webnovel

Chapter 217

Editor: LiberReverieGroup

Habang nagsasalita siya, napagtanto ng lalaki na mali ang mga salitang nausal niya. Paanong Heneral pa rin ang itatawag kay Chu Qiao, nang tinraydor niya ang Yan Bei?

"Heneral, ako... ako'y..." hindi na nagsalita pa si AhJing tapos ay tumalikod upang umalis. Suminag ang liwanag ng buwan sa kanyang katawan, nagmumukhang maputlang kulay ng puti.

Namimiss na ng Yan Bei ang kanyang presensya; hindi lang nag-iisa ang lalaking iyon. Ang tadhana ay madalas na hindi mababaligtad, tulad ng palasong naitira mula sa pana.

Bahagyang umiling si AhJing habang ipinapatong niya sa kanyang balikat ang mabigat na manto para mainitan.

Nagising si Hongye sa tunog ng ulan sa dapit-hapon. Umupo siya sa banig sa malaking malungkot na palasyo, habang ang malaberde niyang asul na roba ay bahagyang namamantsahan ng pawis. Habang umiihip tungo sa kanya ang malamig na hangin, umakyat sa kanyang likod ang ginaw gamit ang mga malamig na butil ng pawis, dahilan para kilabutan siya. Marahan niyang hinimas ang kanyang balat, tapos ay nalamang mas malamig ang kanyang mga daliri.

Sa kabilang parte ng banig, isang malinaw na puting sulat ang tahimik na nakalapag doon. Medyo sira na ito, pinapakita na maraming beses na itong nagamit. Ang tingin ng kanyang mata ay malamig habang ang patak ng ulan ay tumutulo sa lupa, bawat patak. Ang mga chime sa bintana ay nagsimulang tumunog na may malinaw at malinis na tunog habang bahagya at eleganteng umuugoy ang mga kurtina sa palasyo tulad ng mananayaw na ikinekembot ang bewang.

Ang nilalaman ng sulat ay:

"Kritikal ang sitwasyon. Kapatid, mayroon kang tatlong pagpipilian. Una, pwede mong lipulin ang pamilya Nalan at ang bata nitong emperor, tapos ay ikulong ang nakatatandang prinsesa at patayin ang Hari ng Pujiang. Sa paraang ito, makukuha mo ang buong kontrol sa kapangyarihang pulitikal ng Song. Pangalawa, maaari mong pakasalan ang nakatatandang prinsesa at ibigay sa sarili mo ang titulong 'Hari ng Shezheng'. Sa paraang ito, mahaharap mo ang Hari ng Pujiang, abandonahin ang mga probinsya sa kahabaan ng silangang rehiyon, at ipreserba ang lupa sa kabisera. Pangatlo, maaari kang humiling sa Xia ng pagkakaisa sa pamamagitan ng kasal, ngunit hindi mo maaaring yamutin ang mga maharlika ng Xia, sakaling mapaalis sila at mapalitan. Ang taong ito ay kinakailangang may kalakhang kapagyarihan sa militar, kailangang nasa tamang edad, kailangang isa sa mga maharlikang aristokrata doon na may kalakhang sumusuporta at kapangyarihan. Pinaka mahalaga, kailangang sapat ang ambisyon ng taong ito upang pagnasaan ang imperyo ng Xia. Oras na maipadala ang mga imbitasyon ng kasal, hindi mangangahas ang Hari ng Pujiang na magpadala ng mga sundalo tungo sa kabisera. Oras na matapos na ang tagsibol, kapag ipinadala ni Jiang Yong ang kanyang hukbo sa silangang rehiyon, maiiwasan ang krisis."

Hindi na kailangan pang pag-aralan ang sulat sa ilalim ng liwanag; lahat ay nasabi na. Tahimik na sumandal si Hongye sa gilid ng kanyang higaan, isang malalim na tingin ang nasa kanyang mata. Sa totoo lang ay mayroong isa pang paraan, kung saan ay bumuo ang Yan Bei at Song ng pagkakaisa sa pamamagitan ng kasal. Hindi lang maiiwasan ang krisis tungkol sa pagrerebelde ng Hari ng Pujiang, mas mapapalakas pa ang pwersa ng Yan Bei. Magagawa nilang pagitnaan ang Xia mula sa silangan at kanluran, pinalalakas ang isa't-isa. Gayumpaman, natural na hindi ito gustong gawin ng lalaki. Hindi nito naisip ang bagay na ito dati.

