webnovel

No More Promises

Wag ka sanang mangangako kung iiwan mo lang din ako - Joyce Ho

Chixemo · Masa Muda
Peringkat tidak cukup
282 Chs

Chapter 15: Overnight

Hinintay nga nila Winly at Karen na magready ako para sa pupuntahan namin. Sinabi nang dalawa na okay lang daw na ngayon na mag-overnight kila Bamby dahil baka raw di namin alam kung kailan ang exact date ng alis nila.

"Makikita mo si pogi mamaya, kakausapin mo ba sya?.." kailangan pa akong kalabitin ni Karen para lang pakinggan ang sinasabi nya.

"Siguro. Ewan ko.."

"Bakit naman?. Girl, this is your chance para magkausap kayo.."

"Hindi ko alam. Basta bahala na.."

"Narinig mo naman yung sinabi ni Bamby diba?. She is willing to know who's making her brother happy.."

"I don't know Karen.."

"Psh.. ang sabihin mo, kinakabahan ka lang.." singit din ni Winly. Kinuha nito ang bag na nakapatong sa higaan saka nagpauna nang lumabas. Agad din kaming sumunod ni Karen habang inaayos ko pa ang butones ng blouse ko.

"Kayo kaya humarap sa taong pilit nyong iniiwasan.." ngiwi ko sa kanila. Pareho lang nila akong pinagtawanan.

"Haha.. bakit kasi kailangan mong umiwas kung wala namang dahilan para iwasan mo sya?.." nakakalitong himig ng bakla. "Alam mo girl. Kung iiwasan mo nalang lahat ng taong importante sa'yo, ikaw ang mahihirapan sa huli.."

"Ano bang tamang gawin?. Ang ipagpilitan ang sarili sa taong ayaw na sa'yo o ang tumakbo nalang palayo sa sakit na mararamdaman mo?.."

"Aww.." ani Karen na hinawakan pa ang parteng puso. Kunwaring nasaktan sa narinig mula sakin. "Pakshet ka girl! Ang lalim nun. Hindi ko masisid.."

"Alright. Zip your mouth na Winnie.. The expert has spoken.."

"Kasi, kasi bakla. Wag magspoke pag di alam ang true feelings ni expert. Tignan mo ikaw today, no more talk.. hahaha.."

"Hahaha..baliw.. ikaw din naman.." ani Winly sa kanya.

"Wala naman akong sinabi ah. ikaw lang itong mas marunong pa sa eksperto.. hahahaha.."

Napapailing nalang ako sa kanilang dalawa. Kung anu-anong naiisip. Akala siguro nila madaling gawin ang minsang mga pinapayo nila. Oo, madaling magpayo, madaling magbigay ng opinyon para sa ikabubuti ng iba subalit minsan, hindi iyon ganun kadaling gawin at lalo kung ikaw na mismo yung nasa sitwasyon. Kahit pa nga lumunok ng sariling laway, hindi mo na magawa dahil sa sakit na hindi maipaliwanag. I get what they're pointing but the thing is, wag naman sana nilang sabihin na ayaw kong maging masaya at maging malaya. In fact. Gustong gusto ko nang maging masaya lalo na ang maging malaya dito sa sakit na dala dala ko kahit saan man ako magpunta. Nga lang, hindi ko pa alam kung saan ako magsisimula. Hindi ko pa alam kung kanino ako magsasabi kung ganito lang rin na wala ka pang sinasabi ay, may opinyon na sila. May parte sakin ang nasaktan sa katotohanang narinig subalit may kung ano rin sakin ang parang sumang-ayon sa kanila. Inuulit ko. Sa dami ng nangyayari sa buhay ko, malapit na akong mawalan ng kontrol sa pag-iisip. Siguro itong puso ko na lamang ang nagiging matibay para sa kanya. And I wish too that, someday, sana matupad na rin ang pangarap ko sa sarili ko. Maging malaya at masaya.

"Sakay na bes.. tulala ka na naman.."

"Yaan mo na. Nag-iisip siguro yan kung anong gagawin mamaya.. haha.."

Hindi ako umimik. Sumakay nalang ako sa kotseng nakaparada. Karen is the owner of the luxurious car. Di ko alam kung anong model nito basta ang porma nito'y pang galante talaga.

