Lumipas ang anim buwan na gamutan at si Isabelle ang naging kasama at karamay ni Clary. Walang araw ang lumipas na iniwan siya ni Isabelle.
Inayusan naman ni Isabelle si Clary, para magkaroon muli ito ng sigla.
"Ayan... ang ganda mo na ulit Clary..." ani ni Isabelle
Ngumiti lamang si Clary habang pinagmamasdan ang sarili niya.
"Mahina na ako Isabelle...pagod na ako pero lalaban pa ako... lalaban pa ako hanggang kayo." Tugon ni Clary
"Aba dapat lang.. binyag at birthday ng anak mo sa isang linggo dapat magpalakas ka." Ani ni Isabelle
"Oo aatend ako sa birthday ng anak ko. Kumusta na pala sila? Hinahanap ba nila ako?" Tugon ni Clary
"Hinahanap ka na nila. Sa totoo lang nauubusan na ako ng dahilan kung nasaan ka." Ani ni Isabelle
Tumayo dahan-dahan si Clary. Kinuha ang isang files at ibinigay ito kay Isabelle. Binasa naman ni Isabelle ang nakasulat dito.
"Last and will testament Clary? Naiinis ako sayo.. naiinis ako... bakit ka ba ganyan... parang siguradong -sigurado ka na mawawala ka." Tugon ni Isabelle
"Malapit na ako Isabelle.. kaya gusto ko hanggat kaya ko pa magawa ko na ang lahat ng dapat kong gawin" tugon ni Clary
Inilapag ni Isabelle ang files at wala siyang ibang ginawa kung hindi ang yakapin ng mahigpit si Clary.
"Kung kaya lang sanang bawasan ng bawat akap ko ang sakit na pinagdadaanan mo, paulit-ulit ko itong gagawin." Ani ni Isabelle
"Salamat Isabelle.. walang hanggang pasasalamat ang tatanawin ko sayo." Tugon ni Clary
Abala naman sina Jace at Alec para sa paghahanda sa birthday party ni Baby Clarace. Silang dalawa ang nanguna sa paglalakad ng mga dapat ayusin. Samantala nakay Brian naman si Baby.
Isang araw bago mag birthday si Baby Clarace, bumalik na sina Clary at Isabelle. Umaktong normal lamang si Clary kahit nahihirapan na siya.
"Pasensya na kayo.. masaydo akong busy.." ani ni Clary
"Wala iyon. Mag beauty rest ka na para naman fresh ka bukas sa birthday ng anak mo." Tugon ni Alec
"Ikaw talaga Alec... hindi ka pa din nagbabago. Teka si Magnus nasan?"ani ni Clary
"Parating na iyon galing duty.. sige na magpahinga na kayo ni Isabelle kami na ang bahala dito." Tugon ni Alec
Sinuklian na lamang ni Clary ng isang malambing na ngiti ang sinabing ito ni Alec. Samantala nakasalubong naman ni Clary si Jace.
"Jace..." ani ni Clary
Nagulat si Jace ng bigla siyang akapin ni Clary ng mahigpit.
"Clary... bakit..."tugon ni Jace
"Thank you.. for loving clarace..." ani ni Clary
Gustuhin pa man sana ni Clary na makipag-usap subalit hindi na pwede. Umiikot na ang kanyang paningin kaya tinungo niya kaagad ang kwarto.
"Ok ka lang... mahiga ka na muna jan.. kailangan mo ng lakas para bukas." Ani ni Isabelle
"Thank you..." tugon ni Clary
Kinuha ni Isabelle si Clarace at itinabi ito sa kanyang ina. Inakap naman ni Clary si Clarace habang pinagmamasdan ang pagtulog nito. Iniwan na muna sila ni Isabelle upang tumulong siya sa labas.
"Oh Diyos ko.. kahit isang araw man lang sana mabigyan ninyo ako ng isang malakas na pangangatawan. Gusto kong makasama ang anak ko sa kanyang kaarawan." Dalangin ni Clary sa kanyang puso at isipan
Kinabukasan, birthday at binyag na ni Clarace. Kumatok si Isabelle upang gisingin at ayusan na si Clary. Subalit kabaliktaran naman ang nangyari, nakaayos na ang mag-ina, nagulat si Isabelle na makita ang ibang sigla ng kanyang kaibigan.
