(Casa Pineda, Upper East Side Condominium, 9 pm)
(Third Person's POV)
"ATE Courtney, sinubukan ko talagang magpaliwanag. I did everything, pero hindi siya naniwala sa akin. She's freaking mad at me."
Napabuntung-hininga na lang si Courtney sa mga sinabi ni Eunice.
"Listen to me, baby girl. Please, be strong. No matter what happens. Be strong. Wala na tayong magagawa. Andyan na eh. Nangyari na ang hindi dapat mangyari. Nasaktan talaga si Charlize and we cannot blame her in the first place." malumanay na sabi ni Courtney.
"H-hindi ko naman sinasadya eh."
"I know, Eunice. And I know how she's very important to you." sabay yapos ni Courtney sa balikat ni Eunice.
"A-ano nang gagawin ko ngayon?" confused na tanong ni Eunice sa kausap.
"Just don't give up on her. Galit siya ngayon, pero hindi naman natin siya masisisi dahil natural lang na magalit siya sa ginawa ninyo ni Timothy. But I know, someday, dadating din yung time na kapag nailabas na niya ang lahat ng sama ng loob niya, makikinig siya sayo. She'll give you a chance." sabi pa ni Courtney.
"Sana nga, Ate. Sana nga mangyari ang sinasabi mo. Sana magkaayos pa kaming dalawa ni Charlize."
"Mangyayari yun, Eunice. Mangyayari yun. So please, don't cry. Don't cry. Ate Courtney is here for you." sabay yakap ni Courtney sa luhaang si Eunice.
"Sana wag tuluyang masira ang friendship nilang dalawa." ang tanging naibulong na lang ni Courtney sabay pakawala niya ng isang malalim na buntung-hininga.
(Casa Yunon, Upper East Side Condominium, 9:30 pm)
(Third Person's POV)
* BZZT. BZZT. BZZT. *
Nakatitig lang si Charlize sa kanyang smartphone. Paulit-ulit na nagtatangkang tumawag sa kanya si Eunice pero hindi niya ito pinapansin. Sariwa pa rin sa isipan niya ang harap-harapang pagtataksil sa kanya ng dalawa.
"Kumain ka muna, Liz. I brought your favorite coffee cake and pomelo juice to make you feel better."
Napatingin siya sa pamilyar na boses na yun at nakita niya ang kaibigang si Kyle na inilalapag na ang tray na may lamang pagkain sa table ng sala.
"Thanks, Kuya Ky." pasasalamat ni Charlize sa binata.
"Your welcome, Liz." nakangiting sagot ni Kyle. "Anyways, almost one-hundred missed calls na siya ah. Hindi mo man lang ba sasagutin ang tawag niya?"
"Para saan pa, Kuya Ky?" wala sa sariling sagot ni Charlize.
"I'm not taking any sides here, yet, okay?" at napabuntung-hininga si Kyle. "Alam kong masama ang ginawa sayo nina Eunice, lalo na ng palikerong Timothy na yun. Maybe you should give her a chance. For the sake of your friendship."
"Chance? Na ano? Na saktan at lokohin ulit nila ako, ganun?"
"At least, let Eunice explain her side, because we both know na malalim ang pinagsamahan ninyong dalawa. And come to think of it, hahayaan mo na lang bang masira ang friendship ninyo ng ganun-ganun na lang?" sabi pa ni Kyle kay Charlize. "Mag-usap muna kayong dalawa bago ka mag-decide."
Napabuntung-hininga si Charlize sa mga sinabi ni Kyle.
"O-okay, Kuya Ky. I'll try my best. Pero hindi ako mangangako sayo o kay Ate Courtney na magkakaayos kami ni Eunice ng basta-basta. Sana maintindihan mo ako." diretsahang pahayag ni Charlize.
"I understand you, Charlize. Wag kang mag-alala, kung anuman ang magiging desisyon mo, susuportahan ka namin ng Ate Courtney mo, no matter what happens." sabay tapik ni Kyle sa balikat ni Charlize.
"Thank you, Kuya Ky. You're the best." and she tried her best to smile.
Muli na namang nag-ring ang smartphone ni Charlize. Agad niyang kinuha ito pero imbis na sinagot niya ang tawag ni Eunice ay nagpadaan siya ng chat sa Messenger sa account ng dating kaibigan.
To @EuniceG:
Meet me tomorrow at the school cafeteria at 12 noon. Hihintayin kita bukas.
Chat sent.
