Aliyah's Point of View
LUMAGPAS na nga kami ni Onemig dun sa linya na iginuhit namin bilang magkaibigan. Sabay kaming tumawid tungo sa panibagong lebel ng aming relasyon. Normal lang naming tinahak yung sitwasyon namin nung mga sumunod na araw.
Wala naman nakahalata na may kakaiba na sa amin ni Onemig. Naging maingat kasi kami sa bawat kilos namin. Yung natural na galawan namin noon, yun lang ang nakikita nila. Yun nga lang kapag kaming dalawa na lang medyo may konting landian na. Kung landian ngang matatawag yung holding hands, hugs and kisses sa ulo lang naman or sa noo. Hindi pa kami nagki-kiss sa lips, ewan lang kung bakit. Feeling ko, siguro hindi pa right time para sa ganon yung level ng relationship namin.
Hindi sa kung ano pa man, medyo iniisip ko rin minsan yung pakiramdam kung paano mahalikan muli ni Onemig. Iba kasi yung sensasyong ipinaranas nya sa akin noon. Curious din akong malaman kung may nagbago ba.
Sus! Ang harot lang Aliyah!
" Uuwi ba tayo ng Sto. Cristo mamaya? " tanong ko kay Onemig pagkagaling nya sa site. Mag-uuwian na kasi kaya bumalik na sya para ihatid ako sa bahay tulad ng nakagawian na, ngunit kakaiba na ngayon dahil pang-limang araw na namin bilang mag-MU, secretly.
" Si Jake at Caloy, nagpaalam na sa akin kanina na uuwi sila, may lakad daw sila dun. Si Gilbert naman, may usapan daw sila ni Tin na lakad bukas. At ako, depende sayo. Kung saan ka, syempre dun ako. " lihim akong kinilig sa huling sinabi nya. Shems! Ang ganda ko talaga, na-magnet na naman si koya eh. Pero syempre may konting pag-aalala rin naman ako.
" Kung hindi tayo uuwi ng Sto.Cristo, paano si Monique at yung lola nya? " tanong ko. Natigilan syang bigla at nag-isip muna saglit.
" Pwede naman akong tumawag at sabihing hindi ako makakauwi. " pagkaraa'y tugon nya.
" Beb may obligasyon ka sa kanila.Kung----" pinigilan nya ako kaya naudlot yung sinasabi ko.
" Ano yung sinabi mo? " biglang tanong nya.
" Ha? Alin yung obligasyon? " naguguluhan kong tanong.
" Hindi yon. May sinabi ka bago yun. "
Napaisip ako kung may sinabi ba ako bukod dun, nang maalala ko ay napatapik ako ng noo.
" Ay sorry, nabigla lang ako, ayaw mo ba? "
" Anong ayaw? Gusto ko nga yun, yung tawagin mo ulit ako sa endearment na yun. " malapad ang ngiti nyang turan.
" Sus! Kinilig ka noh? " tudyo ko.
" Oo nga. " nahihiya nyang turan. Medyo namumula pa yung tenga nya.
" Pero pag tayong dalawa lang yun ha? "
" Oo naman. Nag-iingat nga tayo di ba? "
" So, ano uuwi tayo ng Sto. Cristo, mamaya?" tanong ko muli.
Hindi agad sya nakasagot. Parang nag-aalinlangan sya. Kaya tinanong ko ulit sya.
" Ayaw mo bang umuwi? " tiningnan nya ako tapos malalim na napabuntung-hininga.
" Kapag kasi nandoon tayo,wala akong gaanong time na naibibigay sayo. Hindi naman pwedeng hindi pumunta kila Monique dahil magtatampo sila ng lola nya kapag nalaman na umuwi ako at hindi pumunta sa kanila.Pwede bang huwag na muna tayong umuwi dun? Gusto ko kasi na kahit isang buong araw lang magkasama tayo. Yung walang iniisip na sila kundi yung tayo lang, yung ikaw at ako lang. " medyo malungkot yung mukha nya habang nagsasalita. Ako man nalulungkot din kaya naman naisip ko na sundin yung gusto nya tutal kakauwi lang naman namin ng Sto. Cristo last week.
" Sige beb,next week na lang tutal sa third week bibiyahe ako papuntang Italy, para makapag-paalam na rin ako sa amin. "
" Tuloy na ba talaga yang pagpunta mo ng Italy? "
" Oo nga. Narinig mo naman yung usapan namin ni Jam di ba? Two to three days lang naman at isa pa kasama ko si Tin. " paliwanag ko.Tumango na lang sya. Usapan na kasi namin na hanggat may Jam at Monique sa pagitan namin, sila muna ang uunahin kapag kailangan, no questions ask, basta yun na yon.
