webnovel

At the Edge

I had the chance to meet my sister.

To see her face.

To hug her.

To tell her that I'm sorry.

To tell her I miss her.

Pinilit kong tumakbo, at naramdaman ko naman ang mga paa ko.

But it's not towards her.

Tumakbo ko palabas ng venue, and I went and find Karina on the hallways.

I can still hear my heart racing.

Just when I saw Karina,

Pinaliligiran sya ng tatlong babae, and she's fighting back, pero hindi nya kaya yung tatlo.

"Hoy!! Kayo!!"

Lumingon sila sa direksyon ko, and when they saw me, nagtakbuhan sila paalis.

Naabutan ko si Karina, mukhang kanina pa sya nandito, she has scars on her wrist na mukhang kinalmot, gawa siguro ng panlalaban nya sa tatlong 'yon.

"okay ka lang?"

She's smiling, sinabihan nya kong bakit pa ko dumating, dahil kaya nya naman yung tatlong 'yon,

But I immediately hugged her nung napansin kong nanginginig ang kamay nya.

Hinubad ko ang coat ko and put it on her, inalalayan ko sya maglakad as we walked pabalik sa venue.

That's when I saw Dexter running, hindi ko alam kung bakit sya tumatakbo at mukhang nagaalalang papaunta dito, but when she saw Karina, agad nya 'ton hinila mula sakin at niyakap.

Do I have to be angry?

I guess not.

"I'm sorry Karina! I've heard from Sheryl na may mga babaeng lumapit sayo, I'm sorry, sinamahan dapat kita!!"

"Okay lang Dexter, wala namang nangyari sakin.."

After that, Dexter thanked me at nagyayang sumama sa kanila sa baba,

but I refused.

Nagpaalam ako sa kanilang naiwan ko yung ka-date ko sa labas, and I was just about to fetch her nang marinig ko yung pinag-usapan nung mga babae tungkol kay Karina, nag sorry din ako kay Dexter since hindi ko sinabi agad.

Umalis na sila, mga ilang oras din ang pinalipas ko bago bumalik din sa loob.

Just when the thought came up.

Nilibot ko ang buong court, mahanap lang sya.

I was about to give up, pero parang isang milagro na nakita ko sya.

Madaming taong nagsasayaw, and I can barely see her. Pinilit kong sumingit makalapit lang kung nasan sya.

Then I tugged her wrist making her face me.

She's shocked. Nagulat din yung mga kasama nya.

I don't know.

I might die?

"Desiree? Nakikilala mo ba 'ko?" hindi sya nakasagot, at mukha syang nalilito

"ako 'to si Lester! Si Kuya Lester! Kuya mo?"

"Jane? S-sino yan?"

"Kuya?! Iba yata yung hinahanap mo?" I saw her other friend, slowly tugging her away from me

Hindi ko alam kung anong nangyari sakin, but I can't control my emotions.

"Hindi mo 'ko nakikilala? Kuya mo 'to Desiree! Si Kuya Lester?!"

Hinde!

Hindi pwedeng hindi nya ko kilala?

Hinawakan ko ang magkabilang braso nya, then I kept reapeting the same words.

Hindi pwedeng hindi nya ko kilala!

Hindi pwedeng hindi nya ko kilala!

Desiree!! SI Kuya Lester 'to!

Anong nangyayari sayo?!!

"Lester!!! Tama na!"

Inalis nya ang kamay ko,

"Anong nangyayari sayo pre? Bakit mo sinisigawan yung babae?"

Saka ko lang nakita kung sinong nasa harapan ko.

Si Arjay, he's worried, but at the same time, galit na naktingin sakin.

Hinila nya ko papuntang bleachers at doon nya ko pinagalitan.

I can't hear what he's saying, lumalabo ang paningin ko at may parang matinis na tunog ang pumapasok sa tenga ko.

I closed my eyes.

-----

"pre! Pre!!!"

May umaalog sakin,

"Hoy! Lester?! Lester! Pre!"

I opened my eyes at nakit don si Arjay na nakatayo.

