webnovel

The Story Of You And Me (The Last Book) GxG COMPLETED

She is a famous lawyer. A gorgeous, smart, brave and seductive young lawyer, to be exact. Siya ay si Alice Saavedra, mas nakilala pa dahil madalas, mga sikat na celebrity ang kanyang nagiging kliyente. Ngunit sa kabila ng pagiging matagumpay nito sa kanyang career at buhay, ay mayroon pala siyang tinatagong lungkot sa kanyang puso. Sa madaling salita, isa siyang hopeless romantic. And worst of all, she is waiting for someone to come back to her life. Isang tao na matagal na siyang piniling kalimutan. Raven Delo Santos, she is not as famous as the others. Ngunit sa puso ni Alice, siya parin ang panalo. She came from a rich family. The sole heir of all the wealth of her parents. Na muling mag babalik sa Pilipinas para gampanan ang kanyang tungkulin bilang taga pagmana. Sa muling pagbabanggaan ng kanilang mga mundo, mayroon pa kayang second chance na naghihintay para sa kanila?

Jennex · LGBT+
Peringkat tidak cukup
16 Chs

Chapter 37

Now playing: Breathless by Shane Ward

Alice

"Alice!"

"Alice, wait!"

Kahit na patuloy kong naririnig ang pagtawag ni Raven sa aking pangalan ay hindi ko parin ito magawang lingunin.

Akala ko kasi magiging panatag na ako, na magiging maayos na ako kung sakali man na muli kaming magkita at makita kong masaya na siyang muli.

Pero, ang siste! Hindi parin pala. Nasasaktan lang ako. Naninikip lang ang dibdib ko.

At sa dami ng lugar sa Pilipinas, dito pa talaga kami muling magkikita?

Pumunta ako rito para magsaya at mag enjoy. Hindi para muling makita ang Ex-girlfriend ko at masaktan lang ako.

"Alice."

Natigilan ako noong mayroong biglang humigit sa braso ko atsaka mabilis akong iniharap sa kanya.

Napahinga ako ng malalim bago muling napalunok. Napasulyap ako sa likod nito, kung saan nakabuntot din sa kanya ang kanyang girlfriend, fiancee or... whatever.

Muling sinalubong ko ang mga mata nito na hindi ko maitatanggi na sobrang namiss kong titigan.

Pilit na binigyan ko ito ng matamis na ngiti upang itago ang totoong nararamdaman.

"Y-You look good together." Utal na komento ko nang tuluyang makalapit ang kasama nito sa amin.

Nagtatanong ang mga mata na tinignan ako ni Raven.

Habang iyong kasama naman niyang babae na nakaka insecure kung tignan dahil sa kanyang taglay na sobrang kagandahan, eh napatawa bigla dahil sa sinabi ko.

May nakakatawa ba akong nasabi? Hmp.

"What are you talking about?" Singit na tanong nito sa amin. Bago napangisi.

Hindi ko alam pero bakit kahit pag ngisi nito eh katulad ng kay Raven?

"You must be the EX?" Sabay lingon nito kay Raven na tila ba kinokompirma pa kay Raven kung tama ba ang kanyang tinutukoy.

Nagkibit balikat lamang si Raven bilang sagot sa kanya.

Awtomatiko naman na napa 'O' ang labi noong babae. Pagkatapos ay muling ibinalik ang mga mata sa akin. Nakakalokong tinignan ako nito mula ulo hanggang paa.

Hindi ko mabasa ang kung ano mang iniisip niya ngayon. Baka nilalait na ako nito hindi ko pa alam.

"Turuan mo nga ako kung paano mambabae?" Mabilis na binatukan ito ni Raven kaya naman agad siyang napa nguso at napahilot sa parte ng kanyang ulo na nasaktan.

Parang gusto ko tuloy ang matawa dahil sa naging itsura niya.

"Puro ka kalokohan." Inis na sambit ni Raven.

"Why? You have a good taste in women. Look at her!" Sabay baling nitong muli sa akin. "Ate, bakit mo ba kasi siya pinakawalan pa?" Nag-uusap sila na tila ba wala ako sa kanilang harapan.

