ALAS SINGKO ang huling subject ko. Iyon din ang subject na kaklase ko si Ruby.
Nagmadali akong inayos ang mga gamit ko sa bag.
"Hi, Daniel, puwede ba kitang makausap saglit?"
Napatingin ako kay Anne. Napakaganda at sexy niya talaga pero sorry na lang siya kasi kahit ano'ng gawin niyang papansin sa akin ay wala talaga akong nararamdaman para sa kanya.
Kung meron man siguro, iyon ay ang pagkainggit ko sa beauty niya.
"Anne, puwede next time na lang? Nagmamadali kasi ako, e," I told her.
Napalingon ako kay Ruby. Nasa mukha nito ang pagseselos.
"Ay, gano'n ba, Daniel, sige-sige... ingat sa pag-uwi ha," nakangiti niyang sabi sa 'kin.
Ngumiti naman ako sa kanya at pagkatapos ay tuluyan nang lumabas ng classroom. Binilisan ko ang paglalakad.
"Daniel, mamaya ha. I'll be expecting you," paalala ni Ruby.
Palabas na ako ng gate no'n. Talagang hinabol pa niya ako. Sinadya ko kasi na magmadaling lumabas ng classroom para makaiwas kay Ruby.
"Ite-text na lang kita, Ruby. Don't expect too much baka masira lang ang birthday party mo nang dahil sa akin," I told him.
Nag-uumpisa na akong maglakad papunta sa abangan ng jeep. Sumabay naman sa akin si Ruby sa paglalakad.
Ang daming nakatingin sa amin. Pero hinahayaan ko na lamang kung ano man ang iniisip nila.
"Okay. Basta gawan mo ng paraan, ha. Or if you want sabay tayong pumunta sa inyo. Ako ang magpapaalam para sa 'yo sa mga magulang mo," he said.
Napabuntong-hininga ako. Gustuhin ko man ay hindi talaga puwede.
Baka ano ang gawin ni tatay Rey kapag may isinama akong bakla sa bahay.
Well, walang problema kay nanay Lea dahil gustong-gusto naman nito ang mga bakla.
Tuwang-tuwa ito kapag nakikipag-usap sa mga bakla pero kay tatay imposible na talaga. Baka mapahiya lamang ako sa harap ni Ruby.
"Basta ite-text na lang kita mamaya ha. Happy birthday," sabi ko na nakangiti.
Medyo naiinitan ako kaya hinubad ko ang suot na polo uniform. Nakasandong puti na lamang ako.
Napuno naman ng pagnanasa ang mga mata ni Ruby nang makita na gano'n ang aking ayos. Hinayaan ko na lang siya. In the first place, I'm used to it.
"Sige, Daniel. Sana talaga makapunta ka. Ikaw ang magiging best gift ko," sabi niya na panay ang tingin sa bandang kilikili ko. "Grabe, ang lago pala ng buhok mo sa kilikili," puna niya at tipid siyang tumawa.
"Bakit ano'ng meron?" nakakunot-noong tanong ko sa kanya.
"Hmmm... mas lalo ka kasing naging hot dahil sa hairy armpits mo, e," tugon niya kapagkuwa'y napakagat labi.
Natawa ako sa sinabi niya. "Talaga? Ngayon ko lang nalaman, a, I thought maduming tingnan kapag sobrang hairy ng armpits," I said.
But deep inside, alam ko talagang nakakadagdag nga ng appeal sa isang lalaki ang pagkakaroon ng hairy armpits.
Bakit ko alam? Siyempre fetish ko rin 'yon e hehe...
"Madumi ka diyan. Mas nadudumihan nga ako sa mga lalaking walang buhok sa kilikili, e," sabi ni Ruby.
Napapangiti na lamang ako sa kanya at hindi na tumugon pa. Tuloy kaming naglakad at papalapit na sa sakayan ng jeep.
"How about if pangit ang mukha tapos mabuhok ang kilikili? Type mo pa rin 'yon, Ruby?" mayamaya ay natatawa kong tanong sa kanya.
Tawa naman nang tawa si Ruby. "Naku po nevermind na lang, Daniel. You're more than enough for me," he said.
Napangisi na lamang ako at hindi ko alam kung bakit itinaas ko pa ang aking kanang kamay at nagkunwaring kinakamot ang ulo.
Lalong tumambad sa mga mata ni Ruby ang hairy armpits ko. Tila lalo namang nag-aapoy sa pagnanasa ang mga mata niya sa nakita.
"Puwede ko bang amuyin ang kilikili mo, Daniel?" Nakangisi niyang tanong sa 'kin.
Tumawa na lang ako at 'di na pinansin ang kanyang sinabi. "Sige, ingat ka, Ruby... mauuna na ako, ha," I said.
Eksaktong may tumigil na jeep. Sumakay agad ako.
"Ay, ang damot naman nito para amuyin lang naman, e," sabi niya na halatang disappointed.
"Magdasal ka na makakapunta ako sa party mo mamaya. Ipapaamoy ko ang mga ito sa 'yo hanggang magsawa ka." At sinabayan ko iyon ng tawa.
Kinilig naman si Ruby sa sinabi ko. "Tatandaan ko 'yan, ha. Hay naku tatawagin ko talaga ang lahat ng santo ngayon," he said.
Hindi na ako sumagot dahil nag-uumpisa nang tumakbo ang jeep.
Nag-wave na lang ako sa kanya ng kanang kamay. Narinig ko pang sumigaw siya ng 'I love you' at nag-flying kiss.
Tumawa na lang ako pati ang mga nakarinig sa kanya.