webnovel

So many walls

LovelY_King24 · Derivasi dari karya
Peringkat tidak cukup
48 Chs

chapter 9

Pagkarinig ko nun halos hindi ako makapaniwala! As in lahat pwede kung magamit? Wow! Para naman pakiramdam ko prinsesa ako!!!

"Your room will be in the quarter near the chamber."

Napatingin ako kay Keanne na naninigkit ang mga mata. Ang sama talaga nito! Tama bang ilagay ako sa kwarto ng mga katulong?

"Keanne, stop that! Don't listen to him Thiara. Second, you can do anything you want. If you want to bake, you can. As Keanne's personal nurse, you will also be his personal teacher in proper behavior. "

Nag-chuckle si Keanne at mukhang hindi niya gusto yung last ha! Sorry na lang siya!

"And lastly, you can rest anytime you want." Sa tingin ko ang pinakamaganda at talagang hinihintay ko ang huling sinabi ni Mrs. Lacey! Wow talaga!

Tumingin siya sa relo niya. "Oh my I need to leave. Thiara, ikaw na talaga ang bahala sa kanya. Keanne, if there any problem calls me." At bago pa kami makapag-react ay lumabas na agad siya sa ng pintuan.

Susunod na sana ako sa kanya pero pinigilan ako ni Keanne…

"Where do you think you're going?"

Napatingin ako sa kanya. Nakaupo na siya ngayon sa wheelchair niya.

"Hahanapin na yung kwarto ko at magpapahinga." I looked at him, flashing my biggest smile in front of him.

Ngumiti siya sa akin. "I think we should settle first." Lumapit siya sa akin. Ano kaya gagawin nito?

"First and foremost, yes Thiam you have the privilege in this house. You can use the swimming pool, kitchen or anywhere here as what you liked. BUT in terms of rooms, you can't choose what room where you want."

Nanlaki yung mga mata ko. Sandali, anong ibig sabihin ng lalaking eto?

"As we know, I am the boss of this house. And according to MY RULES… You're room will be beside MY ROOM." Ano? At bakit sa tabi niya? Siguro may plano tong lalaking to...

Magrereact sana ako ng biglang nagsalita siya.

"Second, you can do anything you want. If you want to bake, you can. As my personal nurse and personal MAID, it is very good indeed if we will teach each other to be LIKEABLE by one another."

Sobra na talaga siya! Katulong talaga yung turing niya sa akin! In fairness naman gusto ko yung huli niyang sinabi.

"And lastly, you can rest anytime you want WITH MY PERMISSION and for now I didn't give you my permission." At ngumiti siya sa akin ng nang-aasar.

Ano? Talagang sinusubukan talaga ng lalaking eto yung pasensiya ko!!! Grr!!! Mukhang wala akong takas!!!

"And before I forgot, your reactions and questions are irrelevant."

Nothing in This World

Do you know?

What it's like

When it's wrong

But it feels so right?

[Chorus:]

Nothing in this world can stop us tonight

I can do what she can do so much better

Nothing in this world can turn up the light

I'm gonna make you feel alright tonight

Da-da, Da-da, Da-da, Da, Tonight

Da-da, Da-da, Da-da, Da

-Paris Hilton

Naurong bigla yung dila ko. Sumusobra na talaga siya! Ang sama niya…

Tumayo ako sa pagkakaupo ko. Bahala siya kung magagalit siya sa akin or sigawan niya ako. Basta ako pupunta na sa 'room' na sinabi niya kung saan man yun!

Akala ko pipigilan niya ako BUT happy to say, aba nag-iba ata yung ihip ng hangin at hindi man lang siya nagwala or tinawag yung pangalan ko pagkalabas ko ng office.

Akala niya mapapasunod niya ako tungkol sa huli niyang sinabi! I have my mind and what is the used of my brain cells anyway? Naglakad na ako sa corridor. Grabe ang tahimik naman dito at puro pa nakakatakot na paintings ang madadaan mo. May Satanas tapos may sobrang gulong drawing ng hell… Ano ba naman to?

Siguro nasa baba pa sina Mang Karyo at Aling Susan, matanong nga sa kanila kung saan yung kwarto ko.

Malapit na ako sa hagdanan ng biglang…

"THIAM bumalik ka dito kung ayaw mong magwala ako at magwasak ng mga gamit dito! Hindi pa kita pinapayagang umalis..."

Teka saan galing yun? Napatingin ako sa corridor especially sa room na nilabasan ko. Wala dun si Keanne.

