webnovel

Chapter 68

"Peak Condensation Stage lamang pala eh. Hindi naman ako mapipinsala ng mga ito ngunit ang mga malalaking sisidlan ko ng mga Blood Gem Crystals ay massasabing hindi ganoon katibay ay masira lamang ang mga ito." Sambit ng batang si Li Xiaolong habang makikita ang labis na pagkatakot na mawasak ang mga sisidlan ng mga Blood Gem Crystals.

Napangiwi namang humarap ang nagsasalitang quoll na si Fai sa batang si Li Xiaolong at mabilis na nagwika.

"Ang lakas mo ding maka-sabi niyan batang Xiaolong. Nasa seryoso tayong sitwasyon batang Xiaolong pero talagang ganon lamang ang naiisip mo, sisidlan?!" Tila hindi makapaniwalang sambit ng nagsasalitang quoll na si Fai nang marinig nito ang sinabi ng batang si Li Xiaolong. Hindi siya makapaniwala kasi sa sinabi nito. Masyadong unreasonable namang dahilan ito.

Napakamot naman sa batok ang batang si Li Xiaolong nang mapansin nitong tila hindi nagustuhan ng nagsasalitang quoll na si Fai ang kaniyang sariling sinabi rito.

"Aist, bahala ka diyan. Sususbukan kong labanan ang mga ito. Kaya ko naman siguro ito." Sambit ng nagsasalitang quoll na si Fai habang mabilis itong lumabas sa nasabing maliit na entrance ng nasabing kweba.

Agad namang lumapit ang batang si Li Xiaolong sa nasabing entrance at bumungad nga sa kaniya ang napakaraming mga Wild Wolves sa harapan niya habang nakatingin ang mga ito sa munting nilalang na si Fai.

Agad na ipinakita ng nagsasalitang quoll na si Fai ang mahahabang mga kuko at mga ngipin nito.

Tial naglalaway naman ang mga Wild Wolves na nakaharap sa nasabing Quoll na si Fai.

Mabilis na inatake ng nasabing halimaw na Wild Wolves ang maliit na nilalang na quoll na si Fai.

Tila mas nagtayuan ang balahibo ng nasabing quoll na si Fai.

"Hmmp! Anong akala ng mga halimaw na Wild Wolves na mga ito ay matatalo nila ako ngunit ramdam kong may kakaiba sa mga ito. Mayroong tila mayroong mahinang faint na kulay pulang aura ang buong katawan nito. Masama ito!" Sambit sa isip ng nagsasalitang quoll na si Fai habang naging alerto ito sa kaniyang paligid lalo na sa mga kilos o galaw ng mga halimaw na Wild Wolves na nasa harapan niya mismo.

"Grrrrrrr.... Grrrr... Grrrr... Grrr..."

Naglikha ng mumunting tunog ang mga halimaw na Wild Wolves na ito kung saan ay mas lumabas ang mga nagtataliman at naghahabaang mga ngipin nito. Tila ba kayang-kaya nitong kagatin ng buo ang buong katawang ng nagsasalitang quoll na si Fai.

Mabilis na sumugod ang isa sa mga halimaw na Wild Wolves sa kinaroroonan ng nagsasalitang quoll na si Fai nang walang pag-aalinlangan.

"Hmmmp! Hindi mo ako kaya halimaw!" Sambit ng nagsasalitang quoll na si Fai sa kaniyang isipan lamang habang makikita ang determinasyon sa mukha nito.

Mabilis ding sumugod si Fai sa nasabing halimaw na Wild Wolves na ito.Ramdam niyang hindi ito isang ordinaryong hayop lamang. Para maglabas ito ng pambihirang aura ay tunay na nakakamangha ito.

Mabilis na tumalon ang maliit na nilalsng na quoll na si Fai sa mliit na bato papunta sa mismong katawan ng halimaw na Wild Wolves.

Gamit ang nagtatalimang kuko ng maliit na quoll na si Fai ay bigla niyang sinugat-sugatan ang likod ng nasabing halimaw na Wild Wolves.

Grrrooooaaarrrrr!  Grrrooooaaarrrrr!  Grrrooooaaarrrrr! Grrrooooaaarrrrr! ...!

Malakas na hiyaw ng pagdaing ng nasabing halimaw nang maramdaman nito ang bawat pagbaon ng mga matatalas at naghahabang mga kuko ng nilalang na quoll na si Fai.

Pog! Pog! Pog!

Mabilis itong gumawa ng malikot na galaw upang paalisin sa likod nito ang nasabing maliit na nilalang na si Fai. Bawat paggalaw nito ay tila tumutunog din ang bandang paa nito para subukang paalisin ang brutal na maliit na nilalang na quoll na si Fai.

"Hmmmp! Akala mo ay makakatakas ka sa bagsik ng aking mga nagtatalimang mga kuko?! Mangarap ka!" Sambit ng nagsasalitang quoll na si Fai sa kaniyang isipan lamang habang mas bjnabaon pa ito ang mga nagtatalimang mga kuko nitosa nasabing halimaw na Wild Wolves. Mas hinigpitan din nito ang pagkakakapit sa likod na bahagi ng katawan ng nasabing halimaw na Wild Wolves.

Nakita naman ito ng batang si Li Xiaolong. Magsasaya na sana siya ngunit nakita niya lamang na naghilom ang sugat ng halimaw na Wild Wolves na inatake ni Fai.

"Hindi maaari ito. Nasa panganib si Fai. Ano'ng gagawin ko?!" Samhit ng batang si Li Xiaolong habang may habag sa tono ng pananalita nito. Hindi niya man sabihin ngunit talagang nakakalunos ang sinapit nito.

Hindi nga nagkamali ang batang si Li Xiaolong nang makita na lamang nitong mabilis na tumalsik sa malayo ang nagsasalitang quoll na si Fai.

BANGGGGGGG!

Humampas ang katawan ng nagsasalitang quoll na si Fai sa batuhan habang makikita ang mga pasa-pasa sa katawan nito at napasuka ito ng sariwang dugo.

"Hayst! Ano ba naman to. Ang tapang nitong sumugod sa labanan wala naman palang lakas para lumaban tsk!" Sambit ng batang si Li Xiaolong habang tila gulong-gulo kung ano ang gagawin nito.

...

Nakita na lamang nang maliit na nilalang na si Fai na kakagatin at sasagpangin na siya ng nasabing halimaw na Wild Wolves ay napapikit na lamang siya ng mata.

Ngunit nagulat siya sa sumunod na pangyayari.

BANGGGGGGG!!!!!!

Tila mayroong sumabog ng malakas sa harapan ng maliit na nilalang na si Fai.

*Splash!

Naramdaman lamang nito ang tila likidong tumalsik sa mga prte ng katawan nito.

Nang magmulat ang maliit na nilalang na si Fai ay nakita niya ang nakatayong batang si Li Xiaolong sa harapan nito habang tila nasu-suffocate siya sa awrang ipinapakita nito. Nakakatakot na awra ang nakapalibot sa batang si Li Xiaolong. Mayroon itong mga dugong kulay pula na nakakapit sa buong katawan nito.

Nakatingin naman ang mga halimaw na Wild Wolves sa batang biglang lumitaw sa kawalan na tila may takot at pangamba sa pares ng mga mata ng mga ito.

AWOOOHHHHH!!!! AWOOOHHHHH!!!! AWOOOHHHHH!!!! AWOOOHHHHH!!!!

AWOOOHHHHH!!!!  AWOOOHHHHH!!!!

Bab berikutnya