Isang lalaki na nasa tamang edad na may kalakihang kapangyarihan sa militar, pinanganak sa mga maharlikang pamilya ng Xia at gutom sa kapangyarihan. Ilang taong ganoon ang mayroon sa mundong ito?

Inangat ni Hongye ang gilid ng kanyang labi, nagpapakita ng malungkot na ngiti.

Kapatid, matapos ang lahat ay hindi mo kayang bumitiw.

Sa kasalukuyan, naglalaban ang Xia at Yan Bei. Ang etnikong minorya ay gumagawa ng kaguluhan sa hilagang-silangan. Sa loob ng bansa, mayroong agawan ng kapangyarihan sa loob; makikita na nasa binggit ng pagkasira ang pamilya ng hari. Maraming taon na rin na hindi nagkakasalungat ang Song at Xia; ang kanilang diplomatikong ugnayan ay mas malakas kumpara sa Song at Tang. At saka, ang Song ay mahalagang sentro ng kalakalan na masagana. Hindi bibitawan ng Xia ang pagkakataon na bumuo ng pagkakaisa sa Song sa oras na ito. Gayumpaman, ang lalaking ito na may hawak ng kapangyarihan sa militar, na siya ring Chief Marshal ng hukbo ng Xia, ay ang Hari ng Qinghai. Sinusuportahan din siya ng makapangyarihan niyang pamilya. Paano siya madaling mamamanipula ng iba?

Matapos ang dalawang malaking salungatan sa Yan Bei, sinong hindi makakaalam ng debosyon ni Zhuge Yue sa Heneral ng Xiuli? Siguro, sa mata ng ordinaryong tao, isang suliranin sa pagitan ng kapangyarihan at pag-ibig ang kumakaway sa kanya. Aling parte ang pipiliin ni Zhuge Yue kapag nakaharap ang desisyon na ito? gayumpaman, alam niya na ang pag-iisa sa pamamagitan ng kasal ay nakatadhanang bumagsak, hindi dahil kilalang-kilala niya si Zhuge Yue, bagkus ay kilalang-kilala niya din si Yan Xun.

Paano ka uupo lang at papanoorin ang karibal mo sa pag-ibig na bumuo ng alyansa sa Song, at magiging Hari ng Shezheng? Sa paggawa ng suhestyon na ito, sigurado kang hindi madaling kaharapin ang taong ito.

Sa paggawa nito, ang salungatan sa Song ay pansamantalang maiiwasan. Mapapalayo din si Zhuge Yue mula sa pulitikang pangyayari ng Xia, dahil niyamot ang mga opisyales ng parehong Xia at Song. At saka, kapag nangahas siyang tanggihan ang alok ng kasal, ang impluwensya ng pamilyang Zhuge sa ekonomiya ng Song ay papabagsakin ng pamilya ng hari sa Song. Sa paraang ito, ang posisyon ni Zhuge Yue sa kanyang pamilya ay maaapektuhan. Kahit na siya ang tiyak na pigura ng kapangyarihan sa Xia, siya ay mabigat na masasangkot.

Ang resultang salungatan sa pagitan ng Qinghai at Xia ay ang perpektong oportyunidad upang lumusob ang Yan Bei, magbibigay ng mabigat na pinsala sa parehong hukbo.

Naisip niya ang ibang mga pangyayari noon pa man, ngunit hindi binanggit ang kanyang tugon ng matagal na oras.

Tunay na kakila-kilabot si Yan Xun. Ang kanyang mga salita ay sapat na upang bumuo ng malakas na ulan sa Xia. Gayumpaman, hindi niya inaasahan ang isang bagay – ang kanyang kapatid, si Xuan Mo, ay ang nakatatandang prinsesa talaga ng Song, si Nalan Hongye.

