webnovel

THE GOOD, THE BAD AND THE INNOCENT

Three girls. One school. Three different stories. ONE UNCONTROLLABLE CONNECTION.

JhaeAnn_16 · Masa Muda
Peringkat tidak cukup
24 Chs

CHAPTER SIX

(IV - B Classroom/UESC Headquarters, dismissal time)

(Derrick's POV)

* KRING! KRING! * (School Bell)

HAAY SALAMAT.

Sa wakas at natapos na rin ang nakakaurat na araw na ito. Kahit nakaupo lang ako maghapon sa classroom ay napagod pa rin ako. Paano ba naman, kahit saan ako magpunta ay may mga taong nag-aabang sa akin.

If you think na natutuwa ako sa mga nangyayari sa akin dito sa school, nagkakamali kayo. Inis na inis na ako. Ni wala na yata akong privacy sa lugar na ito.

Dumiretso ako sa headquarters para kunin yung ibang mga gamit ko. As I expected, nandun na naman ang mga co-member kong sina Kyle, Courtney at Raffy. Wala doon sina Wade, Timothy at Eunice. Baka umuwi na sila sa condominium.

Nang biglang.....

"Finally, you're here, Rick!"

Natulala ako sa pamilyar na boses na yun. D-don't tell me.....

"Hi, Rick! It's been a long time!" bati sa akin ni Charlize. T-teka. S-si Charlize na ba talaga yan?!

"C-Charlize. Y-you're here!" sabay yakap ko sa kanya. "Anong ginagawa mo rito? Nagbabakasyon ka ba?"

"Nope. Titira na ulit ako dito sa Pilipinas, for good. Tsaka papasok na ulit ako dito sa school bukas." sabay bitaw niya sa pagkakayakap sa akin. "Oh, how I miss Hereux. Ang tagal na rin mula nung umalis ako dito."

"I thought, hindi ka na babalik pa rito." sabi ko pa, dahilan para matawa siya.

"Really? Who told you? My slutty ex-bestfriend?" sabay linga niya sa paligid. "Anyways, where is she? I want to see her. Isang taon na kasing kating-kati ang palad ko na sampalin siya."

That shuts us.

"Joke lang, Rick. I'm not that kind of barbaric." sabay tawa niya ng mahinhin. "Anyways, dito ka na muna. Wag ka na munang umuwi. Isang taon ko din kayong 'di nakita."

"Bakit? Anong meron?" tanong ko pa.

"Nagpahanda ako ng munting salu-salo for my comeback. Kumain na muna tayo tapos sabay-sabay na tayong umuwi." sagot pa niya.

"Hmm. Kaya pala ang daming pagkain sa table." sabi ko. "Sige. Game ako dyan."

"Ako rin!" - Raffy.

"Me too! Gutum na gutom na kasi ako eh." - Kyle.

"Tamang-tama lang pala ang dating ninyong lahat. So, let's eat na!" at nauna nang pumunta sa table si Charlize para kumuha ng pagkain. Pagkatapos niyang kumuha ng pagkain ay sunud-sunod na kaming nagsikuha ng mga pagkain namin sa table.

(Hereux Academy/Bumblebee St.)

(Derrick's POV)

PALABAS na ako ng school. Kakatapos lang kasi naming kumain sa headquarters kasama si Charlize. Naging masaya naman ang bonding moment namin, although she mocked and insulted Eunice and Timothy in front of us. Mabuti na lang at wala yung dalawa sa headquarters, dahil kung hindi, tiyak na nagkagulo na naman dun.

Papasok na sana ako sa isang convenience store malapit sa school nang biglang may pumalibot sa akin na tatlong mga lalaki.

"Kapag sinuswerte nga naman tayo."

"Oo nga? Akalain nyong taga-Hereux Academy itong nadagit natin!"

"Boy." sabay akbay sa akin ng isa sa kanila. "Tutal, mayaman ka naman, ibigay mo na sa amin ang wallet at cellphone mo. Pati na rin yung relo mo." sabay turo niya sa Piaget diamond watch ko.

Haay. Panlimang beses na akong nasuot sa ganitong sitwasyon. But in the other side, maybe I need some exercise. Sakto, nakahanap na naman ako ng magandang punching bag.

(Bumblebee St.)

