webnovel

Chapter 10

Editor: LiberReverieGroup

Halos mawalan ng malay si Chu Qiao sa kanyang mga narinig. "Gaano na sila katagal na wala? Gaano katagal?" tanong niya habang nakakapit sa damit ng babae.

Tumingin si Chu Qiao kay Xiao Ba na nakatayo sa may pintuan. Pulang pula ang mata nito sa kakaiyak at nakatitig lang pabalik sa kanya. Nang magtagpo ang mata nila, walang nagsasalita ngunit parehong tumutulo ang luha nila.

"Kailangan ko nang bumalik, Yue Er. Mag-ingat kayong dalawa. Narinig ko na puntirya ka talaga ni Butler Zhu, may nagawa ka ba sa kanya?"

Walang nagsasalita kaya't naging tahimik sa loob ng silid. Napakalaki ng lugar kung nasaan sila pero tanging sila lang ang naririto.

Pagsapit ng 3 nang madaling araw, ay siya ring pagtunog ng drum. Ang natitira sa pamilyang Jing ay tahimik na naglalakad sa Qingshi forest papunta sa Ting Lake na nasa likuran ng bahay ng mga Zhuge. 

Sa tuktok ng burol ay lumuhod si Chu Qiao bago sinabihan si Xiao Ba na nasa kanyang tabi, "Xiao Ba, lumuhod ka at magbigay pugay sa ating mga kapatid."

Batang bata pa si Xiao Ba ngunit kailangan niyang harapin lahat ng mga nangyari sa kanila ngayon. Hindi na makikita sa mukha nito ang kamangmangan na meron sa isang bata. Tahimik siyang lumuhod, at tatlong beses na nag-kowtow sa direksyon ng lawa.

"Gusto mo bang umalis na dito?" mahinahong tanong ni Chu Qiao sa kanya.

"Opo." diretsong sagot ito.

Diretsong tumingin si Chu Qiao sa kanyang harapan. Naningkit ang mata nito bago malumanay na nagsalita, "Pangako sayo, makakaalis tayo dito. Pero bago iyon, may kailangan muna tayong gawin. Pag natapos ang lahat aalis din tayo agad."

Tumango lang si Xiao Ba sa kanya, muli itong yumuko bago sinasabing, "Ate Zhi Xiang alam kong lagi kang nagdarasal sa Panginoon, pero alam kong hindi mo alam na wala kang mapapala doon. Gabayan mo ang mga kapatid natin at magsimula ng panibago. Darating rin ang araw na ma-ipaghihiganti ko kayo.

Malakas ang ihip ng malamig na hangin sa madilim na gabi. Sa tuktok ng burol ng Qing Shi Forest ay may dalawang bata na magkatabi na nakahiga at mahigpit na hawak ang kamay ng isa't-isa.

Disyembre na, sa hilagang kanlurang bahagi ng border; ang mga taga Quan Rong ay lumusob na at sinusunog ang lahat ng makita nila sa kanilang daraanan.

Sa loob ng dalawampung araw, mas tumindi ang digmaan, at maraming tao ang nasangkot sa bakbakan na ito. Nasa espesyal na lokasyon ang Northwestern gates, nasa pagitan ito ng sakahan sa bandang kanlurang bahagi, nasa kamay ito ng Ba Tu Ha Clan. Samantalang ang Northern Yan naman ay isang teritoryong kontrolado ng Hari ng Yan. Ilang taon nang naglalaban ang Old Ba Tu Ha at ang Northern Yan's Lion King. Sa ngayon ang Mu He Clan na sumusuporta sa Old Ba Tu ay nagkaroon ng matatag na impluwensya sa imperyal na siyang dahilan sa pag-angat ng Old Ba Tu. Sa panahon na kontrolado nila ang militar, naging marahas sila at dumanak ang dugo, tinanggal rin nila ang lahat ng mga opisyal na nakatakda doon. Pinapadala ang mga kabataan papunta sa hilaga para pasukin ang may pinakamalaking sakop na sistema ng militar. Nang mangyari ito, pinalitan nila ang mga batikang heneral at pinalitan ng mga bago at walang karanasan.

Ito ang dahilan kung bakit sinasalakay ng mga Quan Rong ang border. Hindi pinalagpas ng mga taga Quan Rong ang pagkakataong ito. Nabuksan nila ang unang daan papunta sa mga gate, nakapasok sila at tinungo ang lupain sa kabilang dako nito.

Mabilis na nakabawi ang Ba Tu Ha sa biglaang atake, ngunit dahil sa kakulangan sa kaalaman sa kalaban nila ay hindi naging maayos ang kooperasyon ng mga pinadalang sundalo. Lalo lang gumulo sa mga hukbo. Agad namang nagpadala ng sulat pa kapitolyo na humihingi ng tulong sa mga Zhen Huang.