Sa kadiliman, siningkit niya ang kanyang mata habang inaasam ang bagyong paparating. Ang lahat ng kanyang emosyon at paniniwala ay pumaibabaw sa kanyang isip. Hindi alam ng lalaki na si Xuan Mo ay si Hongye talaga. Paulit-ulit niyang inisip sa kanyang sarili: Kung alam niya, siguradong hindi niya ako gagamitin bilang tauhan para sa kanyang balak.

Gayumpaman, mayroong natatagong pakiramdam ng kapaitan at kalungkutan na naramdaman niya. Matapos ang lahat, hinihiling ng lalaki na pakasalan niya ang iba.

Kapatid, isa kang dalubhasa sa pagpaplano. 12 taon na nating kilala ang isa't-isa ngunit nagpabaya ka. Si Xuan Mo ay hindi talaga si Xuan Mo. Hindi mo pa ba ito napagtatanto?

Nag-ipon siya ng lakas sa kanyang mga daliri upang mahigpit na hawakan ang sulat. May mababang boses, inusal niya sa kanyang sarili, "Kapatid, dahil may ganito kang intensyon, anong mali sa akin na tulungan ka?"

Mabilis na lumubog sa kaguluhan ang syudad ng Zhen Huang. Sa ilalim ng palayok ng kumukulong tubig, hindi na malaman pa kung anong ang kumukulo sa loob nito.

Matapos ang deklarasyon ng pagpapakasal na ginawa ng Song, isang malaking komosyon ang sumabog sa loob ng kabisera ng hari. Hindi ito ang unang beses sa kasaysayan na pakakasalan ng isang prinsesa ang isang lalaki na mababa sa kanyang estado. Gayumpaman, dahil lamang ito sa katotohanan na walang prinsipe na nasa tamang edad. Sa kasalukuyan, maraming prinsipe na nasa tamang edad, kasama na doon si Zhao Che at Zhao Yang, lalo na si Zhao Yang kung saan ay matatag ang posisyon. Sa kapangyarihan na nasa kanyang kamay, makikitang siya ang pangunahing pipiliin para sa Xia.

Ang kapangyarihan ng Song ay hindi na rin ganoon katatag kumpara sa nakaraan. Dahil bata pa si Nalan Heqing, kinuha ni Nalan Hongye ang kapangyarihan ng imperyo ng maraming taon. Kahit na isa siyang prinsesa sa pangalan, sa totoo lang ay siya ang babaeng emperador ng Song. Ang kapareha niya ay hindi lang isang ordinaryong kapareha—siya ay magiging Hari ng Shezheng ng Song. Sa ilalim ng mga pangyayaring ito, hindi inaabiso sa kanila na ihalo ang kapangyarihan ng kanilang pamilya ng hari sa isa pang imperyo. Gayumpaman, hindi matatag ang loob nila, at kailangan ng mapagkukunan ng kapangyarihan na manggagaling sa labas upang kumontrol sa Shenzheng para patatagin ang sitwasyon. Sa pananaw na ito, mas makatwiran ang lahat. Gayumpaman, nang binasa ng sugo ng Song ang pangalan ni Zhuge Yue sa korte ng Xia, ang buong pulitika ay naalog muli.

Dalawang taon ang nakakaraan, kumalat pabalik sa Xia ang pagkamatay ni Zhuge Yue. Habang ang mga sundalo ng Xia sa Yanming Pass ay nakaranas din ng mabigat na pagkatalo, ang reputasyon niya ay lubusang nasira. Walang sinuman ang inaasahan na magiging utak siya ng muling paglitaw sa Qinghai dalawang taon ang makalipas, pinangunahan ang kanyang mga sundalo pabalik ng nakaraan niyang bansang tinitirahan na may rangal, lalo pa na maging pinaka makapagyarihang tao sa korte ng Xia. Kahit si Zhao Yang ay kailangan siyang respetuhin. Sa kasalukuyan, ibinigay ng prinsesa ng Song ang kamay nito sa kanya. Oras na pakasalan siya ni Zhuge Yue, sa lupain ng Xia na nasa kanilang mga kamay, kasama ang pwersa ng militar ng Qinghai at ang pagsuporta ng Song, ang impluwensya ng kanyang pamilya ay mas tataas pa. Walang dudang si Zhuge Yue ang magiging pinaka makapangyarihang opisyal sa Xia. Sa kabila ng mga kakila-kilabot nitong kakahinatnan, ang pamilya ng Zhao ay hindi magawang tanggihan ang mapanganib na pagkakataon na ito.

