webnovel

Simula ng Labanan (4)

Editor: LiberReverieGroup

Nanlaki ang mata ng binatilyo habang nakatitig kay Jun Wu Xie na mabagal na naglakad papaunta sa harapan upang bumunot ng numero. Ang ekspresyon sa kaniyang mukha ay hindi tuwa kundi pagkabigo at tila nais na niyang maiyak!

[Anong klaseng biro ito! ?]

[Bakit kailangan ako ang mabunot upang makatunggali ang demonyong halimaw! ?]

Nang maalala niya ang araw ng piging sa Crown Prince's Residence, kung saan siya at ilan sa mga kapwa disipulo niya ang sumunod kay Jun Wu Xie sa hardin upang makipag-away sa kaniya ngunit sa huli ay takot na takot at bahag ang buntot na nagtakbuhan, ang mga imahe sa kaniyang isip ay nagsasabi sa kaniya na ang kaniyang kapalaran sa Spirit Battle Tournament ngayong taon ay tapos na simula sa mga oras na iyon!

[Ang batang iyon ay isang green spirit mahabaging langit! Isang GREEN spirit!]

[Ano ang laban ng mahinang orang spirit na katulad niya sa halimaw na iyon?]

Nang mg oras na iyon, walang ibang maramdaman ang binatilyo kundi ang nais nito na umiyak.

Kung tatanungin siya kung sinong katunggali ang hindi niya nanaisin na makalaban sa unang sabak ng district battle, hindi iyon si Qu Ling Yue! Walang iba kundi ang demonyong halimaw na nagawa ng itaas ang antas ng kaniyang spirit power!

Hindi alam ng iba ang kapangyarihan ni Jun Wu Xie, ngunit malas ng ilan sa Dragon Slayers Academy ang nabigyan ng pagkakataon na masaksihan ang antas ng spirit power ni Jun Wu Xie. At ang dapat na pribilehiyong impormasyon ay nagdulot sa mga disipulo mula sa Dragon Slayers Academy na naising ihampas ang kanilang mg ulo sa pader upang isalba ang sarili sa paghihirap!

Kung hindi niya alam ang antas ng spirit level ni Jun Wu Xie, malamang ay mag-iisip din siya katulad ng iniisip ng iba, nasisiyahan sa nalalapit na pagdurog niya sa kaniyang katunggali at makakuha ng madaling tagumpay. Ngunit…

Naisip niya na ang madaling madudurog ay walang iba kundi siya! !

Ang disipulo mula sa Dragon Slayers Academy ay walang magawa kundi ang tumangis ng lihim sa kaniyang puso, ang kaniyang mukha ay namumutla. Ang kahabag-habag na mukha niya ay binigyan ng ibang kahulugan ng ibang kabataan…

"Tulad ng inaasahan, ang disipulo mula sa Dragon Slayers Academy ay mararamdaman na hindi patas ang binigay na kalamangan sa kanila. Tingnan mo, ang mukha ng lalaking iyon ay naging berde! Malamang ay galit nag alit siya na ang kaniyang makakatunggali ay isang mahina at munting bata at wala iyong hamon.""Mahinang" bulong ng isang kabataan, sinilip ang namumutlang mukha ng disipulo mula sa Dragon Slayers Academy.

At ang kabataan sa tabi nito ay tumango tanda ng pagsang-ayon.

"Hindi kailangan ng Dragon Slayers Academy ang suwerte. Sa nakikita ko, bukod kay Qu Ling Yue ng War Banner Academy, ay wala na siyang nakikitang iba pa rito na nararapat na makatunggali. Ang makalaban ang isang munting bata na tulad noon ay isang insult na maaaring ibato sa kaniya."

Ang grupo ng mga nag-uusap na kabataan ay walang alam sa katotohanan, habang patuloy ang mga ito sa paghikayat sa mabigat na katanyagan ng mga disipulo ng Dragon Slayers Academy, hindi nalalaman ng mga ito… na ang puso ng kaawa-awang binatilyo ay nagdurugo na sa loob.

[Nagbibiro kayo…]

[Pagkatapos ng labanan, ang mapapahiya ay walang iba kundi siya!]

Habang ang lahat sa lugar na iyon ay nakaramdam na walang ibang matatalo kundi si Jun Wu Xie, ang disipulo mula sa Dragon Slayers Academy ay nakaramdam ng awa para sa sarili, samantala isang tao ang nakaramdam ng takot sa ngalan ni Jun Wu Xie.

Matapos ang bunutan, ang paligsahan ay mag-uumpisa na sa pagitan ng dalawang kalahok na nakabunot ng unang numero, habang ang iba sa kanila ay manonood sa gilid.

Ang unang makatapak sa entablado ay talagang nabigay ng nerbiyos sa kanila. Sa ilalim ng matinding hirap, ng makita ang dalawang kalahok na umakyat sa entablado, ang kanilang balikat ay makikitang nanginginig habang ang mga manonood ay naghahanap ng kanilang mauupuan. Para sa iba na nakabunot ng mataas na numero, alam nila na hindi ngayong araw ang kanilang laban, ngunit minabuti nila na namatili sa arena sapagkat nais nilang mapanood ang mga magaganap na labanan upang magkaroon sila ng kaalaman kung ano ang kapangyarihan at uri ng pag-atake mayroon ang mga magtatagumpay na disipulo, dahil maaaring ang mga magtatagumpay na disipulo ay maging susunod na katunggali nila.

Kilalanin ang sarili, kilalanin ang iyong kalaban. Isang matandang kasabihan na hindi magbabago.

Subalit, mag-uumpisa pa lamang ang unang labanan ay naglakad na si Jun Wu Xie palabas ng arena, walang balak na intindihin ang puwede na makatunggali niya sa hinaharap.

Ang pag-alis ni Jun Wu Xie ay napansin ng karamihan ng manonood sa palibot ng entablado. At dahil sa siya lamang ang umalis sa battle arena, iyon ay hindi na nakapagtataka.