webnovel

Chapter 18

Nasa seating area lamang nakaupo ang binatang si Lex Haden Guevarra nang mabilis na nakita niyang papalapit ang doktor sa kaniya matapos itong lumabas sa mismong loob ng room area kung saan chini-check up o sinusuri ang lalaking si Alexander James Scott.

Doc, kamusta yung lagay ng pisngi niya, lumabas na ba ang findings niyo patungkol roon?! Tsk, Masyado atang napalakas yung ginawa kong paghataw sa mukha niya." Sambit ng binatang si Lex Haden Guevarra habang makikita ang labis na kuryusidad kung nao ang lagay ng bata este isip-batang si Alexander Jame Scott. Halos mahina lamang ang pagkakasabi niya sa huli na siya namang hindi klarong narinig ng nasabing doktor ng klinika. Ang totoo kasi niyan ay hindi niya aakalaing mahataw ng malakas ang pisngi ng lalaking si Alexander James Scott na yun sa labis na inis. Akitin ba naman siya at magpapacute sa mismong harapan niya na tila nananaginip pa ng gising kaya di naman siya masisisi at mabilis  lumipad yung kanay niya buti nga at di niya nasuntok ito dahil akala niya ay nahihibang na ito. Pakialam niya sa Science, Psychology kahit include pa ang math at English ay hindi niya maintindihan ang pag-uugaling meron kanina ang lalaking si Lex Haden Guevarra. Nagpi-feeling close pa kasi kaya niya nagawa yun.

Medyo nakaramdam ng konsensya at pag-aalala ang binatang si Lex Haden Guevarra sa lalaking si Alexander James Scott.

"Ah eh, medyo malala nga ang lagay ng pisngi nito. Kailangang maiging applyan ng ice packs o cold compress para hindi mamaga." Sambit ng doktor habang makikita ang seryoso sa tono ng pananalita nito at hindi maipinta ang pagmumukha nito. Medyo nanginig at pumiyok pa ito habang pinagpapawisan ang noon nito.

Sa nakikita ng binatang si Lex Haden Guevarra ay masasabi niyang nagsasabi ng totoo ang nasabing doktor at kitang-kita niyang namamawis nga ito. Sigurado siyang malubha ang kalagayan ng lalaking si Alexander James Scott.

"Sigurado po ba kayo. Ano na po ang lagay niya. Sa sinasabi niyo po ay malubha talaga ang kalagayan niya hindi ba?!" Sambit ng binatang si Lex Haden Guevarra habang makikita ang labis na pagkagulat at pag-aalala sa kaniyang sariling ginawa. Masyado ata soyang naging brutal sa ginawa niyang pagsampal este paghataw pala sa mukha nito.

Tila natigilan naman ang nasabing doktor ng klinikang ito at mas pinagpawisan pa ng malapot na kulang na lang ay lumabas lahat ng tubig na naiipon sa buong katawan nito.

"Diyosko patawarin niyo ko, naipit ako sa brutal na lalaking nasa harapan ko at sa lalaking walang hiyang nangblackmail sa akin. Hayst, mukhang hindi talaga magkakasundo ang dalawang ito huhu..." Sambit lamang ng nasabing doktor sa kaniyang isipan lamang. Makikitang pinipigilan niya lang isumbong ang lalaking nasa loob ng klinikang iyon kung hindi lamang ito kahit na labag sa kalooban niya ay ayaw niya namang magsara ang negosyo niyang ito na klinika.

Maya-maya pa ay may naisip na ideya ang nasabing doktor na kinakabahan pa rin hanggang ngayon. Napangiti lamang ito sa kaniyang isipan.

