webnovel

Chapter 81

Editor: LiberReverieGroup

Pandigmang espirito ng Yan Bei! Ang pagkasabik ng mga sundalo ay kompletong napukaw. Sumakay sila sa kabayo nila at sumugod sa kalaban na mas marami pa sa bilang nila. Isang madugong labanan bawat kalye ang nangyari. Ang mga sundalo ng pwersa ng Southwest Emissary, na nababalitang mahina at duwag, ay naging larawan ng leon, umaatungal sa kalye at sinasaksak ang kanilang patalim sa kalaban.

"Master," pumunta si Xirui at Biancang na mula sa kapisanan ng Da Tong sa tore at matatag na nagtanong, "nakagawa na ng daanan sa kalaban ang Southwest Emissary Garrison. Ang ika-12, ika-19, at ika-36 na dibisyon ay nakatanggap ng malubhang kasawian mula sa kanilang paglusob. Gagawin na ba natin ang pag-atras ngayon?"

"Hindi, hindi pa rin ito sapat."

May bahid ng pagkabalisa na napatingin sa isa't-isa sila Xirui at Biancang. Base sa plano, ito na dapat ang oras para umatras. Nabulag na ba ng paghihiganti ang Master kaya natuon na siya doon?

"Ang mga maharlika ng imperyo ay buhay at maayos pa."

"Maharlika?" tanong ni Biancang. "Hindi ko maintindihan. Nawalan na ng commander ang Cavalry Camp at Green Army, at pumanig na sa atin ang pwersa ng Southwest Emissary. Ang ika-12, ika-19, at ika-36 na dibisyon ay dumanas ng malubhang kasawian. Tayo ang nanalo."

"Ano ngayon kung wala nang mga opisyal sa mga ranggo nila? Mayroon pa ring mga sundalo ang imperyo ng Xia na madaling pakilusin."

"Anong ibig niyong sabihin Kamahalan?"

Itinaas ni Yan Xun ang kanyang kilay, ang kanyang mata ay walang kahit anong simpatya. Malayo lang siyang nakatayo sa tore. Sa kanyang itim na roba ay pinatungan niya ng puting kapa na may burda ng agila at nililipad-lipad sa hangin.

"Kung hindi natin bubunutin ng buo ang ugat ng pwersa nila, madali lang silang magpakilos ng panibago ulit. Utusan ang lahat ng mandirigma ng Da Tong na sundan ako tungo sa Shang Wu Hall, kung saan hinahasa ng imperyo ang mga magiging pinuno ng militar sa hinaharap. Gusto kong mawalan ng mahusay na mga heneral ang royal family ng Xia na maaaring ipatawag, walang maaasahan na mga marshal para mamuno sa maraming taon pa na darating!" saad ni Yan Xun.

Sandaling natigilan sila Xirui at Biancang habang nakatingin sa binata. Ang hindi maampat na papatay na awra na inilalabas ng lalaking ito na kadalasan ay payapa at kalmado; ang matinding pagkauhaw sa dugo ay parang isang malaking tubig baha na nilalamon ang kabuohan ng royal capital.

Ay maramihang pagpatay ay mag-uumpisa palang ngayon. Ang simula ng pagwawasak ng syudad ng Zhen Huang ay isinaaktibo ng lalaking ito. Ang patalim ng paninira ay humiwa sa madilim na panggabing kalangitan at ang nakakabaliw na mga iyak ng paghihirap ay dumagundong sa gitna ng capital. Maaaring makalimutan ng kasaysayan si Zhao Zhengde ngunit may hindi malilimutang marka na iniwan si Yan Xun. Sa ika-20 araw ng Mayo, nagrebelde si Yan Xun at inutos ang pagpatay sa 3000 hinahasang opisyal sa Shang Wu Hall. Ang karamihan sa maharlika ng imperyo ay namatay sa isang laban na iyon!

Sa ilalim ng liwanag ng apoy sa sulo, ang lahat ng Shang Wu Hall ay sobrang tahimik dahil sa kakulangan ng utos at mamumuno. Mahusay ang mga maharlika ng imperyo at umatras para maiwasan ang spearhead ng unang rebelyon. Walang mga gwardya ang pinalabas para panatilihin ang kaayusan at dahil sa rason na iyon kaya malakas pa rin sila.

