webnovel

THE GOOD, THE BAD AND THE INNOCENT

Three girls. One school. Three different stories. ONE UNCONTROLLABLE CONNECTION.

JhaeAnn_16 · Masa Muda
Peringkat tidak cukup
24 Chs

CHAPTER FIFTEEN

(Hereux Academy, dismissal time)

(Charlize's POV)

"SURE ka bang hindi ka na sasabay sa akin, Miss Charlize?" tanong sa akin ni Stephanie habang palabas na kami sa Main Building ng school premises.

"Hindi na muna siguro, Steph. Pupunta pa kasi ako sa isang public library para mag-review for the Quiz Bee." sagot ko.

"Aww. Sayang naman. Yayayain pa naman sana kitang mag-bar hopping. Alam mo na, unwind unwind din 'pag may time." nanghihinayang na sagot ni Stephanie.

"Sorry. Sorry talaga. Next time na lang. Promise, babawi ako sayo." apologetic na sabi ko.

"I understand, Miss Charlize. Tsaka wag ka nang bumawi sa akin. Just promise me na mananalo ka sa Quiz Bee. I know you can do it. Ikaw pa?"

"Thanks for the encouraging words, Steph." and I smirked at her. She smiled back at me.

Nung dumating na ang kotseng magsusundo kay Steph ay dali-dali na siyang sumakay. Agad ding umandar ang kotse palayo. Lalabas na sana ako ng school premises nang mapansin kong palapit na naman sa akin si Timothy. Tss. Hindi pa ba nadadala ang bwisit na 'to sa ginawa kong panghihiya sa kanya nung isang araw? Bilib na talaga ako sa lakas ng loob at kapal ng mukha na meron siya.

Iiwas na sana ako pero bigla akong napaisip. Ano kaya kung pahiyain ko ulit ang isang 'to? But this time, sisiguraduhin kong pagkatapos ng gagawin ko sa kanya ay magdadalawang-isip na siyang lapitan ako ulit, or much better kung hindi na talaga niya ako lalapitan pa. Haha. Sounds good.

Nagkunwari akong naglalaro ng games sa smartphone ko habang palapit na siya ng palapit sa akin. Sige lang, Timothy. Lapit pa. Ewan ko lang kung 'di ka umiyak sa gagawin ko sayo. Buwahahaha.

"Hi, Charlize. Seems that you're alone. Nasaan sina Stephanie at Alice? Hindi mo ba sila kasama?"

Tinitigan ko lang siya sabay balik sa nilalaro kong mobile game.

As usual, napahiya ang gago, pero gaya nga ng sabi nila, confidence is the key, kaya kahit napahiya na siya sa inasta ko ay nagawa pa niyang tumawa. Oh 'di ba, ang kapal ng mukha.

"Ahm, C-Charlize.....p-pwede ba tayong mag-us----"

* BZZT. BZZT. *

Perfect timing. Humanda ka ngayon, Timothy dahil pagkatapos ng araw na ito, ikaw naman ang uuwing wasak at luhaan.....gaya ng ginawa mo sa akin noon.

* devilish grin *

(Hereux Academy, dismissal time)

(Third Person's POV)

"AHM, C-Charlize.....p-pwede ba tayong mag-us----"

* BZZT. BZZT. *

Agad na sinagot ni Charlize ang tawag mula sa isang unknown number. Sinadya niyang pindutin ang loud speaker button para marinig ni Timothy ang inihanda niyang pasabog para rito.

"Hi, Hon! Pauwi ka na ba?"

Napangiti si Charlize nang marinig niya ang pamilyar na boses ng isang lalaki.

"Yup. Inaantay ko na nga lang yung kotseng magsusundo sa akin dito sa labas ng school. How about you? Nakauwi ka na ba?"

"Hindi pa eh. Nasa court pa ako. Alam mo na. Basketball practice."

"Ganun ba? O siya, mag-iingat ka sa practice nyo ha? Don't forget to drink water and punas your pawis. Then, maligo ka muna bago ka magpalit ng damit. And don't forget to text me kapag nakauwi ka na sa condominium ha? I love you, Wade."

"I love you more, Charlize." at ibinaba na ni Wade ang linya. Ganun din ang ginawa ng dalaga. Gulat na gulat si Timothy sa mga narinig niya mula sa dalawa.

"S-si Wade? S-siya ang b-boyfriend mo?" uutal-utal at tila maiiyak nang tanong ni Timothy sa dalaga.

"Yes. He's my boyfriend. Ano naman ngayon sayo?" iritang sagot ni Charlize sa ex-boyfriend niya.

