webnovel

HELL.O

Seram
Sedang berlangsung · 53.7K Dilihat
  • 11 Bab
    Konten
  • peringkat
  • NO.200+
    DUKUNG
Ringkasan

Chapter 1Chapter 1

Prologue

Sa bayan ng Luzviminda de la Cruz, nagpa-practice ang isang choir na binuboo ng mga binata at mga dalaga sa loob ng isang simbahan kahit alas 11:30 na ng gabi. Umaawit sila ng kantang, 'Natutulog ba ang Diyos'. Kahit gabi na ay patuloy pa rin ang kanilang pag-e-ensayo ng nasabing awitin dahil bukas ay Linggo na naman at may first at second mass na magaganap.

Si Father Roberto de Vina, ang pari ng simbahan, ay napangiti dahil masaya na natapos ang kanilang practice. Nagpalakpakan at nagsiyahan ang lahat. Ang medyo mataba at masayahing pari ay napasabi sa kanyang chorale ng, "Oh, mga anak, natapos din ang ating practice. Bukas, first mass, ang unang batch ng ating choir ha!, don't be late, before 6 a.m. andito na kayo, okay?" sabi nito. "Yes Father!!" sagot ng first batch ng kanilang choir. "And, remember mga anak... hindi!?" napatanong ang pari at sabay-sabay na napasagot ang chorale ng, "Hindi natutulog ang Diyos!!!" masayang napasigaw ang lahat. At nagsiuwian din ang mga mang-aawit.

"Bye Father!", "Goodnight Padz! Bye-bye!", "Sige father, goodnight and goodbye!". Napauwi na din ang mga kasapi ng choir at napaiwan ng mga huli nilang mga salita sa pari ng kanilang bayan. Naiwan sa simbahan si Father de Vina, ang napakayaman, maputi at maganda niyang kapatid na si Roxanne 'Roxie' de Vina, ang matipuno, guwapo at half Filipino-half Japanese na pulis na si Deputy Yuri Hanzo, ang bading na fashion designer subalit pogi at makisig na si Carlo Ferrer, ang cute at call center agent na si Zenaida Amador, at ang morena at napakagandang may-ari ng tatlong charity fund ng kanilang bayan na si Joeceline 'Joecel' Vargo.