Ngunit, sa kalagitnaan ng gabi, ang labas ay biglang naging nagliliyab na impyerno at mga kalunos-lunos na sigaw ang nanggaling sa labas. Mayroong mga tinuturuan na nagtangkang lumabas ng paaralan ngunit ang nakaharap nila ay ang maayos na pormasyon ng mga mandirigma ng Da Tong na naghihintay para sa kanilang kamatayan. Sa maraming paulan ng mga palaso, walang kahit sino ang nakatakas. Sa makapal na kumpol ng tao, makikita ang dating prinsipe ng Yan Bei na dati ay laging nasa tagong gilid ng capital. Ngunit ngayon, ang parehong lalaki na may diretsong ang tindig na pigura ay parang isang anino ng kamatayan, at ang mga nakulong na opisyal na ito ay sumigaw sa takot, "Si Yan Xun! Dumating na ang traydor!"

Wala sa ayos na nagsisigawan, ang 3000 maharlikang sundalo ay nagkagulo na bago pa man sumugod. Hinamak sila ni Xirui ngunit hindi siya pinansin. Sa ikatlong beses, kalmado siyang inutusan ni Yan Xun, "nawala na ang kalooban nilang lumaban. Maiiwasan natin ang malapitang kumprontasyon at sunugin nalang ang buong lugar. Ang karamihan sa inyo ay magbantay dito at harangan ang tatakasan ng mga hayop na iyon."

"Duwag na Yan Xun! Kung matapang ka, halika at labanan mo ako mag-isa!" ang batang heneral na si Wei Shuhan na mula sa paksyon ng Wei ay sumigaw ng pagkalakas-lakas at inilabas ang kanyang espada. Ngunit bago pa man siya makahakbang ng isang hakbang pasulong ay bumaon na ang palaso sa kanyang leeg. Ang kanyang mga mata ay mapait pa ring nakatitig. Patay na siyang bumagsak sa labí ng impyerno.

Hindi man lang siya tinignan ni Yan Xun nang sumakay siya sa kabayo at nag-utos, "Bumalik na sa Cavalry Camp ngayon!"

Nang gabing iyon, ang pwersa ng Southwest Emissary ay kakapusan at ang pwersa ng gwardya sa capital ay halos mamatay na sa kaguluhan. Ang ika-12, ika-19, at ika-36 na dibisyon ay buong gabing nakipaglaban sa pwersa ng Southwest Town Emissary at parehong dumanas ng matinding kawalan. Agad-agad, gamit ang pisi ng parehong paraan, nagawang lipulin ni Yan Xun ang pwersa ng militar mula sa Shang Wu Hall, West Wing ng Cavalry Camp, at ang kabuuan ng ika-7 at ika-9 na hukbo. Sa huli, ay sadyang maraming kalaban kaya inutos ni Yan Xun na mabuksan ang kwadrang pandigmang kabayo at may kasamang paulan ng palaso, pinuwersa niya ang natitirang 2000 opisyal at sundalo ng ika-16 na kampo tungo sa Xi Wei Square. Pinilit na tumakbo ang mga pandigmang kabayo, isang pagdaluhong ang kumuha ng higit sa 1800 buhay, iniiwanan ang natitirang sugatan at baldado na dumadaing sa sakit sa labanan.

Iminungkahi ni Biancang na kompletuhin na ang akto ngunit iniling ni Yan Xun ang kanyang ulo at sinabi, "Iwanan natin ang mga baldado para ayusin ni Zhao Zhengde."

Sa alas-dos ng madaling araw, mas dumilim pa ang kalangitan at ang buong royal capital ay wasak. Iilan nalang ang natirang buhay sa mga kampo at ang huling pangkat ay bumalik galing Fuyi Yamen, inuulat na ang mga opisyal sa Fuyi Yamen ay nakatakas na. Pagkatapos pumatay ng daan pang mga sundalo, bumalik na sila.

Sa iglap na iyon, bukod sa 3000 gwardya na nasa ilalim ni Song Que at ang tatlong dibisyon na nakikipaglaban pa rin sa Southwest Town Emissary Garrison, wala nang lakas ang militar.

"Master, dapat na ba natin sabihan ang mga sundalo ng Southwest Emissary na umatras na? Oras na para tayo ay umalis na."

"Oo, oras na nga para umalis." Dahan-dahang tumango si Yan Xun habang nakatingin sa sunog na lupain na naiwan sa royal capital.