Inilibot ko ang mga mata ko, I know I should be surprised or shocked, pero sa tingin ko, sa lahat ng mga nangyari, wala na kong panahon pa para magtaka o matakot.

We're on a different scene, wala na ang mga tao, ang mga ilaw, ang malalakas na tugtog galing sa speaker.

It's like an ordinary day na nasa court kami.

"s-sorry arjay, nahilo lang ako ng konti"

"hay nako! Nagkuwento lang ako sa nangyari samin ni Jasmine kagabi, nahilo ka na? Sabihin mo nga? May gusto ka ba kay jas--- hoy! Saan ka pupunta!?"

Kagabi?

Mukhang nag time skip nanaman dito.

Tumayo ako, I was about to run, thinking na baka mahanap ko si Desiree sa school na 'to, pero Hindi pa ako nakakalayo, naramdaman ko nalang ang panlalambot ng mga paa ko na parang nakatapak sa putik, at maya maya pa, nakita ko nalang na papalapit na sakin ang sahig, hanggang sa nawalan ako ng malay.

I'm stupid,

Ano bang pumasok sa isip ko? Sa tingin ko ba mahahanap ko si Desiree?

Sa mundong 'to? Sa lugar na 'to?

Hindi ko alam kung anong nangyayari at mangyayari, umuulit o napupunta sa kung saan ang oras kapag may nagagawa akong desisyon tungkol sa pamilya ko

Alam ko,

Tinupad ng kung sino man ang hiling kong hindi mawala si Karina, at binigyan nya ako ng pagkakataong mabago ang nakaraan,

Pero kahit alam ko, at pinipilit Kong tanggapin,

Hindi parin maalis sa puso kong itama ang pagkakamaling nagawa ko sa pamilya ko.

Ano bang magagawa ko?

Pamilya ko sila,

Kasalanan ko kung bakit sila namatay,

Hanggang ngayon, Gabi gabi parin akong binbangungot, naririnig ang mga boses nila, sumisigaw, humihingi ng tulong,

Tinatawag ang pangalan ko.

Pero nakikita ko lang ang sarili kong naglalakad papalayo, sinisigawan ko sya, pero palaging may salamin na nakaharang sa pagitan ko, sinusubukan kong sirain 'yon, pero sa bandang huli,

nagigising nalang ako sa eksena ng pag guho ng lupa habang until unting tinatabunan ang mga kapatid at magulang ko.

Minsan nagsasalubong ang mga mata namin,

Walang buhay,

Kasalanan mo.

Bakit mo kami iniwan.

Wala kang kwenta,

Walang utang na loob,

"Lester!!"

Napadilat ako ng mata, I saw the nurse, Arjay and Jasmine sa tabi ko, and they are all worriedly looking at me.

Nagising ako bigla, and I was panting, para Kong nagjogging ng sampung ikot sa oval with all my sweat and tears.

Arjay immediately pulled me closer and hugged me, I can feel his heartbeat racing, nakita ko rin ang mukha ni Jasmine, mukhang takot na takot at nangingilid ang luha sa mata.

Damn you Lester,

Pinag aalala mo sila ng walang dahilan.

I patted Arjay's back and convinced him that I'm okay, saka lang sya bumitaw sa mahigpit na pagkakayakap sakin.

We went back sa classroom, 4:30pm na at isang subject nalang saka dissmisal, pagdating namin wala pang next na teacher, nagsitinginan ang mga classmate ko sakin, napakapit pa ko sa frame ng pinto at bigla akong nahilo,

Sheryl went and asked,

'ano Yung nangyari kagabi?' I was clueless, but when someone appeared coming behind me,

I was shocked dahil Hindi nag restart ang oras, it means everything happened at nag fast forward Lang.

It's that girl,

"D-desiree??"

Nagtaas agad ng kilay si Sheryl, looking at me na mukhang na weweirduhan.

"Sinong Desiree? sya ba? Hindi Desiree pangalan ng kapatid ko ah"

Kapatid?

