"O sige." Tumayo siya at nilagay yung kumot sa katawan ko. "Aling Susan thank you."
"Walang a- " Napahinto siya at napatitig ako sa kanya. "Bakit ho?"
"Para kasing may narinig ako na malaking bagay na lumilipad."
Nagtaka naman ako sa sinabi niya at nakinig sa paligid. Wala naman akong marinig kundi yung tunog mula sa aircon.
"Naku baka guni-guni ko lang yun! Sige na matulog ka na anak." Ngumiti ako, baka nga guni-guni lang ni Aling Susan yun dahil wala pa siyang tulog dahil sa akin. Hay sobrang nakakahiya...
"Sige po, magpahinga na rin ho kayo." Tumango-tango siya at naglakad na papunta malapit sa pintuan. Ng bubuksan na niya yung pintuan ay biglang bumukas eto!
"Susan!"
"Diyos me Karyo nagulat ako sa iyo… Bakit parang nagmamadali ka?"
Napalunok si Mang Karyo at napatingin sa akin. "Yung chopper kasi'y nariyan…" Chopper? Yun siguro yung narinig ni Aling Susan na malaking bagay na lumilipad. Anong ginagawa ng chopper dito, lalo na't madaling araw pa!
"Anong ginagawa ng chopper dito? Nakausap mo na ba si Kiko?" Si Kiko yung assistant pilot ni Captain Yuri, silang dalawa yung naghatid sa amin dito sa Batangas gamit yung chopper nila Keanne.
"Oo, bumaba nga siya agad nung nakita ako at sinabi sa akin na pinag-uutos ni Mrs. Lacey na sunduin nila si Thiara at ihatid na kaagad sa Maynila. Mukhang nakarating na sa kanya ang balita tungkol sa nangyari sa Papa mo Miss Thiara, condolence Hija."
Nakarating na kay Mrs. Lacey? Ang bilis naman ata... Nakakahiya naman at pinapunta pa niya yung chopper dito para sunduin ako. "Salamat ho Mang Karyo..."
"Naku Thiara, magbihis ka na at ako na ang bahala mag-ayos ng gamit mo. Karyo, bigyan mo muna sila ng kape at pakisabi na maya-maya ay lalabas na si Thiara." At mabilis na umalis si Mang Karyo, ako naman tumayo na at pumasok na sa banyo habang nag-aayos si Aling Susan ng mga gamit ko.
Napatingin ako sa salamin. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala na patay na si Papa. Napapikit ako at pinigilan ang pagbagsak ng luha sa mga mata ko. Darating na po ako Papa…
"Mauna na ho kayo Aling Susan, magpapaalam lang ho ako sa kwarto ko at susunod na ako."
Tumango naman si Aling Susan at binuhat nila ni Mang Karyo yung maleta ko pababa ng hagdan. Sinarado ko ng marahan yung naging kwarto ko. Mamimiss kita… Napangiti ako, napamahal na sa akin ang kwarto na yun.
Napatingin ako sa kwartong katabi nun. Naglakad ako at pipihitin ko sana yung door knob kaso pinigilan ko yung sarili ko. Tiyak mahibing siyang natutulog… Wala siyang alam sa nangyayari at mabuti yun…
Napangiti ako at kahit na alam kung hindi niya ako maririnig ay nagsalita ako sa intercom.
"Keanne… Will you miss me? Hindi siguro, tiyak matutuwa ka pa dahil aalis na ako pero ikaw mami-miss ko. Yung pagiging magagalitin mo na halos lahat na ata ng galit sa mundo na sa iyo na pag nagwawala ka. Yung pagiging masungit at reklamador mo..." Ngumiti ako, ang hirap palang magpaalam kahit na hindi mo siya kaharap.
