webnovel

Love Bites

Caitlin grew up in a normal family. For her, her life is nothing but normal. Atleast, that's what she is trying to achieve. Hindi niya aakalain na sa isang simpleng maling desisyon ay magbabago ng tuluyan ang buong buhay niya. Ang normal na buhay na pinakaka-ingatan niya ay nawalang parang bula. Her world was turned upside and down and she finds herself spiralling down the abyss, completely out of control. If only she could turn back the time. She shouldn't have succumbed to her desires.

Sharelvandor · Fantasi
Peringkat tidak cukup
22 Chs

CHAPTER SIX

Pakiramdam ni Caitlin walang katapusan ang mahabang hallway na tinatahak niya ng mga sandaling iyon—o baka dahil din iyon sa katotohanang kahit nanlalambot na ang mga tuhod niya, wala pa rin siyang tigil sa pagtakbo at hindi din nakatulong ang suot niyang high heels para mapadali ang buhay niya. Bukod doon, kahit anong gawing pangungumbinsi rin niya sa sarili na magiging maayos ang lahat—na walang mangyayaring masama ay patuloy pa ring umaalingawngaw sa isip niya ang babalang iniwan ng matanda.

Muli niyang tinanaw ang pinapanalangin niyang dulo na ng hallway at magbabalik sa kanya sa ballroom na pinasukan nila kanina. Naitigilan siya saglit ng matanaw iyon. Then, she breathed a sigh of relief. She overreacted! Of course, that old man was messing with her!. Hindi siya dapat agad naniwala dito kahit pa sumang-ayon din ang instinct niya. Kitang-kita mula sa kinatatayuan niya na patuloy pa rin ang nagaganap na party. There's nothing out of ordinary. Kahit ang malamyos na musika na nanggagaling sa orchestra ng gabing iyon ay patuloy pa rin sa pagtugtog. May mga nagsasayaw pa nga na couples sa dance floor.

Nang maibsan ang pag-aalala ay nagpatuloy sa paglalakad si Caitlin pabalik sa ballroom ng walang kaabog-abog na biglang may humablot sa kanyang braso at marahas na isinandal siya sa pader. Sa pangalawang pagkakataon ng gabing iyon natagpuan niya ang sariling iniinda ang likod dahil sa sakit habang ang walang awang lalaking humablot sa kanya ay kasalukuyan lang namang ini-invade ang personal space niya. Imbes na lalong matakot ay ibang damdamin ang humalili ng pagkakataong iyon.

She's done being nice. Matutuyuan talaga siya ng dugo gabing iyon.

Hindi niya maaninag ang mukha nito dahil madilim ang kinapupwestuhan nila at bahagyang nakatagilid ang mukha nito dahil sa walang tigil nitong pagmamasid sa paligid. Hindi na siya nagdalawang isip na buong pwersang magpumiglas mula sa pagkakahawak nito pero walang nangyari, Nanatili itong parang estatwa na nakapalibot sa kanya habang siya malalagutan na ng hiniga sa sobrang effort na kumawala dito. Ano lang 'tong lalaking ito? Si Superman? Batman?

She settled for another tactic. "Mister pwede bang bitiwan mo ako? Kung hindi pagsisisihan mo ang gab---hmmppp..hmmmpp…." nanlalaki ang mga matang tinitigan niya ang mukha ng kumag habang ang isang kamay nito ay nakatakip sa bibig niya Matalim ang tingin na ipinukol niya dito, kulang na lang may lumabas na laser beam sa mga mata niya at siguradong dead on the spot ito. Caitlin tried to move her mouth but stop dead when she realize something odd.

He's cold. His hand is unusually cold. Kagagaling lang ba ng lalaking ito sa loob ng freezer? She mentally shook her head. She immediately dismissed the thought.

"Ano bang pakialam ko sa kanya? At tsaka ano bang ginagawa niya? Kanina pa siya palinga-linga! Tumingin ka sa akin" tahimik na litanya ni Caitlin. Animo'y narinig nito ang paglilitanya niya sa isip niya dahil sakto namang humarap sa kanya ang binata at laking pasalamat ni Caitlin na takip nito ang bibig niya kundi napanganga na siya sa sobrang gulat. Hindi siya agad nakahuma at nanatiling nakatatitig sa mga mata nito.

She's staring right through a deep set of blood red eyes. Imposible. Nananaginip lang siya. Mariin niyang pinikit ang mga mata. Pinalipas muna niya ang ilang minuto at muli ay dahan-dahang binuksan niya ang kanyang mga mata. Ganoon na lang ang pagbulosok ng hibla ng tapang na pilit niyang pinanghahawakan ng walang magbago sa paningin niya.

She felt herself tremble in fear but she couldn't look away.

"It must be contacts" she muttered inwardly. Caitlin's trying to convince herself so bad and she's failing miserably.

