webnovel

The truth of Alehandra

CasterH0gwarts · Fantasi
Peringkat tidak cukup
28 Chs

Chapter 26-Conrad Cane

3rd Person's Pov

Maaga nagising ang lahat para maghanap ng mga ihahanda mamaya. Kasama ni Hema ang ibang kasambahay na bibili din para sa kaarawan ni hera. Ang dalawang kaibigan naman ni hera ay tumutulong sa mga ibang kasambahay kung ano ang magandang design sa Living Room at sa Dining Area. Pati na din sa grand staircase para maging si hera lang ang maganda sa paningin ng lahat. Kahapon, bumili na ng Ball Gown si fatima para sa kanila at sa kay hera. Ang susuotin ng lahat ng mga tauhan at imbitado sa kaarawan ni hera ay kulay puti. Si hera lang ang maiba mamaya sa kanyang espesyal na okasyon. Kulay Gold na BallGown na hanggang talampakan at mahaba ang nasa likuran na may simbolo ng kanilang Kaharian. (See the picture at the top)

Pagbalik nila hema sa palasyo ay talagang namangha ang mga kasambahay sa ginawa ng mga kasama nila at sa dalawang kaibigan ni hera. Nakakamangha ang mga Kandila na lumulutang sa ere pagkapasok mo palang sa living room na parang dinadala kanila sa Dining Area at ang Grand Staircase na may mga ilaw na nakapatong sa talampakan. Napakaganda ng Kaarawan ni hera. Kulang nalang si hera .

Excited-excited na ang dalawang kaibigan na makita ang reaksyon ng kanilang kaibigan mamaya. Kung Iiyak ba ito o maging masaya.

"HEMA!!" Tawag ni fatima sa kay hema na tumatakbo at niyugyog pa ang balikat niya. "Hema! Ano? Maganda ba ang design namin?" Excited na tanong ni fatima. Tumango naman si hema at ngumiti.

"Oo naman. Magugustuhan ito ni hera kung makikita niya." Sabi ni hema. Napatango naman si fatima sa sinabi ni hema at tumulong sa mga lulutuin.

"Saan ba si hera?" Tanong ni clarissa sa dalawa.

"Tolog pa ang kaibigan natin risa. Alam mo namang naghahanda na din siguro ang ating kaibigan mamaya. Wag nalang natin abalahin sa pagtolog niya. Mamaya pa naman hapon ang occasion." Sabi ni fatima sa kaibigan.

"Pero alam niyo ba. Parang ako ang kinakabahan mamaya. Parang may masamang mangyayari." Nakakunot noo na sabi ni rissa. Umirap naman si fatima .

"Ano kaba friend! Wag ka ngang OA. Walang may masamang mangyari kung nandito tayo para tulungan ang ating kaibigan. Kaya nani hera ang sarili niya. Dahil sa tulong natin." Sabi ni fatima at tinapik ang balikat ni clarissa.

"Ewan. Baka wala lang naman ito." Sabi ni clarissa.

"Wag niyo na nga yan isipin. Tayo na at magluto nanaman tayo." Sabi ni hema at pumunta na sa malaking kusina. Sumunod naman ang dalawa na walang magawa kahit pagod na sila sa kakadesign.

Sa kabilang banda naman ay hindi alam ng lahat na may umalis na palihim sa kaharian. Hindi alam ng lahat na wala pala ang reyna sa kanyang kwarto . Mas maagang nagising si hera dahil may pupuntahan siyang importante. dala ang puting kabayo na papunta sa kabundukan kung saan nakalibing ang kanyang mga minamahal.

Nakasuot siya ng puting balabal. Hindi makita ang kanyang mukha dahil natatakpan ng tela na tinakip niya para hindi siya makilala. Marami siyang nadaanan na bahay dahil ang daan na papunta sa kabundukan ay daan na papunta sa domisticus.

Maraming tao ang nakasalamuha niya pero patuloy lamang siya sa pagtakbo ng kabayo. ang dahilan niya kung bakit maaga siyang nagising ay ganun din ang gagawin ng kanyang mga kaibigan. Kaya hinintay niya ang oras para maunahan ang mga tao sa palasyo.