"K-kailan pa? Kailan pa naging kayo?" naguguluhang tanong ni Timothy.

"Mula nung sinundan niya ako sa France, a year ago. Matagal na kaming magkarelasyon. Almost ten months na. Ba't mo naitanong? Don't tell me.....nagseselos ka kay Wade?" mapang-asar na banat ni Charlize sa kanya.

"Oo. Tama ka. Nagseselos ako. Nagseselos ako sa gagong yun." mahinang sagot ni Timothy.

"Nagseselos ka? Talaga? Weeeh, di nga." and she smirked devilishly at him.

"Charlize....."

"Don't call my name as if were close."

"I still love you."

Tuluyan nang nagtagis ang bagang ni Charlize sa galit nang marinig ang huling sinabi ni Timothy.

"What? You still love me?" at natawa si Charlize. "Seriously, are you nuts?"

"Nagsasabi ako ng totoo. Mahal pa rin kita. Mahal na mahal pa rin kita."

"Owws. Talaga? As in? You know what, sa lahat ng jokes na narinig ko, yan ang pinaka-nakakatawa. Mas nakakatawa pa sa mga jokes ni Kuya Kyle."

That shuts Timothy.

"Don't do this to me, Charlize. Wag mo namang itapon ang pinagsamahan natin."

"At sino ka para utusan ako? Sino ka ba sa tingin mo, ha? Ano ba kita? Ah! Naalala ko na. You're currently Eunice's ex-boyfriend.....and my ex-boyfriend as well. Isn't it cool, right? Pass the ball lang ang peg." natatawang sabi ni Charlize sa kanya.

"Charlize, please, wag ka namang ganyan. Nasasaktan din naman ako."

"Wow. Naging kayo lang ng ex-bestfriend ko, naging corny ka na? Para sabihin ko sayo, hindi bagay sayong maging drama actor. You're not convincing. And for your information, I don't care about your feelings anymore." 

"Hindi ko ginusto ang nangyari."

"Oh please, save your lies. Hindi ko kailangan yan. Kung hindi mo naman pala ginusto, hindi mangyayari. And don't you dare to tell me that you have no choice because that's pure stupidity. Everyone has a choice! Even you! Ang sarap isalaksak sa pagmumukha mo ang salitang ad hominem para malaman mo kung ano ang definition ng salitang free will."

"Matagal na kaming hiwalay ni Eunice."

"You're right. Hiwalay na kayong dalawa. Sa sobrang tagal nyo nang hiwalay, umabot kayo ng isang taon. Including the years na ginagago nyo pa ako."

"Please, listen to me."

"You don't need to do that. Magsasayang ka lang ng laway mo. Tsaka ba't ko pakikinggan ang mga paliwanag mo? Para ano? Para mabawasan ang dinadala mo? Para matahimik ang konsensya mo? No way. I want you to suffer."

"Maawa ka naman sa akin."

"Maawa? Sorry ha. Wala kasi sa bokabularyo ko ang salitang yan. Mabuti yan, nahihirapan ka na. Feel the pain. Embrace it if you want. You deserve it."

"I-I'm sorry."

"Don't say sorry, Timothy. You deserve to suffer."

Nung nakita na ni Charlize ang kotseng magsusundo sa kanya ay naglakad na siya palayo sa natulalang si Timothy. Pero bago siya sumakay sa kotse ay lumapit ulit siya kay Timothy. She smirked innocently at him, at saka niya ito sinampal ng back-to-back.

"Kulang pa yan sa lahat ng sakit at kahihiyang ipinaramdam mo sa akin. Kaya magdusa ka." and she walked away with a beaming smile, leaving her ex-lover dumbfounded. Ngiting-ngiti siyang sumakay sa loob ng kotse.

"Saan po tayo, Miss Charlize?" tanong ng personal driver niyang si Mang Lar.

"Sa bar ni Danica. Mag-se-celebrate ako." nakangiting sagot ng dalaga.

"Bakit po? Ano pong meron? Birthday nyo po ba?" clueless na tanong nito.

"Hindi. I just want to celebrate my unexpected victory against my dear enemy." sagot ni Charlize. Bagama't naguguluhan ang personal driver sa mga sinabi niya ay hindi na ito nag-usisa pa. Inihatid nito ang dalaga papunta sa bar.

Habang mabilis na umaandar ang kotse ay hindi pa rin mabura-bura ang ngiti sa mga labi ni Charlize. Isang ngiti na paniguradong hindi gagawa ng maganda.

