"Maari mo ding pasukin ang kamalayan ng Isang nilalang, mapahayop man sila o tao, maging skin walkers kaya mo. Hindi nagkakalayo ang gift mo Kay Dave." )
Going back..."Isang pagkakamali ang ginawa mong pagsunod saakin dito." Wika ni Mark. At muling nagpalit anyo ito bilang isang Skin walker. Mabilis ang galaw ni beam upang Ilagan ang mga atake ng halimaw.Tyempo namang dumating sina Dave at Randy.
"Dave mag uusap Tayo!" Wika ni Beam na may konting garalgal sa boses."Ha bakit?" Nagtatakang Sabi ni Dave."Princess ako na ang bahala dito." Wika Naman ni Randy ng matapilok ito sa sanga na nakabaon sa lupa."Randy ! Jusko!" Sambit ni Beam habang umiiwas Padin sa mga atake ng halimaw."Miss Okay lang ako." Sagot ni Randy at Sabay kumpas sa kanyang mga kamay. Mula sa ilalim ng lupa may mga ugat ng puno ang kumulupot sa halimaw.Si Dave naman ay hinawakan ang leeg ng halimaw at dito umilaw ang kanyang mata habang ang halimaw ay nag balik sa kanyang anyong tao. At Hindi ito makagalaw."Magkumpisal ka! Sino ang nag utos Sayo." Tanong ni Dave."Si ~" Hindi nakapagsalita ang lalaki ng biglang may bumali sa maliit na sanga, kung saan nangagaling ang buhay ng mga skin walker. Nang makita nila kung sino ang gumawa."Julianne? Anong ginagawa mo dito?" Gulat na Sabi nina Beam at Dave. Ilang sandali ay dumating din si Rose."Napaghigante ko na Sina mama, ate beam." Tulalang wika ng babae. Habang si Rose ay nakatitig lang sa babae."Hindi pwde, magsasalita na Sana sya kung sinong nag utos sakanya. Bakit Juls?" Naiiyak na Sabi ni Beam."Sorry ate, pero sinundan ko kayo. Tapos nalaman ko na ang skin walker na nandito ay ang pumatay sa mga magulang ko." Paliwanag ng babae."Tama na yan beam. Diba Sabi ni Queen Victoria kapag namatay ang skin walker ay maibabalik na ang gift na kinuha sa totoong host ng gift?" Sabi ni Dave."Oo" mahinang Sabi ni Beam at niyakap Naman sya ni Randy sabay sabing.."Miss importante naibalik na sa host ang gift na kinuha ng skin walker.""Tama si Randy, Ako nang bahala sa kalat. Babalikan ko sa Novaria si Madisson wag kayong mag aalala. " Wika ni Rose."Mabuti pa bumalik na Tayo." Wika ni Dave.Bago sila makalabas ng kakahuyan. Tinitigan ni Rose si Julianne at nagwika ng."Kung ano mang binabalak mo, Hindi ka magtatagumpay." Bulong ni Rose Hindi na umimik ang babae.Balik sa present.."Teka ate angel, Anong nakita nyo sa floor na akala nyo nandun si Nicole?" Tanong ni Beam."Wala pero parang Isang boses ang narinig namin, at dapat maalala ko kung sino yun!" Sagot ni Angel.Samantala sa Pantry..May mga kababaehan ang nag uusap tungkol sa nangyari sa asawa ni Sam."Oo, Sabi nahuli daw. Pero nung nahuli lumayas kasama ng kabet. Sad nga lang kasi, yung anak nila nasa daddy. Pero~" Hindi na natapos ang sasabihin ng babae maging yelo Ang kanyang bibig. Tyempo namang dumaan si Sam sa likuran nila at napangiti ito.Balik sa production floor.."Ikaw Julianne, next time wag ka nang sasama o lihim kaming susundan. Alam naming mga skin walkers ang pumatay sa mga parents mo pero, kami na ang bahala kami na ang gaganti sakanila para Sayo." Sabi ni Leah."Magsasalita na Sana ang skin walker na umatake Kay Madisson pero.." bumuntong hininga si beam at tumahimik.Ilang sandali pa ay dumating na si Miss Gemma."Hello team, kamusta kayo. Parang stress kayo. Hayaan nyo may palamig tayo Dyan sa labas." Ngiting Sabi ng kanilang team leader."Miss?" Tanong ni Julianne."Yes?" Sagot Naman ni Miss Gemma."You look different?" Sabi ni Julianne."Ha? What do you mean?" Nauutal na Sabi ni Miss Gemma na sa pagkakaalam natin nasa Novaria si Gemma dahil sa Isang mission. Ang nasakanilang harapan ngayon ay si Cathy nagpapanggap na si Gemma.Nang sabihin ito ni Julianne ay napatitig Naman Sina Beam, Leah, Angel at Dave.Itutuloy..