Nang makarating siya sa bundok na kung saan nakalibing ang mga katawan ng mga namayapa niyang ama't ina. Kasama na din ang lola niyang asawa ng kanyang lolo sysmeton. tumalon siya sa lupa at kinuha ang tatlong pares na bulaklak na inaalay niya sa kanyang pamilya. umupo siya sa tabi ng puntod at tumingin sa malaking lapida na kung saan nakasulat ang pangalan ng kanyang ama at ina.

"Dad, salamat po kahit wala na kayo sa tabi ko ay ginagabayan niyo pa din ako. Kahit hindi ko kayo nakikita ay nararamdaman ko naman kung gaano niyo ako kamahal. Araw na ng kaarawan ko dad. Isang taon na ang lumipas. Wag kayong magalala dad. Ipaghihigante ko kayo sa mga pumatay sa inyo. mahal na mahal ko kayo dad and mom gagawin ko ang lahat para ma isalba ko ang kaharian natin. Nagpapasalamat ako sa inyon na tinuruan niyo akong maging independent. sana sa araw na ito maging maganda man lang ang kaarawan ko. Walang problema. O baka ako ang problema sa kanilang lahat. At siya nga pala dad alam ko na din kung sino ang traidor sa ating pamilya. nakakalungkot lang na naging bahagi siya ng buhay ko pero nagawa niyang traidurin ang ating pamilya. wag kayong mag-alala dad and mom. Kaya ko na ang sarili ko. Sana maging masaya kayo sa akin dahil nakaya kong gampanan ang tungkulin bilang reyna ng alehandra." Sabi ni hera at tahimik na lumuluha . Sa isip niya Namimiss niya man ang pamilya ay wala na siyang magawa. Dahil wala na sila. Siya nalang at ang kanyang sarili ang makatulong sa kanya. Nagpapasalamat din siya dahil binigyan siya ng kaibigan na kahit anong problema nandiyan sila para sa kanya.

Pagkatapos niyang magsalita sa harap ng puntod ng kanyang mom at dad ay bumaling naman siya sa puntod ng kanyang lola.

Ngumiti siya . "Lola. Miss na miss ko na din kayo. Alam ko pong masaya na kayo ngayon dahil natupad ko ang pangarap niyo na maging reyna ako ng alehandra. Gusto ko po kayong pasalamatan dahil mula pagkabata ko ay palagi niyo akong ginagabayan." Tumigil sa pagsasalita si hera nang may naramdaman siya sa malayo. "Lola, kailangan ko na pong magtago. May paparating." Sabi ni hera at dali-daling nagtago sa malaking puno at dinala ang kanyang kabayo sa isa pang puno.

Isang itim na kabayo ang dumating at may nakasakay na tao . Sa isip ni hera ay lalaki ito. Dahil sa tindig ng tao ay malaki ang pangangatawan. Nagtataka siya kung bakit may napadpad na lalaki dito sa bundok kung saan ang kanyang pamilya lang ang nakakaalam.

Tahimik na tumalon ang lalaki galing sa kabayo at umupo din kung saan ang puntod ng kanyang lola esmeralda. Tahimik niyang nilapag ang bulaklak sa puntod ng kanyang lola.

Wala naman narinig si hera sa lalaki at walang pasabi ay umalis naman kaagad ito. Hindi makilala ni hera ang lalaki dahil sa suot na balabal na kulay itim. walang itong desenyo katulad nang sa kanya may kulay ginto na Simbolo. Ang sa lalaki ay plain black lamang.

Ilang oras ang inukol ni hera sa bundok at hindi man lang siya nakaramdam ng gutom hanggang sa naramdaman niyang mainit na ang sinag ng araw. sa isip niya ay hapon na pero hindi man lang siya nagpasya na umalis kundi ay tahimik niya lang tinatanaw ang kalawakan at sa malayo ay kitang-kita dito ang kanyang kaharian na kung saan madami ang lumilipad sa himpapawid na mga puting kabayo at meron din mga Carriage na lumilipad!

Habang tinatanaw ang kaharian ay biglang nanlaki ang kanyang mga mata dahil biglang pumasok sa isip niya na may planong maghanda ang kanyang kaibigan para sa kanya.

Dali-dali siyang sumakay sa kanyang kabayo at pinatakbo ito ng mabilis. Nang makarating siya sa domisticus ay nakita niya ang maraming kawal na parang may hinahanap. Siguro nagpapanic na ang lahat dahil nawawala ang kanilang reyna.