I am point blank and speechless,

Hindi ko na maintindihan ang mga nangyayari, my sister, rather babaeng kamukha ng kapatid ko is Sheryl's sister?

Pero Wala Naman akong natatandaan na may kapatid sya?

Meron nga ba?

Pero hindi kamukha ng kapatid ko!

Ahh!! Ayoko na!

Magulo!! Naguguluhan na ako!!!

Napapikit at buntong hininga nalang ako, with all the information na pumapasok sa utak ko, at sa masamang pakiramdam na nararamdaman ko.

I think I'll just let it go,

For now...

Humingi ako ng sorry saka nagpaliwanag na napagkamalan ko Lang yung kapatid nya sa kakilala ko, nag smile naman sakin si Jane at nagsorry din since natakot daw sya sakin, haha, kahit dito pala, masyado paring mabait 'tong kapatid ko.

It's past 6:00 nung nakauwi kami, naalala ko na palagi kami ang huling umuuwing klase at halos wala nang tao sa buong campus, since hanggang 5:30pm ang pasok namin.

"Hui! Ano na? Nakikinig ka ba?"

I look at her, at magkasalubong nanaman ang eyebrows nya, I suddenly had the urge to pinch it though mag r-rage nanaman yan sakin,

she smacked my hands,

tumawa nalang ako at Ang cute nanaman nya habang naiinis.

"Oo...nakikinig ako,, kinikilig ka nanaman kay Dexter!"

Nabigla ako, kasi bigla syang nanghampas ng balikat, ang sakit pa naman tumama ng kamay nya..

"wag kang maingay! Ang lakas palagi ng boses mo!"

Malapit na kami sa gate nang napansin kong may tatlong babae ang papalapit samin from the side,

Alam kong maabutan nila kami since kailangan pa naming maghintay pagkalabas ng gate bago tumawid papuntang terminal.

And since nilalakad ko lang papuntang samin, hindi na ako sumasabay Kay Karina paglagpas ng gate since magkaiba kami ng way,

Pasimple ko silang tinignan and they are really making *that* face, yung parang may susugurin na ewan.

Binuksan na ng guard ang gate, and I immediately pulled Karina closer, hinawakan ko ang ulo nya with my right hand and brought it closer around my chest, since mas matangkad ako sa kanya,

"Hui! anong ginagawa mo!!"

"wag ka munang magulo, mag stay ka muna nang ganito for 30 seconds"

"Ano ba! Pag Nakita Tayo ni Dexter akalain nya baka may something saa---"

"Aray Naman!!" Tinulak nya Kasi Yung ribs ko, ang sakit..

"Hey Lester, aaand... Karina?" I saw Dexter, nasa gilid na namin sya, kaya pala ako tinulak ng babaeng to, he's on my left while Karina's on my right,

Ayun lang,

Hoy Dexter pwede ba humanap ka naman ng right timing, kita mong ang sweet namin dito eepal ka pa!

Teka ano bang iniisip ko!?

Pati speech and language ni Karina, nahahawaan na ako.. (mind shrug)

"Hi Dexter! Pauwi ka na din?"

"Oo eh, kayo?"

"Pauwi na din sana kami"

I gestured my fingers, moving it to and fro, pointing towards me and Karina, while making my sarcastic smile na Hindi naman napansin ni Dexter since Kasi nga,

masyado syang inosente na minsan nagiging insensitive na sa paligid,

he offered na ilibre kami ng ice cream sa 7/11,

TALAGA NAMAN!

Karina immediately switch sides, lumipat sya sa left ko, kaninis! But before we walk towards the 7/11 way, nadagi ulit ng mata ko ang mga babaeng yon..

"Hoy Lester! Game bukas ah, oh! Andito pala si pogi, *fist bump with Lester and Dexter* laro natin bukas, class C yata kalaban..."