"Kung ganoon, sasabihan ko na sila tungkol sa utos."

"Tigil." Tumingin si Yan Xun kay Xirui at nagtanong, "Kailan ko nabanggit na dadalhin natin ang Southwest Emissary?"

Natigilan si Xirui at nagtanong, "Master?"

Tumalikod si Yan Xun at nagpatuloy magsalita, "Isinakripisyo ng Southwest Emissary Garrison ang sarili nila at nagboluntaryo na magpaiwan para harangan ang pagsulong ng mabangis na mga kalaban para panatilihin ang lakas ng Yan Bei. Sila ay tapat at totoo, at dapat tularan ng lahat ng mga sundalo!"

Napakunot ang noo ni Xirui at lumapit, "Ngunit, heneral..." bago pa man niya matapos ang kanyang sasabihin, pinigilan siya ni Biancang at tinakpan ang kanyang bibig.

"General Xirui, pakiusap huwag mong pagdudahan ang katapatan ng Southwest Emissary Garrison. Nanatili silang undercover sa capital ng maraming taon at tanging naghihintay sa pagkakataon na ito para lumaban sa imperyo." Nanatiling matatag ang tingin ni Yan Xun. Ang kalamigan sa kanyang tono ay kahit ano pero hindi magaling makitungo, na parang isang palaso na malalim na nakabaon sa puso ng marami.

Agad na sumagot si Biancang, "Oo, Master, talaga nga! Sila ay marangal sa pagsasakripisyo sa kanilang sarili para sa bansa, at lagi natin maaalala sila bilang halimbawa ng mga sundalo!" mahigpit niyang hinawakan ang damit ni Xirui sa takot na ang kakampi niya ay magsasalita ng mga bagay na kakainisan ni Yan Xun. Nang makita ang walang awang pagpatay ni Yan Xun kanina lang, wala siyang duda na ang parang mapayapang lalaking ito ay iuutos ang kanilang kamatayan sa isang kumpas lang ng kamay.

"sige, lahat ng pwersa ay umtras mula sa North gate. Pagkalabas, selyuhan ang gate!"

Ang marilag na pandigmang kabayo ay nagsitakbo palabas at ang gate ay pabagsak na sumara. Sa isang iglap na iyon, para bang dumilim ang langit at lupa, at ang mga sundalo ng Southwest Emissary Garrison na nakikipaglaban pa rin sa ika-12, ika-19, at ika-36 na dibisyon at hindi nakaimik at gulat na gulat.

Pagkatapos ng mahabang sandali, isang desperadong boses ang umalingawngaw, "Kamahalan! Buhay pa kami! Nandito pa kami!"

"Tayo ay inabandona na! Ipinagkanulo tayo!"

Tumubo ang takot sa kanilang mga puso at ang pormasyon nila na nakakapit nalang sa lubid ay kompletong nagkagulo. Tumakbo mula sa mga posiyon nila ang mga sundalo at nagsikalat, miserableng nagsisisigaw sa takot.

"Paano? Anong dapat gawin? Inabandona na tayo!"

Agad na kinuha ng commander ng ika-19 na dibisyon na si Fang Baiyu ang oportyunidad na ito para ayusin ang mga tauhan niya. Pinunasan niya ang landas ng dugo sa kanyang mukha at sumigaw, "Brothers! Sundan niyo ako! Patayin sila!"

"Nandito na ang Royal na hukbo! Nandito na ang tutulong sa atin!" sigaw ng mga sundalo ng ika-19 na dibisyon.

Nakasuot ng puting baluti at may hawak na mapusyaw na berdeng espada na may matalas at pirming tingin ang lalaking namumuno sa mga dagdag na kawal. Marilag na nangangabayo, para siyang larawan ng panalo, nililinis ang daan na mananatsahan ng dugo ng mga kalabang heneral.

"Ang ika-7 prinsipe! Dumating na ang mga dagdag na kawal niya!"

Sinusundan ang pagdating ng hukbong pinamumunuan ni Zhao Che, hinanda ni Zhao Yang ang sarili niya, para lang hawakan ng mahigpit ni Zhao Xiang ang kanyang renda. Nagbabala si Zhao Xiang, "Fourthteenth Brother, masyadong magulo ang capital ngayon. Hindi ka pinalabas ni ama, bakit ka makikialam sa bagay na ito?"

