webnovel

CHAPTER 10

RANZ POV

Nagising ako ng maramdaman kong may humahalik sakin. Dahan-dahan kong minulat ang mata ko at bumungad sakin si Sofia na nakangisi.

"Stop it Sofia." Antok pang sabi ko at tinalikuran siya para matulog sana ulit. Pero hindi siya tumigil at naramdaman ko pang nakapatong ang kamay niya sa alag ko. "I said stop it Sofia." Inis na sabi ko pa.

"Fine! Uuwi muna ko samin." Narinig ko pang padabog niyang sinarado ang pinto. Kaya napadilat ako ng mata.

Mula ng makauwi kami kagabi ay wala na ko sa mood sa lahat ng bagay. Iniisip si Zoey kung maayos ba siyang nakauwi. Aminado akong masakit yung mga nasabi kong salita pero hindi ko sinasadya. Hindi ko nga ba sinasadya?!

Alam ko ring nasaktan siya na pinagbintangan ko agad siya hindi ko nga naman alam kung ano yung unang nangyare kaya bakit sinisi ko siya agad. Alam ko ring may kasalanan si Sofia, dahil kilalang kilala ko na ang ugali niya mean girls kumbaga. Hindi ko nga alam kung bakit ko siya minahal dati. Alam ko sa sarili kong hindi ko na siya mahal dahil si Zoey na yung nandito sa puso ko, pero paano? Paano ko malalapitan ulit si Zoey? Siguro mag uumpisa muna ako kay Sofia, dapat siguro na makipag break na ko sa kanya.

Bumangon na ako at naligo. Pagkaligo ay agad din akong bumaba at tumambay sa Living Area para hintayin si Zoey at makapag sorry sa kaniya.

Lumipas ang isang oras at wala pa ting Zoey na dumadating. 9 am na nasan ba kaya yon?

"Good morning little Sis." Pilit ang sayang bati ko kay Niña na pababa ng hagdan pero hindi niya ko pinansin at nag diretso papuntang Dining.

Napabuntonghininga pa ko, at naghintay pa ng ilang oras pero sumapit na ang tanghali ay wala pa ring Zoey na djmarating.

"Nato." Sigaw ko pa. Agad namang lumapit si Butler Nato.

"Ano po yon Sir?"

"Tawagan mo si Zoey, tanong mo kung bakit wala pa siya dito." Seryosong sabi ko. Nakita ko pang nag dial siya ng number bago ilagay sa tenga niya sa cellphone.

"Sir, out of coverage."

"Akin na ang number niya ako ang tatawag." Agad niya pang  inilahad ang cellphone niya at pagkakuha ko ng number ay dinial ng paulit ulit ang number niya pero out of coverage talaga.

Nagsimula na kong kabahan ng hindi ko ap rin siya makontak. Nakauwi ba siya ng maayos kagabi. Ramdam ko na rin ang pag bilis ng tibok ng puso ko sa kaba. Inis na binato ko pa ang cellphone ko at napahawak sa bridge ng ilong ko.

"Bakit mo binato?" Napatingin pa ko kay Niña na pinulot ang cellphone ko at pinakita sakin na basag na ang screen.

"Hindi ko makontak si Zoey." Walang ganang sagot ko. Nginisian niya pa ko at pumamewang sa harap ko.

"Bakit mo naman siya kokontakin?"

"Para papuntahin dito! Stop asking Niña, sumasakit ang ulo ko." Pigil ang inis na sabi ko pa.

"Huli ka pala sa balita Ranz." Kunot noo ko pa siyang tinignan at yung na naman ang maldita niyang tawa. "Hindi na papasok si Ate Zoey dito. Hindi na siya babalik dito. Hindi mo ba alam?" Nang aasar pa na sabi niya.

Naramdaman ko na naman ang kirot sa dibdib ko. Parang gustong lumabas ng luha sa mata ko pero pinigilan ko 'to. Dahil ba sakin kaya hindi na siya babalim dito? Isipin ko palang na hindi ko na siya makikita nasasaktan na ko. Gusto kong saktan yung sarili ko dahil sa mga nasabi ko sa kanya. Dahil din sakin hindi na siya babalik.