" Eh di wala ka sa unang araw ng simbang gabi? " tanong nya.
" Oo. Sunday ang start nun, Saturday ang flight namin ni Tin. Sus! para namang magkakasama tayo sa first day ng simbang gabi kahit hindi ako pumunta ng Italy. Malamang si Monique ang kasama mo nun dahil Sunday yun. " sabi ko.
" Hay naku baby pag gusto may paraan. "
" Eh di wow! Ikaw na! " sabay kami na natawa na lang
***
Hindi na nga kami umuwi ng Sto. Cristo at napagpasyahan namin na gumala na lang kinabukasan, yung kami lang dalawa.
Pagka-alis ni Tin at Gilbert after namin mag-breakfast, mabilis akong naligo at nagbihis para sa lakad naman namin ni Onemig.
Nagpaalam ako kay yaya Melba na may pupuntahan lang kami ni Onemig. Sa totoo lang, wala pa kaming konkretong napag-usapan kung saan kami pupunta, basta ang sabi nya sorpresahin na lang daw namin ang mga sarili namin.
Hindi naman nagtagal ay narinig ko na ang busina ng kotse nya sa labas kaya nagpaalam na ako kay yaya na aalis na kami.
" Where are we going? " tanong ko kaagad nung makaupo na ako sa passenger seat.
" May surprise ako sayo. " sambit nya.
" Nasaan? " tanong ko sabay lahad ng kamay ko.
" Hindi. Yung pupuntahan natin, yun ang surprise ko sayo. " nangunot ang noo ko.
" Anong meron dun sa pupuntahan natin? " tanong ko pa.
" Basta, sasabihin ko na lang sayo mamaya kung ano, sinigurado ko muna kasi kagabi kung pwede na. " lalo naman akong naguluhan sa sinabi nya. Pero hindi na ako nagtanong, surprise nga daw eh kaya nanahimik na lang ako.
Napansin kong pa-South ang daan na tinatahak namin, mukhang probinsya sa CALABARZON ang pupuntahan namin. Alin man dun, ayos lang. Hindi pa kasi ako gaanong nakakapunta sa mga lugar na nabanggit. Pwera lang sa Cavite.
" Nagugutom ka ba baby? " tanong nya at bahagya ng sumulyap sa akin. Nasa coastal road na kasi kami at seryoso syang nagmamaneho.
" Hindi naman masyado beb. Baka ikaw gutom ka, daan tayo sa fastfood kung may makita tayo. " he just nodded then continue driving.
After a while, may nadaanan nga kaming Mc Donalds nung makalampas na kami ng coastal road. Nag-park sya sa harap at sya na lang daw ang lalabas para bumili. Hinayaan ko na lang sya, tingnan ko nga kung alam pa nya ang paborito kong pagkain sa fast food chain na ito.
Ilang minuto lang ang lumipas nang mamataan ko na palabas na sya ng store. Pagpasok nya ng kotse ay agad nyang inabot sa akin ang binili nya. Napangiti ako ng malapad ng makita ko kung ano yung laman nung paper pouch.
" Why? " tanong nya ng mapuna ang ngiti ko.
" Alam mo pa rin pala. " sabi ko sabay angat nung pagkain na nasa kandungan ko.
" I told you, wala akong nakalimutan kahit ano tungkol sayo. Lahat baby, lahat. " sa sobrang tuwa ko sa sinabi nya ay bigla ko syang kinabig at hinalikan sa pisngi na sya namang ikinagulat nya.
" Grabe ka namang manggulat sweetie, muntik na tuloy matapon tong hawak ko. " natatawa nyang turan.
" Kasi naman ikaw eh ang aga-aga mo akong pinapakilig. " pag-amin ko.
" Madalas naman kitang pakiligin bakit ngayon mo lang ako hinalikan? Ibig sabihin, ngayon ka lang talaga kinilig sa mga da moves ko? "
" Madalas naman kaya lang syempre hindi ko hahayaang malaman mo yun kasi hindi pa tayo ganito nitong mga nakaraan. " ngiting-ngiti sya sa akin, nakataas pa ang kilay na parang nang-aasar. Napaamin kasi ako ng mokong.
" Hmm. Ang ganda mo talaga baby kapag nagba-blush ka. " turan nya tapos kinurot pa ako sa pisngi.