Sa aming pagbyahe. Unti unti na ring tumutubo ang kaba na kahit anong pilit kong wag kilalanin ay talaga nga namang nagpapakilala ito. Kakaiba ang isang to. Biglang lalakas na para bang sinisira nito ang ribcage ko, tapos bibilis naman na para akong nakipagkarera sa kabayo. Pagkawala ko ng ilang lihim na paghugot ng hininga ay pinagpawisan na ako ng malamig. Nakakatakot ang pakiramdam na ito.

"Here we go.." ilang sandali lamang ay inanunsyo na ni Karen na nakarating na kami. Doon ko napagtanto na, eto na nga. Wala ng atrasan ito.

Bumusina sya sa gate na nakasarado. Maya maya lamang ay bumukas na ito mag-isa. Ang yaman lang!

At duon, tumambad ang kumakaway at malaki nang suot na ngiti na si Bamby. Ang kaibigan kong hindi kumukupas ang ganda. Ang babaeng mas matapang pa sa akin. Kaya bilib ako sa kanya kahit hindi ko pa sabihin. Lumiko si Karen sa mismong garahe bago kami isa isang bumaba. Nauna si Winly. Sinalubong din sya ni Bamby at niyakap. Kinalma ko muna sarili ko bago tuluyang bumaba.

"Oh my goodness! Joyce!!.." tili nitong si Bamby nang tuluyan kong isinara ang pintuan ng sasakyan. Halos sabay na kami ni Karen bumaba pero sa akin pa rin ang buong atensyon nya. "How are you pretty lady.." nilapitan nya ako't talaga nga namang niyakap ng napakahigpit. "How I miss hugging you like this.." naiiyak pa nyang dagdag. Kinagat ko ang sariling labi saka pumikit nang yakapin ko rin sya.

"I miss you too my Bamblebie.. you look stunning as always.."

"Ikaw rin. Tignan mo ikaw oh.. sana all may curvy body.." puri pa nito at hinagod ako ng tingin mula ulo hanggaang paa. Napalunok tuloy ako ng wala sa oras.

"Mas sexy ka nga sakin eh.." biro ko din. Totoo ito. Galing saking puso. I feel that I'm home nung oras na magkayakap kaming dalawa. Parang duon ko lang naramdaman ang sinasabi nilang masaya.

"Hey girl.." bati sa kanya din ni Karen ng medyo tumagal. Nag-usap sila ngunit hindi hinayaan ni Bamby na bitawan ang braso ko. Sabay na kaming pumanhik sa bagong pintura nilang bahay.

At duon, natanaw ko sa sala ang prenteng nakaupo na si Lance. Medyo nakahiga ito kanina nang makita ko subalit nang matunugan na may mga tao, gumalaw ito at lumingon sa gawi namin, duon sya nagmadaling inayos ang sarili saka ngumiti sa amin.

"Kuya, overnight sila rito ngayon. Pwede ba?.."

"Ha?." noong una. Nalito pa ito sa naging tanong ng kapatid. Nang pandilatan sya ng mata ni Bamby, duon lamang sya tumango na parang nawalan ng sasabihn. "Ikaw bahala." anya nalang.

Hay!. Lance, bakit kahit lutang ka eh, ang gwapo mo pa rin tignan?.

"Are you sure?.."

"Oo naman. Besides, mga kaibigan mo naman sila, kaya why not?.."

"Sinabi mo yan ha. Baka mamaya, bigla ka nalang papasok ng kwarto ko, pagsasabihan kami ng wag maingay.."

"Ay yun lang. Just keep quiet.." he teased.

"E paano kung gusto naming mag:ingay?.." bigla ay naging singit ko without even thinking. Joyce naman! Ano ba?.

Yung kaninang umiiwas na mata sakin ni Lance ay sa wakas, dumapo rin sa akin.

"Then, please minimize it. Gabi na. Baka mag-amok mga kapitbahay.." ngiti nya.

"Oo na nga.. tse. Ang daming arte. Punta na kami sa taas.. wag ka munang sumunod kung ayaw mong makarinig ng ingay ha.." banta nitong si Bamby sa kuya nya.

Hinila na ako ni Bamby patalikod subalit I saw how Lance mouthed 'Baby, let's talk later..' with a flying kiss. Hindi nito nakita ng kapatid nya subalit itong dalawang nasa likuran namin ay tanaw na tanaw kung paano makipagharutan ang isang Lance Eugenio.

Pinagdikit ni Winly ang ngipin nya't ipinakita sa akin ng malapitan. Ito namang si Karen ay kinurot ako ng bahagya sa may pwetan. Mga baliw lang!

Later then babe! We need to talk! We really need it!