Isantabi ang kasalukuyan na sitwasyon nila sa ekonomiya at ang salungatan sa hilagang-kanluran, makikita na may hindi alam na relasyon sa pagitan ng Yan Bei, Song at Tang, base sa nakalipas na mga digmaan sa hilaga. Sa kasalukuyan, sa pag-alis ng Heneral ng Xiuli, si Chu Qiao, mula sa Yan Bei, ang relasyon nila sa Tang ay nasira na. Paano ang Song? Kung magdedeklara ng digmaan ang Xia sa Yan Bei, anong aksyon ang gagawin ng Song tungo sa sitwasyon na iyon? At saka, kung pinakasalan ng nakakatandang prinsesa ng Song si Zhuge Yue, mababaligtad ba ang sitwasyon?

Sa kabila ng maraming walang kasiguraduhan sa hinaharap, walang pagpipilian ang Xia kung hindi ay isangkot ang sarili nila sa sitwasyon na ito. Matapos ang lahat, ang mga inaalala nila ay wala lang kumpara sa salungatan sa hilagang-kanluran. Sa isang buwan, kapag natunaw na ang yelo, kakatok muli sa pinto ng kanilang landas ang mga sundalo ng Yan Bei.

Nang hapon na iyon, tatlong mensahero na nagdadala ng imperyal na utos ng emperador, sikretong palitan ng sulat sa pagitan ng mga pamilya, pati na rin ang pribadong impormasyon mula sa mga tauhan ni Zhuge Yue ay sunod-sunod na umalis sa Zhen Huang tungo sa Nuanshui Ridge.

Nakaupo si Zhao Yang sa malaking bulwagan habang iniinom ang kanyang tsaa. Suminag sa bulwagan ang araw mula sa labas at tungo sa kanyang makisig na mukha. Ang ika-16 na prinsipe, si Zhao Xiang, ay nakaupo sa tabi niya, habang inaaliw siya ng nagsasalitang parrot. Taas-baba ang ulo ng parrot, tumutuka sa butil na nasa palad ni Zhao Xiang habang maraming kung ano-anong salita na hindi maintindihan ang inusal nito. Nagalit dito si Zhao Xiang, habang paulit-ulit niyang minura ang parrot.

"16th Brother, anong pananaw mo tungkol sa mga bagay na ito?" nagbuka ng bibig si Zhao Yang at nagtanong. Ang loob ng malaking bulwagan ay mainit; isang makapal na karpet ang nakalatag sa sahig. Mabangong mga halimuyak ang inilagay sa insenso. Hindi inililingon ang kanyang ulo, tamad na sumagot si Zhao Xiang, "Aling bagay?"

"Iyong tungkol sa kasal ng prinsesa ng Song."

Nahuli ang atensyon ni Zhao Xiang tapos ay inilingon niya ang kanyang ulo at galit na sumagot, "Iyong Zhuge na iyon ay napakaswerte. Matapos mamatay ng isang beses, dinala niya pabalik ang tapat na hukbo ng libong daan. Ngayon, tila naka jackpot siya muli. Nakakainis iyon."

Walang emosyon na nag-usisa si Zhao Yang, "Dahil ba talaga sa maswerte siya?"

Hindi naintindihan ni Zhao Xiang ang intensyon sa likod ng mga salita ng kuya niya. Mababa ang boses niyang sumagot, "Kung pagbabatayan, dapat ikaw ang pinili ng prinsesa ng Song, 14th Brother, upang maging asawa niya. Kung hindi ikaw, si 7th Brother dapat ang napili. Bakit nasa pagpipilian si Zhuge Yue? Narinig ko na tinatawag siyang pinuno ng mga taga Qinghai. Sa aking opinyon, hindi magtatagal ay siya ang magiging Hari ng Shezheng ng Song. Ang mga susunod na emperador ay papalitan din sa Zhuge ang kanilang mga apelyido. 14th Brother, sa tingin mo ba ay napag-isa ng Xia ang Song?"