"Alam kong nagtataka ka Thiam kung saan galing yun. Nakikita kita malapit ka sa hagdanan! At kung hindi ka pa pupunta dito, mag-iingay pa ako lalo dito. Take note: Rinig ako sa buong bahay!"

Oh my gulay! How can he see me? I checked out sa bawat dingding. May secret camera or video siguro dito pero unsuccessfully wala ako nahanap! Then I noticed something…

Kaya naman pala nakikita at naririnig ko siya! Every painting has INTERCOM and SCREEN!

"What are you doing? I'm counting… If you will not here in three seconds…" May bigla siyang pinakita sa screen… Cellphone… Sandali! Akin yun ha!

"Anong gagawin mo diyan?"

"Well let's see." At nawala siya sa screen. Hindi na ako nag-isip pa, tumakbo na ako as fast as I can to the office. Ang kawawa kong cellphone naku Keanne lagot ka sa akin pag may nangyari dun!

"Grabe talaga siya..." Sabay salampak ng katawan kong namimigat sa kama. Malapit ng lumubog yung araw at salamat makakapagpahinga na rin ako.

Buong umaga, pinahirapan ako ni Keanne. Pagbalik ko sa office na yun, buti na lang nailigtas ko yung cellphone ko sa masaklap na kakahinatnan niya sana. Ang walang hiyang monster na yun muntik na ibagsak sa lapag yung cellphone ko!

Nagwala talaga ako. Pinagsisigawan ko siya ng, "You are the most unmannered man I met! How dare you!"

Siya naman nakatingin lang sa akin. Napagod ako sa kakasigaw kaya huminto na ako then he went near to me and gave me my cellphone.

"Thank goodness you're done. Don't worry, I didn't do anything to your cellphone BUT if you do that again, walking right through me without my permission, YOUR TINY LITTLE FRIEND WILL SMASH RIGHT HERE." Tinuro niya yung lapag na kinatatayuan niya.

Tinignan ko talaga siya ng masama. "You will not see my cellphone again!" At tinago ko yung ng maigi sa pocket ng pants ko.

"I think we should now move. My room is located beside this room, in right. So that means you're room is right mine. I'd liked you to clean my room and fixed my things while I'm eating my breakfast." Ano daw? Maglilinis ako ng kwarto niya at ako ang mag-aayos ng gamit niya?

"Sandali nga, hindi ako andito para maging katulong mo Mister at sinuswerte ka naman kung ikaw lang ang kakain! My stomach is also hungry Mister!"

Tinignan niya ako na nakangisi. "Well, sad to say Thiam you are my maid and I've just tell in the intercom to Aling Susan that I will give you you're food after you clean my room and fixed my things so you really don't have a choice."

Thiara, wag kang susuko! Talagang sinasagad lang ng lalaki etong ang pasensiya mo. Sige, susundin ko muna siya ngayon pero alam kong maiisahan ko din siya balang-araw! Maghintay ka Keanne sa revenge ko!

"Okay kung gusto mong maging katulong mo ko fine. Susundin ko yung mga sinabi mo BUT Keanne alalahanin mo na nurse mo pa rin ako at you have the responsibility to give me a DECENT food." At lumabas na ako ng office.

The room really likes a den. Everything was black including the bed and the walls. Buti na nga lang yung kurtina ay puti kasi talagang aakalain kong nasa hell na ako. Grabe siya! Sino kaya talaga itong si Keanne?

Halos konti lang ang inaayos ko puros damit lang niya. Siguro nilinis na to nila Aling Susan buti naman at makakain na ako.

Mag-aala-una na ng natapos ako at sobrang gutom na talaga ako. Buti na lang nung pagbalik ko dun sa office ay andun na yung pagkain. Kumain na agad habang nasa comfort room si Keanne!

Pagkalabas niya, tapos na ako. "Wow! Mukhang nagutom ka talaga at ang bilis mong kumain... That's good because the last task I need you to do will determine if I will finally allow you to take a rest." Ano may last task pa! Akala ko pa naman makakapagpahinga na ako!

"It is simple; you will just have to clean the bathroom." At tinuro niya sa akin yung comfort room. Ano naman kaya ang ginawa niya dun? Mukhang ayoko yung task na yun ha!

Pinaandar niya yung wheelchair niya at ako naman ay napatitig sa kanya. "Where are you going?"

"At my room, I have to do something and check out what you've done. After you clean the bathroom, go to my room." At lumabas na siya.

I sighed deeply. Tapusin mo na agad Thiara para makapagpahinga ka na! At pumasok na ako sa 'pinakamaduming comfort room' na nakita ko sa buong buhay ko!