Ito ang pang-27 na araw mula sa huling bagong buwan. Isang wasak na bituin ang lumitaw at nagtago si Zhao Ming. Ang propesiya na mula sa pari ng Qin Temple ang siyang nagsasabi na: Walang bahala ang Taihe star na siyang tubig ng chi ay malamig. Isang delubyo ang paparating.

Matagal na nagusap ang pitong pamilyang, bago makarating sa desisyon na ipadala ang mga brigada ng Huang Tian sa mga gate upang maging matatag sa hilagang parte.

Matapos mapagkasunduan, agad na nagpadala ng utos sa Sheng Jin Palace na sinang-ayunan ng emperor.

Ilang saglit pa ay nilamon ng malakas na hangin ang kapitolyo ng Zhen Huang. Sa madilim na gabi ay rumaragasa ang tubig sa ilalim ng yelo ng ilog.

Sa mga oras na ito, si Chu Qiao ay nasa northern pavilion at naghahanap ng winter cat snakes sa mga damuhan. Isang malakas na sirena ang biglang tumunog sa di kalayuan. Dahan-dahan siyang tumayo bago tumingin sa direksyong ng timog na bahagi ng Zhen Huang City. Dito matatagpuan ang Cheng Jin Palace.

Hindi naging madali na baybayin ang madilim na daanan.

Malakas ang pag-ulan ng nyebe kung kaya't kinabukasan ng hapon ay tambak na ito. Sa ilalim ng Qing Shan Pavilion ay may dalawang white jade snow-dogs na kumikinang dahil sa sinag ng araw. Hindi magawang titigan ng mga dumadaang taga-linis ang mga ito sa takot na mapahamak pa sila. 

Nakasuot si Jin Cai ng isang traditional vest na gawa sa balat ng isang sable at isang pulang bestida. Napakaganda niyang tignan habang nakatayo siya sa gitna ng daang puno ng nyebe. Siya ang naninilbihan sa tabi ng Fourth Young Master. Kahit na halos labing tatlong taong gulang palang siya, mayroon siyang balingkinitan na katawan na kaaya-aya sa mata. Napakabait nito sa tuwing nasa tabi niya ang kanyang amo ngunit mapagmataas ito kapag wala ang Fourth Young Master. Masungit itong nakikipag-usap habang tinititigan ang mga bata na may pagkasuya. Manipis lamang ang suot ng mga kabataang may dala-dalang jade dogs. "Hawakan niyo yan ng mabuti. Buhay ang jade na yan ayon sa young master. Magiging makinis at malinaw ito kapag magkaroon ng contact sa enerhiya ng tao. Dapat nga nagpapasalamat kayo na sa Fourth Young Master kayo naninilbihan. Kaya wag kayong tatamad tamad! Kapag may sumuway sa akin, papakaladkad ko kayo sa Ting Lake para ipakain sa mga isda!"

Tumango lang ang mga bata habang umismid si Jin Cai pabalik sa flower room.

Mas lalong naging malamig pagkatapos umulan ng nyebe. Walang silbi ang pagsuot ng ferret coat, samantalang ang mga bata ay manipis lamang ang kanilang mga suot na damit. Ilang sandali lang at frozen na ang kanilang mga labi.

Dala ni Chu Qiao ay isang tray ng peach pagbalik niya galing sa Lan Shan Yard. Mabilis na lumabas si Jin Cai nang makita niya ito at agad na tinawag. 

Huminto si Chu Qiao sa paglakad bago humarap kay JIn Cai na may mapulang mukha. "Ate Jin Cai, may problema po ba?" tanong nito.

"Natutulog ang Fourth Young Master, akin na yan." 

Nakangiting tumango si Chu Qiao habang inaabot kay Jin Cai ang tray. Pabalik na si Jin Cai sa flower room nang may narinig silang sigaw mula sa Xuan Hall. Natataranta nitong nilapag ang tray bago tumakbo papunta sa silid.

Bago pa man niya marating ang pintuan, isang makulay na bagay ang lumipad at dumaplis sa kanyang mukha. Malambot ito at malamig na madulas at may malansang amoy.

Tinignan ni Jin Cai kung ano ito at nakita na isa itong maliit na ahas. Takot na takot siyang nagsisigaw hanggang sa matumba siya. 

Tumakbo si Chu Qiao papasok ng silid at nakitang nakaupo si Zhuge Yue na may tumutulong dugo sa kanyang pulso. Agad niyang nilapitan si Zhuge Yue at kinuha ang kamay nito habang inaabot ang kutsilyo na nasa lamesa bago hiniwa ang sugat nito.

Nakita ito ng mga naninilbihan na nasa labas bago nagmamadaling pumasok para pigilan ang lapastangang alipin.

Taas kilay namang pinigilan ni Zhuge Yue ang mga ito. Nakita nilang kung paanong hiniwa ni Chu Qiao ang sugat nito ng pa-kross bago niya pisilin at sipsipin ang lason. Agad niya rin naman itong dinura bago nagmamadaling sinabi, "Young Master, huwag po kayo masyadong kumilos para hindi mabilis na kumalat ang lason sa katawan mo. Tatawag lang po ako ng doktor."