Mapapairap na sana ako nang...t-teka nga...ATE?!!

Tama ba ako ng pagkakarinig? Tinawag niyang ate si Raven?

Eh ang pagkakaalam ko, only child lang si Raven huh!

"Teka ka nga." Singit ko sa kanilang dalawa. Sabay naman na muling napalingon ang mga ito sa akin.

"Tinawag mong ate si Raven?" Hindi parin makapaniwala na tanong ko sa kasama ni Raven.

Mabilis na Napatango ito. "A-Akala ko--"

"Akala mo girlfriend niya ako?" Putol nito sa akin pagkatapos ay napahagalpak ng tawa. Iyong tipo na napapahawak pa sa kanyang tiyan.

Awtomatiko ko rin tuloy na naramdaman ang pamumula ng aking mga pisngi, dahil sa kahihiyan na inakalang kasintahan nga ito ni Raven.

Isang matalim na tingin ang ibinigay ni Raven sa kanya dahilan upang mabilis itong matigilan.

"Pfftt. S-Sorry." Pigil na tawa parin na paumanhin nito.

"I'm Honey Delo Santos." Pagpapakilala nito bago inilahad ang kanang kamay. "I am Ate Raven's cousin."

Honey...

Now it makes sense. Kaya naman pala...napapatango na sabi ko sa aking sarili.

Para kasi siyang isang mini Raven eh.

Magsasalita na sana akong muli nang maunahan niya ako.

"Ate Alice, right?"

Napatango ako.

"Kilala mo ako?" This time siya na naman ang napatango. Napapa iling na lamang si Raven sa aming dalawa, lalo na sa kanyang pinsan.

"You are the reason why my Ate Raven is still single and does not want to get married." Paliwanag niya na agad naman na sinuway ni Raven.

"Can you please go home now?" Pakiusap ni Raven sa kanyang pinsan. Ngunit matigas na napailing naman ang isa.

Pagkatapos ay mabilis na lumapit ito sa akin bago napakapit sa braso ko na para bang close kaming dalawa.

"Patawarin mo na si Ate Raven, please?"

Imbis na mainis eh natatawa na lang ako sa kakulitan niya.

"Honey Cierra!" Saway muli ni Raven sa kanya. But this time, mayroon nang nakakamatay na tingin si Raven na ibinigay sa kanya.

Agad na binitiwan ako ni Honey at pagkatapos ay napanguso. "Fine! Basta ate huh!" Hindi nakaligtas sa aking paningin ang lihim na pagkindat nito kay Raven bago ito tuluyang umalis sa aming harapan.

Napapatawa at napapailing na lamang ako sa kanilang dalawa.

----

"Kumusta? /Kumusta."

Chorus naming dalawa ni Raven pagkatapos ay natawa sa isa't isa.

Isa sa nakakatawa talaga na part kapag naging ex mo na ang isang tao eh 'yong magkukumustahan kayong muli.

Of course, para alamin ang mga nangyari sa buhay ng bawat isa habang hindi kayo magkasama. Tama?

We are now at TOPS Lookout where you can see the nice view during the sunset time because you will witness the transformation of daytime to twilight and also the view of street lights.

Raven brought me here to witness this breathtaking scene at night here in Cebu. Sa ngayon eh walang masyadong mga tao ang nandito, sariwa ang hangin at talagang may panahon upang mabigyan namin ng oras ang isa't isa.

Kapwa kami natahimik muli habang pinagmamasdan ang nagkikislapan na tanawin sa aming harapan.

"How's married life?"

Mabilis na muling nagbaling ako ng tingin sa kanya. Hindi ko alam na nasa akin na pala nakatutok muli ang kanyang mga mata.

Muling nagsalubong ang aming paningin bago ako napalunok dahil sa katanungan niya.

"Married life." Pag ulit ko sa tanong niya, napatango siya.

"Is it husband or wife?"

Hindi ko mapigilan ang magpakawala ng isang malutong na tawa dahil sa muling katanungan niya. Nagtataka naman ang mga mata na tinignan niya ako sa aking buong mukha.

"Are you serious?" Tanong ko. Ngunit nanatili lamang itong nakatitig sa akin.