"Bibitawan kita saglit but don't even think of escaping. Naiintindihan mo ba?" sunod sunod ang ginawa ni Caitlin na pagtango.

Kasabay ng pagbitiw sa kanya ng lalaking may weird na mata ay agad naman niyang minurder ng high heels ang paa nito. Bahagya lamang itong napainda sa sakit pero sapat na opening na iyon para makakaripas siya ng takbo pero hindi pa man siya nakakalayo ng ilang dipa ay agad na siya nitong nahuli at marahas na hinapit siya pabalik sa katawan nito hanggang sa ilang sentimetro na lang ulit ang layo ng mukha nilang dalawa.

"I told you not to try to escape" anito sa nagngangalit na tono. Para siyang iniwan sa kalagitnaan ng isang matinding storm surge ng pakinggan niya ang boses ng binata. Natulala siya. Nanlilisik ang matang tinitigan siya nito. She automatically flinched. Sapat na ang isang tingin nito para manginig siya sa takot. Namalayan na lamang niyang kinakaladkad na siya nito palayo sa direksyon ng ballroom. She automatically snapped back in attention.

"Teka lang! Saan mo ako dadalhin? Bitiwan mo nga ako. Sino ka ba? Anong kailangan mo sa akin? sunod sunod ng tanong niya dito dahil kanina pa siya kung hindi natutuloy ang sasabihin ay natutulala kaya parang gripong dumaloy palabas ang mga salita mula sa bibig niya.

"Too many questions" his kidnapper muttered angrily.

"Hoy Mister! Kidnapping itong ginagawa mo. Kung papakawalan mo na ako ngayon papatawarin kita sa pagkakataong ito" pangungumbinsi niya dito

"Pasensiya na pero sumusunod lang ako sa utos at hindi mo ako mauuto. Kung mahal mo pa ang buhay mo sasama ka sa akin ng matiwasay at walang lumalabas diyan sa bibig mo na kahit isang salita"

"Ang kapal ng mukha mo!! Hoy! Hindi ko alam kung nakahit-hit ka ba o sadyang in born na ang tama sa brain cells mo pero kung ayaw mong mapadali ang buhay mo bibitawan mo na ako ngayon din!"

"Stop giving empty threats"

"Empty threats? Hindi mo ako kilala!"

"Of course, I do" he muttered grudgingly.

"Anong sabi mong kumag ka?!"

"You can't even kill a cockroach kahit pa halos mapatid na ang litid mo sa kakatili kapag may tuwing umaaligid sa paligid mo. Naninigas ka sa sobrang takot kapag nakakakita ka ng dugo at higit sa lahat your freaking clumsy. So stop throwing empty threats at me Rose. I know you very well" anito sa makahulugang tono.

Downloading...3%...tut..tut....4.5%...tut...tut...

"Hoy babae! Humihinga ka pa ba? Pwede ba wag mo muna akong paandaran ng kadramahan mo! Kailangan na nating umalis dito"

Downloading 100% ...complete... Ano daw? Kadramahan? Ang lakas ng tama ni Kuya! Parang lumobo ang ulo niya na kasing laki na yata ng hot air balloon hanggang sa pakiramdam niya sasabog na iyon sa sobrang inis niya. Papaliparin niya ang lasog-lasog na katawan ng pesteng lalaking ito sa outerspace gamit ang pinakamalakas na boses niya sa balat ng lupa. Hindi siya magpapatalo sa trip nito.

"WAAAAAAAAHHHHHHHHH! TULONG! HELP! MAY RAPIST DITO! TULOOOOOOOOO--" makapatid hiningang sigaw ni Caitlin. Nanlilisik ang mga matang tinitigan siya nito pero sa pagkakataong iyon hindi na siya natinag doon. Tinapatan niya rin ito ng tingin.

Contacts lang naman ang suot ng lalaking ito. Kung ang kidnapper niya may glowing red eyes siya naman matulis ang mga pangil niya. Hinahasa niya pa nga yun pag tuwing nagto-toothbrush siya. Kung gusto nitong magtakutan, game na game siya. Inangilan niya ito with matching emphasis pa sa pangil niya at additional sound effects. She growled a little.

Got that weirdo? Caitlin thought to herself feeling empowered all of a sudden. However, the brute only chuckled. Peste! TSaan napunta ang lahat ng acting skills niya? Nakakahiya. Agad nang iniiwas ni Caitlin ang mata at nagsimula ng mag-nobena sa isip niya. Sana lang may dumating ng rescue. Wala na siyang maisip para masalba ang precious life niya.

"Well, nice try kid. You look like a kitten, I almost petted you" anito na halatang tuwang-tuwa dahil kitang-kita sa hilatsa ng mukha nito kaya nga lang mas mukhang amuse na monster ang nasa harapan niya ng mga sandaling iyon. "At sinabi ko na sayong tumahimik kan--" agad na natigilan ang lintik niyang kidnapper, na parang may naramdaman na kung ano sa paligid nito.

