webnovel

Dead Bodies (Completed) Tagalog

Nagsimula ang lahat sa isang trahedya. Trahedyang magdadala ng epidemya. Sino ang makakalutas nito? Sino ang makapagliligtas sa buong mundo? May pagkakaibigan ang mabubuo, sama sama silang haharap sa gulo. May mawawala, may magbabalik at may mag tatraydor. Paano nila lahat malulusutan ito? Dead Bodies are everywhere but the most ridiculous part is the Dead Bodies are Alive!

Aerang_Manunulat · Masa Muda
Peringkat tidak cukup
71 Chs

Dead 6 (Part 2)

Chapter 6

Mia Pov

Biglang tumunog ang radyong hawak ko habang naglalakad

["Updates sa Zone A?"]

["Negative"]

["Zone B?"]

["None"]

["Zone C?"]

["Wala"]

Saad ko dahil dito ako nakaassign sa Zone C ng safe zone. Binubuo ng Zones ang safe zone, zone A-F. Ang Zone A-C ay ang pinakamain sa safe zone, kung saan naroon din ang headquarters. The rest zone ay nasa pinakagilid ng zone kung saan ang ibang sundalo na ang naka assign.

Mas lalong pinahigpit ang pagbabantay sa loob na Imbis na mag patuloy kami sa pagtraining, ito na 'yung pinag gagawa namin.

"Meron kang napansin?" Tanong ko sa kasama ko. Pag minamalas ka nga naman si Lee pa yung naka partner ko.

"Wala naman." Saad niya.

Nagpatuloy kami sa pagmamasid.

Pinagmasdan ko ang ang paligid. May mga batang naglalaro sa tapat ng mga bahay nila. May mga nag-aaway bata. May mga nag-iiyakan at kung ano pa.

Nakakamiss maging bata.

"Ano na kayang nangyari sa mga platoon may balita ka na ba?" Biglang tanong nitong kasama ko.

"Wala." Simpleng sagot ko at bumalik sa katahimikan.

Hindi ko feel makipag-usap sa nilalang na kasama ko. Kainis eh. Ewan ko nga kung bakit ba ako naiinis dito. -_-

["Platoons, proceed to headquarter immediately. I repeat all Platoon 1 proceed to headquarter immediately."] Dinig kong saad ni Kuya Aries.

Agad naman kaming dumeretso doon.

Mukhang hindi na namin magets kung ano talaga gagawin namin dito. Minsan nabobore na ako dito sa safezone eh.

Nakasalubong namin yung iba kaya nagsabay nalang kaming pumunta sa headquarters. Pagpasok namin doon, napakunot ako ng noo ko ng makita ang buong platoon 1 at ang dungis ng mga mukha nila. Napansin ko rin ng naraming sugatan sa kanila.

"Anong nangyari sa kanila?" Bulong ni Abe na nasa tabi ko.

"Di ko alam."

Tuluyan na kaming lumapit sa kinaroroonan nila at humarap kay Kuya Aries at mukhang seryoso ito.

"Platoon 3, as you all know pinalabas ko ang dalawang platoon sa safezone upang tukuyin kung saan naglulungga ang mga magnanakaw at kung ano ang sitwasyon sa labas, but as you can see narito ang Platoon 1 at kulang sila ng isa but sad to say halos lahat ng nasa platoon 2 ay nawawala."

Nagulat kami sa sinabi ni Kuya Aries

"Now I decided na kayong platoon 3 ay lalabas ng safe zone together with Platoon 1."

Napalunok ako sa narinig ko. Halos walang nagsalita saamin.

"Platoon 1 you may now go and take a rest, platoon 2 remain" Saad ni Kuya Aries. Nanatili kami sa aming kinatatayuan at hindi makagalaw.

"Aries, ano bang nangyari?" Tanong ni Kyler.

"Ayon sa kanila, may nag-ambush sa kanila while they are travelling at sigurado sila grupo iyon ng magnanakaw. They tried their best para lumaban ngunit mas marami sila at kinuha ang kanilang mga armas."

"Anong nangyari sa Platoon 2?" Tanong ko.

"Nakatakas ang Platoon 1 dahil nagkaroon sila ng pagkakataong sumakay ng kanilang sasakyan. Akala nila susunod ang Platoon 2 ngunit hindi nila alam kung bakit hindi pa umaandar ang sasakyan nila. Ang huli nilang napansin ay ang pagkaladkad ng mga lalaki sa mga taga Platoon 2."