(Laurrie's POV)

YAAAAAAAAAY!

Uwian na rin sa wakas! Kapag dismissal time kasi ay masayang-masaya ako dahil nakakaalis na ako sa impyerno este sa school! Buwahaha!

Pero hindi pa ako didiretso sa bahay dahil papasok pa ako sa part time job ko sa cafe na malapit lang din dito sa school at walking distant lang mula sa amin.

"Ibigay mo na sa amin ang lahat ng gamit mo pati na rin ang cellphone mo."

EEEEEENNNNNKKKKKK!

Napabalik ako sa kantong nilagpasan ko at nakita kong may tatlong lalaking pinapaligiran ang schoolmate ko. Pero nagulantang ako nang unti-unti kong mamukhaan kung sino ang lalaking yun.

Si Derrick De Leon.

The so-called "Campus Jock".

Pero ang nakakapagtaka ay kung bakit sa dinami-rami ng mga estudyanteng pwedeng holdapin ay siya pa talaga.

Argh.

Tutulungan ko ba siya o hindi?

Naku naman!

(Bumblebee St.)

(Derrick's POV)

"B-BOSS, parang awa nyo na po. Paalisin nyo na ako."

Siyempre, konting drama muna, para isipin ng mga 'to na natatakot ako sa kanila. Hahaha. Pero mamaya, patay sa akin ang mga 'to!

"Ano ka ba naman, boy! Wag ka nang mag-maang-maangan pa. Alam naming bigatin ka! Kaya nga nag-aaral ka sa Hereux Academy, diba?"

"H-heto na." at kunwaring ilalabas ko na yung wallet ko para lahat sila ay mabaling ang atensyon sa wallet at nang masimulan ko na silang bugbugin.

Nang biglang.....

* BOOGSH! *

Nakita kong tumumba ang isa sa kanila, dahilan para ma-distract yung dalawa. Teka, anong nangyari?

"Sinong sumuntok kay Badong?!" sigaw ng isa sa kanila.

"Ako."

Napalingon sila maging ako dun sa nagsalita at halos manlaki ang mga mata ko sa gulat nang unti-unti kong nakilala ang taong yun.

Si Laurrie Mendoza.

The only scholar of Hereux Academy.

Ano namang ginagawa niya dito?

"Sino ka bang pakialamera ka?!" singhal nung holdaper sa kanya.

"Wala na kayo dun." at sabay niyang ginulpi ang dalawa. Unbelievable. Ang scholar na tulad niya.....mahusay sa karate?

Saglit lang niyang binugbog yung dalawa dahil biglang nagsitakbo palayo ang mga lalaking yun habang hila ang kasama nilang hindi na nakabangon pa sa tindi ng ginawa niya dun.

Matapos ang umaatikabong eksena sa pagitan ni scholar at ng tatlong holdaper ay agad siyang lumapit sa akin.

"Okay ka lang?" tanong niya sa akin.

"O-oo. Okay lang ako." sagot ko habang nakatitig ako sa maamo niyang mukha. In fairness, despite on the face that she's a scholar ay hindi ko naman maikakaila na maganda siya.

"T-thank you, for saving me." pasasalamat ko.

"Sus, wala yun. Maliit na bagay." sagot niya. "O siya, mauna na ako sayo ha. Papasok pa kasi ako sa trabaho ko. Ingat ka palagi. Maraming nagkalat na holdaper sa eskinitang 'to." at naglakad na siya palayo sa akin. Susundan ko na sana siya nang biglang dumating ang sundo ko.

"Young Master. Mabuti't nandito pa pala kayo sa paligid ng school. Pinapasabi po ni Miss Irene na kailangan na po ninyong umuwi sa condo." sabi sa akin ng driver.

"Tss. Oo na." at wala sa sarili akong sumakay sa kotse. Agad na pinaandar ng driver ang kotse palayo sa school.

Habang umaandar ang kotse ay iniisip ko pa rin yung ginawang pagliligtas sa akin ni scholar mula sa tatlong lalaking kamuntik nang mang-holdap sa akin. Unexpectedly, a simple girl like her saved me from those ugly goons.

"Laurrie Mendoza, thanks for saving me." at isang maaliwalas na ngiti ang rumehistro sa aking mukha.