Saglit pa silang nagkausap ni Kyle, pero imbis na nakatuon ang atensyon niya sa kausap ay iniisip na niya kung paano niya sisirain at pababagsakin si Eunice sa buong Hereux Academy maging sa mga miyembro ng Upper East Side Club.
(Casa Pineda, Upper East Side Condominium, next day)
(Third Person's POV)
"ATE COURTNEY! Ate!"
Napalingon si Courtney sa pinanggalingan ng boses na yun. She saw Eunice. Nakangiti ito sa kanya.
"Oh bakit? Anong meron?" tanong niya rito.
"Pumayag na makipagkita sa akin si Charlize." masayang sabi ni Eunice.
"Really?!" at napapalakpak sa tuwa si Courtney. "I told you. Kailangan nyo lang magpalamig pareho." sabay tapik niya sa balikat ni Eunice.
"Sana nga maayos pa namin ang friendship namin." punung-puno ng pag-asa na nasabi ni Eunice. "But from now on, wag na wag ka munang magkukwento kay Kuya Kyle ha, o sa kahit na sino. Kahit kina Mommy. Let me fix this first." at napangiti si Eunice. "Kakausapin ko si Charlize. Magiging okay din kami."
"Of course, magkakaayos kayong dalawa. Don't worry, baby girl, ipagdadasal ko na mangyari ang hinihiling natin. Pangako yan." sabay yakap ni Courtney kay Eunice. She hugged her back, habang dala-dala niya ang pag-asa na sana'y magkaayos pa sila ni Charlize at manumbalik pa ang dati nilang samahan bilang magkaibigan.
(Hereux Academy, lunch break)
(Third Person's POV)
(Cafeteria)
KANINA PA hinihintay ni Charlize ang pagdating ni Eunice sa cafeteria. Marami nang mga estudyante sa cafeteria kaya hindi na niya gaanong makita ang mga estudyanteng pumapasok sa loob.
"Nasaan na kaya ang malanding yun? Tinubuan na kaya siya ng kahihiyan sa katawan?" sarcastic na bulong ng dalaga habang pinaglalaruan ang straw ng iniinom niyang juice. Kasabay nun ay muling nagbalik sa alaala niya ang araw na nakipaghiwalay si Timothy sa kanya.....nang dahil sa best friend niya.
(Flashback.....three days ago)
"I'M BREAKING UP WITH YOU, CHARLIZE."
Natawa si Charlize sa sinabi ni Timothy, ngunit sa isip niya ay hindi maganda ang kutob niya.
"W-what did you say?" natatawang sabi niya.
"Charlize." at napabuntung-hininga si Timothy. "I know you gonna hate me forever for this. But I want to be free."
Sa kabila ng pagkagulantang ay nakuha pang ngumiti ni Charlize sa kanyang boyfriend.
"W-wait babe, is this some kind of a joke?" at tuluyan nang bumagsak ang mga luha na kanina pang nagbabadya sa mga mata niya. "I know you're pranking me. I know you're pranking me." sabay tawa niya. "Ahm. W-where's the camera? Diba na sayo yun?" at para siyang baliw na nagpaikut-ikot sa paligid ng garden. "S-somewhere here.....I guess. A-ahm....."
"Charlize." sabay hawak ni Timothy sa magkabila niyang mga balikat. "I'm serious."
That shuts her.
"R-really? You're serious? A-as in?" at tuluyan nang napahagulgol si Charlize.
"I'm sorr---"
* SLAP! *
Isang malakas na sampal ang natikman ni Timothy mula sa galit na galit na si Charlize.
"C-Charlize.....matagal kong pinag-isipan ito. At hindi naging madali para sa akin.....to come up with this decision."
Umiiyak na napailing-iling si Charlize sa mga sinabi ni Timothy.
"I'm sorry. I'm sorry Char----"
"No. No. No! You're not going to break up with me! Do you understand?!" at luhaang lumabas ng garden si Charlize.
(End of Flashback)
"Hayup ka, Timothy. Pati na rin ikaw, Eunice. Mga hayup kayong dalawa. Hinding-hindi ko kayo mapapatawad sa ginawa ninyo sa akin." nagtitiim sa galit na bulong ni Charlize.
Sa kabila ng matinding galit na nararamdaman niya ay pinilit niyang pakalmahin ang kanyang sarili. Nagpatuloy siya sa pagmamasid sa pinto ng cafeteria pero hindi pa rin niya makita si Eunice. Hanggang sa may nakita siyang nag-aaway na magkasintahan sa loob mismo ng cafeteria. Nagpupumilit na makipaghiwalay ang lalaki habang halos maglupasay na sa pagmamakaawa ang babae. Habang nakatitig siya sa mga yun ay muli na namang nagbalik sa alaala niya ang araw na nagmakaawa siya sa dating kasintahan na balikan siya nito.....