Hema's Pov

Hapon na nang pagisipan naming tatlo na bibihisan na namin si hera.  Magkasama kaming tatlo na tinatahak ang daan papunta sa kwarto ni hera. kumatok kami pero bukas naman ito. Siguro nagahahanda na si hera para mamaya. Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan at lumuwa sa amin ang ayos na ayos na higaan ni hera.

Nagtinginan kaming tatlo. nagkibit-balikat si fatima at parang namomoblema na ang mukha ni clarissa.

"Hera?!" Tawag ko pero wala namang sumagot.

Pinasukan na namin lahat ang pwede niyang pagtaguan baka pingt-tripan lang kami ni hera. Pero wala. Wala kaming hera na nakita. sinubukan din na sulungin ni fatima ang tubig sa jacuzzi baka raw natotolog nanaman ulit si hera. Pero wala din.

"Sabi ko na nga ba. Kanina ko pa yan nararamdaman."sabi ni clarissa.

"Alam ko na! Mag transform ka sa pagiging dragon mo hema at hanapin mo si hera. Tayo namang dalawa ay sumakay sa kabayo." Sabi ni fatima at tumango naman kami. Lumabas ako sa malaking Veranda ni hera at nag transform bilang dragon.

Nang makalipad ako ay nakita ko naman ang dalawang kabayo na sinasakyan nila fatima at clarissa. Sa likod dumaan ang dalawa habang ako ay sa harap. nakita ko ding marami na ang dumadating na imbitado sa kaarawan ni hera.

Mabilis akong lumipad sa himpapawid alam ko kung saan mahahanap si hera. Alam ko. Dahil...

Ayun! Nakita ko siyang nakasakay sa kabayo na pabalik dito. Lumipad ako sa ibabaw niya at nagulat pa siya sa presensya ko.

nang makarating kami sa palasyo ay sa likuran siya dumaan para hindi siya makita ng mga tao na hindi pa siya nakabihis. Bumalik ako sa pagiging tao at mabilis na sumunod sa kay hera.

narinig ko ding bumalik na ang dalawa dahil sa ingay ni fatima na sumisigaw kung nandiyan na ba si hera.

"Hema! Nandiyan na si hera?" Sigaw niya ulit kahit malapit nakami sa isa't isa parang nabasag pa yata eardrums ko. Pumikit ako at tumango sa kanya.

Kahit kailan talaga si fatima ang lakas ng bibig niya. Hayy

Fatima's Pov

Napakatigas talaga ng ulo ni hera na yan! Akalain mong hanggang umaga pala ay lumakwatsa ang babaeng yun. Wala man lang siyang pasabi ang nakakairita pa ay hindi pa siya kumakain hanggang ngayon. Nalipasan na siya ng gutom.

Pagkapasok ko sa kwarto niya ay nadatnan kong naliligo na siya sa loob ng CR.

"Hera!!" Sigaw ko sa pintuan ng CR.

"Ano?!" Sigaw niya din pabalik sa akin, aba't!

"Aba't hoy! Anong pinanggagawa mo sa buhay at napagdesisyunan mong magpalipas ng gutom! Saan ka ba pumunta mas importante ba iyon kaysa sa birthday mo?!" Sigaw ko ulit.

Narinig ko namang pinatay niya ang faucet sa loob at binuksan ang pintuan na naka bathrobe na siya. seryoso ang mukha niya. napalunok naman ako. Pero hindi ako nagpatinag.

"Pinuntahan ko sila daddy at mommy. Ngayon sabihin mo sa akin kung sino ang mas importante?" Malamig na tanong niya sa akin. nagulat naman ako. at ngumiti ng pilit.

"Eehhh.. hindi kana man agad nagsabi eh. Alam mo namang concern lang naman kami sa iyo diba." Mahinang sabi ko. Nakita ko namang umirap siya sa akin at pumunta sa table kung saan doon siya aayusan. Ang damit niya ay andun pa sa mannequin na malapit lang sa closet niya.

Kakapasok lang ni hema at nakabihis na din siya. umalis na din ako para magbihis sa sariling kwarto namin ni clarissa na isa sa mga guest room.

