webnovel

Prologue

Napatigil ang lahat sa kanilang mga ginagawa ng makarinig sila ng mga pagkulog at pagguhit ng kidlat sa kalangitan, batid nilang galing iyon sa kanilang pinuno na ikinapagtaka nila, hindi ito basta-basta nagpapakawala ng kulog at kidlat kapag hindi kinakailangan...

"Anong nangyari ama?" Tanong ng isang mahinhin na babae na syang naunang dumating sa bulwagan ng palasyon, naroon ang isang matipuno at matikas na diyos ng kidlat at syang hari ng mga diyos at diyosa sa kasalukuyang panahon...

"Isang sanggol ang isinilang, isang mortal na syang gagamitin ng tadhana upang tayo'y itali!" Galit na sigaw nito na syang ikinaatras ng babae...

"Anong nangyayari?" Napalingon ito sa mga dumating at nakita ang iba pa nitong mga kapatid...

Habang naguguluhan ang lahat ay isang nakakasilaw na ilaw ang tumama sa unahan ng bulwagan kung saan tumambad ang isang Titaness, ang ina nina Zues, Posiedon at Hades, ang Goddess of Fertility, Motherhood and Generation, si Rhea...

Alertong yumukod ang lahat sa harap nito maliban kay Zues na halatang nagulat sa pagdating ng kanyang ina...

"Kumalma ka Zues, accept your fate and you siblings together with your children, ths is the way of nature to bring back the balance to all of the realms" Malambing na paliwanag ni Rhea sa anak...

"Sa isang mortal ina?! Hindi ko iyon matatanggap! Hindi ako magiging sunod-sunuran sa isang mahinang nilalang!" Sigaw nito na ikinasama ng timpla ng mukha ng kanyang ina...

"Wag mo akong sigawan!" Pagalit na balik nitong sigaw na ikinayanig ng bulwagan, ngunit ng mapagtanto nito ang kanyang ginawa ay huminga ito ng malalim at ikinalma ang sarili...

"Tulad ng sinabe ko wala kayong magagawa dahil nakatali na kayo sa mortal na iyon kahit hindi pa sya ipinanganak, even the Fates didn't know this would happen" Paliwanag nito..

"But you see it coming am I right?" Napalingon ang lahat sa kakarating lang at nagsalita, ang God of Sea and Earthquake, also the King of the Sea, Posiedon...

"Yes" Maikli nitong sagot na ikinalumo ni Zues..

"At kahit anong gawin ko hindi ko na iyon mababago pa, tulad ng sinabe ko, ito ang paraan ng kalikasan upang ibalik ang balanse sa bawat realms, iniisip nyu ang sarili nyu pero hindi nyu naiisip ang batang isinilang lamang para maging kasangkapan ng kalikasan, kung ako sa inyu ay subaybayan nyu ng mabuti ang mortal, nakadikit na ang buhay nyu sa kanya, kaya kung anong mangyayari sa kanya ay sya ring mangyayari sa inyu" Babala ng Titaness bago mawala...

Naging tahimik ang lahat matapos ang tagpong iyon, ni isang salita patungkol sa inilahad ng Titaness ay walang lumabas sa kanilang labin-dalawa, pero si Zues ay nag-iisip na ng paraan upang mapawalang-bisa ang taling nagkokonekta sa kanila sa mortal na syang magbabalik ng balanse sa bawat realms..

Please bear with me guys, Im not a professional writer and sorry if I dont reach your expectation to every chapter of this story

QwertyPuppycreators' thoughts