Sa mga oras na ito, napakaraming tao sa may pintuan. Natulak ni Jin Cai si Chu Qiao na nasa tabi ni Zhuge Yue sa kanyang pagmamadali, "Young Master, kumusta ka po?"

Nainis si Zhuge Yue nang hilain ni JIn Cai ang kamay niya kaya agad nitong sinipa sa dibdib bago sumigaw ng, "Alis!"

Nagsisigaw si Jin Cai pagkatalsik nito sa sahig nang makita niya ang napakaraming ahas. Sadyang nakakatakot itong makita.

Nagsindi kaagad si Chu Qiao ng kandila para paalisin ang mga ahas. Mabilis naman niya itong nataboy sapagkat takot sila sa apoy.

Sa paglisan ng mga tao ay ang pagdating rin ng doktor ng pamilya ng mga Zhuge. Nagluhuran ang mga taga-silbi ng Qing Shan Court na kita ang takot sa kanilang mga mukha.

Dumating ang doktor ng mga Zhuge habang ang mga naninilbihan sa Qing Shan Court naman ay nasa may pinto, nakaluhod. Bakas sa kanilang mga mukha ang takot.

Matapos ang ilang sandali, mag-isang lumabas ang doktor bago nagtanong, "Sino si Xing Er?"

Tumayo si Chu Qiao mula sa kanyang pwesto. Napakaliit nito at batang bata pa, itinaas niya ang kanyang kamay bago halos sinabing, "Ako po."

Hindi inakala ng doktor na isang bata ang taong hinahanap niya. Tulalang kinausap ng doktor si Chu Qiao, "Pumasok ka sa loob, sinabihan ako ng Fourth Young Master na tignan ka rin dahil sinipsip mo daw yung lason galing sa kanya."

Maraming naroroon sa oras na ito at lahat sila ay nagulat sa kanilang narinig. Lahat sila ay nakatingin kay Chu Qiao. 

Napalitan naman ng takot ang ekspresyon ni Chu Qiao habang lumuluhod siya. Nagpapasalamat siya sa awa ng young master sa kanya. Pagkatapos ay sinundan niya ang doktor papasok sa Xuan Hall. 

Sa malamig na simoy ng hangin, nagbago ang pananaw nila kay Chu Qiao, para sa kanila na buong pusong tinatanggap ang may kakayahan at kinamumuhian ang mga mahihina.

Ilang saglit pa ay lumabas si Chu Qiao na walang bahid ng kahit anong pagmamalaki sa mga kilos nito.

Pumasok sa silid sina Jin Cai, Jin Chu, dalawang tagapag silbi at ilang matataas na opisyal pagkaalis ng doktor. Nakasandal si Zhuge Yue sa kanyang upuan, "Sino ang nakatakda ngayong araw na to?"

Tumingin si Jin Chu kay Jin Cai, namumutla ang mukha nito sa takot. "Young Master, Ako po, may ano lang po…" utal niyang sagot.

"Wag ka nang magsalita, alam mo ang mga patakaran dito. Ayaw ko sa mga tamad. Tanggapin mo ang parusa mong 30 palo gamit ang baston, pagkatapos ay dalhin mo ang sulat ko sa An Jun Court para sa magiging trabaho mo." 

Naiyak si Jin Chu matapos niyang marinig ito. Lumuhod siya at nagmakaawa, "Young Master, patawarin niyo po ako, hindi na po mauulit."

Tumaas ang kilay ni Zhuge Yue, dalawang guardia na may malalaking katawan ang lumapit para hatakin palabas si Jin Chu.

"Sino ang mga nagbabantay sa gate?"

Lumuhod agad ang dalawang bantay bago paulit-ulit na yumuko. Hindi sila makapagsalita sa sobrang takot.

Nagbukas ang mata ni Zhuge Yue at sumilip sa kanila bago sinabing, "Kayong dalawa?" singhal nito bago nagpatuloy, "Sa lahat ng pagkakataon, kayong dalawa ang laging nahagupit sa iba. Ngayon, kunin niyo ang baston at hampasin niyo ang isa't-isa. Hindi na tatanggap ng parusa ang matitirang buhay sa inyo.

Nabalot sa katahimikan ang loob ng silid, samantalang masama ang loob ni Zhuge Yue dahil sa sugat na kanyang natamo. Nakakunot ang noo nito bago sumigaw, "Magsilayas nga kayong lahat! Pinapasama niyo lang ang loob ko!"

Lumuwag ang kanilang mga dibdib nang paalisin sila. Sabay-sabay silang nagsimulang kumilos nang biglang isang maliit na tinig ang kanilang narinig. "Young Master, puwede ko po bang ilipat ang mga paso na may lamang sunog na rattan sa labas ng Xuan Hall?"

Nagtataka si Zhuge Yue, sinundan niya kung saan galing ang boses bago tumingin sa direksyon nito.