Napakunot si Zhao Yang at mahigpit na hinawakan ang kanyang espada. Pirmi niyang sinabi habang nakatingin sa kanyang nakakabatang kapatid, "Seventeenth Brother, gusto mo lang bang habang buhay na manatili sa lupa at tumingala sa iba? O gusto mong mataas na tumayo at ipagmalaki ang sarili mong kapangyarihan? Kung gusto mo yung panghuli, sundan mo ako palabas ngayon."

Namula ang mukha ni Zhao Xiang at sumakay sa kanyang kabayo na walang pag-aalinlangan. Inilabas niya ang kanyang espada at malakas na sinabi, "Fourthteenth Brother, kahit saan ka magpunta, susundan ka lagi ng nakakabata mong kapatid!"

Sumasang-ayon na tumango si Zhao Yang at tumingin sa kapita-pitagang gate ng syudad kung saan ang tunog ng labanan at kamatayan ay umalingawngaw mula sa kabilang parte. Inilabas ng batang prinsipe ang kanyang espada at pinatibay ang kanyang tingin.

Kung isasama ang kanyang personal na royal na gwardya, ang hukbo na ito na mayroon lamang kulang sa isandaan ay tumusok sa puso ng mga sundalo ng Southwest Emissary na parang isang mainit na kutsilyo na humihiwa sa mantikilya. Isang pag-ulan ng dugo ang nangyari, minamarkahan ang pag-angat ng bagong bituin sa imperyo sa gitna ng patayan.

Dumating si Chu Qiao sa dalampasigan ng Chi Shui kung saan naghihintay na si AhJing. Ang kabilang dalampasigan ay mayroong libong mga pandigmang sundalo na naghihintay sa pag-atras. Nang makitang dumating mag-isa si Chu Qiao, walang nagulat at agad na kumilos para dalhin siya patawid sa ilog. Bumaba ng kabayo si Chu Qiao at binati si Ahjing at ang iba. Napasimangot si Chu Qiao at matigas na nagtanong, "AhJing, iisa lang ang lumulutang na tulay. Ang pwersa ng Southwest Emissary ay mayroong lagpas sa sampung libong sundalo. Makokompleto ba nating makatawid sa tulay sa pag-umaga?"

Ngumiti si AhJing at tumango. "Ito ang utos mula sa prinsipe kaya siguradong ito ay tumpak. Itawid ko ba kayo muna?"

Diretso lang nakatayo si Chu Qiao at isang nakakatakot na kaba ang bigla niyang naisip, agad na namutla ang kanyang mukha na nagpapakita ng pagkasindak. "Binibini, anong problema?" Tanong ni AhJing.

Agad na itinago ni Chu Qiao ang kislap ng pag-aalala at ngumiti. "Wala lang iyon. Itawid mo na muna sila. Hihintayin ko si Yan Xun."

Napasimangot si AhJing. "Ngunit ang utos ng Kamahalan..."

"Hindi mo na kailangan mag-aksaya ng salita pa. Madali at tumawid na ng ilog."

Alam ni AhJing ang nararamdaman ni Chu Qiao at Yan Xun para sa isa't-isa, at isa itong bagay na hindi niya maaaring pakialaman. Tumango siya at hindi na nagpumilit pa.

Isang oras ang makalipas, matinding salpukan ng espada ang dumagundong mula sa timog silangang direksyon. Mas matindi pa ito kaysa sa nakaraang maliit na labanang nakaharap nila sa capital. Nanginig ang puso ni Chu Qiao. Sumakay siya sa kabayo niya at tumungo sa labanan.

"Binibini! Saan kayo pupunta?" nataranta si AhJing at sumigaw.

"Susunduin ko si Yan Xun!"

Hindi nagtagal, nakakita siya ng pangkat ng 5000 sundalo na tumatakbo papunta sa kanya. Nakasuot ng itim na kasuotan at baluti, ang itim na pandigmang bandila ay pumapagaspas sa himpapawid. Si Chu Qiao ay nalulugod, pagkalapit, nakita niya si Yan Xun na patungo sa kanya, ang roba ang pumapagaspas sa likuran niya na parang pakpak ng agila.

"AhChu!"

"Yan Xun, ayos ka lang ba?" sinalubong siya ni Chu Qiao na may ngiti ng kaginhawaan.