After sumigaw ni Arjay, tumakbo sya papalapit samin, kalalabas nya lang ng gate,

"Hahaha, tambakan ulit natin si Rosales, takte, pikon nanaman yun bukas!" - Arjay

Lumapit naman kami ni Dexter sa kanya, na distract din Kasi kami sa usapang basketball, Lalo na't hindi na ako pulpol katulad nung highschool, bwahaha..ayy.

napasarap na asaran naming tatlo nang naalala ko na kasama pala namin si Karina, nasa likod lang namin sya, pero pag lingon ko, likod na ng tatlong babae ang nakita ko,

agad naman akong naglakad papalapit sa kanila,

Sila nanaman to eh,

"Hey, what's wrong?" I said with an indifferent tone,

Lumingon sila, their smug face begins to fade when they felt my intimidating stance. Samahan pa ng pa cross arms ko while looking at them with glaring eyes.

"a-ano bang pake mo? Ikaw din yung d-dati diba?" Siniko nito Yung kasama nya,

"girlfriend mo ba 'tong babaeng to?" Yung isang babae na maliit na blonde Yung buhok pero maitim, hindi mukhang takot sakin,

"Lester, anong nangyayari?" when I turn back, Nakita ko si Dexter papalapit sakin,

"Teka...mga class C kayo diba?" I looked at my left at andon din si Arjay,

So ganon, I am surrounded with Giants, Kung Hindi nyo naitatanong, ako pinakamaliit sa kanila, 5'5" ako while si Arjay 5'8" tapos Yung Isa 5'11" na, tapos pinagitnaan pa ako.

"Wait? Nasaan si Karina??" Lumapit si Arjay sa tatlong babae saka hinawi yung nakatayo sa gitna,

muntik ko na silang sapakin Kung Hindi lang ako napigilan ni Dexter..

"Kayo ba gumawa nito?" Dexter looks scary, Yung anghel nyang mukha, nagmumukhang grim reaper kapag galit.

"Kayo ba gumawa nito?!SAGOT!" He's clutching on to my shirt, hindi nya pa naalis nung pinigilan nya ko kanina, at mukhang matatanggal na yung isang botones 'cause his grip is ripping it off.

Sumenyas si Arjay to stop Dexter from shouting, he pointed his finger na may tinuturo sa likod, lumingon ako and saw the guard na parang tinitignan na kami,

Arjay approached the blonde girl, sa kanya talaga ako nabubuwiset since nakapamewang pa sya at mukhang proud sa ginawa nya,

Arjay was smiling pero na shock nalang ako nang hilain nya ang kwelyo ng blouse nito papalapit sa kanya, and since he's tall, Napa ikid nalang yung babae while holding on to his clutched hands so she won't be outbalanced.

"Hindi ako pumapatol sa babae, but since kayo nagsimula, may exemption"

he smiled, which gave me the gut feeling na masasapak nya talaga tong mga 'to in any second,

mabilis kong hinila kamay ni Dexter paalis sa damit ko and immediately pulled Arjay's hands off the girl's collar,

"Tama na. Baka tayo pa magmukhang masama, tawagin ko nalang yung guard para....Hoy! Saan kayo pupunta!"

Nagtakbuhan nalang yung mga babae, takot pala mapa guidance, mga kabataan talaga, ang lalakas ng loob sa hamunan pero ayaw umako ng responsibilidad.

Wag Lang talaga silang magpapakita sakin!

Nevermind, the problem is Karina, kanina pa sya Hindi nagsasalita..

Nakaupo Lang sya sa sahig, nakayuko habang nakahawak yung kamay nya sa dibdib,

Umpo ako (squat actually), so I can see what's the problem, tinanong ko sya Kung may masakit sa kanya, pero Hindi sya umiimik,

"Tabi ka muna Lester," akmang kakargahin na ni Dexter si Karina,

pero hindi ako papayag!

Magmumukha silang bagong kasal pag nagkataon!!

Pinigilan ko ang kamay nya,

"t-teka, hintayin muna natin syang magsalita baka kung ano mangyari pag binuhat mo sya agad?" Hindi ko alam kung anong pinagsasabi ko, basta lumabas lang sa bibig ko.

Pinatong ko yung kamay ko sa balikat ni Karina,

"O-okay ka Lang??"