(Flashback.....yesterday)
"TIMOTHY, please, let's talk." sabay hila ni Charlize sa damit ng lalaki.
"C-Charlize. What are you doing here?" gulat na tanong ni Timothy sa kanya.
"Hindi ko alam kung bakit ka nakipaghiwalay sa akin, pero kung may nagawa man akong mali, I'm sorry. I'm so sorry. Babawi ako sayo. Promise. Just don't leave me. Please." pagmamakaawa niya sa dating nobyo.
"C-Char---"
"I'm really sorry. Just give me another chance. Please." pakiusap pa niya rito.
"Charlize, please don't do this to yourself. I hate to see you like this."
"Timothy, mahal kita. Mahal na mahal kita. Alam mo yan. Wala akong pakialam kahit magmukha pa akong tanga sa harapan mo, just please, give me another chance." at tuluyan na siyang lumuhod sa harapan nito.
"Charlize....." sinubukan siyang itayo ni Timothy pero nagmatigas siya.
"I want you back! Please! I want you back!" humahagulgol na pakiusap niya sa lalaki.
"Charlize, I wish it was that easy."
"Bakit? H-hindi mo na ba ako mahal?"
"Charlize, please---"
"W-we just broke up in three days, tapos ni kahit konting feelings mo para sa akin, nawala agad? Bakit? May iba ka na ba? Ha?"
Natahimik si Timothy sa mga sinabi ni Charlize.
"Ano? Sumagot ka. May iba ka na ba?" ulit pang tanong niya. Imbis na sumagot si Timothy ay nagmamadali itong pumasok sa condo unit.
"SILENCE MEANS YES!" at tinangkang hilahin ni Charlize si Timothy pero nagpumiglas ito sabay pasok sa loob ng condo unit.
"Timothy, please, don't do this to me! Please, Timothy! TIMOTHY!!!!!" at pinaghahampas ni Charlize ang pinto ng condo unit ng lalaki. Nung napagod na siya sa paghampas sa pinto ay nanlulumo na lang siyang napaupo sa sahig habang umiiyak.
(End of Flashback)
Dahil hindi na makayanan ni Charlize ang mga nakikita niya ay napatayo na siya sa kanyang upuan. Mamagitan na sana siya sa nag-aaway na magkasintahan nang biglang mahagip ng kanyang mga mata ang taong kanyang hinihintay.
Si Eunice.
"Finally, the slut is here. I swear, you'll surely regret the day you betrayed me." at isang mapang-uyam na ngiti ang rumehistro sa kanyang maamong mukha.
Bumalik si Charlize sa kanyang pwesto at kinuha sa ilalim ng table ang isang box ng cake. Tumayo siya at prenteng lumapit kay Eunice, dahilan para mabaling ang atensyon ng mga estudyante sa kanila. Using her calm and loving voice, tinawag niya ang pangalan ng dating kaibigan.
"Eunice."
Dali-dali itong napalingon at napangiti nang makita siya.
"C-Charlize!" sabay lapit nito sa kanya. "Hindi mo alam kung gaano ako kasaya na pumayag kang makipagkita sa akin. Para naman maayos na natin ito."
"I see." and Charlize faked an innocent smile. "Anyways, I have a cake for you."
"Naku, hindi ka na dapat nag-abala." ani Eunice.
"No. I insist." sagot ni Charlize, with matching fake smirk.
"Ikaw talaga, Charlize. Hindi ko naman deserve yan." nakangiting sabi ni Eunice.
"Yes, you do. Para talaga sayo yan. Buksan na natin?"
"Sure." at nagmamadaling kinuha ni Eunice ang box ng cake na hawak ni Charlize sabay lapag nito sa mesa.
"Thank you, Eunice. But please, let me open it to you." at binuksan na ni Charlize ang box. Agad niyang inangat ang cake na nasa box at ipinakita yun kay Eunice.
"Here. Read this." sabay pakita ni Charlize sa nakasulat sa cake.
- CONGRATULATIONS FOR STEALING MY BOYFRIEND, SLUT. -
"C-Char----" at hindi na nakapagsalita pa si Eunice nang harap-harapang itapal ni Charlize ang cake sa mukha niya, dahilan para mapasinghap sa gulat ang mga estudyanteng nasa paligid nila.