"I swear, Timothy Peñaflor, pagsisisihan mo na nakilala mo ako. Pagsisisihan mo na sinaktan mo ang isang Charlize Lazaro. Tandaan mo yan."

(Rave Bar, evening)

(Charlize's POV)

PAGPASOK ko sa bar ay sumalubong sa akin ang napakaingay na tugtog at mga tao na busy sa pagwawalwal at pagsasayaw sa gitna ng dance floor. Agad akong dumiretso sa VIP lounge kung saan nandun si Danica. As usual, nadatnan ko siya sa lounge na may kaharutang lalaki.

"Hey, Danica." bati ko sa kanya. "Gabi na pero hindi ka pa rin maawat sa kalandian mo."

"Miss Charlize!" saglit na iniwan ni Danica ang kasama niya sa couch sabay beso sa akin. "What brings you here?" nagtatakang tanong niya. She knows that I drink seldomly habang siya, hayun at ginagawa niyang tubig ang alak everyday. Luckily, hindi pa naman nagkakaroon ng complications ang internal organs niya despite on the fact na walwalera siya.

"I'm here to celebrate my victory." nakangiting sagot ko.

"Victory? Bakit? Sa Martes pa ang Quiz Bee sa school kaya paano mo nasabing mag-se-celebrate ka?" Tss. Hindi pa rin nagbabago ang isang 'to. She's still a slowpoke. Mas mabagal pa sa internet connection sa Pilipinas.

"Shunga!" sabay pingot ko sa tenga niya. "That's not what I mean!"

"Kung 'di yun, eh ano?" naguguluhang tanong niya.

Naupo ako sa couch na kaharap yung lalaking kalandian niya. Naupo naman siya sa tabi nito.

"Nakausap ko si Timothy kanina." sagot ko na ikinagulat niya.

"W-what?! Nagkausap kayong dalawa? Anong nangyari? May pagbabalikan bang naganap?"

Sa inis ko sa bruhang 'to ay nakatikim na naman siya ng pingot mula sa akin.

"No way, Danica Rae Policarpio!" and I rolled my eyes sarcastically. "After what he did to me, sa tingin mo, makikipagbalikan pa ako sa kanya? Mas mabuti pang magpakamatay na lang ako kaysa mangyari yang sinasabi mo."

"Sorry naman!" tarantang sagot ni Danica habang sapo ang tenga niyang namumula pa mula sa pagkakapingot ko.

"Next time kasi, kung ayaw mong masagot kita ng pabara, wag kang magtanong ng patanga. Gets?" iritang sagot ko sa kanya.

"Oo na, oo na." sagot niya. "So, anong napag-usapan nyo?"

Ikinuwento ko sa kanya ang nangyari kanina. Medyo na-shock ang bruha nang mabanggit ko rin sa kanya na nakatikim ng back-to-back slap ang magaling kong ex.

"OMG! Dapat pala hindi muna ako dumiretso rito sa bar para nakita ko ang back-to-back sampal mo kay Young Master Timothy!"

"For my eyes only lang kasi yun."

"Okay. Sabi mo eh."

Marami pa kaming napag-usapan ni Danica, including the Quiz Bee and the first weekly leaderboard for the next Hereux Prime Student.

"For sure, mananalo ka sa Quiz Bee na yan. Ikaw pa, eh forte mo ang Social Studies." sabi niya sabay sipsip sa iniinom niyang mojito.

"Hindi ako nag-e-expect na mananalo ako sa Quiz Bee na yan. Basta makasali lang ako, malaking bagay na yun sa akin." sagot ko.

"What if kung si Eunice ang manalo sa Quiz Bee sa Tuesday?" tanong pa ni Danica.

"Si Eunice? Mananalo sa Quiz Bee?" at napaisip ako. "Pwede namang mangyari ang sinasabi mo, kung pagbibigyan siya ni Raffy. Knowing him, hindi pa niya nararanasang matalo sa kahit anong contest, mapa-quiz bee man o kahit ano pang school related activities."

"Yun lang. Mukhang 'di kayo pagbibigyan ni Raffy." sabi pa ni Danica.

"Wala naman akong pakialam kung manalo ako o hindi, basta ang mahalaga, I gave my best, then, wala akong ginagawang katarantaduhan. At higit sa lahat, hindi ako nang-aapi ng ibang tao."

"But what if kung may gawing hindi maganda si Eunice sa mismong araw ng quiz bee?" tanong pa ng mahaderang kasama ko.