Agad na dinampot ko ang jacket ko ng mapagpasyahang puntahan si Sofia sa Condo unit niya. Alam ko naman na don siya pupunta at hindi sa kanila.

Nang marating ko ang tapat ng unit niya ay kakatok na sana ako ng makitang hindi nakasarado ng maigi yon.

Walang pag aalinlangan na pumasok na ako sa loob at kitang kita ko pa ang kababuyan na ginagawa ni Sofia. Nakapatong siya sa lalakeng nakahiga sa couch niya. Animoy sarap na sarap pa si Sofia na minamasahe ang sariling dibdib niya.

Bakit nga ba nagtiwala ako ulit sa babaeng to? Pero nakakatawa lang isipin na wala akong maramdaman na sakit sa dibdib ko kundi pandidiri.

"Sofia." Seryosong tawag ko pa. Napabalikwas pa ang lalake at mukhang natakot na dali-daling sinuot ang damit at tumakbo palabas ng condo unit.

"R-Ranz let me explain."

"Wala ka ng dapat i-explain Sofia, kitang kita na ng dalawang mata ko." Natawa't napailing pa ko. "Its okay. Nandito lang din ako para makipag break. Hindi na pala ikaw ang mahal ko." Seryosong sabi ko biglang tumigas pa ang anyo niya bago tumawa ng malakas.

"At sino ang mahal mo Ranz? Yung Zoey na yon? Well pareho lang kayong mahina hahahaha! Kung ano ano na ang sinabi ko hindi man lang natinag kung hindi ko pa sabihin na malandi ang Mom niya hindi pa lalaban hahahahaha!" Nagpantig ang tenga ko at nasampal siya ng malakas. Lagapak siya sa sahig pero hindi mab lang natinag. "Ganon na ba ang gusto mo ngayon Ranz ang walang experience? How about ipa-gang rape ko kaya siya." Niyuko ko siya dahil sa sinabi niya at hinawakan ng madiin ang buhok niya.

"Don't you dare Sofia, kung ayaw mo makita ng maaga ang inpyerno." Malakas ko pa siyang binitawan at tinalikuran na para sana umalis.

"Oh i love hell Ranz, and i'm excited to see hell. Let's see." Napailing ako hindi na siya sinagot at dire-diretsong lumabas.

Baliw ka na Sofia!

Nag drive ako papunta kila Zoey at ng marating ko ang kanto nila ay agad akong bumaba ng sasakyan at pumasok sa lugar nila.

Ramdam ko pa ang tingin ng mga taong nadadaanan ko. Pero hindi ko sila pinansin. Kailangan ko ng makita si Zoey, wala pang isang buong araw na hindi ko siya nakikita miss na miss ko na siya.

Nang makarating ako sa kanila ay sumilip agad ako sa tindahan nila at nakita ko pa don ang Mommy niya.

"Oh iho, anong ginagawa mo dito?" Lumabas pa ang Mommy ni Zoey sa pintuan at pinapasok ako. "Tuloy ka, upo ka muna kukuha lang kita ng maiinom." Pagkaupo ko sa sofa nila ay iginala ko pa ang paningin ko sa kabuuan ng bahay nila.

Nung unang punta ko dito hindi ko napansin na malinis pala ang bahay nila kahit maliit lang. Kompleto pa sa gamit at nakasalansan ang mga picture ng maayos.

"Uminom ka muna iho." Inabutan niya pa ko ng juice at umupo sya sa harapan ko. "Anong meron at naparito ka? Ikaw lang ba mag isa?" Magkasunod pang tanong niya.

"Opo. Gusto ko po sanang makausap si Zoey, nandito po ba siya?"

"Ay wala siya dito. May raket daw siya kasama si Aron at bukas pa ang uwi." Nag igting ang panga ko ng marinig ko ang pangalan ng lalakeng yon. Unang kita ko palang don ay alam ko ng pinopormahan non si Zoey.

