490 Sunod-sunod Na Sampal-Ikatlong porma (1)

Penerjemah: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Walang sinuman ang gustong humamon sa Guardian Grade Spirit Beast. Sumang-ayon si Long Qi na hanapin ang limang High Grade Spirit Beasts para kay Ning Xin at sa grupo nito kapag narating na nila ang Spirit Moon Lake, tinupad niya ang sinabi niya at naghabap siya ng bakas ng High Grade Spirits. Hindi niya akalain na nagawa ni Ning Xin at ng pangkat nito na ipain sila sa Guardian Grade Spirit Beast. At pagkatapos ng Guardian Grade Spirit Beast sugurin si Long Qi at mga kasama nito, tumakas na sila at iniwan sila Long Qi at mga kasama sa bangin!

Nang umulit ito sa isipan ni Long Qi, matindi ang ikinagalit niya pero sa sitwasyon nila, ayaw niya muna ito pagtuunan ng pansin!

Limang kawal ng Rui Lin Army ang siyang lumalaban pa rin sa Guardian Grade Spirit Beast ngunit hindi lamang ito lumapit sa galing nito. Pero ito ang paraan nila para magkaroon ng oras si Rong Heng at ang disipulo niya na tumakas, matapang silang lumaban, inilagay nila ang buhay nila dito. Sa matagal nilang pagkakaintindi sa labanan sa ilang taon, alam nila kung kelan lalaban pa pero sugatan na silang lahat at duguan. Tumutulo ang dugo nila sa bawat galaw at marahil ay pulang-pula na ang lupa dahil sa mga dugo nito!

"Kailangan ko kayo guluhin at isama niyo ang kapatid ko. Kaming natitira ay gagawa ng paraan para magkaroon kayo ng oras.'' Pinaubaya ni Long Qi ang mga sugatang kawal kay Rong Heng at bigla na itong sumugod at ang ilang disipulo sa kaululang laban ng hindi lumilingon sa likod!

"Heneral!" Tawag ng isang kawal na may kabiguan habang nakatingin sa matatag na si Long Qi!

Sa malayong distansya ng paglalaban ay nakatago sa puno si Ning Xin habang pinagmamasdan ang laban ng kamatayan at ngumisi ito ng may kasamaan sa mukha niya.

"Senior Ning, hindi nila kayang talunin ang Guardian Grade Spirit Beast.'' Sabi ni Yin Yan sa likod ni Ning Xin habang pinapanood ang laban ng Guardian Grade Spirit Beast na tinutumba ang mga kawal ng Rui Lin Army.

"Inaasahan ko ng hindi nila ito kakayanin. Hindi kumakain ng tao ang Guardian Grade Spirit Beast ngunit iiwan niyang patay ito. Kanina lang ay pinatay ng mga taong ito ang ilang High Grade Spirits at sigurado silang meron silang bato ng High Grade Spirits." Galak na sinabi ni Ning Xin, at mata nito ay may ningning ng kasiyahan.

Sinumang magpahiya sa kanya ay hindi makakatakas sa hagupit niya!

Iyang Escort Long na prangkang tumanggi sa kanyang alok ay dapat talagang mamatay!

Yumuko si Yin Yan at nanatiling tahimik. Handa siya sa imposibleng kasamaan ni Ning Xin. Matatag pa ring nakikipagdigma ang grupo dahil sa kagagwan ni Ning Xin, napunta sila sa sitwasyong buhay ang kabayaran. Sa kabila ng maamo at magandang mukha ni Ning Xin ay nakatago ang kasamaan nit at kalupitan na siyang ikinatakot ni Yin Yan.

Sa ilang sandali lang ay biglang napukaw ang atensyon ni Ning Xin at ng kanyang mga kasamahan sa isang malakas na tunog!

Nakita nila ang dalawang malaking anino na lumabas sa puno para atakihin ang Guardian Grade Spirit Beast!

"Ano iyon?" Nakita niyang mabilis ang mga galaw ng anino kaya di niya mawari kung ano ang mga ito!

Nahihirapan na si Long Qi at sugatan ang likod nito dahil sa Guardian Grade Spirit Beast. Kita na ang balat nito at laman dahil punit-punit na ang kanyang damit. Isang kawal ng Rui Lin Army ang humarap sa Guardian Grade Spirit Beast at dalawang kawal naman ang agad inilayo si Long Qi sa labanan!

Nahilo si Long Qi dahil sa bayolenteng sakit na nararamdaman nito!

Nagawa ng Guardian Grade Spirit Beast na balatan ang kanyang Ring Spirit na nagbago ang anyo! Ang abot-langit na lakas nito ay walang sinuman sa kanila ang makakapag pigil nito!

Nang tiningnan ni Long Qi ang labanan, nakatiim ang mga ngipin niya para manatiling gising. Pero alam niya na walang makakaalis na buhay sa kanila sa gubat na ito!

At habang pinapatumba ng Guardian Grade Spirit Beast

ang mga kawal at winawasiwas sa hangin, biglang may tumama na anino sa ulo ng Guardian Grade Spirit Beast!

Isang malakas na tunog ang gumimbal!

Ang malakas na pagyanig ay nagawang tumilapon ang bawat isa sa hangin!

Nasa hangin si Long Qi at bago pa siya bumagsak, isang malakas na pwersa ang sumalo sa kanya!

avataravatar
Bab berikutnya