"Kung may binabalak siya, then I'm going to tell Wade and his sister para ma-disqualify siya sa contest." sagot ko. Speaking of Wade, naalala ko na naman ang araw na kung saan hayagan niyang sinabi sa akin na tutulungan niya akong makapaghiganti kina Timothy at Eunice.

"Let me help you, Charlize."

Napabuntung-hininga ako nang maalala ko na naman ang sinabi niya, a couple of weeks ago. Ano kayang pumasok sa utak ng lalaking yun at nagawa niyang makisawsaw sa issues ko against my filthy ex-lover?

"Miss Charlize, okay ka lang ba?" tanong sa akin ni Danica.

"O-of course! I'm fine. Ba't mo naman natanong yan?"

"Seems that you're bothered kasi." sabi pa niya.

"Ako? Bothered? Hindi ah! May naalala lang kasi akong gagawin ko pag-uwi sa condominium." alibi ko.

"Alam ko na yan. Mag-aaral ka para sa Quiz Bee. Well, goodluck. Sumaiyo nawa ang suwerte."

"Thanks, Danica." and I smirked at her.

Hindi na rin ako nagtagal sa bar ni Danica dahil kailangan ko nang makauwi sa condominium. Nagpaalam na ako sa kanya at saka na ako lumabas sa kanyang bar.

Paglabas ko ay didiretso na sana ako sa kalsada para makasakay sa taxi nang may isang lalaking lumapit sa akin. He's smiling at me.

Si Wade.

"Hi, Char." nakangiting bati niya sa akin.

"What are you doing here?" tanong ko sa kanya.

"Sinusundo ka na. Don't worry, I brought my car, kaya 'di na tayo mag-ko-commute." sagot niya.

"Paano mo nalaman na nandito ako sa bar ni Danica?" nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Sinundan ko ang kotseng sinasakyan mo kanina kaya ako nakarating dito." he said.

"Are you stalking at me, Mr. Escudero?" mataray na tanong ko sa kanya.

"No. I just want to make sure that you're safe. And besides, girlfriend na kita kaya simula sa araw na ito ay may responsibilidad na ako sayo." sagot pa niya na bahagyang ikinataas ng kilay ko.

"May responsibilidad ka na sa akin?" at natawa ako. "Lilinawin ko lang ha, Mr. Escudero, 'di porke pumayag ako na maging pretend girlfriend mo ay pwede ka nang umasta na parang totoong boyfriend ko. Were just pretending."

"I know. Pero 'di porke pretend lovers tayo ay pababayaan na kita. I'll do everything just to protect you. Alam mo naman siguro ang dahilan, diba?"

"Oo. Alam ko ang dahilan mo. Pero 'di mo na kailangang gawin 'to kasi kaya ko namang pangalagaan ang sarili ko. Haay, kung nakita mo lang ang ginawa ko kay Timothy kanina, for sure, bibilib ka sa akin." pagyayabang ko. "Speaking of that jerk, do you think na-convince siya sa phone conversation natin kanina?"

"Oo. Nakumbinsi siya sa mga ginawa natin, sa ngayon. Pero 'di ibig sabihin nun ay lalayuan ka na niya. Knowing him, he's so freaking desperate to win you back."

"Eh 'di mabuti. Mas lalo pa siyang magmumukhang tanga sa mga susunod na gagawin ko sa kanya." confident na sagot ko.

"Alam kong hindi na kita mapipigilan pa sa paghihiganti mo kay Timothy, pero pinapaalala ko lang sayo na mag-iingat ka palagi. Guard your heart and your emotions. Wag na wag mong ipapakita sa kanya na mahina ka. Show him na hindi na ikaw ang dating Charlize na niloko't sinaktan niya noon." makahulugang sabi sa akin ni Wade.

"I know. Anyways, thank you."

"For what, Charlize?" tanong niya.

"For helping me to do my plan." sagot ko, dahilan para mapangiti siya.

"Walang anuman, Char. You can lean on me, anytime. Just please, be extra careful on your next plan against him."

"Yes, Wade." sagot ko.

"Lumalalim na ang gabi. Umuwi na tayo sa condo. Akin na yung bag mo." at kinuha ni Wade ang hand bag ko sabay sukbit nito sa balikat niya. Binuksan muna niya ang pinto ng front seat at pinasakay ako. Sunod naman niyang binuksan ang pinto ng driver's seat at saka siya pumasok sa loob. Pagkasara niya sa pinto ng kotse ay agad niyang binuhay ang makina bago niya tuluyang pinaandar ang kotse palayo sa bar.