"Sa tanong mong yan ay pumunta ka sa loob ng kwarto ng klinika kung saan narooroon ang lalaking iyon. Ayaw nitong magpacold compress o ito ang mag-aaply ng ice packs sa namagang mukha nito na siya lang. Ewan ko ba kung ano ang gagawin ko dun." Seryosong sambit ng nasabing doktor na halata sa tono ng boses nito na problemado talaga ito. Sa totoo niyan ay medyo ginawa niyang exaggerated ito para naman hindi naman siya lahat sumalo ng paghihirap sa sitwasyong ito. Halata rin kasing panay rin ang tingin ng binatang lalaking nasa harapan niya na halos kaedaran lamang ni Ginoong Alexander James Scott sa mamahaling relo nito na sa tingin niya ay limited edition ng isang napakasikat na brand ng mga watches. Patay talaga siya kapag umalis ito, mabuti nga lang at naabutan niya itong nandito pa rin at prenteng nakaupo kung hindi ay siguradong wala na siyang negosyong papatakbuhin ngayon o bukas makalawa.

Tila napayukot naman ang mukha ng binatang si Lex Haden Guevarra sa naging turan ng doktor patungkol sa lalaking si Alexander James Scott.

"Hayst, hindi pa rin nagbabago ang ugali nito. Masyado talagang matigas ang ulo ng lalaking damulag na yun. Ang laki-laki na pero tsss!" Sambit ng binatang si Lex Haden Guevarra sa kaniyang isipan lamang. Mabuti na lamang at sa pagkakataong ito ay hindi niya naisatinig ito kung hindi ay aakalain ng butihing doktor na nasa harapan niya na malapit sila sa isat-isa ng damulag este ng lalaking si Alexander James Scott.

"Uhm sige po doc, ako ba pong bahala doon at may customer ka pa atang aasikasuhin doon oh. Kanina pa atang nakatayo doon sa labas." Kalmadong sambit ng binatang si Lex Haden Guevarra habang iniba nito ang topiko na kanilang pinag-uusapan.

"Ah oo hehe... O siya, alis muna ako at may aasikasuhin pa ako hehe..." Sambit ng doktor na ngayon ay nakangiti na.

"Sige po doc hehe..." Sambit ng binatang si Lex Haden Guevarra habang mabilis na silang sumalungat ng direksyon sa nasabing doktor.

...

(Matapos lumabas ang nasabing doktor sa loob ng kwarto ng clinic na kinaroroonan ng lalaking si Alexander James Scott.)

Iidlip muna ako dito. Hindi ko aakalaing maganda naman pala ang service ng Clinic na ito at aakalain mong mala-King Size Bed itong hinihigaan niya.

Hindi namalayan ng lalaking si Alexander James Scott na nakatulog na pala ito ng mahimbing dahil na rin sa pagod siguro nitong nakaraang mga araw dahil sa daming nakatambak na trabaho sa kaniya.

...

Nang makapasok ang binatang si Lex Haden Guevarra sa nasabing silid ng kwartong kinaroroonan ng lalaking si Alexander James Scott ay masasabi niyang napakaganda ng ambiance rito. Hindi kasi ito yung typical na clinic na nakikita niya lamang sa iba't ibang mga nagkalat na mga klinika sa lugar na naririto o sa ibang mga siyudad o maging sa mga probinsya.

Ang pakay ng pagpunta niya rito ay agad niya ring nakita.

SNORE SOUND ****

"Hayst nakatulog na ang malaking damulag na ito. Pakokonsensyahin pa ako nito kung mamaga ang mukha nito at pumangit ang isang to tsss!" Mahinang sambit ng binatang si Lex Haden Guevarra at mabilis na pinuntahan o dinaluhan ang kinaroroonan ng mahimbing na natutulog na lalaking si Alexander James Scott.

Agad na kinuha ng binatang si Lex Haden Guevarra ang ice pack na nasa ibabaw ng maliit na lamesang kinalalagyan nito na malapit lang sa kaniya at mabilis na inapply ito sa namumula o namamagang pisngi ng lalaking si Alexander James Scott.

....

What will happen next? Any guesses?