webnovel

Prologue

T h i s i s w h e r e i t a l l s t a r t e d .

___________________________________

1 day earlier

Magang-maga parin 'yung mata ko pagkagising ko nung umaga. Hindi na ako halos nakatulog kakaiyak kagabi. Tumayo na ako saka inayos yung higaan ko. Inayos ko narin yung mga gamit ko sa school saka nilagay yun sa bag. Buti nalang natuyo sila.

Tumingin ako sa orasan. 6am na ah, hindi ako pinuntahan ni kuya? o nag tatampo rin siya sa ginawa ko kagabi? Kinakain na tuloy ako ng konsensya ko ngayon! Pag baba ko sa baba. Parang ang tahimik ng bahay. Hindi na sumisigaw si mama. Hindi na rin nangaasar si Kuya. Grabi ba yung ginawa ko kagabi?

Pagkaupo ko sa lamesa, nakahain na yung pagkain. Tumayo si kuya galing sala saka umupo, kaso malayo na saakin yung upuan niya. Si mama naman, walang reaksyon yung mukha habang nag hahain ng pagkain. Hindi siya mukhang galit, hindi rin naman mukhang masaya, wala talaga siyang reaksiyon.

Hanggang sa makaalis ako ng bahay. Wala ng bumubunganga saakin. Wala naring nag papaalala na magdala ako ng payong. Wala naring nag papaalala sakin na ampangit ko. Na-miss ko tuloy yung kaingayan ni kuya saka yung kuda ni mama. Nakakalungkot naman.

Pagkatapos ng klase namin, dumeretso kami ni Charmaine sa Carpark sa UST para doon muna tumambay. Ayaw ko muna din kasi umuwi. Kinakain lang ako ng guilt pag hindi ako kinakausap nila mama at kuya sa bahay eh.

Nag basa nalang ulit ako nung Till we meet again. Patapos na ako kahapon eh, hindi ko lang natapos kaninang madaling araw kasi, nag mukmok ako buong mag damag. Ang pangit ko na nga, anlakas ko pa mag-inarte.

["Olivia! huwag! huwag niyo po siyang patayin!" nakatutok na ang baril nung isang sundalo kay Olivia. Nang makita 'kong pipindutin na nung sundalo 'yung baril na hawak niya, tumakbo agad ako sa harap ni Olivia.

"Olivia, Mahal na mahal kita." dahan-dahang lumalabo ang paningin ko. Noong makita 'kong lumapit sakin si Olivia, umiiyak na siya. Ayaw na ayaw ko siyang nakikitag umiiyak, dahil mas lalong sumasakit ang puso ko. Pero mukhang ito na ang huling kita ko na umiiyak siya.

"Andrew, mahal din kita." iyon na ang huling salita na narinig ko kay Olivia. Dumilim na ang paligid ko.

Hindi man kami itinakda ngayon, pero umaasa akong makikita ko muli siya sa susunod na habang buhay.

The end.]

"Bwisit na 'yan! naiiyak ako! scam naman neto! sabi nila happy ending! ampanget ng ending! ampanget!" i almost shouted a curse because of this story! Mabuti nalang pinigilan ako ni Charmaine. She was busy reading something until now. What is it all about?

I peeped out through her phone and saw what she's reading! It must be romance! Nakita ko siyang kinikilig kanina eh! tapos habang ako, dito, nag luluksa! Anduga ayaw sabihin sakin 'yung name nung story!

"Hoy Charm! hindi ka ba naaawa sakin?" i made pity eyes. She laughed in melodious tone. "Anong maaawa! Eh halos lahat naman ng nababasa mong story may 'Happy Ending' sa huli! mas maging makatotohanan ka nga Xeraphina!" she scolded me. Oh that's annoying! Calling my full name was awful to heard.

"Sige na! Ililibre naman kita mamaya ehh! parang tanga naman nito. Ampanget ko na nga, nag away pa kami ni mama kagabi, tapos ano pa ba... ni-reject pako ng crush ko tapos--" tinakpan niya yung bunganga ko para tumigil ako sa pag ta-tantrums ko. "Oo na! Ito na! Search mo sa wattpad Unknown." i tilted my head, getting curious now.