Nakita ko namang nakabihis na din si clarissa at nagaayos na ng kanyang mukha. Ako nalang pala ang hindi pa tapos. dali-dali akong naligo at nag-ayos na din. Ako kase ang mag entertain ng mga bisita at si clarissa naman ay sa dining area. si hema naman ay sasamahan lang si hera kung saan pupunta. Sana lahat ay pinoprotektahan. Pwe!

3rd Person's Pov

Mag-uumpisa na ang kaarawan ni hera. lahat ng imbitado ay nakatayo na sa Hall kung saan makikita ang Grand staircase at kung saan diyan nila makikita mamaya na baba ang Reyna ng Alehandra. Ang alam ng Reyna ay hindi pupunta ang kanyang Lolo sysmeton. But all of the higher to lower Council are here in Aleha Kingdom and Broze Carson was with them. He's lolo are known as the highest council because of his age. 75. He was cold outside but deep inside gusto niyang makita ang kanyang apo na maging masaya sa buhay. Gusto niyang maging strikto ang pakikitungo kay hera para pag nawala na siya sa mundo na kanilang ginagalawan ay kaya na ni hera ang kanyang sarili.

Sa kabilang banda naman ay pumasok ang tatlong Pamilyang Deavore kasama ang babae na pinapangalanan na katherine. na nagpakilala bilang fiancé ni clover. As usual, Clover was wearing a white suit with peacock feathers. Her partner katherine wearing a white long gown tube. simple but elegant.

"Welcome Deavore's Family" sabi ni fatima sa kanila. Tumango naman sila sa isa't isa pero umirap si cleve kay fatima. Sa isip ni fatima ay 'supladong cleve che!'

sunod na pumasok ang pamilya nina clarissa at fatima. they're family wearing a simple cocktail dresses. Hindi nagpapahalata na mga marangyang pamilya sila.

Ngumiti nang malapad si fatima nang makita ang mama at papa niya na seryoso na naglalakad kasama ang cute na cute na kapatid niyang lalaki na nakasuot din ng suit na puti pero nakasimangot ito. Meron ding bulaklak ang kanyang kamay. 

"Ma. Pa." Sabi ni fatima sa kanyang pamilya na halata na pinaglihi sa masamang loob. Seryoso padin ang kanyang pamilya kaya bumaling siya sa kanyang kapatid. "Hi baby. Is that for me?" Tanong ni fatima sa kapatid. Kumunot naman ang noo ng kapatid niya.

"This is not for you woman. and don't call me baby i'm not a baby anymore." Masungit na sabi ng bata kaya natawa ang pamilyang Deavore sa kanila. napairap naman si fatima at pinagpatuloy ang pagpasok sa mga imbitado.

Sumunod naman kaagad sa kanila ang mga gryffindor's na parang ngayon lang nakakita ng mga tao dahil sa tingin nilang nagtataka. Nakaputi na bistida ang mga babae at ang mga lalaki naman ay naka puting shirt and short.

"Ikinagagalak ko ulit kayong makita mga friends!!" Tiling sabi ni fatima kaya napatawa lahat ang gryffindors.

At ang panghuling pumasok ay ang mga tauhan ni Haring Zegundo. Hari ng Karagatan. napalunok pa si fatima ng makita ang malalaking katawan ng mga tauhan ni Zegundo. Nakasuot lahat ng tauhan ng Puting long sleeve at nakabukas pa ang dalawang butones sa ibabaw kaya kitang-kita ang mga maskuladong dibdib nila. umiwas naman ng tingin si fatima at tumingin sa huling pumasok.

He's wearing a white Long suit at may design na blue waves. Siya lang yata ang hindi sumunod sa imbitasyon na plain white dapat. ang buhok niya ay kulay asul na nakapag attract sa lahat ng kababaihan ngayon sa palasyo.

"Magandang Hapon Haring Zegundo! Masaya po kaming nakapunta ka at magiging masaya si hera na makita ka ulit." Nakangiting sabi ni fatima. Tumango lamang si zegundo at pumunta sa mga nagkukumpulan na mga tao.

nandiyan na ang lahat sa loob ng palasyo kung saan ang mga imbitado lamang . Sinarhan kaagad ng mga kawal ang malaking pintuan at nakahinga naman ng maluwag si fatima na tapos na ang gawain niya. Sa isip niya 'parang nasira ang beauty ko sa ginawa ko!' At tatawa siyang nakihalubilo sa mga tao na kakilala niya.

