webnovel

PAMAHIIN

Seram
Sedang berlangsung · 9.4K Dilihat
  • 5 Bab
    Konten
  • peringkat
  • N/A
    DUKUNG
Ringkasan

Chapter 1Bawal Mag Uwi Ng Pagkain

CHAPTER 01

Kamakailan lamang, nagtungo kaming magkakaibigan sa lamay ng aming kamag-aral. Aking naobserbahan ang mga pamahiin ng mga matatanda patungkol sa lamay at sa libing.

Batid ko naman na walang masama kung ating susundin ang mga pamahiin subalit ang nakakapagtataka lamang na kung bakit hindi magawang maipaliwanag kung bakit ito dapat gawin at sundin.

"Erol! Tara na! Ma la-late na tayo ohh! Tingnan mo sila nag sama sama na! Tayo nalang yung hiwalay sa kanila!" pasigaw pa ni Drake dahil kain ng kain ang mataba niyang kaibigan.

"Pwede ba drake, mauna kana kung gusto mo, di mo ba nakikita na kumakain yung tao?" pagpanermon pa niya.

Sumimangot si drake at hinila niya si erol pasama sa kanya at dahil mataba si erol ay medyo nahirapan si drake.

Maya maya pa ay nakarating na sila sa bahay ng kanilang ka-klase at doon nga ay tinulungan nila mag asikaso at mag bigay ng mga pagkain.

Ilang oras pa ang nakalipas at may dumating na ang mga bisita, kaya medyo nag abala sila sa kaka asikaso.

"Drake, nagugutom ako." sambit ni erol.

Natawa lamang si drake at binigyan ng pagkain ang matabang kaibigan niya.

"Ayan, kumain ka muna haha." natatawang sabi nito.

Natuwa naman si erol dahil chicharon ang binigay ni drake kaya kumain ito ng kumain.

Maya maya pa ay lumalim na ang gabi at kailangan na nilang umuwi, yung iba naman ay nag overnight na doon.

"Drake, uuwi na ako ha." pagpaalam pa ni erol.

"Baliw ka! Bat ka sakin magpaalam! Don ka kay sue, siya yung namat*yan eh." panermon pa nito.

Agad na nagtungo si erol sa namat*yan at nagpaalam na umuwi, at ganoon rin sa kanyang ka-klase kaya nang matapos na itong magpaalam ay umuwi na agad siya.

Habang pauwi si erol ay parang hindi ito mapakali sa daan, para bang may sumunod sa kanyang isang itim na anino, pero hindi ito maaninag ni erol dahil sa dilim ng daanan pero naramdaman talaga niyang may sumunod sa kanya.

Pinagpawisan na si erol at medyo nangingig habang kain ng kain ng isang pack pa ng chicharon galing sa bahay ng pat*y.

Maya maya pa ay nakarating na si erol sa bahay nila at sa sobrang takot niya ay hindi sumagip sa kanyang isipan ang ubusin muna ang chicharon bago pumasok.

Kaya agad itong nagtungo sa kwarto at naligo, kasabay nun ay napahiga siya sa kama at maya maya pa ay naubos na ang kanyang kinain at natulog.

***DRAKE'S POV.***

Grabe talaga ang katakawan ng matabang yun." pagmuni muni pa ni drake at aakmang kukunin ang mga pagkain nang napansin niyang nawala ang isang pack ng chicharon.

Kaya tumingin tingin siya sa paligid at nagsalita.

"Nandito lang yun kanina ah (sabay turo sa lalagyan) bukod sa binigay kong isang chicharon, posible kayang kinuha pa ng matabang yun ang isa?" sambit ni drake sa kanyang isip at agad na bumalik sa bahay upang tumulong sa ka-klase.

Maya maya pa, lumipas ang isang oras habang nagbibigay ng mga pagkain si drake at nagbibigay ng mga kape ay bigla nalang tumawag si erol.

*Ring!!..* *Ring!..* *Ring!..*

"Luhh, anong oras na, di paba natutulog ang matabang to?" pagmuni muni pa niya at kinuha ang celpon para sagutin ang tawag ni erol.

*Click!.*

"Oh erol, napata-"

"Hello!?" pagputol pa sa pagsasalita ni drake dahil mama pala ni erol ang tumawag.

"Ikaw ba ang kaibigan ng anak ko!? Saan mo ba sya dinala! Bakit siya nagkaganito!" pagsisigaw pa sa mama ni erol.

"P-po? T-tita? May nangyare po ba kay erol?" pakalmang sagot ni drake.

"Oo! Nandito kami sa hospital ngayon at inasikaso ng doktor ang anak ko!" sigaw pa ng mama ni erol.

Nagulat si drake at nanlalamig.

"Okay po tita, papunta na ako dyan." sagot pa ni drake at agad na pinat@y ang tawag at nagtungo sa hospital.

Ilang minuto ay nakaabot na siya sa hospital at dali daling pumasok sa nasabing room at doon nga ay nakita niya si erol na bumubula ang bibig.

"Drake tama ba!?" sambit ng mama erol.

"Opo tita, ano pong nangyare kay erol?" pagtatakang tanong nito.

Umiyak ng umiyak ang mama erol at nagsalita.

"Alas onse trenta nang nagpunta ako sa kwarto niya dahil nagtataka ako kung bakit hindi nagalaw ang tinirang pagkain namin para kay erol, kaya tatanungin ko sana siya."

"Kumatok ako ng kumatok sa pinto pero hindi siya sumagot kaya kinabahan na ako."

"Agad kong kinuha ang susi ng kwarto niya at binuksan ko ang pintuan, nagulat ako sa nakita ko. Si erol ay nakita kong gumalaw galaw at bumula bula ang bibig."

"Kaya kinabahan ako at agad ko siyang sinugod sa hospital."

"At ang sabi ng doktor ay maagapan pa daw nila yan, pero ang ipinagtataka ng doktor, bakit hindi magising si erol at nakapikit lang ito."

"Maya maya pa ay biglang bubula ang bibig niya tapos biglang mawawala, at bubula nanaman, at maya maya ay mawawala nanaman."

"Hindi alam ng doktor kung anong nangyayare dahil ini-scan nila ang loob ng katawan ni erol pero wala namang mali, tsaka inobserbahan nila at ang sabi, healthy naman daw siya." Pagkekwento pa ng mama ni erol.

Nagulat si drake sa sinabi ng mama ni erol at naalala niya na bago umalis si erol ay kinuha niya ang isang pack ng chicharon.

Napaupo nalang si drake at ang mama naman ni erol ay bumalik sa kama at nilinisan ang mga bula na lumalabas sa bibig ni erol.

Hindi alam ni drake ang gagawin.

"Di kaya inuwi ni erol ang mga chicharon?" sambit ni drake sa kanyang isip at natulala.

Anda Mungkin Juga Menyukai

peringkat

  • Rata-rata Keseluruhan
  • Kualitas penulisan
  • Memperbarui stabilitas
  • Pengembangan Cerita
  • Desain Karakter
  • latar belakang dunia
Ulasan-ulasan
WoW! Anda akan menjadi peninjau pertama jika meninggalkan ulasan sekarang

DUKUNG