"Kung masakit ang katotohanan, pwede ka naman sakin magsinungaling paminsan-minsan."
Ngumisi ng malaki si Qin Chu…
"Anong tinatawa-tawa mo diyan? Sabihin mo nga sakin, ano ang score ko? Unang beses ko kasing niluto ito." Nag-aalalang pagpipilit ni Huo Mian.
"Kung gusto mo ko ako magsinungaling, edi masarap ito."
"Ano ba kasi talaga ang totoo?" Medyo nag-aalala si Huo Mian.
"Ang totoo niyan - sobrang sarap nito."
"Tama, naloko mo ako. Nakakatakot." Nakampante si Huo Mian pagkatapos marinig ang sinabi ni Qin Chu. Sinubukan niyang lutuin ito dahil iniisip niya na masarap ito. Kahit na hindi ito kasing sarap ng luto ng tatay ni Zhu Lingling, ang lasa naman nito ay masarap na rin…
Laging mapili si Qin Chu sa pagkain, kaya nag-aalala siya kung may sasabihin itong masama o kung ano.
Pero, ang pag-aalala niya ay walang halaga kay Qin Chu.
Dukung penulis dan penerjemah favorit Anda di webnovel.com