maraming ginagawa?" Pinag-ekis niya ang kanyang mga kamay. "Marami rin kaya akong ginagawa!"

"Oh! Eh, marami naman pala ba't ka pa andito sa harapan ko?" mabilisang sagot ko sa kaniya na sinuklian niya ng isang irap.

"Sus! Ede huwag!" Umakma siyang tatalikuran ako kaya humalakhak ako na mukhang ikinainis niya lalo.

"Wala talagang araw na hindi kayo nagbabayangang dalawa no?" singit ng isa pa naming kasama sa trabaho na si Irael.

Natawa naman ako habang si Selena naman ay nakasabungot pa rin. "Bumalik na kayo sa mga trabaho niyo, ibibigay ko pa 'to kay Sir."

Pagkatapos kung sabihin 'yon, mabilis akong tumayo habang bitbit ko sa magkabilang kamay ang mga papeles. Walang masyadong ganap sa buhay ko at buryong buryo na ako. Gusto ko rin naman ng kaunting adventure sa buhay ko pero mukhang ayaw talaga ako pasiyahin ng mundo.

"Sir," nagpaulan ako ng ilang katok sa pintuan ng opisina ni Mr. Jaxon.

Pagkatapos kung gawin 'yon ay hinintay ko siya na magsalita pero laking pagtataka ko ng walang sumagot. Kumatok ulit ako at naghintay pero hindi pa rin sumagot si Mr. Jaxon.

Nagpalinga-linga ako, nagbabasakaling may dumaan na ibang empleyado na pwede kong mapagtanongan kung andito ba sa loob si Mr. Jaxon pero walang dumaan.

Kung aalis man si Mr. Jaxon, pinapaalam naman niya sa akin 'yon pero ngayon wala akong ka alam alam kung nasaan siya.

Pero… baka nakatulog lang siya?

Bubuksan ko ba ang pintuan? Pero paano kung pagbukas ko, may ginagawa palang ritwal si Sir tapos papagalitan niya ako kasi nasira ko ang concentration niya?

O 'di kaya paano kung pagbukas ko ng pinto baka paulanan niya ako ng bala kasi 'di ko hinintay ang pahintulot niya?

Lakas rin naman kasi ng tama nitong si Mr. Jaxon kaya 'di ko alam kung anong gagawin ko.

"Bubuksan ko ba?" tanong ko sa sarili ko sabay luminga-linga ulit.

Pero paano kung may kumidnap pala kay Sir kaya 'di siya sumasagot sa tawag ko?

At dahil sa ideyang iyon, nakaramdam ako ng pagka taranta. Paano kung ganon nga? Kinagat ko ang labi ko bago dali daling tinulak ang pintuan ng opisina.

Bumungad sa akin ang isang tahimik at walang taong opisina na naging dahilan kung bakit kumunot ang noo ko.

"S-Sir?" kinakabahan kong pagtawag habang sinusubukan na maglakad lakad sa kabuuan ng opisina. Wala nga si Sir! Saan pumunta 'yon!?

Huwag niyong sabihin na sumunod din siya sa ginawang biglaang pag iwan sa amin ni Mr. Dagon!?

Mabilis ko na nilagay ang dala dala kong mga papel sa sariling desk ni Sir Jaxon bago nag tatakbo sa loob ng opisina niya sabay tingin sa mga ilalim at likuran ng mga sofa at lamesa nagbabasakaling mahanap siya doon.

Hanggang sa napalingon ako sa sariling desk niya. Dali dali akong tumakbo doon at sumilip sa ilalim ng desk niya at halos mawalan ako ng malay ng makita kong nandoon si Sir Jaxon. Hindi ko alam kung nawalan ba siya ng malay o tulog lang siya pero nakalumpasay siya sa sahig at nakapikit ang dalawang mata.

Napaluhod ako bago mabilis na pinapatayo si Sir Jaxon at pilit na ginigising siya. "Hala Sir! Gising! Gising!"

Pinasandal ko siya sa lamesa at tinapik-tapik ang kanyang pisngi. "Sir! Gumising kayo! Hala… Sir!" naiiyak kong sabi bago inaalog siya.

Ngunit kahit anong tapik at alog ko sa kanya hindi bumubukas ang mga mata niya. At sa sobrang pagka taranta ko, tumakbo ako palabas at nagsisigaw na kailangan ko ng tulong. Hindi rin naman nagtagal ay may nagsisipag takbuhan na sa akin.

Mabilis kami na tumawag ng ambulansya at halos tawagin ko na ang lahat ng santo at sa sobrang kaba ko, hindi lang ang lahat ng mga santo ang natawag ko pati demonyo. Panay mura ako habang tinatakbo namin palabas si Sir Jaxon na hanggang ngayon hindi pa rin nagigising.

"Kumalma ka nga, Portia!" Nag pa-panic na ani ni Selena. "Huwag kang panay tawag ng ambulansya, nakatawag na tayo at papunta na!"

"Eh ang tagal!" mangiyak ngiyak ko na sigaw sabay paypay kay Sir Jaxon na nasa gilid ko.

"Eto naman! Kalma nga sabi! Baka magaya ka rin kay Sir."

"Gago! Huwag kang ganyan mag-salita baka magkatotoo." Pinanlakihan ko siya ng mata bago binaling ang atensyon kay Sir Jaxon.

Lumuhod ako ng kaunti at pinagmasdan ang kabuuang mukha niya.

Halata ang pagod at stress sa mukha niya. Kulang nalang ay lagyan mo ng katagang stress at pagod ang noo niya para mas lalong halata. May bitak bitak na rin ang kanyang labi.

Wala sa sarili kong nakagat ang pangibabang labi ko, Sir Jaxon pushed himself to hard. Sana naman ay natulongan ko man lang siya ng kaunti.

Merry Christmas everyone!

Luzparadise_creators' thoughts