"Ano naman 'yan. Baka hindi romance yan ha?" kinutongan niya naman ako. "Gaga! ang creepy nito! Alam mo ba! nandito yung pangalan nating lahat! mula sakin, kay aziel, sayo, sa teacher, sa iba pang students, basta lahat ka-pangalan. Feeling ko nga isa sa mga kaklase natin ang may gawa nito eh. Tapos bawat POV natin dito true to life na nangyayari sa buhay ko!" na-curious agad ako doon kaya sinearch ko agad sa wattpad.

Oh i forgot. I must rate the book that i've read before. Sobrang panget ng ending. Matutuwa ako kung may Sequel!

"Unknown." By Anonymous. 2m reads. 500k votes. 10 chapters

Napaka anonymous naman nung author na'to. Feeling ko isa sa mga kaklase ko ang author nito. Nice ha, kung happy ending 'to, icrush back sana siya ng crush niya.

Nang simulan ko ang prologue. Hindi nako naalis sa story na 'yon. I almost forgot that i was mourning a while ago. Buti nalang maganda 'tong ni-recomend saakin ni charmaine. What i nice story.

I was still amazed. Because almost all of the things, characters are real. Minsan pa nga pag POV ko, nagugulat talaga ako. Ang creepy naman nung classmate ko. Stalker ba siya or something? Bakit alam niya lahat ng nangyayari sa buhay ko pati na sa buhay ng classmates ko?

Hanggang sa makauwi ako sa bahay. Woah. I almost got hit by the bus. Na-hooked na talaga ako dito sa binabasa ko na 'to. Kung nung nakaraan ay inlove na inlove ako kay Aziel, ngayon naman, hate na hate ko na siya. Letse siya. Kahit na crush niya ko dito sa story na'to. Kung ako dun sa author, ire-reject ko 'to! He's a total jerk!

Kaso nag tataka parin ako ngayon eh. May classmate ba kaming pangalan Brandon? Bakit siya ang ka-partner ni Charmaine dito? Or kaya meron talaga akong Brandon na kaklase, hindi ko lang talaga alam na nag e-exist kasi masyado nakong nabuhay sa wattpad? Whatever, masama parin ang character niya dito! Sana hindi siya mag exist.

Anyway, kahit na stalker yung gumawa nung kwento na 'to. Sana naman maganda ang ending nung kwento, dahil kung hindi, nako ire-report ko talaga.

["Iha, maraming salamat sa iyong tulong kanina. Kung hindi mo ako tinulugan, panigurado'y lumpo na ako dito't di makagalaw. Aba teka..." may kinuha 'yung aling pulubi sa bulsa niya saka ibinigay saakin.

"Ito lamang ang maibibigay ko saiyo. Palawit iyan. Nawa'y magamit mo iyan kung kinakailangan." tinignan ko naman ang maliit na palawit na iyon. Mukha itong Omamori, pero hindi hapon ang naka-burda dito.

ᜁᜆᜒᜁᜆᜒᜈᜃ᜔ᜇ ���ᜃᜈ᜔ᜌ ]

Tumingin muna ako sa orasan, at nakita 'kong 3:05 am na. Juicecolored! 2 hours nalang ang itutulog ko! Pero sige okay lang, proceed parin sa kuwento, mukhang maganda eh.

Sa katunayan, pinipilit ko nalang i-bukas ang mata ko dahil antok na antok na talaga ako, pero na thri-thrill ako sa susunod na chapter! kailangan mong gumising Xera!

Hindi ko namamalayan, naiwan ko na palang nakabukas ang phone ko at nakatulugan na ito. Kinaumagahan, nagising ako dahil sa alarm ng cellphone ko. Pero alam ko, hindi ako nag a-alarm ng cellphone dahil lagi naman akong pinapagising ni Mama kay kuya

Nakapikit 'ko paring iniabot ang phone ko. Teka, naalala ko nasa tabi ko lang 'to kagabi ah? eh bakit nasa side table? Swinipe-up ko ang screen at pinatay ang alarm. Kanina ko pa nararamdaman na may nakatingin sa'kin sa malayo, baka si kuya lang 'yun. Pero, hindi naman tahimik si Kuya kapag nasa loob ng kwarto ko ah? Dahan-dahan 'kong binuksan ang mata ko, nung una malabo pa dahil sa mga namuong muta, pero nang makita ko siya...

"Sino ka?!"

-Moonxx__

Bab berikutnya