Bahagyang napatawa si Zhao Yang habang pinahayag niya, "Ibang klaseng paraan upang gawin iyon. Sa tingin ko ay magiging mas malaking problema ang pamilya Zhuge sa hinaharap kaysa sa pamilya Nalan."

Napaisip ng matagal si Zhao Xiang bago sinabi, "Gayumpaman, kahit na kakaiba si Zhuge Yue, hindi masama ang kanyang karakter. Tapat siya at mahal ang kanyang bansa."

"Tapat at mahal ang kanyang bansa?" tumingin si Zhao Yang kay Zhao Xiang mula sa gilid ng kanyang mata habang sinabi niya sa mabigat na tono, "Ganito talaga ang tingin mo sa kanya?"

"Nasa pareho kaming klase noon sa Shang Wu Hall. Determinado siya sa kanyang iniisip, hindi katulad ng ibang maharlikang aristokrata. Makatwiran din siya. Sa tingin ko ay karapat-dapat siyang tumulong sa pagpapatong ng korona sa susunod na emperador."

"Karapat-dapat na tumulong?" hindi makapaniwalang napailing si Zhao Yang habang nagpatuloy siya, "Paano siya sasailalim sa iba? Kahit na mahal niya ang kanyang bansa, hindi siya magiging tapat sayo o sa akin."

Nalilitong tumingin si Zhao Xiang kay Zhao Yang.

Hindi na nagpaliwanag pa si Zhao Yang at piniling magpatuloy na magsalita, "Hindi ganoon kasimple ang mga bagay tulad ng nakikita. Siguradong may makapangyarihang pigura na nasa likod ng mga pangyayari. Gayumpaman..." bigla siyang malamig na tumawa habang nagpatuloy siya, "Iniisip ng lahat na ang oportyunidad na ito ay ipinresenta sa kanya sa isang pilak na lalagyan, ngunit hindi ganoon ang iniisip ni Zhuge Yue. Sa wakas, may naglalantad na ng tunay niyang kulay. Gusto kong makita kung paano tutugon sa sitwasyon na ito ang Hari ng Qinghai."

Ito ang kakalmahan bago ang papadating na bagyo—isang malakas na bagyo.

Nnag gabing iyon, gabing-gabi na nang nakatulog si Zhuge Yue. Habang nagliliwanag ang kalangitan, sumandal siya sa gilid ng kanyang higaan, pagod, habang ang kanyang isip ay malayo ang nilalakbay. Tila nabalik siya sa kanyang bangungot, nararanasan muli ang mga alaalang matagal nang nakalimutan. Marami siyang aninong nakita na pumapaikot sa kanya, habang nararamdaman niya ang kanyang katawan na naninigas sa lamig. Isang maberdeng kamay ang humablot sa kanya at tinulak siya kasabay sa alon sa ilalim. Pulang dugo ang tumutulo palabas, humahalo sa kasing lamig ng yelong tubig.

Mapula ang mata ni Yue Jiu habang ginagamit nito ang lahat ng lakas niya upang hilahin siya. Suminag ang araw sa mga bitak sa nagyelong ibabaw ng lawa, habang mahinang kislap ng liwanag ang nakita sa ilalim ng tubig. Narinig niya ang tunog ng pag-uusap ng tao sa ibabaw ng tubig. Malakas at malinaw ito, habang naglakbay ito sa tubig at tungo sa kanyang tainga.

"Mabuhay ng matagal ang Emperador!"

Alam niya kung anong nangyayari. Inisip ng mga taga Yan Bei na namatay na siya. Iyong sigaw na iyon ay gawa ng mga mandirigma ng Yan Bei na nagbibigay ng respeto sa namumuno sa kanila.

Unti-unting lumakas ang mga sigaw na iyon. Bukod sa tunog na iyon, wala na siyang iba pang naririnig. Lubos siyang natalo ng kanyang kaaway. Simula pagkabata, hindi siya natalo sa ganitong paraan. Gayumpaman, ngayon na natalo siya, buhay ang ibabayad niya sa pagkatalo niya.