"Clary.. you looked so different.. ang sigla sigla mo." Ani ni Isabelle
"Siempre naman, para sa anak ko." Tugon ni Clary
Kinarga ni Clary si Baby Clarace at nagwika
"Sabi ko sayo baby,, sa araw ng kaarawan mo magiging ok ang mommy pangako ko yan sayo... happy birthday sweetie i love you...."ani ni Clary
Kumatok naman si Jace upang ayain na sila na magtungo sa simbahan.
"Clary... ang ganda mo..." ani ni Jace
"Thank you...." tugon ni Clary
"Happy Birthday sweetie... Daddy and Mommy will always love you" ani ni Jace sabay halik sa anak
Lumabas na sila sa kwarto at nagtungo sa sasakyan. Ilang sandali pa ay nakarating na sila sa simbahan para sa binyag ni Baby Clarace.
Hindi mawala sa lahat na mapansin ang kakaibang sigla at ganda ni Clary ng mga oras na iyon. Matapos naman ang binyagan, dumeretso sila sa bahay upang magsalo-salo.
"Wait Clary! Jace picture muna kayong tatlo kasama ni baby Clarace." Ani ni Alec
"Sige ba!" Tugon ng dalawa
Kinuha nila si Clarace at kinarga ng magkaharap.
"Ayan happy family..." sigaw ni Isabelle
Matapos ang picture taking, bumalik na sila sa pag-aasikaso sa mga bisita. Maraming mga bisita naman ang dumating sa loob ng maghapon. Pagod na pagod ang lahat sa pag iintindi. Samantala nakita ni Jace si Clary na nakatingin sa buwan.
"Ang ganda ng buwan... gusto mo bang mas makita ito ng malapitan? Dating tagpuan gusto mo ba?" Ani ni Jace
Ngumiti si Clary at ipinagbilin kay Isabelle si Clarace.
"Isabelle... ang anak ko ha.. ikaw na ang bahala." Ani ni Clary sabay halik kay Isabelle
Magtatanong pa sana si Isabelle kung saan siya pupunta subalit bigla namang tinawag ni Jace si Clary,
"Clary tara na.." ani ni Jace
"Comming..." tugon ni Clary
"Pupunta lang kami sa gubat... sa dating tagpuan namin ni Jace" ani naman niya kay Isabelle
Nagtaka si Isabelle kung bakit pupunta ang dalawa doon. Subalit hinayaan na lamang niya ito sa kanyang kagustuhan.
"Oh saan daw pupunta yung dalawa?" Ani ni Brian
"Sa tagpuan daw nila noon ni Jace.."tugon ni Isabelle
"Ang sigla ni Clary ano? Ano kayang nakain niya" ani ni Brian
Napalunok si Isabelle habang karga si Baby Clarace.
"May gusto ka bang sabihin?" Ani ni Brian
"Kuya... si Clary...." tugon ni Isabelle
"Anong si Clary...." ani ni Brian
Wala ng nagawa si Isabelle kung hindi ang sabihin ang lahat ng katotohanan sa kanyang kuya. Nanlumo naman si Brian sa sinabing ito ni Isabelle. Napahagulhol naman si Isabelle kung kaya nakatawag ito ng pansin sa iba.
Lumapit naman kaagad sina Simon, Lea, Magnus at Alec at doon sila nagtanong kung ano ang nangyari. Isinalaysay ni Brian ang sinabi ni Isabelle. At lahat sila ay nagulat sa kalagayan ni Clary.
Napalitan ng lungkot ang masasayang mukha ng lahat. Wala silang naisip kung hindi si Clary.
"Alam na ba ni Jace?" Ani ni Alec
Umiling lamang si Isabelle.
"Ngayon pa lang siguro sasabihin sa kanya ni Clary. Im sorry guys kung pati ako naglihim sa inyo. Kagustuhan ito ni Clary, nakiusap siya sa akin... im sorry.... im sorry talaga." Tugon ni Isabelle
Hinaplos ni Alec ang balikat ni Isabelle. Wala na silang ibang magawa kung hindi ang hintayin ang pagbabalik ng dalawa.
Your gift is the motivation for my creation. Give me more motivation!
Creation is hard, cheer me up! VOTE for me!
I tagged this book, come and support me with a thumbs up!
Like it ? Add to library!
Have some idea about my story? Comment it and let me know.