"Paano ba 'yan mga epalz! Uuwi na rin ako, bye! Goodnight father!" Napalakad palabas ng simbahan ang bakla na si Carlo Ferrer. Habang lumalabas na ng simbahan si Carlo, napaiwan ng linya si father de Vina sa binata. "Carlo! 'Wag mong kalimutan ang sinabi ko sa'yo ha!" sabi ng pari. Napangiti ang bading at napasabi sa alagad ng simbahan ng, "Opo! 'No to homosexual marriage'! Got it padz! Bye!" sabi ng bakla. Napatawa ang mga naiwan nitong mga kasamahan sa simbahan. Tumunog bigla ang cellphone ni Roxanne. Sinagot ng dilag ang cellphone nito at nalaman niyang isa sa mga crew niya sa kompanya na, 'Roxcell Mobile Company' ang nasa kabilang linya. Pinapapunta itong si Roxanne ng kanyang co-member sa kanyang station ay dahil may mga call center agents na naman sa kanyang kompanya na aalis at hindi na magtatrabaho sa kanyang mobile corporation. "Okay, I'll be there in a minute." Sagot nitong si Roxanne. Nagmamadaling lumabas ng simbahan ang nasabing dalaga. Nagulat ang mga kasama nito lalong lalo na ang kuya nitong pari na si Father Roberto. "Roxanne! Gabi na, bukas mo na lang 'yan pansinin... 'yang problemang 'yan!" sabi ng pari sa kapatid. Nagulat si Roxanne sa sinabi ng kuya nito. "Wow! Kuya! 'kala mo sa kompanya ko parang magluluto lang ng adobo?, easy to put suka and toyo? Sige na alis na ko! Bye guys!" sagot ni Roxanne sa kuya nito sabay takbo palabas ng simbahan. Napahinga ng malalim si Father Roberto. "Hayaan niyo na si Roxanne father," sabi ni Joeceline sa pari, "eh ang lapit lang ng cellphone company niya oh! Katabi lang ng simbahan niyo!" natatawang pagsabi ni Joeceline sa kuya ni Roxanne sabay turo ng mobile location ni Roxanne na katabi lang pala ng simbahan. "Anak, ang sa akin lang, palagi na lang siyang napupuyat dahil diyan sa cellphone company niya. Gabi-gabi na lang siyang nandiyan! Neh hindi ko na 'yan nakikitang umuuwi ng bahay para matulog manlang." Sagot ni Roberto. "Eh baka sa loob ng station, diyan na lamang siya natutulog." Sabi ng pulis na si Yuri. "Oo nga, besides, father may mga bedroom and living rooms din naman sa station ni Roxie... eh baka sa sofa na lang siya nag-se-sleep." Sabi pa ni Zenaida. "Sana nga..." sagot ng pari. Nagtitigan ang isa't isa at nagtawanan."Oh sige na, magsiuwian na rin kayo't baka galit na ang mga kasamahan niyo sa inyong mga bahay." Sabi ni Father de Vina. "Oh sha! Let's go home na rin!" sabi ni Zenaida. Hinawakan ni Deputy Yuri ang kanang kamay ng nobya niya pala na si Joeceline. "Hatid na kita pauwi. I have my car outside the church." Sabi ng pulis sa girlfriend. Napangiti ang manager ng three charities at napasagot ng "Okay..." Kinilig si Joeceline, pati rin ang napatitig sa kanila na si Zenaida pati rin mismo ang pari. "Oy, sweet nila! Inggit ako!" sabi ng pari sa magkasintahan. "O.A. niyo ha! Eh! Iisa lang naman ang bahay niyo!" kinikilig na sabi ni Zenaida. "Para umasim pa lalo ang samahan!" sagot ni Yuri. "Tama na nga! Uwi na tayo!..." kilig to the max na sagot ni Joeceline. Sabay na lumabas ng simbahan ang pulis at si Joeceline. "Mauna na kaming umuwi father!" sabi ni Joeceline sa padre sabay lakad palabas ng simbahan. "Bye Father!" sabi pa ni Yuri kay Father Roberto ng naglalakad palabas ng simbahan kasama ang nobya. Sina Zenaida at ang pari na lamang ang naiwan sa simbahan. "Oh pa'no father, uwi na rin ako." Sabi ni Zen sa padre. Nang magsimula ng lumakad si Zenaida, may napansin ang pari sa dalaga. "Zen, wait!" sabi ni Roberto. "Po?" tanong ng dilag. "Namumutla ka na naman, okay lang ba?" tanong ng pari kay Zenaida. Halos matawa ang dalaga sa tanong ng padre. "Father, two years na akong my liver cancer,at may one damaged kidney pa, anong okay? Kayo talaga..." napangiti si Zen sa pari. Nakikita ni Father Roberto sa mukha ng dalaga na hindi ito masaya dahil sa dinadamdam nitong sakit. Hinawakan ng pari ang mga kamay ni Zenaida at sinabihan ng, "Anak, huwag ka sanang mawalan ng pag-asa. Hindi dahil may sakit ka ay mauubos agad ang tiwala mo sa Kanya. Anak... mahal ka ng Diyos... ako, sila, tayong lahat, mahal tayo ng Panginoon." Sabi ng pari sa dilag. Halos lumuha na ang babae sa sinasabi ng pari sa kanya. "Opo father..." sagot nito. Niyakap ng pari si Zenaida, at napaluha na ang dalaga.

Nasa labas na ng simbahan sina Zen at father Roberto. "Sigurado ka ba na kaya mong mag-drive pauwi? Gabi na anak, dito ka nalang matulog sa simbahan." Sabi ng pari sa dilag. Napangiti lang si Zenaida at sumagot ng, "Don't worry father I can manage myself... and my car." Sagot nito at napangiti ang pari. Lumakad na itong si Zen papasok sa loob ng Volkswagen car nito. "Bye father! Goodnight!" sabi ni Zen sabay drive pauwi ng kanyang bahay. "Goodbye anak! Goodnight!" sagot ng pari sa dilag. Nang ang lahat ng mga kasama sa choir ay nagsiuwian na, pumasok na din ng simbahan ang pari, isinara at ni-lock ang main door ng church.