Huminga ako ng malalim at nagsalita ulit sa intercom. "Hindi kita makakalimutan… Oo naman ikaw pa! Ikaw lang kasi ang nakilala kong tao na mahilig sa fireworks at sa simpleng bagay na yun ay masaya ka na. Ikaw lang kasi yung tao na kahit na masama ang ugali, may kabutihan pa rin sa puso na nakakapangiti sa isang tao. Ikaw lang kasi yung tao na nakilala ko na kahit hindi ako kilala ng lubusan, tinaggap at pinagkatiwalaan ako. Salamat Keanne…" At unti-unting tumulo yung luha sa mga mata ko. Napasinghap ako at napangiti… "Alam ko naman na pagnakita mo ako sa ganitong sitwasyon, ang sasabihin mo na naman… 'What the hell are you doing Thiam?'" Mamimiss ko talaga yun…
"Salamat ho Aling Susan, Mang Karyo…" Niyakap ko sila ng mahigpit. Mamimiss ko talaga sila…
"Kami nga ang dapat magpasalamat at nakilala ka namin dahil napakabuti mong bata at masaya kami dahil nakasama ka namin kahit sa maiksing panahon lang. Mag-iingat ka parati... Nalalaman namin na makakaya mo lahat ng pagsubok dahil napakatapang mo. Lagi kang magdarasal at ipagdarasal namin na makakayanan mo lahat pa ng darating ng dagok."
Tumango-tango ako at binitawan na nila ako. "Salamat po talaga..."
"Sige na bago pa tayo mag-iyakan, sumakay ka na." Tumango ako at umakyat na ako sa chopper.
Bago lumipad yung chopper ay napatingin muna ako sa balcony ni Keanne.
Napapikit ako at huminga ng malalim bago mahinang ibinulong sa hangin na sana ay makarating sa kanya. "Bye Keanne…"
I saw the chopper flew away. I went outside the balcony exactly the sun show up in the mountains.
I smiled. I know I did it for her good.
I looked up to the tiny chopper which is really flying away.
I sighed deeply.
"I will gonna miss you Thiam… Good bye…"
Dancing with my Father again
If I could get another chance
Another walk, another dance with him
I'd play a song that would never ever end
How I'd love, love, love to dance with my father again.
I and my momma would disagree
To get my way I would run from her to him
He'd make me laugh just to comfort me (ooh)
And finally make me do just what my mother said
Later that night when I was asleep
He left a dollar under my sheet
Never dreamed that he would be gone from me.
If I could steal one final glance,
One final step, one final dance with him
I'd play a song that would never ever end
How I'd love, love, love to dance with my father again.
Sometimes I'd listen outside her door
And I'd hear my momma cry for him
I'd pray for her even more than me
I'd pray for her even more.
-Kellie Coffey
"Miss Thiara, andito na po tayo…" Napamulat ako ng mata at nasinag ako sa araw. Napatingin ako sa labas ng bintana. Oo nga andito na kami sa Manila sa NAIA.
Tinignan ko yung relo ko, alas-siyete pa lang ng umaga. Sa buong biyahe, nakatulog lang ako.
Ngumiti ako kay Kiko at nagpasalamat sabay baba sa chopper.
Huminga ako ng malalim… Back to my normal life but the difference is I will never see Papa again smiling and waiting for me at our doorsteps.
I immediately texted my sister Corrs as I reached for a taxi cab. Sa bahay na daw namin ako dumiretso.
Pagdating ko dun, marami ng tao kahit na maaga pa lang. Napatingin sila sa akin at biglang nag-usap-usap.
"Hindi ba siya yung bunso ni General?"
"Oo siya nga..."
"Aba'y saan siya nanggaling at may dala pa siyang bag?"
"Hindi ko alam mare pero ang balita ko naging nurse daw yan sa isang pasyenteng hindi naman niya kilala!"
"Aba'y tulad pala ni Heneral napakabuti sa kapwa!"
Napapikit ako at naglakad ng mabilis papasok sa maliit na chapel. Magkatulad nga ba talaga kami ni Papa? Hindi ko napansin na may papalakad palang tao kaya bago pa ako nakaiwas ay may nabangga ako.
"Ano ka ba bakit hi-" Napahinto siya at nagulat ng makita ako.
"Thiara..." Tinulungan akong makatayo ni Kuya Tux. "Where did you arrive?"
Nginitian ko si Kuya at hindi ko napigilan na yakapin siya. Sobrang namiss ko yung parating nagagalit niyang boses.
"Kanina lang Kuya..." Napatingin sa amin yung mga tao at napadako naman ang tingin ko sa bagay na nasa altar.
"Kadarating lang ba ng katawan ni Papa?" Kilala ako ni Kuya, alam niyang napaka-prangka kong magsalita. Kung may gusto akong alamin, sinasabi ko talaga ng diretso.
Tumango siya at malungkot na napangiti. "Mga alas-singko kanina, hinatid ng chopper at si Tito Bayani mismo ang nagsabi sa amin na darating na ang labi ni Papa." Si Tito Bayani, isa ring magiting na heneral ay matalik na kaibigan ni Papa.