"Okay." Napatikhim ako bago itinaas ang aking kamay sa ere na mayroong suot na singsing. "I'm not married yet. I bought this ring and wore it for my own reasons." Paliwanag ko sa kanya.

"And what are those reasons?" Curious parin na tanong niya. Hays. Bakit hindi niya magets? Hmp!

"To make people think I'm married? So no one can flirt with me anymore?" Patanong na sagot ko rito.

Hindi nakaligtas sa aking paningin ang pagkagat nito sa kanyang labi, lalo na ang pinipigilan nitong pag ngiti.

"What about you? Are you single, engaged or---"

"Hanggang ngayon ikaw parin." Putol nito sa akin dahilan upang matigilan ako.

Awtomatiko rin na bumilis ang pagtibok ng aking puso noong marinig ang mga kataga na sinabi nito.

Sandaling napa sulyap ako sa kanyang mukha upang makita ang kanyang itsura, pero shit lang!

Seryoso talaga siya sa mga sandaling ito.

"Ang sabi ko, kapag nagkita tayong muli, ibig sabihin lamang 'non ay tayo talaga ang para sa isa't isa." Dagdag pa niya. "And I will immediately seize that little chance just so you can be mine again."

Napalunok ako. Nang maraming beses at talagang mariin. Kasi ako mismo, sinabi ko rin 'yon sa sarili ko.

Sinabi ko na kapag muli kaming magkita, at kapag alam kong pwede pa, hindi ko na sasayangin pa ang pagkakataong iyon.

A playful smile drew to my lips as I stared at her face.

"So paano ba yan? Single parin ako." Tukso ko sa kanya.

"Bakit?"

"Anong bakit?"

"Bakit single ka parin hanggang ngayon?" Tanong nito.

"Eh ikaw, bakit single ka pa rin naman---"

"Because you're still single. Wala akong mahanap na ibang makapareha, ikaw lang." Muling putol nito sa akin dahilan upang maramdaman ko ang pamilyar na kiliti sa aking sikmura na tanging kay Raven ko lamang nararamdaman.

Napakagat ako sa aking labi bago napatawa ng mahina.

Muling nagbawi ako ng aking mga mata at napa tingin sa kalangitan.

I can't explain exactly how I feel in these moments. I feel like I'm fireworks exploding in the sky. So much happiness and excitement surrounds me right now and it's all just because of one person.

Because of Raven.

"Alice?" Muling pagtawag nito sa pangalan ko.

"Hmmmm?"

Hindi muna ako muling nagbaling ng aking mga mata sa kanya at mas pinili na lamang na hintayin ang susunod na sasabihin nito.

May katagalan bago muling nagsalita ito.

"Pwede bang tayo nalang ulit?"

At doon, dahan-dahan na muling sinalubong ko ang nagsusumamo at magagandang mga mata nito. Ang nakakapanghina na mga titig nito.

Nanghihina ang buong katawan ko sa paraan nang pag tingin niya sa akin ngayon. Punong-puno iyon ng pagmamahal at pananabik.

Bumaba ang mga mata ko sa kanyang mapupulang mga labi. I really want to kiss her right now.

Ngunit pinanatili kong kontrolado ang aking sarili.

"Hmmmm...p-pag-iisipan ko."

Iyon na lamang ang tanging lumabas sa mga labi ko.

Dahil sa sinabi kong iyon ay awtomatiko na napangiti siya.

"Kapag pinag isipan mo pa, ibig sabihin lang 'non kasal na ang kasunod ha." Ganting tukso niya dahilan upang mamilog ang mga mata ko.

"What?!"

"Yes." Napapatango at natatawa na sagot niya habang tinitignan ako ng nakakaloko.

"Ang tukis mo ha!" May hinagpis na sambit ko ngunit muli itong napatawa.

"Mahal mo parin naman ako diba? Kasi ako, oo."

Oh my ghad! Bakit masyado siyang straight forward kung magsalita ngayon? Nakakapanibago. Nakakagulantang 'yong matatamis na salitang lumalabas sa labi niya.

Parang anytime soon mahihimatay ako dahil hindi na kinakaya pa ng aking puso ang katamisan niya.

