webnovel

Sulat na Direkta Mula sa Presidente ng Country Y

Editor: LiberReverieGroup

Pakiramdam niya ay binabangungot pa siya habang pinalilibutan siya. Paano humantong ang pangyayari sa ganito?

Kanina lang, pinapanood niya si Munan na sinisentensiyahan. Ang IV Syndicate ay nawasak na, at siya ang papangalanang pinuno ng Flying Dragon Unit. Dapat ay mapapasakanya na ang lahat.

Kaya bakit… paano ito nangyari? Ang mga krimen niya ay biglang nabunyag.

"Tumututol ako!" Biglang hiyaw ni Saohuang. Binigyan niya ng matalim na titig ang hukom at umapila, "Tumatanggi akong maniwala na may ebidensiya ng aking mga kriminal na gawain sa dokumentong iyan! Peke siguro iyan!"

Ang IV Syndicate ay nawasak na kaya paano sila nakakuha ng ebidensiya?!

Makapangyarihang idineklara ng hukom, "Pero totoo ito. Ang dokumentong ito ay nagmula sa opisina ng presidente ng Country Y. Ang impormasyon ay nakuha mula sa kuta ng IV Syndicate, kaya paano ito naging peke? Ang mga krimeng ginawa mo at impormasyon ay malinaw na nakasaad doon."

Agad na namutla si Saohuang. Nanlaki ang mga mata ni Lin Yun sa pagkagulat, ganoon din ang iba pa.

Kung ang ebidensiya ay nagmula kay Xinghe, siguradong hahamunin nila ito, pero dahil ito ay pinatotohanan ng mga tagapagpatupad ng batas at direktang nagmula sa presidente ng Country Y; ang katotohanan nito ay hindi maaaring hamunin.

Ang presidente ng Country Y ay hindi ganoon kalibre ang oras para i-frame si Saohuang, tama?

Marami pa siyang bagay na kailangang gawin kaysa sadyaing i-frame si Saohuang, kaya ang dokumento ay kapani-paniwala. At sa ganoon na lamang, ang mga krimen ni Saohuang ay nabunyag at nakupirma. Kaya naman, si Feng Saohuang ang totoong salarin…

Na-frame nga lamang ang Xi family.

"Feng Saohuang, ano ang masasabi mo para sa sarili mo?" Giit ni Xinghe, "Sinabi ko na sa iyo na paparating na ang kaparusahan mo! Alam mo ba kung gaano ang sinapit naming mga paghihirap at mga sakripisyo dahil sa iyo?"

Sila ni Mubai ay muntikan nang mamatay sa Country Y. Pinahirapan siya sa mga bagay na hindi makatao noong siya si Xia Meng. Masyado itong maraming kasalanan laban sa kanya.

"Pero ngayon, ang katotohanan ay nakalantad na sa wakas. Hindi ka na makakabawi pa sa habambuhay. Feng Saohuang, ang katapusan mo ay narito na!" Nag-aalab sa pagkamuhi ang mga mata ni Xinghe na nakatitig sa kanya.

Malamig na pinandilatan siyia ni Saohuang. Sa ibang kadahilanan, pakiramdam niya ay ito ang multo ni Xia Meng na nabuhay muli para kunin ang buhay niya. Ang kaisipang ito ay kakaiba, pero mukhang nakumbinsi siya nito.

Sa sumunod na segundo, nagsimula itong tumawa. Pero maikli lamang ang pagtawang ito. Pinigil niya ang kanyang tawa at malamig na tinitigan si Xinghe. "Sa tingin mo ay ito na ang katapusan ko? Xia Xinghe, makikita natin!"

"Men, hulihin na siya at ikulong," utos ng hukom.

Ang mga guwardiya na nakapalibot sa kanya ay handa nang sunggaban siya pero binuksan ni Saohuang ang kanyang bibig para sabihin, "Huwag ninyong mailalagay sa akin ang mga madudumi ninyong kamay. Alam ko kung paano maglakad ng mag-isa!"

Inayos niya ang kanyang uniporme at pinandilatan si Xinghe bago natuon ang kanyang tingin kay Lin Yun. Agad na nagbago ang ekspresyon ni Lin Yun.

Ang mensahe sa pares ng walang emosyong mga mata ni Saohuang ay malinaw. Napakuyom ng mahigpit sa kanyang mga kamao si Lin Yun, para pigilan ang pagkatarantang bumabangon sa kanyang puso.

Ngumisi si Saohuang na puno ng malisya bago siya naigiya paalis ng mga guwardiya. Nang nalampasan na niya ang pasilyo na puno ng mga tao, nararamdaman niya ang pagtataka at mapanghusgang tingin na natuon sa kanya.

Ito pala ang pakiramdam ng langit na biglang bumulusok sa impyerno.

Kahit na seryoso at hindi kakikitaan ng emosyon ang mukha ni Saohuang, ang puso niya ay kumukulo pa din sa sobrang pagkapahiya at galit.

Ang araw sa labas ng husgado ay sinisinagan siya, na tila pinaliliwanag ang kanyang mga kumplikadong nararamdaman.