Chapter One

Pumasok na si Zenaida sa loob ng kanyang bahay. Ni-lock ang main door at inilagay ang shoulder bag sa sofa at inilagay ang susi ng bahay at kotse sa ibabaw ng isang maliit na cupboard na lalagyan ng mga photo albums at mga nakapatong na mga picture frames. Mag-isa na lamang na namumuhay si Zen. Makikita pa sa mga litrato na nasa loob ng isang nakabukas ng photo album na nakapatong sa center table, na namatay ang buo nitong pamilya mula sa ama, ina hanggang sa bunso nitong kapatid na lalaki. Kasama ang pamilya ni Zen sa mga nasawi sa September 11 2001 o 9/11 terrorist attacks sa New York City at Washington D.C. na apat na passenger ailiners ang nag-hijack sa tulong ng 19 Al-Queda terrorists para magiba at mawasak ang World Trade Center o Twin Tower buildings ng New York City. Halos mawalan ng pag-asa ang dalaga dahil pagkatapos na namatay ang pamilya nito, ay sumunod agad ang kanser nito sa atay at wala na itong mapupuntahan pang mga kamag-anak, subalit sa tulong ng mga kaibigan at ng pari na si Father Roberto ay natulungan nilang maka-graduate sa kolehiyo si Zen at naging isa sa mga call center agents sa 'Roxcell Mobile Company'.

Papasok na sana ang dilag sa loob ng bedroom nito nang mapansin niya ang sarili sa wall mirror na napakaputi ng mukha at balat nito na para bang wala na itong dugo. Naaawa na siya sa kanyang sarili at nahihiya na sa mga taong tumutulong sa kanya para humaba lalo ang buhay nito. Tumunog bigla ang cellphone ni Zen at agad niya itong kinuha mula sa bulsa ng kanyang pantalon. Nag-send ng text message si Joeceline sa kanya, at binasa ito agad ni Zen. 'Zen! Chemotherapy and dialysis! Don't forget! After 2nd mass! Goodnyte & God Bless! Luv U! ^_^' sabi ng text. Napaluha ang dilag nang mabasa nito ang text ni Joeceline sa kanya dahil isa si Joeceline sa mga tumutulong sa kanyang terapiya. Napatitig ito sa picture frame na nakadikit sa pader. May litrato sa frame na siya ay nagpapa-chemotherapy kasama sina, Joeceline, Roxanne at father Roberto. Napaluha pa lalo ito. Napahinga siya ng malalim at napahawak sa kanyang mahabang buhok. Nagulat ito nang sumabit at sumama sa kanyang mga kamay ang ilan sa kanyang mga buhok na di niya manyang hinablot o binunot! Iniisip ng dalaga na lumalala na talaga ang kalagayan nito dahil tumataas na ang antas ng hair loss nito at ang face and skin waning. Napatibok ito na malakas dahil sa takot... takot na siya ay mamamatay at takot mismo sa kamatayan... Itinapon ng dilag ang mga buhok na nasa kanyang mga kamay sa maliit na basurahan, tumakbo sa sofa, kinuha ang shoulder bag at pinili nalang na matulog sa kanyang bedroom. Pumasok siya kanyang kuwarto at may napansin siya na parang may anino ng tao sa likurang bahagi ng kurtina. Hinayaan niya na lamang iyon at pinili na lamang na matulog sa kanyang kama.