" Onemig nga! " nayayamot kong sita. Ayaw ko kasi ng kinukurot sa pisngi, paborito naman nyang pang-asar sa akin yun.
" Hahaha. Sige na kain na tayo. Baka bigla ka na lang sumpungin dyan, hindi mo na naman ako kausapin. " ngumiti na lang ako sa sinabi nya, kabisado na talaga nya ako.
Nang matapos kaming kumain ay muli na namang umusad ang aming sasakyan. Pansin ko na napakahaba na ng binyahe namin pero hindi naman ako nainip dahil magkasama kami. Ito nga talaga yung plano namin ngayong araw, yung kami lang dalawa, from sunrise to sunset.
Matapos ang halos isang oras pa ay narating na namin ang lugar na pakay. Kaya naman pala mahaba ang byahe ay sa Tagaytay ang punta namin. This is not my first time here, actually may rest house sila lolo Franz dito, yun nga lang medyo malayo dito sa pupuntahan namin dahil nasa may bandang Amadeo, Cavite pa. May coffee plantation din kasi kami sa mismong Amadeo.
Laking pagtataka ko nang papasok na ang sasakyan namin sa isang subdivision na malapit lang sa Skyranch. Napatingin ako kay Onemig na tila nagtatanong. Kibit balikat lang ang sagot nya.
We are inside an exclusive high end and 24 hours gated subdivision. And
in front of us is a two storey modern house, single detached with garden and 2 carports. The house is painted with a combination of white and pale blue. An ideal for rest house in a small peaceful community.
" Halika baby pasok tayo sa loob. " untag nya sa akin. Nagulat na lang ako ng hilahin nya ako papasok. Hindi ko namalayan na nabuksan na pala nya ang gate dahil sa sobrang pagkamangha ko sa bahay.
" Teka lang beb. Kanino ba bahay to? Mamaya nyan mapagkamalan pa tayong miyembro ng akyat bahay gang. " may multo ng ngiti sa labi ng tingnan nya ako. Halata kasi ang pag-aalinlangan ko.
" Baby, may susi tayong dala kaya bakit tayo pagkakamalang akyat bahay? Ang akyat bahay hindi sa pinto dumadaan kundi sa itaas ng bahay, kaya nga akyat di ba? May umaakyat ba sa baba? " oo nga naman, hindi ko naisip yun. Minsan may pagka-shunga rin talaga ako.
" Ang pilosopo mo po. Nagtataka lang kasi ako kung bakit tayo naririto. Pumapasok sa bahay na hindi ko alam kung kanino------- wow! "bulalas ko bigla. Naputol kasi yung sinasabi ko ng buksan na nya ang front door at tumambad sa akin ang loob ng bahay. Maganda ang pagkaka-ayos ng mga kagamitan, nasa tamang lugar at mukhang mamahalin ang appliances at furnitures. Sino kaya ang interior designer nito?
" Ang ganda naman nito beb! Maganda na yung sa labas, mas maganda pa pala itong loob. Kanino nga ito, bakit ayaw mo kasi akong sagutin kanina pa? "
" Sa akin. " walang gatol na sagot nya.
" Sayo? " may pagtataka sa tono ko.
" Actually, ikaw ang naisip ko nung bilhin ko ito. " lalong sumibol ang pagtataka sa akin ng marinig ko ang tinuran nya.
" Ako? Bakit ako eh ang tagal nating naghiwalay? Huwag mong sabihin na kahapon mo lang binili ito? "
" No. I bought this property four years ago. This was supposed to be my surprise for you on our first anniversary kaya lang hindi tayo umabot dun, we separated. " medyo nalungkot sya nung banggitin ang huling salita.
Ako naman nagulantang na. Bakit ba kasi ang daming revelations? Na-surprise nga nya ako talaga. Meron pa ba kayang kasunod na ikagugulat ko?
Nung medyo na-composed ko na ang sarili ko dahil sa pagkagulat, nahagilap ko na rin ang dila ko mula sa pagka-umid.
" Hindi naman sa minemenos kita, hindi ko lang mapaniwalaan na ----, I mean four years ago estudyante pa lang tayo at nineteen ka lang that time. Alam ko rin na hindi biro ang halaga ng property na ito, kaya paano? " naroon pa rin ang pagka-mangha sa akin kahit alam ko naman na kaya nila talagang bilhin ito. Ang gusto ko lang malaman kung bakit sa batang edad nya ay nagpasya syang bilhin ito para sa akin.
