webnovel

Living Alone (1)

Lira's POV

"Good morning ma'am."

"Good morning sir."

Bati ko sa mga bagong dating. Bilang isang receptionist, kailangan maging matiyaga ako sa pagwelcome ng bawat guests kahit na minsan ay nasusungitan. Hindi naman kasi lahat ganun. Marami pa rin naman ang mga mababait na guests kahit papaano.

"Girl, ikaw na muna maglunch sige na. Ako na muna dito." sabi ni Hanna, co-receptionist ko na pang-hapon. Tiningnan ko ang relo ko, 11:15 pa lang. Tamang-tama lang para makakain at makapagfreshen up saglit.

Hindi kasi kami pwedeng mabakante dahil may mga walk-in guests na dumarating o kaya naman ay nakareserve ng tanghali sa buffet area o di kaya'y check-in ng alas dose.

Sa totoo lang, dapat talaga umagang shift lang ako at may panghapon na magfill in sakin. Ang kaso, tinrangkaso daw si Tricia kaya ako muna ang papalit. Yung kasamahan ko naman na pang-umaga rin na si ate Libby, maagang umuwi kasi dumating daw yung biyenan galing probinsya kaya kailangang makapaghanda raw ito.

Wala naman saking kaso kung ako ang mag-two shifts kasi wala namang naghihintay sa akin sa bahay. Mag-isa ko lang itinataguyod ang sarili ko. Isa pa, dagdag sahod din to kung sakali.

"Ah sige Hanna. Salamat. Bibilisan ko lang. " nginitian ko ito at kinuha ko na ang gamit ko.

PAGDATING ko sa canteen, may ilan-ilan na ding kumakain.

"O, Lira. Straight shift ka ulet?" tanong ni Ate Joy, isa sa mga serbidora at katiwala dito sa canteen.

"Opo ate."

"Aba'y pang-tatlong araw mo na ah. Di pa rin ba magaling si Tricia? Kamusta na ang batang yon?"

"Isang linggo na po ang binigay ni Sir Bobet na pahinga para naman daw maging maayos talaga ang pakiramdam."

"At ikaw pa rin ang tatao habang wala siya?" tumango ako rito. "Aba'y baka ikaw naman ang magkasakit nyan?"

"Nako ako pa po ba? Sana'y na po ako. Manhid na." tinuro ko ang puso ko. "Sakit na po ang takot sakin ngayon." pabiro kong sagot dito.

"Naku-nako kang bata ka! Nakukuha mo pang magbiro. O sya, ito dagdagan mo ang pagkain ng gulay nang mas lumakas ang resistensya mo. O ayan."

sabay lagay nito ng maraming kare-kareng gulay sa isang bowl at inabot sa akin.

"Salamat ate Joy! Bait mo talaga! Kaya naiinlab sayo si kuya Manny e." tukoy ko sa isa sa mga service driver ng hotel. "Maganda na, maalaga pa. Perpek na perpek!"

"Heh! Magtigil ka nga. Napakabolera mong talaga. Alis na nga at baka maihampas ko sayo itong hawak kong sandok." tatawa-tawa akong dumiretso na sa lamesa.

Bab berikutnya