Ilang minuto ang nakalipas ay lumabas na ang kanang-kamay at may dalang papel . Ngumiti siya sa lahat at nagsimulang magsalita.

"Good afternoon! Since everyone is here, Let's Welcome our Queen, Hera Estacolino Queen of Alehandra!" pagkasabi ng kanang kamay na yun ay biglang nabukas ang malaking pintuan kung saan nakatayo si hera na naka ngiti . suot ang Tiara's crown at ang mala gintong ball gown na bumagay sa kanya. marami ang namangha sa kagandahan ng Reyna ng Alehandra. nang dahan-dahan na naglakad si hera sa grand staircase ay isa-isang nag ilaw ang kandila na bawat tinatapakan niya. kaya parang umilaw din ang mga diamonds sa gown ni hera.

Sa mga nagkukumpulang tao ay Palihim na nakangiti ang lalaki sa dulo kasama ang mga tauhan niya ay naging alerto na sila para agad na makuha ang babae.

pagkatapak ni hera sa huling hagdan ay umilaw nanaman ulit ang lahat na kandila na lumilitaw sa ibabaw ng mga tao. muling namangha ang lahat sa nakita. nang makaupo na si hera sa kanyang trono ay ganun nalang ang pagkabigla ng lahat nang may sumabog sa labas ng palasyo. Nagsigawan ang mga napuruhan sa labas at ang mga tao sa loob ay naging alerto lamang kung may susugod na kalaban . Kampante ang lahat dahil sa may mga kapangyarihan ang lahat na nasa loob.

Ilang segundo ang lumipas ay nakarinig sila ng nakakakilabot na kidlat at kulob na nanggaling sa labas. Bagay na alam ni hera kung sino ang gumagawa ng gulong ito. Tumayo si hera para tumulong dahil kaharian niya ang pinasabog.

"Wag pabayaan ang Reyna!" Sigaw ng kanang-kamay. Kaya lahat ng kawal ay binantayan si hera.

Sumabog ulit pero mas malapit na siguro kaya natumba ang lahat sa pagsabog. natumba ang reyna pero hindi siya agad nakahawak sa makakapitan niya kaya nabunggo ang batok niya sa upuan at kinuha siya ng isang kawal na nagpanggap lamang ito.

