webnovel

Ang Piging (6)

Editor: LiberReverieGroup

Kung ang ipinakita ni Lei Chen sa Zephyr Academy ay isang magalang na pagmamalasakit

lamang, malamang ay hindi iyon magiging malaking isyu. Ngunit unang pinapunta ni Lei Chen

ang kaniyang mga guwardiya sa Dragon Slayers Academy ngunit walang hiya na inimbitahan

siya ng Zephyr Academy. Kahit na hindi binigyang importansya ng Dragon Slayers Academy na

makuha ang pabor ni Lei Chen, ngunit ang mapahiya ng tulad noon ay hindi nila tatanggapin ng

ganoon na lamang.

Wala silang pakialam kung sino ang piliin ni Lei Chen na kaibiganin, ngunit kung sila ay

ipapahiya ng iba, sisiguraduhin nila na magbabayad iyon.

Ang lahat ng uri ng labanan ay ipinagbabawal bago magsimula ang Spirit Battle Tournament,

kaya naman hindi sila makagawa ng aksyon laban sa mga disipulo ng Zephyr Academy. Ngunit

dahil ang munting bata na ito ay nagpunta ng mag-isa sa lugar na ito na walang tao, walang

ibang dapat sisihin hundi siya lamang dahil siya mismo ang nag-imbita sa pagkakataon na ito!

Karamihan sa mga disipulo ng Dragon Slayers Academy ay pinalibutan si Jun Wu Xie, masama

ang ngiti sa kanilang mga labi.

"Hoy bata, ang magpunta dito ng mag-isa sa kadiliman ay hindi magandang ideya." Saad ng

isang kabataan, pinapatunog niya ang kaniyang kamao.

Malamig ang tingin ni Jun Wu Xie sa mga kabataan na nakapalibot sa kaniya, ang mukha niya

walang mabanaag na ekspresyon.

Ang magtungo sa malayong dako na iyon ng hardin si Lei Yuan ay habol ang kaniyang hininga

at ng makita niya si Jun Xie na pinapalibutan, siya ay huminto, tumayo lamang siya sa kaniyang

puwesto, isang ngiti ang bumakas sa kaniyang mukha at siya ay naghintay na mag-umpisa ang

palabas.

"Second Prince, hindi ba talaga natin ito hahadlangan?" ang personal na tagapaglingkod na

sumunod kay Lei Yuan ay may pag-aalalang nagtanong habang tinitingnan si Jun XIe sa hardin.

Iwinasiwas ni Lei Yuan ang kaniyang kamay at sinabi: "Bakit hahadlangan? Nasa kalunos-lunos

na sitwasyon na ang Zephyr Academy. Maupo na lamang tayo at panoorin ang palabas. Bukod

pa doon, ang kaganapan na ito ay dahil sa kapabayaan ng aking Royal Brother ng piliin niya ang

Zephyr Academy at hindi pansinin ang Dragon Slayers Academy. Hindi ko talaga maintindihan

kung ano ang iniisip niya. Wala ng halaga ngayon ang Zephyr Academy."

Ibinukas ng tagapaglingkod ang kaniyang bibig ngunit walang lumabas na salita doon at

tumngin na lamang kay Lei Yuan.

Kalahating taon lamang ang agwat ni Lei Yuan kay Lei Chen pagdating sa edad at ang kaniyang

ina ay ang Imperial Consort noon. Ang panahon ng kanilang kapanganakan at estado ng

kanilang mga ina ay bahgyang magkaiba lamang, ngunit si Lei Yuan ay hindi pinanganak na

swerte. Matagal ng may sama ng loob si Lei Yuan kay Lei Chen ngunit si Lei Chen ay naging

malihim sa kaniyang mga ginagawa nitong mga nakaraan at hindi niya binigyang ng

pagkakataon si Lei Yuan na gamitin iyon laban sa kaniya. At ng ang kanilang ama, ang Emperor

ay iniatang ang pag-aasikaso sa Spirit Battle Tournament ngayong taon kay Lei Chen, iyon ay

nagbigay ng takot kay Lei Yuan.

Sinong Prince ang hindi maghahangad ng upuan sa ituktok ng kapangyarihan? Si Lei Yuan ay

magalang sa harap ni Lei Chen ngunit mayroon siyang ibang plano sa kailaliman ng kaniyang

puso. Ang insidente na inabandona ni Lei Chen ang Dragon Slayers Academy kahapon ay

inimbestigahan ni Lei Yuan. Paglabas ni Lei Chen upang magtungo sa Immortals' Loft kung saan

tumutuloy ang mga tao ng Zephyr Academy, ay mabilis na gumayak si Lei Yuan upang bisitahin

ang Dragon Slayers Academy. Bagaman ang tatlong nangungunang paaralan ay hindi

pagmamay-ari ng isang bansa, ngunit ang mga iyon ay may mga disipulo na talagang

biniyayaan. Ang mga disipulong iyon ay kailangan lamang ng kaunting pangpakintab pa at

silang lahat ay talagang magniningnig, magsisilbi sa kanilang mga panginoon.

"Ang aking kapatid ay nagtapos sa War Banner Academy at ang relasyon niya doon ay

malinaw. Nangamba ako na gagamitin niya ang kaniyang posisyon bilang punong-abala ng

paligsahan ngayong taon upang Manalo laban sa Dragon Slayers Academy ngunit siya ay

naging hangal na balewalain ang Dragon Slayers Academy upang pumunta sa Zephyr Academy.

Kung hindi ko kukunin ang isang beses na pagkakataong ito, makakaligtas kaya ako sa

hinaharap?" sabi ni Lei Yuan na may masamang ngiti sa kaniyang mukha. Ang Zephyr ay wala

na, ang Dragon Slayers Academy ay matatag. Kung magagawa niya na makuha sila, ay

magagawa niya makaukit ng lugar para sa kaniyang sarili.

"Second Prince… Kung gagawin mo ito, hindi ka ba natatakot na ang Kamahalan, ang Crown

Prince ay gumanti?" nag-aalalang tanong ng tagapaglingkod.