Ang haba naman ng hair mo Liyah!
" Okay . Ganito yun. Actually, sa Global Land ito, yung dating company ni dad. Isa ito sa mga projects ni dad noon. Bilang bonus sa kanya, sinagot ng company yung kalahati ng price nito. Nung pinakita sa amin ito ni daddy, nagustuhan naman ni mommy kaya lang may binili na silang property sa Vigan that time. Sabi ni mommy ibenta na lang ito pero tumutol ako, sabi ko ako na lang ang bibili gamit ang trust fund ko. Ganyan din ang naging reaction ni mom and dad, katulad sayo. Inisip nila na nagbibiro lang ako dahil bata pa nga ako para mag-invest sa ganito. Pero nung sinabi ko na para sa future naman nating dalawa at gusto kong gawing surprise sayo para sa anniv natin, pumayag na rin sila. "
" Juan Miguel hindi mo dapat ginawa yun. Pwede naman tayong mag-ipon para makabili tayo ng ganito. Tulad nyan, nagamit mo pa yung trust fund mo dito para lang i-surprise ako. Gandang-ganda ka talaga sa akin noh? " natawa sya sa huling sinabi ko. Lumapit sya sa akin at niyakap ako mula sa likuran.
" Sweetie, mahal na mahal kita. Di ba pinangako ko sayo noon na lahat gagawin ko mapasaya ka lang? Kahit naghiwalay tayo, hindi ako nawalan ng pag-asa na madadala kita dito balang araw. Kita mo nga heto na tayo ngayon. This is ours baby. Isa sa mga ipinangako ko sayo noon. " bigla akong napaharap sa kanya.
" Seryoso ka talaga beb? " medyo maluha-luha na ako ng harapin sya. Sumisikip na rin ang dibdib ko sa ibat-ibang klase ng emosyon na ipinararanas nya sa akin ngayon dahil sa mga sinasabi nya. Sa aming dalawa pala, siya yung hindi talaga naka-let go.
" Ano ba akala mo, nagbibiro ako? Seryoso ako baby. Hindi ako magtitiis na hulugan ito ng halos apat na taon kung hindi ako seryoso. "
" Akala ko ba binili mo na ito gamit ang trust fund mo? Ano yung hinulugan mo? " nagtatakang tanong ko.
" Kasi si dad kalahati lang din ang ibinigay nya galing sa trust fund ko. Kung seryoso daw talaga ako, hulugan ko yung kalahati sa loob ng four years. Hayun dahil pursigido, kinaya ko naman, awa ng Diyos. Nag part time job ako para may panghulog ako para sa monthly amortization. Pero tinapos ko na itong bayaran six months ago, nung makuha ko yung bayad ko dun sa isang project ko. Then yun nga kagabi, siniguro ko sa interior designer kung pwede na ba itong makita. " paliwanag nya.
" Ayos ka rin beb. Paano kung pinilit pala kitang umuwi ng Sto. Cristo, eh di nasira na itong plano mo? "tanong ko sabay tinaasan ko sya ng kilay.
" May next time naman di ba? " sagot nya.
Hindi talaga sumusuko ang isang to. Pinatunayan nya sa akin ngayon kung gaano nya ako kamahal. Akala ko nung maghiwalay kami at sila na ni Greta, kinalimutan na nya ang tungkol sa amin at wala na syang ginawa para sa akin. Ngayon ko lang naisip na ang dami pala nyang ginawa dahil sa pagmamahal nya sa akin.
Kaya naman kumilos ako at ginawa ko ang kanina ko pa gustong gawin.
Niyakap ko sya ng mahigpit na medyo ikinagulat pa nya pero niyakap din naman nya ako pabalik. Sobra kasi akong na-overwhelmed sa mga nalaman ko at ginawa nya. Sa loob ng mga panahong wala ako, hindi pala nya sinukuan ang mga pangako nya sa akin. Hindi sya nag-give up kahit na manipis lang yung chance nya na magkabalikan kami.
Therefore, ngayong magkasama na ulit kami, kahit secret ang relasyon namin, hindi ko hahayaan na hindi nya maramdaman na mahalaga sya sa akin. Ipaparanas ko sa kanya kung gaano ko sya kamahal, mas doble pa sa naranasan nya sa akin noong una.
Love is sweeter the second time around, as they say. And this time, ipaparanas ko sa kanya ang bagong Aliyah, version 4.0. Char!
And that's a promise.