And everything went black

~~~

Hera's Pov

Nagising ako sa sinag ng araw kung saan nakatutok sa mukha ko ang init. Bumangon ako at humikab. Kinusot ang mata at tumingin sa paligid. Iba na yung suot ko na damit.  asul na bistida na ang suot ko. At doon ko lang naman na hindi ko ito kwarto. lalabas na sana ako pero naka-lock ang pintuan.

Pumunta ako sa bintana at nakalock din ito. napabuntong hininga ako. Walang magawa. Bumalik nalang ako sa higaan at nagisip ng paraan pero sumasakit lang yung ulo ko sa kakaisip kung ano ang gagawin ko. Siguro ang mga counselor ay nagpaplano nanaman na paalisin ako bilang reyna ng Alehandra. Dadami na din ang magsasabi na wala akong kwenta. Hayy..

Humiga ako ulit at pumikit.

Ilang minuto ang nakalipas sa paghihiga ay narinig kong binubuksan ang pintuan. napabangon ako ulit at naging alerto kung sino man ang papasok.

Tinawag ko ang Kapangyarihan ng tubig at gumawa ng water sword. dahan-dahan na bumukas ang pintuan at lumuwa sa harap ko ang isang babae na inaakala ko ay kasambahay ko sa palasyo ay hindi pala .

"Anong ginawa mo sa akin?! Ikaw ba ang may pakana nito?" Sigaw ko sa kanya at tinutok ang espada sa harap niya. napalunok naman siya. Umiling siya kaagad.

"H-hindi po kamahalan. Napag-utusan lang po ako na magbantay sa inyo sa palasyo. kasambahay lang po ako dito." Sabi ng babae na hindi ko naman kilala.

"Dalhin mo ako kung saan ang iyong hari." Malamig na sabi ko. nilapag niya ang tray na dala niya at umiling sa akin.

"Pasensya na po pero dapat na kumain po muna kayo." Sabi ng babae at aalis na sana nang pigilan ko siya.

"Hintayin mo ako at dalhin mo ako kung sino ang may pakana nito." Malamig at matigas na sabi ko. Tumango naman siya at umupo sa dulo. Pumunta naman ako sa maliit na mesa at umupo sa upuan. nagdadalawang isip na kainin ang pagkain.

"Wag po kayong mag-alala kamahalan. Wala yang lason." Sabi ng babae pero hindi ko siya pinansin. Sinimulan kong kagatin ang akrne at masarap naman siya. Parang nalipasan yata ako ng gutom. Kanina nakaramdam din ako ng pagsakit ng ulo at sakit ng tiyan. pero okay na ngayon.

Pagkatapos kong kumain ay nagpahinga muna ako at tumingin sa babaeng nagbabasa ng libro. Sa edad niyang bata pa at ayaw ko man aminin ay maganda siya. Hindi halata na kasambahay ang ginagawa niya dito.

Tumingin siya sa orasan at tumingin siya sakin. Tinaasan ko siya ng kilay. Ngumiti siya at naunang buksan ang pintuan. sumunod naman ako at lumabas na din.

Pagkalabas ko ay nakita ko ang maraming kawal na nagbabantay sa akin. Halata na natatakot na mawala ako sa kwartong iyon. umirap ako at tahimik na sumunod sa babae.

Mahaba ang pasilyo. Pasikot2 ang daan. Nakakahilo na din. maraming pinto ang makikita mo puro kulay itim pa. nakakasuka ang kulay itim.

Maglipas ang limang minuto na pasikot2 namin ay huminto ang babae sa harapan ng isang malaking pintuan hindi katulad sa iba na maliit lamang. Pero ito, malaki siya na kahit 20 na tao pa ang magkasabay na pumasok. Kumatok ang babae ng tatlong beses at bumukas naman agad ito. nakakakilabot pa ang pag tunog ng pintuan. Parang multo ang makikita mo sa loob. Parang ano ba tawag don? Ah! Horror room nababasa ko iyon sa mga pinapadala na libro ni Clover saakin noon una pa. pero ngayon.. hays.. oo na! Nagsisisi na ako.

Pumasok ang babae sa loob. Pero ako ay nakatulala lang sa madilim at nakakakilabot na kwarto o ano man ito. pati ang loob ay nakakatakot. Baka pagpasok ko diyan eh mamatay na ako sa takot dahil may multo. tumingin sa akin ang babae na nagtataka. wala na akong magawa kundi ay pumasok. napasigaw pa ako nang biglang sumara ang pintuan. Humawak ako sa babae kahit ayaw ko ay wala na akong magawa dahil nadadala ako sa takot na nararamdaman.

"Ngayon ko lang nalaman na ang isang reyna ay may kinakatakutan din pala."natatawang sabi niya. kumapit ako sa kanya ng mahigpit. Gustuhin ko mang sakalin ang babaeng to na wala man lang respeto sa akin. Tinawanan pa ako. pumikit nalang ako nang magsimula siyang maglakad. Wala akong makita kundi ang mga ilaw na patay'sindi tapos itim na pader. Masikip ang lagusan kung saan man ito patungo.

Ilang minuto ang nilakaran ulit namin ay nakarating kami sa isang pinto ulit na Ginto na pero may naukit na Throne room. Grabe naman tong throne room ni silver. Tsk! Nakakahilo. Nakakapawis. at nakakatakot.