Alas 2:58 na ng umaga. Mahimbing pa rin na natutulog si Zenaida sa kanyang kama. Lahat ay tahimik at mapayapa at mapanatag ang pagtulog ng babae. Nang umabot ang oras sa 3:00 am, biglang tumunog ang cellphone ng dilag. May incoming call si Zen at ayaw nitong sagutin dahil gusto pa nitong ipagpatuloy ang pagtulog. Kinalaunan ay tumigil din ang pagtunog ng cellphone ng dilag. Ilang segundo lang ay tumunog ito ulit ang cellphone niya!, at naiinis na si Zen dahil gusto pa nitong matulog. Kinuha nito ang cellphone na katabi lang ng unan nito. Nalaman niyang may incoming call siya at nakita nito sa touchscreen cellphone niya na hindi naka-save ang number sa mobile phone nito ang taong gustong tumawag sa kanya, kaya alam niyang hindi nito kilala ang taong gustong makipagtawagan sa kanya. Tanging number '05020065010060200' lamang ang nakalagay sa phone screen ng dalaga kaya hindi nito gustong sagutin ang tumatawang sa kanya dahil hindi nito kilala ang tao sa kabilang linya. Patuloy ang pag-ring ang cellphone nito. Naiinis man ay sinagot na lamang ng dilag ang incoming call dahil sa nakakairitabling tunog ng kanyang cellphone. "Hello?" sabi ni Zenaida. "Hell.O!" sabi ng lalaki sa kabilang linya, "May I speak to miss Zenaida Amador?" dugtong pa ng binata na may boses na mabait at maliksi. "Speaking..." sagot ng dilag. "This is Fercilu Tanza," sabi ng lalaki, "I am the president of the Hell.O Mobile Company, sorry for the inconvenience ma'am that I woke you up this early morning, pero andito lang po ako for helping some persons who are having problems financially, emotionally and... spiritually..." dugtong pa ng binata. Nagulat si Zen dahil tinatawagan siya ngayon ng president and rumored also as the vice president ng nasabing kompanya, ang kompanya na kalaban ng Roxcell Mobile Company kung saan siya nagtatrabaho bilang call center agent. "Oh! Hello sir! Bakit po kayo napatawag?" napaalis bigla si Zenaida sa kama nito at napatayo agad ang dilag sabay suot ng pink slippers niya dahil sa gulat. "I'm only here to tell you miss Amador... well as far as I know, our company is now the number one mobile corporation here in our country... Gusto lang sana naming maging isa ka sa mga call center agents dito sa aming kompanya... Puwede ba?" sabi ng presidente. Nagdadalawang isip ang dilag kung susundin nito ang sinasabi ng lalaki, dahil may trabaho din naman ito ngayon at call center agent din naman ang current job nito at mukhang hindi na nito kailangan na umiba pa ng kompanyang malilipatan at maging isang call center agent din sa nasabing kompanya. "I'm sorry sir, pero... my present job po, is also a call center agent in Roxcell Mobile Company. I don't think I have to change my latest occupation, with a same occupation... on your company." Napapangiti si Zen sa sagot nito sa binata. "See!! Your so fluent in speaking English language! Bagay na bagay ka sa kompanya ko, promise!" sagot ng nagagalak na si Fercilu, "How much is your suweldo as a call center agent in R.M.C. (Roxcell Mobile Company) my dear? 10 thousand a week? Right?" dugtong pa ng rumored vice president. Nagulat si Zenaida dahil alam ni Fercilu kung magkano ang sweldo nito sa isang linggo. "Opo." Sambit ni Zen. "And base on my research, you have liver cancer, and damaged kidney... right?" sabi pa ni Fercilu. Nagulat lalo ang dilag at napasagot lang ito ulit ng "Opo." Napahinga ng malalim si Fercilu at dinig na dinig pa ni Zenaida sa kabilang linya. "I don't think 10 thousand pesos cannot afford the treatment called 'Chemotherapy' and 'dialysis'..." Sabi pa ni Fercilu. Napapaluha na at nagugulat pa lalo si Zen sa sagot ng vice president. "Yes sir." Sabi ni Zen sabay pahid ng mga luha nito. "And base again to my research, your friends are the only essential elements that are helping you for your therapy? Right?" sabi pa ng lalaki. Napapaiyak na si Zenaida sa pakikinig sa mga salita ni Fercilu dahil lahat ng mga sinasabi nito ay totoo. "Yes sir." Napapaiyak na sagot ng dalaga. Naririnig na ni Fercilu sa kabilang linya na umiiyak na si Zenaida. "Oh dear, don't cry, kung ikaw ay magiging isa sa mga call center agents ng kompanya ko? Ay naku! dodoblehen ko ang sweldo mo!" sabi ng binata. "Po!?!" napasigaw na tanong ng babae. Gulat na gulat na si Zen ngunit mukhang nagiging masaya ang kanilang usapan ng presidente. "Sorry po, napasigaw ako, talaga po? Dodoblehen niyo ang sweldo ko kung diyan ako