webnovel

The day dreamer's diary

deb_laingo7 · Fantasi
Peringkat tidak cukup
13 Chs

chapter 12

After 3 days, pinalabas na ako nang doctor, pero kaylangan ko kumunsulta sa isang psychiatrist. Naging maayus naman ang pakikitungo sakin nang psychiatrist. Tinuruan niya ako nang meditation and yung mga ways kung papaano ma relax yung utak.

3 months passed by so fast, and today is hopefully my last day na sa pakikipag kita ko sa aking psychiatrist.

"hello doc, goodmorning." bati ko sa kanya. Mas pinili ko kasi na morning ang appointment ko, and today is friday. Naka leave naman ako dahil nga sa mental condition ko.

"goodmorning Dem, kumusta ka na? water?" sabay abot niya nang tubig sakin. Ito ang first way niya para pakalmahin ako bago ang session. Tinanggap ko ang tubig tsaka ininom, kung dati halos nauubos ko ang isang baso, ngayun hindi na halos nangalahati ang nainom ko.

"ok lang naman doc. As usual, hinahanap pa rin siya nang aking mga mata, and i found out na yung ka chat ko dati na nagpanggap na siya ay poser pala talaga." simula ko, Ganito lang kami parang nag chichismis lang pero malaki ang naitutulong niya sakin.

"wow, goodnews. So? Siguro ngayun mas mapapalagay na ang utak mo kasi alam mo nang hindi siya ang muntik mo nang ligawan dati." sabi niya sabay tawa nang malakas. Nakakatawa naman kasi yung kwento ko. Kumbaga nahulog ako sa isang hindi ko alam kong totoo bang tao.

Habang nag kikwentuhan kami, nasabi na niya na ito na daw ang huling araw ko para kumunsulta sa kanya kasi last session na namin ngayun. Pina upo niya na ako sabay kuha nung mga gamit niya. Hipnotismo daw ang gagawin namin ngayun, kung saan dadalhin niya daw ako sa isang panaginip para makawala na ako sa kung anong bumabagabag sakin.

Tinitigan ko ang pendant nang kwentas na naka laylay sa harapan ko habang naka higa sa sofa, sobrang relax nang pakiramdam ko.

"crush?" nagising ako sa kwarto habang naka ngiti siya sakin. Oo siya, si JANC.

"goodmorning!" sabi niya nang may ngiti sa labi. Akmang yayakapin niya na ako, niyakap ko din siya.

"alam kong panaginip lamang ito, pero salamat." sabi ko sa kanya. Kumalas siya sa pagkakayakap sakin. Hinarap niya ako at ngumiti siya nang pagka tamis.

"salamat, dahil kahit sa ganitong paraan ay naranasan kong mahalin nang isang ikaw na mahal na mahal ko." patuloy lang ako. Hinihiling kong sana hindi na lang ako magising. Dahil alam ko, sa pag gising ko wala na ito.

"Gusto ko mang makasama ka habang buhay pero di talaga siguro pwede, dahil kahit kaylang hinding hindi mo mapapansin ang isang katulad ko. Salamat dahil kahit sa imahenasyon ko nakasama kita. Kahit dito nahahawakan kita. Salamat dahil naiparamdam ko sakin na mahal mo ako at kailangan mo ako." tumayo ako sa pagkakahiga ko sa kama. Hinila niya ako sa may sala. Nakita kong nandun yung suot niyang jersey at pajama. "mula ngayun, papalayain na kita, salamat sa ala ala, Julie Ann Nicole Chua." sabay bitaw ko na sa kamay niya. Ngumiti siya sakin at humalik saking pisnge.

"paalam na din sayo Noel, may darating pang taong nararapat sayo. Hindi ka nababagay sa mundo ko, kaya bumalik ka na sa mundo mo. Darating ang araw na malilimutan mo na ang alaala nang pag ibig mo sakin. Darating ang araw na magmamahal ka uli. Siguraduhin mo lang sana na ibigay ang puso mo sa isang taong totoo. Ibabalik na kita sa mundo mo, pero dadalhin ko sa paglisan ko ang pabaon na pagibig mo." yun ang huling sabi niya sabay lumabas na siya nang bahay.

Ako naman ay naiwan na nakatayo habang tinitingnan ko siyang unti unti nang nawawala sa aking paningin. nang tuluyan na siyang nawala tsaka pa ako lumabas. Hahabulin ko sana siya pero napagdisisyunan ko nang pakawalan na siya. Pagkatapos ay unti unti nang naglaho ang lahat.

Nagising na ako.

Nagising akong masaya at hindi ko na hinahanap ang babaeng minahal ko sa kaunting panahon.

Babaeng nakasama ko, sa mundo nang aking imahinasyon.

-END-