At ngayon ayoko ng alalahanin yung kadumihan ng banyo na yun! Pagkatapos ko talagang maglinis ay dumiretso na ako kay Keanne at ang lalaking yung paswerte talaga! Habang ako naghihirap dun, siya naman nakahiga sa kama at nanonood! Magwawala na talaga ako kung hindi niya ako pinayagan magpahinga.

"Dapat siguro mag-ayos na ako ng gamit baka tawaging pa ako ng lalaking yun..." At kahit na sobrang pagod ay tumayo na ako sa kama.

Okay naman yung kwarto ko at malaki nga siya. Kumpleto sa gamit at okay na okay yung pintura, lavender! Tumingin muna ako sa bintana bago ako pumunta sa tapat ng cabinet. Ang malas ko! Kala ko pa naman pagsilip ko dun tubig makikita ko. Okay lang naman dahil garden naman nakikita ko, pwede na rin.

Inaayos ko na yung mga damit ko. Ang galing talaga ni Pola mag-ayos at mag-empake, kumpleto! At hindi ko nga inaakala na sinama pa niya yung one piece bikini ko! And speaking of bikini…

"Swimming pool… I'll be coming!"

Coast is clear talaga pagdating ko sa swimming pool. Tiniyak ko muna na walang makakakita sa akin at unang-una sa listahan ko ay si Keanne. Ang mokong, sleeping monster sa kwarto niya! Sina Aling Susan at Mang Karyo ganun din kaya ang swerte ko talaga! Makakapagswimming ako!

Nagwarm-up muna ako bago ako nagdive sa pool! Grabe ang sarap ng pakiramdam! Nawala yung pagod ko sa katawan. Aaminin ko, I'm not a good swimmer pero marunong ata akong magbutterfly!

"Hooh this is life!" Umahon ako sa unang pagkakataon at tumingin sa paligid. Wala pa rin tao! Good and then an idea flickered on my mind.

Sa muli kong pag-ahon, makikita mo Paris Hilton matatalo kita!

At eksakto papalubog na ang araw ng umahon ako at sumayaw-sayaw ako with the background music sa MP3 ko na, "Nothing In This World"…

"Do you know?

What it's like

When it's wrong

But it feels so right?"

At kakantahin ko na sana yung chorus ng biglang…

"EHEM…"

Oh these little rejections how they add up quickly

One small sideways look and I feel so ungodly

Somewhere along the way I think I gave you the power to make

I feel the way I thought only my father could

-Alanis Morisette

Para lahat ata ng tubig sa swimming pool ay nabuhos sa mukha ko. Si Keanne! Oh my gulay!!!

Parang ayoko ng tumingin sa likuran ko. Paniguradong nakatingin siya sa akin at oh my God talaga! Nakabini pa ako!!!

I immediately looked sideways. Sandali, nasa na yung mahal kong sarong? Bakit wala sa tabi ko? Then I immediately remember something...

Talagang kailangan ko ng makita si Keanne…

Unti-unti akong humarap sa kanya at nakita ko ang sarong ko sa wakas… Sa gulong ng wheelchair niya!!!

"Hi Keanne…" Nakakahiya man ay nakuha ko pang kumaway sa kanya. Ang kawawa kong sarong!

His eyes are just staring at me. Naku naman hindi ko pa kabisado takbo ng utak niya! Ano kaya iniisip niya?

"What are you doing back then? Are you dancing?"

Sandali nga! Hindi ba obvious na sumasayaw ako kanina? "Oo naman... Bakit?"

"From my perception you are not dancing instead you are dreaming of dancing like Paris Hilton and sad to say you still didn't succeed."

Aba! Talagang sinusubukan ako ng lalaking eto ha!

"Atleast I've tried!" Aba kahit naman di ako marunong sumayaw, marunong ata akong gumalaw!

"Maybe..." He looked at me from my head up to my feet! Sandali ayoko ng tingin niya lalo na't naka-one piece bikini lang ako!

"What are you wearing?"

Ang pagkakaalam ko sabi ni Dr. Gonzalvo ay hindi na-damage ang mata niya. Hindi ko tuloy maintindihan ko nabubulag siya sa suot ko? Ang one-piece bikini ba nakakabulag?

Lumapit ako sa kanya at kinaway-kaway yung palad ko sa mukha niya.

"What do you think you're doing?" Hindi naman pala siya bulag mukhang nagbubulag-bulagan lang. "Just checking, I thought you are eyes are defected. I'm wearing a bikini."