magko-call center agent sa kompanya niyo?!" tanong pa ni Zen. "Ay, kung gusto mo triple pa!" sagot pa ng binata. Nasiyahan na si Zenaida sa usapan nila ng vice president. Mukhang naakit at napasundo na ni Fercilu si Zenaida na maging call center agent sa Hell.O Mobile Company. "Ay! Naku! Sige! I will be one of your call center agents there po sa company niyo!" masayang sagot ni Zen. "Oh di ba? Sariling pera mo na ang pinagmulan ng chemotherapy mo hindi na sa tulong ng iba! 20 or 25 thousand pesos a week! That's a self gratitude and self festivity already!" sagot pa ng lalaki. Napapa-yes! At napapa-yehey! na si Zenaida dahil sa grasiyang matatanggap niya ngayon. "Pero..." sabi bigla ni Fercilu. "Ano po 'yon?" tanong ng dilag. "May isang hiling lang sana ako at sana susundin mo..." sabi ng binta. "Sige sir, sabihin mo, susundin ko." Sagot ni Zenaida. "Puwede bang, huwag ka na lang sumali sa choir niyo? O magsimba sa simbahan niyo... Base on my research din kasi, ang tagal-tagal mo ng singer at nananalangin diyan sa church niyo at one of the followers ka din ni Father, ni Son at ni Holy Spirit?, pero hindi naman nila tinutupad ang mga prayers mo... Puwede bang, ako na lang ang i-follow mo, ang sundin mo...?" sabi ni Fercilu. Nagdududa man at napapaisip ng malalim si Zenaida tungkol sa Diyos Ama, Diyos Anak, Diyos Espirito Santo, at mga kaibigan nito, ngunit parang mas ganado itong sundin na lamang ang utos ni Fercilu. "Oh sige! Pera din naman ang bumubuhay sa 'kin wala namang iba... sige sir! I'll follow you nalang." Sagot ni Zenaida. "Good!! Very good!!" masayang pagsabi ng lalaki. "Now, all you have to do my dear for you to be one of my official call center agents here in my company. Just dial number '6'... three! times... on your phone number pad..." sabi ni Fercilu sa dilag. Agad namang sinunod ni Zenaida ang sinabi ng binata. Pinindot nito ang number 6 sa cellphone nito ng tatlong beses. Nagkaroon ng katahimikan ng limang segundo. "So... sir... what now?" tanong ni Zenaida kay Fercilu. At biglang may lumantad na binata, nakasuot ng itim na jacket at may suot na red hat sa ulo at may hawak na armas na trident o napakalaking tinidor, mula sa madilim na kurtina. Walang kamuwang-muwang si Zen na lumalakad na pala ang lalaki papunta sa kanya mula sa kanyang likuran. "Hello? Sir? What now?" sabi ni Zen sa cellphone nito dahil hindi na sumasagot si Fercilu sa kabilang linya. Tumabi ang binata kay Zenaida at inilapit ang bibig nito sa tenga ng dilag, at napasabi ang lalaki sa babae ng... "I guess... You have to follow me now..." At biglang umiba ang tindig ni Zen... na para bang wala na ito sa sarili, napapatitig lang ito ng diretso at tulala! Naging kulay pula bigla ang mga mata ng dilag at nabitawan nito ang hawak na cellphone! Sinalo agad ng binata ang mahuhulog sana sa sahig na cellphone ni Zen, at inilagay ito sa bulsa ng kanyang pantalon. "Yes... sir." Sagot ni Zen at napangiti. "Good girl." Sabi ng lalaki. Nakita ni Zen ang mukha ng binata at napaka-guwapo ng lalaki, maskulado at mistiso. "Hell.O, I'm Fercilu." Sabi ng binata sa babae. Napanganga lang si Zen at napasagot ng, "Hello po, I'm Zenaida Amador." Binigyan ng binata ang dilag ng bagong Hell.O Mobile Phone. Nabibighani si Zenaida sa hawak nitong bagong touchscreen cellphone dahil napakaganda ng cellphone at kulay pula. "That will be your new phone. You can text and call on that phone... unlimited. Just follow my rules and everything will go smooth." Sagot ng seryosong lalaki... na si Fercilu pala! "Yes sir." Sagot ni Zenaida. "Later, 8:30 a.m., oras ng trabaho bilang call center agent sa kompanya ko. Ayos ba?" sabi ni Fercilu. "Yes sir." Sagot agad ng dalaga. "Anti-Christ ka na ngayon, okay ba?" sabi pa ng lalaki. "Yes sir!" masayang sagot ni Zenaida, "for the love of money, without the help of anybody! Yahoooohhh!!!" dugtong pa ni Zen sabay sayaw sa sobrang saya. Napangiti si Fercilu at tinawagan ang isa sa mga kasama nito sa kanyang mobile company. "May nadakip na naman akong bagong ka-tropa natin tol. More sinners are yet to come... Bye." Sabi ni Fercilu sabay inilagay ang cellphone nito sa kanyang bulsa.

Anda Mungkin Juga Menyukai

peringkat

  • Rata-rata Keseluruhan
  • Kualitas penulisan
  • Memperbarui stabilitas
  • Pengembangan Cerita
  • Desain Karakter
  • latar belakang dunia
Ulasan-ulasan
WoW! Anda akan menjadi peninjau pertama jika meninggalkan ulasan sekarang

DUKUNG