Pagkatapos noon ay hindi na ako muling nagsalita pa. Kahit na gustong-gusto ko na siyang bigyan ng kasagutan, hindi ko pa rin ginawa.

Hanggang sa nagpasya na kaming umuwi na dahil baka hinahanap na rin ako ng aking mga kaibigan. Tiyak na pagkakaguluhan na naman nila ang bagay na ito oras na maibalita ko sa kanila.

Handa na kami sa pag-alis, nauna na rin si Raven ng ilang hakbang sa akin nang mapahinto ako sa pag lakad.

Pinagmamasdan ko ang magandang likod nito nang muli siyang mapaharap sa akin. Nagkatitigan kami sa loob ng ilang segundo bago ako muling nag salita.

"P-Pwede bang...pwede bang umu-o na agad sayo ngayon?"

Napakunot ang noo nito.

"Huh?" Naguguluhan at tila ba hindi ako narinig nito.

Napa irap ako.

"Ang sabi ko, pwede bang umu-o na agad ngayon? Ganon din naman eh, doon din naman tayo pupunta. Mahal pa natin ang isa't isa, magiging tayo naman ulit, diba? Bakit pa natin patatagalin." Walang preno at dire-diretsong pahayag ko.

Hindi ito nagsalita. Sa halip ay napatawa na lamang na tila ba kinakabahan at pagkatapos ay napatulala sa aking mukha.

"U-Umu-o saan?" Tanong nitong muli bago napalunok.

Tinitigan ko ito ng maigi sa kanyang mga mata bago sinabi na..

"Na magpakasal sa iyo."

Halatang nagulat ito sa sinabi ko. Bumukas ang kanyang bibig ngunit walang salita ang kumawala mula roon.

Napatawa siya at pagkatapos ay napapahilamos ng kanyang palad sa mukha.

Nagpalinga-linga rin ito sa paligid na animo ay may hinahanap.

"Stay here." Utos niya at handa na rin sa pag-alis. "Just stay here okay? And I'll be right back."

Pagkatapos niyang sabihin iyon ay mabilis na niya akong tinalikuran. Agad siyang nagtungo sa unahan kung saan mayroong apat na magkakaibigang babae. May kinausap siya sa mga ito at may bagay na inabot rin sa kanila. Hindi ko na makita mula rito kung ano ang bagay na iyon.

Malawak ang ngiti na muling bumalik siya kung nasaan ako.

"I'm sorry. I'm not prepared so, ito nalang muna." Napapalunok na wika niya.

Natigilan ako noong makita sa kanyang kamay ang hawak nitong singsing. Hindi ko rin mapigilan ang mapatakip ng aking bibig.

Agad na nagsimulang maglaglagan ang mga luha sa aking pisngi.

Noon ko lamang napagtanto kung ano ang bagay na inabot niya sa isang babae.

It's money.

"Raven, b-binili mo 'yong singsing?" Hindi makapaniwala na tanong ko sa kanya.

"Yeah, I think it fits on your finger." Muling saad pa niya. Para siyang isang inosenteng bata na nasa harapan ko ngayon.

Napatawa ako ngunit lumuluha. "Raven...you're such! You're such arghhh!" Hindi ko na mapigilan pa ang patuloy na pagtulo ng aking mga luha.

It wasn't because of the ring but because of the effort she made. She wasn't ready so she didn't have a ring, nor did she expect us to meet again, but she still made a way just to be able to propose properly.

"What?" Tanong niyamg muli. "When you propose, shouldn't there be a ring? I just--"

Hindi ko na hinintay pa na patapusin siya. Basta ko na lamang itong hinila mula sa kwelyo ng kanyang coat atsaka siya mariin na hinalikan sa kanyang labi.

We're in real life and I know we're not in a fairytale love story where the characters have a perfect happy ending, but because of what Raven did, I felt we deserved to feel that way too.

We also deserve a happy ending....

And they will still have a happy ending after all. Mag diwang na ang dapat mag diwang! Hahahaha! Last chapter na ba ang next chapter? Oh wait, there's two more! And 1 special chapter! Yay! :)

Jennexcreators' thoughts