Bigla naming narinig yung boses nya, pero hindi namin maintindihan kung anong gusto nyang sabihin,

"L-lest---er"

Baduy man pakinggan,

Pero bumilis agad tibok ng puso ko don ah!!

Tinawag nya pangalan ko! Oo! Ako talaga hinanap nya!! Hahaha, Wala ka pala Dexter eh! Hahaha,

Kinikilig na ako pero pinilit Kong mag poker face habang nilalapit Ang tenga ko sa may mukha ni Karina, para marinig yung gusto nyang sabihin,,

....

"~~wag Kang epal Lester!!~~" pabulong nyang sigaw,

naptingin agad ako sa mukha nyang natatakpan ng buhok kung nnakaupo ka sa direction ni Dexter,

Ang sama ng tingin nya,

Napa staright body kaagad ako...Hindi ko naintindihan kung anong ibig nyang sabihin pero parang instinct nang lumabas sa bibig ko yung mga salitang 'yon.

"ah,,ahm...d-dalhin mo na sya sa clinic Dex, nabalian yata yung braso nya" (monotonous Yung boses ni Lester na parang robot while naka pilit na smile)

"G-ganun ba? Sige ako nang bahala Kay Karina," nagmamadaling buhatin ni Dexter si Karina,

Wala naman akong nagawa,

Inalalayan ni Arjay si Dexter para mabuhat si Karina, sinabi nya din sakin na sasamahan nya yung dalawa hanggang clinic at baka daw sumulpot nanaman yung mga babaeng nang bully,

tinanong nya pa ako Kung sasama daw ako,

pero sinabi kong may kailangan akong habuling schedule,

Kitang kita sa mukha ni Arjay na naguluhan sya sa sinabi ko, pero dumiretso nalang sya since nagmamadali din sila,,

Umupo ako sa may flower box sa gilid ng pader ng school,

narinig ko nalang ang sarili kong boses habang tumatawa,,

Hindi ko alam kung bakit ako nandito,

nababaliw na siguro?

Hindi ko alam kung buhay pa ba ako o namatay na ako,

Kung anong dapat Kong gawin? Kung nasa langit ba ako o impyerno? Kung eto ba yung sinasabi nilang trial period na magdedesisyon Kung saan ka napupunta pagkatapos mo mamatay?

...

Hindi ko alam.

...

Maganda sana kung parang evaluation period to ng kaluluwa ko kung pang impyerno o langit ba

But I don't know, may feelings ba ang mga multo?

Bakit may nararamdaman pa ako?

Yung masikip na pakiramdam sa dibdib? Hindi makahinga, Hindi makaiyak...

.

It's been years,

Since when did I decided to hide these feelings,

.

Bakit ba umuulit ang lahat?

.

Hindi ko ugali magdrama, dahil lang sa hindi ako yung gusto nyang magbuhat sakanya papuntang clinic,

pent up frustrations siguro,

simula pa kanina,

o simula pa nung napunta ako sa lintek na flashback na 'to, nang wala man lang pasabi kung anong dapat kong gawin.

Pent up frustrations...

Frustrated...

Disappointed...

may mga emosyon na pumapasok sa utak ko na hindi ko maipaliwanag kung bakit,

And that time,

An idea to test something popped up in my confused mind, thinking na baka may mangyaring hindi ko inaasahan.

I ran as fast as I can, malakas ang pagkakatulak ko sa pintuan ng clinic para magbounce back Ito sa pader,

nagtinginan naman sila sa direksyon ko,

pero parang hindi ko sila nakikita,

dumiretso ako kung saan sya nakaupo,

Kung may magbabago ba o siguro mamamatay na ko for real neto...

I don't know what might happen, but goddamit, mas maganda sigurong may mangyaring flaw sa perfect plan nang kung sino man ang may pakana nito.

"Hindi ka siguro maniniwala sa sasabihin ko Karina, but crazy as it sounds,

I witnessed you die, 8 years from now."

nanlaki ang mga mata nya,

I may sound like I'm cursing her,

but it's the truth

Yes I changed it, haha

xuxuminacreators' thoughts