Biglang nagsalita ng latin words ang babae. at biglang umilaw ang pintuan. Napapikit ako sa sinag na nanggaling sa pinto at bumungad sa akin ang dalawang trono ay may nakaupong lalaki na sigurado ako na si silver ito.

Hindi ko makita ang kanyang mukha dahil nakayuko ito. naglabas ako ng kapangyarihan pero nagtaka ako nang walang lumabas sa aking kamay.

"Wag ka na pong magtangka na ilabas ang kapangyarihan mo kamahalan. Dahil nandito tayo sa ilalim ng lupa kung saan na kinikilala niyong Dark world." Sabi ng babae kaya tumahimik nalang ako. Kaya pala.. sumasakit din ang ulo ko sa atmosphere dito. Dahil nandito talaga kami sa ilalim ng lupa.

Tumingin ulit ako sa lalaking nakaupo sa trono. Nakatakip pala ang kanyang mukha at nakasuot ng itim na pang haring Damit. abo din ang kanyang mga mata. Malamig at kitang-kita sa mga mata niya ang galit habang nakatingin sa akin.

Hindi naman ako nagpatinag tinignan ko din siya ng masama. Kung hindi ko magagamit ang aking kapangyarihan ay kaya ko siyang kalabanin sa pisikalan pero hindi ko pa din kaya nandito ako sa kanilang mundong ginagalawan. Pero ang ipinagtataka ko ay parang may gustong lumabas sa katawan ko. Ang init sa pakiramdam kahit nakabistida ako ay mainit pa din.

Pumunta kami sa harapan niya at yumuko ang babae sa kanya na hindi ko pa din kilala.

"Magandang araw kamahalan. Pasensya na po sa istorbo pero gusto niya po kayong makita." Nagulat ako nang naging malamig ang boses ng babae. Ibang-iba kanina sa kasama ko kanina lang.

Tumango ang tinatawag niyang kamahalan at tumingin sa akin. Ulit! Kanina pa siya tingin ng tingin sa akin. Gusto niya ba ako?! Yuck!

"Anong kailangan mo sa akin?" Malamig na tanong ko. nabigla naman ako nang biglang umitim ang kanyang mata. Shit! Ano yan!? Impyerno na ba ito? Pero kalaunan ay bumalik naman ulit sa abo ang kanyang mga mata.

"Kamusta.... hera...?" Kahit ang kanyang boses ay parang tumagos sa loob-looban mo. Boses palang parang sinasakal na ako. At oo alam ko! Hindi... hindi siya si silver! Sa kalooban ay naramdaman kong masaya ako na hindi si silver ang hari ng dark world pero nakalimutan ko na ba kaagad na muntik niya nang ipahamak ang buhay ko sa karantaduhang ginawa niya?! Alam ko na kasama parin siya dito sa dark world.

"Sino ka?" Madiing sabi ko. Kumuyom ang kamao ko hindi sa galit kundi sa may gustong lumabas sa katawan ko. Parang hinihele ako sa sakit . Parang nanunuot ang mga buto ko. at nanlalabo ang mata ko.

Dahan-dahan niyang hinubad ang nakatakip sa mata niya. at nagulat ako sa nakita.

"Lolo sysme?!" Gulat na sabi ko. Kahit nahihilo na ako ay hindi ako magkakamali na siya si lolo. Tumawa naman siya ng malakas. At nag echo pa yun sa loob ng throne room.

"Matanda na ang lolo mo sysme pero ako ay bata pa." Sabi niya. Napahawak naman ako sa aking noo nang sumakit ang ulo ko.

"Sino kaba talaga at ano ang kailangan mo?!" Sigaw ko at pumikit ng mariin na may lalabas na talaga sa katawan ko.

"Kinakamusta lang naman kita pero bakit parang galit ka? Kung gusto mo akong makausap ng matino ay bumalik ka sa totoo mong ugali. Yung kilala kong hera na hindi matamlay at masayahing bata. Ang gusto kong makita ay ang hera na Walang pakialam at patayan lang ang iniisip." Mahabang sabi niya. Napaupo na ako sa sakit na nararamdaman. Biglang dumilim ang paningin ko kaya pumikit ako at biglang namulat. Nagulat ako sa nakita. pula ang nakikita ko sa paligid. no! Anong nangyayari sa akin?! :(

"Yan nga hera! Pakawalan mo ang matagal ng natotolog na totoong hera!" sigaw ng hari.

Magsasalita na sana ako nang walang may lumalabas na boses. Pumikit ako at sa isang iglap ay lumabas na lahat ang kanina ko pang pinipigilan. parang nabuhayan ang kalooban ko. Parang matagal na akong patay na muli lamang na buhay.

Ang mas kinagulat ko pa ay pumalakpak ang lalaki sa harapan ko.

"Yan ang gusto ko! Maligayang pagbabalik hera! Baka nakalimutan mo ang pangalan ko ay ako pala ang tito mo na anak ni Lolo sysme na tinatawag mo...

Ang pangalan ko ay si Conrad Cane Cross." Nakangising sabi ng lalaki. wala man lang akong sinabi pero naramdaman ko ang bibig kong ngumisi din pabalik sa kanya.

At wala na akong makita pa.