"Yan. Yan ang nababagay sa malanding kagaya mo. Do you think, makikipag-ayos ako sayo ng basta na lang? Kulang pa yan sa lahat ng kawalanghiyaang ginawa mo sa akin." Charlize said angrily.
"C-Charlize....."
"Don't you dare to call my name, you slut!"
That shuts Eunice. Ang mga estudyanteng nakapaligid sa kanila ay kanya-kanya nang bulungan at tsismisan habang may iba naman na kinukunan na ng video ang eksena sa pagitan nilang dalawa.
"Ano? Masakit ba? Masakit bang masampal ng katotohanan?" and Charlize smirked devilishly. "You deserve it, dahil yun ang totoo. Malandi ka. Plastik ka. Traydor ka. Wala kang kwentang kaibigan!"
"That's not true, Charlize. That's not true." at tuluyan nang kumawala ang luha sa mga mata ni Eunice. "Kung alam mo lang, pinilit ko ang sarili kong layuan si Timothy dahil ayokong masaktan ka. Hindi ko ginustong mahulog ang loob ko sa kanya, maniwala ka."
"Wag mong gawing excuse ang katangahan mo dyan sa kalandian mo!" at hindi na napigilan pang maging emosyonal ni Charlize. "How many times you lied to me, Eunice?! How many times did you pretend na wala kang alam?! Yung mga time na tinatanong kita kung nasaan ka dahil kailangan kita?! Sobra akong nasasaktan nang dahil kay Timothy! But all this time, kayo palang dalawa ang magkasama!"
"H-hindi ko alam kung paano ko aaminin sayo ang totoo dahil ayokong masaktan ka."
Natawa si Charlize sa mga sinabi ni Eunice.
"Hahaha! Really? Concern ka na masasaktan ako, ganun? Ang sabihin mo, hindi mo maamin ang totoo dahil guilty ka! Deep inside, you want to spend time with my boyfriend, dahil kating-kati na nang agawin siya sa akin!"
"Wala akong inagaw sayo!" Eunice exclaimed. "Believe me, Charlize. Kahit itanong mo pa kay Timothy! Ginawa ko ang lahat para layuan siya, para sayo!"
"Hindi na ako maniniwala pa sayo." nagngingitngit na sagot ni Charlize. "Parehas kayong mga manloloko. In fact, bagay na bagay kayong dalawa. Kaya magsama kayo!"
"Bakit ba kahit anong paliwanag ko, hindi ka nakikinig sa ak---"
"DAHIL WALA NA AKONG TIWALA SAYO! BECAUSE YOU BETRAYED ME! YOU BETRAYED YOU'RE OWN BEST FRIEND!" umiiyak na singhal ni Charlize sa dating kaibigan.
"I'm sorry! I'm so sorry! I'll do anything para lang mapatawad mo ako!" at humahagulgol na lumuhod si Eunice sa harap ni Charlize, dahilan para mas lalong dumami ang mga bulungan sa paligid ng cafeteria. "Gagawin ko ang lahat para lang patunayan sayo na wala akong intensyong saktan ka! At kung nasaktan man kita, humihingi ako ng tawad sayo! Just please, wag mo naman sanang itapon ng basta na lang ang friendship natin."
"Aww. I'm so touched, Eunice." sabay lapit ng husto ni Charlize sa dating kaibigan. "But I'm so sorry to say this. Gusto mong marinig, direct to the point? Sige. Pagbibigyan kita. Para sabihin ko sayo, HINDI AKO ANG SUMIRA SA FRIENDSHIP NATIN, KUNDI IKAW."
"Charlize, magpapaliwanag ako, please, makinig----"
"WALA NA TAYONG PAG-UUSAPAN PA, NAIINTINDIHAN MO!" sabay lakad ni Charlize palabas ng cafeteria. Pero bago siya tuluyang makalabas ay nakangising siyang napatingin sa dating kaibigan.
"Anyways, bago ko makalimutan, I just want to remind you something. Isinusumpa kong pagsisisihan mo habambuhay ang ginawa mong pagtatraydor sa akin. Isinusumpa kong hindi ka magiging masaya. At isinusumpa ko na lahat ng sakit at kahihiyang ibinigay mo sa akin, ay babalik sayo ng higit pa sa ginawa mo sa akin. Remember. KARMA IS DIGITAL. So get ready. Baka hindi mo kayanin ang mga susunod na mangyayari sayo. TANDAAN MO YAN, EUNICE GO." at tuluyan nang umalis ng cafeteria si Charlize, leaving her ex-bestfriend dumbfounded.