webnovel

Chapter 1

"Hay naku! Eto na nga ba ang sinasabi ko eh!"

Inis na sabi ni Mikan. "Bakit ba kasi hanggang

ngayon ayaw mo pa din'g makipagbreak jan

sa Jiro na yan?! Ano bang meron sa lalaking

yan?"

"normal lang naman sa lovers ang

magkatampuhan." Mahinahong sagot ko

naman sa kanya.

"K, lagi nalang siya yong gumagawa ng issue

hindi ka pa ba nagsasawa?" Tanong din sakin

ni Selena. Shinake ko naman yong ulo ko.

"Naiintindihan ko siya girls, kung minsan din

naman kasi moody ako. Siguro na timing lang

din na mainit yong ulo niya."

Kanina ko pa pinagtatangol sa kanila si Jiro.

We've been dating since I was in second year

high school at ngayon nasa fourth year na

kami sa college. Kasi naman nagkatampuhan

na naman kami ngayon, nung isang araw pa

ako sorry ng sorry sa kanya kahit na hindi ko

naman alam knug ano yong kasalanan ko

pero ni-isa sa mga text at tawag ko hindi siya

sumasagot.

Kaya naman ngayong Sabado nights kahit na

ayaw kung sumama sa kanila magpunta dito

sa Spade Club wala na din akong nagawa kasi

hinila na nila ako. Sana lang talaga huwag

malaman 'to ni Jiro, ayaw pa naman kasi nun

na nagcluclub club ako ng hindi siya kasama.

Baka mas lalo niya lang 'tong ikagalit.

"Sa tingin ko wala na tayong magagawa dito

kay Kylie patay na patay kay Jiro eh." Sabi

naman ni Ariana. Hindi na kasi ganun

katahimik 'tong si Ariana kapag lasing na.

Nagtawanan naman silang tatlo at napairap

nalang ako. Sige lang tawanan niyo lang ako

pero kapag kayo na-in love magpapagulong-

gulong ako sa kakatawa.

"Oh sige cheers para sa pagiging baliw sa

pag-ibig ni Kylie." Tinaas ni Mikan yong shot

glass niya at ganun din sila A at S habang ako

nakatingin lang sa kanila. Napairap nalang

ako. "Hoy! K huwag ka ngang KJ jan, sige na

itaas mo na yang shotglass mo!" Sigaw sakin

ni Selena kasi malakas na yong music dito sa

Spade Club. Ten pm na din kasi.

Nakipagcheers ako sa kanila, hanggang sa

'tong tatlong 'to order lang ng order ng kung

ano-anong drinks sa menu. "Hindi tayo uuwi

hanggat hindi natin natitikman lahat ng

drinks." Sabi ni Selena na tunog lasing na.

Tumango naman yong dalawa at saka

sinenyasan na naman yong waiter hanggang

sa..

Nakatayo na silang tatlo sa harapan ko at ako

nalang yong nakaupo dito sa sofa at hinihila

nila patayo. "Naku naman! Kung ganito lang

din naman pala ka-boring magkrong ng

boyfriend ayuko na!" Sabi ni Selena.

"Pati din ako! Nagiging KJ na si Kylie oh!

Sarap niyang iboto bilang Presidente ng mga

Killjoy! Haha!" Sagot naman ni Ariana.

"Huwag ka na nga kasing pavirgin jan Kylie!

Halika na sayaw na tayo! Minsan lang naman

'to!" Sabi naman ni Mikan at sabay-sabay na

nila akong hinatak pero ang ending dahil sa

mga lasing na sila tumumba silang lahat

sakin, para naman silang hindi nasaktan kasi

tawanan pa sila ng tawanan kaya natawa na

din ako.

"Sasayaw ka din naman pala pabebe ka pa!"

Sigaw sakin ni Selena tapos tumawa siya ng

tuwa habang nandito kami sa dance floor

kahit naman hindi niya makikita yong irap ko

napairap pa din ako, tawagin ba naman akong

pabebe.

Plinay naman ng DJ yong sikat na kanta na

Twerk it like Miley kaya napatingin ako don

sa pwesto niya at nandon si Mikan nagtwe-

twerk! Langya my mas wild side pa pala 'tong

babaeng 'to! Liningon ko naman sila Selena at

Ariana na magkaharapan na parehong

nakalabas yong mga dila nila tapos

tumatalon-talon, parang mga baliw.

Kanina pa kami nagsasayaw at kung ano-

anong alak na din yong nainom ko kaya

naman nung huminto ako sa pagtalon-talon

tulad nila S at A bigla akong nakaramdan ng

panghihilo nasa gitna pa naman kami ng

dance floor kaya wala akong makapitan,

matutumba na sana ako ng..

My mga kamay na sumalo sakin. Hinarap

niya ako sa kanya at yong panglalaking

pabango agad niya ang naamoy ko kahit na

naghalo-halo na yong amoy dito sa loob ng

club, usok ng yosi, alak, mga pabango,

marijuana at kung ano-ano pa.

"Are you okay?" Ang sexy naman ng boses

niya at ang bango-bango talaga niya. feeling

ko tuloy kinikiss niya yong tenga ko feel na

feel ko kasi yong lips niya sa tenga ko, hindi

ko naman napigilan ang sarili kong hawakan

yong malapad niyang dibdib. My abs kaya

siya? Hihi!

Tumango naman ako kasi feeling ko kapag

magsasalita ako masusuka ako. "Wanna go

somewhere?" Tanong na naman niya sakin.

San naman kaya kami pupunta? Hindi ko alam

kung bakit pero parang my sariling isip yong

ulo ko at saka ako sunod-sunod na tumango.

Naramdaman ko naman yong halik niya sa

tenga ko na nakapagpataas ng balahibo ko

pero imbiss na sitahin siya gustong-gusto ko

pa yong ginagawa niya. Hanggang sa

makarating kami sa harapan ng isang pulang

Chevy, bigla niya akong sinandal dito at saka

niya nilapit yong mukha niya sa mukha ko.

He kissed me! This is not my first kiss, pero

eto yong unang beses kong mahalikan ng

isang lalaking hindi ko naman friend or kilala

but I don't care. When he bit my lower lip, I

gladly opened my mouth so he can put this

tongue inside my mouth, and believe me

when I say his really a good kisser.

I kissed him back without thinking twice,

without thinking about Jiro. Jiro? Bigla naman

akong napahinto sa paghalik sa kanya at saka

ko siya marahang tinulak palayo sakin.

Nakita ko naman yong pagtataka niya sa

ginawa ko. Umiling-iling ako. "This is all

wrong." Sabi ko sa kanya at saka ako mabilis

na pumasok sa loob ng Spade Club para

hanapin sila Mikan at yayain ng umuwi.

Bab berikutnya