"Shit!" mariing usal nito at marahas na hinila siya papunta sa kabilang ibayo, only to stop short again. Napansin niya ang dalawang pigura na humarang sa dadaanan nila. Nang muling umatras sila para bumalik sa dati nilang dinaan ay agad din silang natigilan ng may dalawang lalaki din ang humarang sa kanila. Narinig niya ang mahinang pagmura ng binata. Siguro minumura na rin ako nito sa isip niya.

"Kita mo nga naman. Sineswerte tayo ngayong gabing 'to. May basura tayong ididispatsa. May kasama pang tao. Ang lakas din naman ng loob mo Romulus na pasukin ang pagdiriwang na ito" saad ng isang lalaking nakakatakot ang hitsura. Sa sorang laki pa lang ng katawan nito na tinubuan yata ng muscles sa katawan at sa nakakaloko nitong mga tingin sinisilihan na siya sa takot. Lalo pang nakapagdagdag sa nakakatakot na aura nito ang pulang-pula nitong mga mata na katulad lang ng sa kidnapper niya. Namalayan na lamang niyang napakapit na siya sa braso ng katabing binata.

"Pasensiya ka na Devon. Wala naman talaga akong balak makisaya sa inyo. Sinusundo ko lang ang alaga ko. Mahilig kasi siyang maglagalag lalo na sa gabi"

Nagpanting ang tainga niya sa sinabi nito pero hindi siya nakaimik dahil biglang nanuyo't ang lalamunan niya. Lalo na't ngayon ay dahan-dahan ng lumalapit ang mga ito sa kanila. Lalo siyang sumiksik sa tabi ng kidnapper niya. Mali yata ang napadalhan niya ng rescue letter dahil mukhang mas lalong mapapaaga ang buhay niya sa mga ito.

"Pasensiya na pero minamalas ka ngayong gabi. Hinigpitan mo dapat ang tali diyan sa alaga mo ng hindi nakakawala. Napapahamak ka tuloy"

Hindi na siya nakatiis. "Excuse me! FYI, hindi ako aso na dapat itali. Street sweeper pwede pa dahil willing akong idispatsa kayong mga basura kayo kung hindi niyo kami papaalisin ngayon. Gets niyo? Kaya move na!" tapang-tapangan na banta niya sa mga ito. Nagsimulang humalakhak ang mga ito na parang walang bukas. Ang sarap nilang saktan.

"Pwede ba wag mo na ngang ibuka yang bibig mo. Hindi nakakatulong ang mga sablay mong jokes sa sitwasyon natin ngayon" naiinis na saad ni Romulus. Inirapan niya ang binata.

"Anong sablay? Kita mo nga halos mamatay na sa kakatawa". Napailing na lamang si Romulus na animo'y sumusuko na sa pakikipag-usap sa kanya at binalik ang atensyon sa mga goons na nasa harap nila.

"Feisty. I like that" ani Devon habang hindi na mapalis ang tingin sa kanya. He leered.

"Too bad. She already has her owner"

"Looks like I should get rid of you then" pagkatapos niyon ay sumenyas na ito sa mga kasama nito. Namalayan na lamang niya ang sariling todo kapit na sa braso ni Romulos.

"Wag kang bibitiw" anito

"Para namang may choice ako. I'll take my chances with you". Hindi ito umimik pero lalong humigpit ang hawak nito sa baywang niya. Mayamaya lamang ay agad siya nitong binuhat pa-bride style. Napakapit siya sa leeg nito.

"Too bad. Hindi mo kami matatakasan basta-basta. Your already surrounded" Devon said sounded smug. Nanlalaki ang mga matang napatingin na lamang siya ng madagdagan ang bilang ng mga kasama nito. Hanggang sa tuluyan ng maharangan ng mga ito ang bawat escape route nila. Two against 20? 30? Wala silang panama. Ni hindi niya nga mai-konsidera ang sariling kasama dun sa dalawang bilang niya. Ano na lang gagawin nila?

Agad siyang binaba ni Romulos at seryosong tumitig sa kanya. Nagtatanong ang mga matang tumingin din siya dito. Hindi niya kasi malaman kung paano niya sasabihin ang nasa isip niya ng mga sandaling iyon. She's too scared to even speak.

"Change of plans " nabuhayan siya kahit papaano sa sinabi nito. Buti na lang may naisip pa itong ibang plano sa ganoong kadelikadong sitwasyon

"Ano iyon?" seryosong tanong niya dito. She needs to at least be prepared.

"Ipagpatuloy mo na ang pag-nonobena mo. Tignan natin kung matutulungan tayo ng Diyos mo" seryosong tugon nito. Kulang na lang pumutok ang ugat niya sa ulo dahil sa naging sagot nito.

"ANNOOOO??? " sa maraming beses na pagkakataon ng gabing iyon narinig na naman nito ang makaubos hiningang tili niya. Masasaktan niya talaga ang lalaking ito!