webnovel

So many walls

LovelY_King24 · Derivasi dari karya
Peringkat tidak cukup
48 Chs

chapter 4

Uuwi na lang ako ng maaga bukas promise. Pasensiya na ha."

"Ano pa nga ba magagawa ko? Basta mag-ingat ka na lang diyan. Nga pala, tumawag si Tux dito kanina at mukhang hinanap ka na ng Mader nyo."

Hala lagot! Hinahanap na ako ni Mama? Kasi naman dalawang buwan na akong hindi bumibisita sa bahay sa sobrang busy ko sa review at dito sa pag-aasikaso sa lalaking eto.

"Ah naku… Kailangan ko na sigurong magreport sa kanya, immediately as possible. Salamat Pola. good night, ikaw din ingat ka diyan."

"Yah sige... Good night din."

Pagkababa ko ng phone at pagkatago ko sa bag ay napatingin ako kay Keanne.

"Hay kung alam mo lang ang dami kong sinasakripisyo ngayon dahil lang sa isang habilin na pinaabot sa akin ng isang malapit din na tao sa puso mo."

Napabutung-hininga ako sabay tingin sa langit. Hindi pa tamang panahon para malaman na niya ang totoo dahil mapanganib at baka lalo niyang hindi kayanin. Napapikit na ko. Sana makatulog ako… At unti-unti ko na lang naramdaman na napahiga ako sa kung saan.

"Bakit ba ang init, Pola?" Napamulat ako agad ng mata at napatingin sa paligid.

Sandali hindi eto yung kwarto ko sa apartment ha.

Napabalikwas ako agad tapos nakita ko ay may kama puti, tapos may kumot tapos nakahiga…

Ako? :o

Wait lang paano ako napunta dito?

Ang huli kong pagkakaalam ay…Nanlaki yung mga mata ko…

"Keanne!!!"

Waiting for You

When I look in your eyes

I see much more than you

I can't believe how !@#$ strange you really are

I can't think of anyone else

I can barely think for myself

All that I know is that I love you

I'll be right here waiting for you

Waiting for you (2x)

I don't wanna face the world without you (6x)

I'll be right here waiting for you

Waiting for you (2x)

-Showoff

"Keanne!!! Nasaan ka? Nakakainis ka talaga bakit mo eto ginawa..." Naku pagnakaalis lang ako dito! Lagot ka talaga sa akin! Ang sama talaga ng ugali mo!

"Thiara?"

Napatingin ako sa taong nasa pintuan.

Mukhang hopeless na nga talaga. Kailangan ko ng humingi ng help.

"What are you doing there?"

Yun nga din ang dapat tanungin ko sa 'walang hiyang' gumawa sa akin nito!!!

"Salamat at nakita din kita..."Todo pawis ako sa kakahanap kay Keanne. Halos ginalugad ko na yung 'space' niya para makita lang siya, yun pala eto siya sa garden sitting pretty.

"Meron bang maid na huli pang nagising sa amo niya? Palibhasa kasi ginawang 'hotel' yung hospital..."

Ang aga-aga gusto na talaga ng lalaking eto na sumabog ako! Pwes ibibigay ko na sa kanya. Lalo na't sumusobra na siya sa KALOKOHAN niya!

"Ikaw na talaga ang pinakamasamang lalaking nakilala ko sa buong buhay ko! Una, tama bang utusan ako kagabi na bumili ng pagkain tapos hindi naman kinain! Pangalawa, anong tawag sa ginawa mo kanina ha? Gusto mo talagang mawala sa paningin mo kaya tinali mo ang paa't kamay ko ng kumot sa kama! Sobra ka na!" Sobrang nanggalaiti na talaga ako sa galit. "At panghuli, yung hindi mo paggalang sa akin! Nurse mo ko, hindi maid, atsay, yaya at lalong hindi utusan!"

"Tapos ka na? Ang haba ng speech mo… Isa lang naman ang solusyon niyan, umalis ka na lang, sinisira mo yung peacefulness ko dito." Aba! Pigilan nyo po ako kahit pasyente ko eto, mapapatay ko na eto sa sobrang kabastusan!

"First and foremost, hindi yun speech. Anong peacefulness ang pinagsasabi mo? How did you get here? And what are you doing here?"

Tumingin siya sa akin. "Do I have to explain to you all? Okay if that will shut your big mouth. Hindi ka pa kasi gising kaya nakiusap ako sa isang nurse na dalhin ako dito. You're not stupid to think that I had walked here with these very unused feet? I am here because I am waiting for someone…"

Babawian ko pa sana siya kaso bigla akong napaurong sa huli niyang sinabi. He's waiting for someone.

"At sino naman ang hinihintay mo?"

Ginalaw niya yung wheelchair niya at nilagpasan ako bago nagsabi na.... "Wala ka ng pakielam dun..." At iniwan na niya akong mag-isa.