"So you mean they are hostages?"-Kyler.

"Parang ganun na nga." Saad naman ni Kuya Kyler.

Packing Tape!

Ibigsabihin-----

"And I want the all of you to get out of the safezone then find and rescue the Platoon 2, tomorrow."

...

"I'm so Damn speechless!" Sigaw ni Ace.

"Bukas na kaagad?!"

"We have no choice."

Saad nila habang nag-aayos kami ng mga kinakailangan namin bukas, pagkain, tubig at mga armas.

I don't know kung ano ang mangyayari saamin bukas. Baka mas lalo pang lumala ang sitwasyon at baka pati kami mahostage.

*kinabukasan*

"Goodluck Platoons." Huling saad ni Kuya Aries bago kami lumabas ng zone.

"This is it guys." Saad ni Kyler.

Sumakay kami ng truck, nakasunod kami sa platoon 1 dahil sila ang nakakaalam kung nasan sila nanggaling.

Napatingin ako sa likod. Unti-unti nang lumiliit ang safezone sa paningin ko. Mariin akong napapikit at bunaling sa unahan.

Mas lalo pang lumala ang itsura ng lugar. Mas nakakakilabot, wala ka nang makitang kahit ano. Tuyo at pulang lupa ang makikita. Maya-maya pa ay nasa madilim na parte na kami ng kalsada na pinalilibutan ng gubat.

Panay ang tingin namin sa bintana ng biglang huminto ang sasakyan ng Platoon 1. Kaya huminto na muna kami. Nakita naming bumaba ang driver upang tingnan ang gulong. Napagdedisyunan naming bumaba rin upang tignan ang nangyari.

"Shet naman oh! Nabutas 'yung gulong!" Biglang sigaw ng lalaking wala akong interes na kilalanin pa.

Napapikit ako ng mariin. Ano 'to?! Nag-uumpisa nanaman ba kami? Tsk.

"May spare na gulong sa likod! Gago!" Singhal ng kasama niya.

I rolled my eyes in annoyance at agad na bumalik sa sasakyan.

"Anong nangyare 'dun?" Pagtatanong saakin ni Abe.

"Nothing." Tanging nasambit ko nalang dahil wala ako sa mood ngayon.

Nakahalumbaba ako sa bintana, hindi ko alam kung ilang minuto akong nanatili sa aking posisyon at namalayan ko nalang na ang unti-unting pag-andar muli ng sasakyan.

Umayos ako ng upo at deretsong tumingin sa daan.

"Guys kakayanin ba nating iligtas ang Platoon 2?" Tanong ni Christine.

"I'm also thinking." Sabat naman ni Abe.

Hindi ko nagawang magsalita pa. Hindi ko alam kung ano ang aking sasabihin.

"Tiwala lang guys."

******

Third Person's Pov

Inip na inip na ang mga nakasakay sa huling sasakyan at panay ang reklamo ng iba dahil sa naramdamang pangangalay dahil sa pagkakaupo.

"Gosh! Kanina pa tayo nagbabyahe pero hindi pa tayo humihinto!" Atungal ni Christine.

"Maghintay ka nalang diyan! Walang magagawa ang pagrereklamo mo!" Pamababara sa kanya ni Vans.

Napailing nalang ang ibang sakay dahil mukhang alam na nila kung saan mapupunta ang bangayan ng dalawa.

Habang ang Platoon No. 1 naman ay taimtim na nagmamasid sa labas ng kanilang sasakyan na para bang nag-iingat sa bawat minutong binabagtas nila. Hindi nila alam na may nag-aabang palang panganib sa di ka layuan.

Habang nagbabangayan ng pauli't ulit sina Christine at Vans bigla nalamang napahinto ang sasakyan dahilan upang mauntog ang mga taong nasa loob ng sasakyan.

Nagitla ang lahat dahil sa biglaang pagbasag ng mga bintana at pagbukas ng mga bintana dahilan upang makaladkad sila ng mga armadong lalaki. Manlalaban sana sila ngunit naalala nila ang habilin bago sila umalis.

Lihim na napangisi si Mia dahil umaayon ang lahat sa plano.

Done