"Saan daw po? At anong raket po?" Pilit pinapakalma ang sarili na tanong ko pa.

"Hindi niya sinabi kung saan, ang sabi niya lang malayo kaya bukas pa sila makakauwi. Hindi mahilig mag sabi si Zoey kung ano yung mga pibapasok niyang trabaho natatakot kasi siya na mag alala ako. Nung kinuha mo nga siyang driver hindi niya sinabi sakin kay Aron ko pa nalaman." Napahawak ako sa bridge ng ilong ko sa sobrang inis.

Sumama siya sa lalake ng 2 days at malayo pa. Damn! Zoey papatayin mo ko sa pag alala.

"Matigas lang ang ulo non pero napakabait na bata non." Sabi pa ni Tita napatingin pa ko sa kanya. "Alam mo bang nung magkasakit ako wala na kaming pera non dahil naitulong namin kila Mang karding, pumasok ba naman sa pagboboxing maipagamot lang ako sa magandang hospital. Awang-awa ako sa kanya non nung makita kong may mga galos siya sa mukha. Lagi niyang iniisip ang kapakanan ng iba bago ang sarili niya." Sa mga sinasabi ni Tita ay lalo na kong nasasabik makita siya.

"At nalaman ko na...  Nasaktan mo pala siya." Kinabahan ako ng matindi. Baka ipalato niya sakin si Zoey hindi ko kaya.

"S-Sorry po Tita."

"Hindi naman ako galit sayo." Sabi pa niya na nginitian ako. "Ang sabi niya pa kanina bago siya umalis... handa na siyang i-let go ka kung don ka sa girlfriend mo masaya." Kumirot nga matindi ang dibdib ko. Papakawalan niya ko. Hindi niya ko ipaglalaban. No! Hindi ko kaya.

"Nakipag break na po ako sa girlfriend ko. Siya po talaga ang mahsl ko." Pinipigila ko pa ang sarili ko na wag umiyak.

"Wag mo sakin sabihin yan. Kay Zoey mo sabihin kasi nung sinabi niya kanina yon nakita ko sa mata niya na pursigido na siya g kalimutan ka."

"No. Tita please! Hindi ko kaya... tulungan niyo po ako kay Zoey please." Hindi ko na napigilan na pumatak ng luha ko. Napabuntong hininga pa siya.

"Wala kasi akong magagawa dyan... pasensya ka na, kay Zoey mo sabihin lahat ng gusto mo sabihin papakinggan ka niya. Pero... hindi ako nakakasigurado na Tatanggapin ka niya." Tuluyan ng gumuho ang mundo ko.

Paano pag hindi niya ko tinanggap paano na ko? Hindi ko na kayang mawala siya. Mamamatay ako.

"Ang pinakaayaw kasi sa lahat ni Zoey ay yung ginagawa siyang option. Meron siyang ugali na pag ayaw sa kanya hindi niya na ipagpipilitan ang sarili niya. Nung panahon kasi na iniwan kami ng Daddy niya hindi niya ko hinayaang mag makaawa sa Daddy niya ang sabi niya pa yung mga ganong tao ay hindi worth it ipaglaban. Eh naramdaman na niya sayo yon."

"Ano pong dapat kong gawin?" Kinakabahang tanong ko.

"Siguro ang maipapayo ko lang sayo, magpakatotoo ka pakita at iparamdam mo na mahal mo talaga siya."

Pagtapos namin mag usap ang nag paalam na ko at sinabing babalik ako bukas.

Pagkarating sa bahay ay walang lakas kong naihiga ang sarili ko sa Sofa.

Hindi ko alam kung anong gagawin. Ngayon palang natatakot na kong i-reject niya ko. Pakiramdam ko hindi ko kakayanin yung sakit.

Walang gana pa akong kumain at umakyat sa kwarto para maligo at matulog. Maaga pa ko bukas. Kailangan ko na siyang makita. Pakiramdam ko nanghihina ang katawan ko pag hindi ko suya nakikita.

Nag isip pa ko ng mga pwede kong gawin para tanggapin niya ko ulit bago lamunin ng antok at nakatulog.