Sumunod na din ako sa kanya. Napag-isip ko na I should not to insist him about the 'waiting for someone' topic dahil alam ko ng hindi maganda ang patutunguhan nun.

He's just ahead of me. Hindi ko talaga maintindihan etong lalaking eto. Why did he don't want someone to help him? Kagaya ngayon, ayaw niyang may nagtutulak ng wheelchair niya. Gusto niya siya lang samantalang hirap na hirap na siya.

As we reach his 'space', napahinto siya…

"Bakit? Anong problema?"

Imbes na tumingin siya sa akin ay nagsalita siya.

"Why are you here?" >:(

Best friend

We all need a best friend, a best friend

I remember when we was young

Playing pool, after school, keepin' it cool

People say we were the troublesome two

I know the girls liked me & you

I can never forge t the times you've covered my back

You helped me out and cut me some slack

There was nothin' you'd never do

It's all about me and you.

You're my brother, you're my sister

We'll stick together

No matter what, no matter what

Best friend, never gonna let you down

Best friend, always gonna be around

You know, whatever life puts you through

I'll be there for you

We all need a best friend, to understand

A best friend, to take your hand

You know, whatever life puts you through

I'll be there for you

-S Club 7

Napatingin ako sa taong nasa loob ng 'space' ni Keanne.

Napakagat ako sa labi. Hindi pa ako ready na makilala siya.

"Yan ba ang tamang pagbati sa akin Keanne?"

Nag-smirk si Keanne sa taong kaharap niya. "We know Mom that we don't like each other since you got married to that old Swiss guy."

Ang mother nga ni Keanne. Ang isa sa dahilan kung bakit andito ako at kasama si Keanne. Sa pagkakaalam ko by next week pa siya babalik sa Pilipinas, bakit kaya napaaga?

"You don't like your Mom to be embarrassing so please give me respect."

Nag rolled yung eyes ni Keanne at this time napatingin na sa akin si Mrs. Lacey.

"Oh! Thiara right?"

Tumango ako sa kanya. Hindi ko naman talaga personally na nakikilala pa siya. Ang strict pala ng mukha niya, halos magkaparehas sila ng mata ni Keanne, almond shapes. Nagkausap lang kami sa phone.

Lumapit siya sa akin. "I'm so glad to meet you. Ang dami ko ng utang sa iyo hija. Nakakahiya...."

Ngumiti-ngiti lang. "By the way, nasaan nga pala yung nurse ni Keanne? I want to meet her."

Hala patay! :-X "Ah ano po kasi Mam ah-"

"If you two want to talked, will you just go out? I need to rest."

Sabay kami ni Mrs. Lacey na napatingin kay Keanne. Eto talagang lalaking eto hindi na kami ginalang! He really has a bad behavior!

"Okay if that what you want son. Mas mabuti nga siguro na sa labas na tayong mag-usap Thiara."

Naunang lumabas si Mrs. Lacey, ako tinignan ko muna ulit si Keanne. Mukha ngang magpapahinga na siya dahil umupo na siya sa couch. He can't walked but he can sit, hindi nga lang sa kama kundi sa couch pa lang.

I closed the door and followed Mrs. Lacey. Sa cafeteria kami napunta.

"Wow! I missed black coffee here in the Philippines, ibang-iba ang timpla sa Switzerland."

"Thank you po..." Inabutan kasi niya ako ng coffee. Sa totoo lang hindi ako mahilig sa coffee. It is good for the body kaso nakakapatay siya ng brain cells.

"Inaasahan ko na napakaganda mong bata at tama nga ako. Salamat sobra dahil ikaw na halos ang nag-asikaso kay Keanne. Mula sa paghahanap ng nurse hanggang sa pagpapasensiya sa ugali niya. Oo nga pala, nasaan yung nurse niya? Is today her day off? I liked to meet her."

Wow sobrang compliment naman ata yun! Kaso nga lang paano ko ba ipapaliwanag yung pagiging nurse ko sa anak niya? Hala!

"Ah Mrs. Lacey… Ako ho kasi yung nurse ni Keanne."

Napatitig siya sa akin. "Ikaw yung nurse?" Nagulat siya sa sinabi ko. "Hindi ba psychologist ka?"

Tumango ako sa kanya. "Pero hija, nurse ang kailangan ni Keanne at hindi psychologist. Sigurado ka bang gusto mo?"

Kahit naman hindi, no choice di naman ako.

"Lahat ho kasi ng kinuha ko nurses ay hindi nakatagal sa kanya kaya ho nagpresenta na ako tutal naman po, hinabilin siya sa akin ni Alaine."

Napatango-tango siya sa akin. "Hija, kung hindi mo sasamain, kaanu-ano ka ba ni Alaine?"

"Best friend niya po ako." Si Alaine at ako matagal ng magkaibigan halos sabay na kaming lumaki. Parehas ang schools na pinasukan namin liban lang nung nag college. Psychology ang kinuha ko siya Medical Technology.