webnovel

Chapter 1

"Asan na ba yung batang yun?! Sanchez hanapin mo nga!"

Tumatawa akong umalis ng dahan dahan upang hindi mahuli ni ma'am slash coach ko. "Shhh huwag kang maingay kundi aabangan kita sa gate, kuha mo?" pagbabanta ko kay Rue na siyang tinatawag ni ma'am na Sanchez. Isa rin sa mga matatalik kong kaibigan. Tuluyan na akong umalis at naiwan si Rue kasama si ma'am Levera.

"Ganito dapat ang buhay! Walang ginagawa! Hay inaantok ako Makatulog nga."

"Ma'am nahanap ko na siya!"

Agad akong bumangon at di ko namalayan na sa bench pala ako tumayo at payakap na tinakpan ang bibig ng nagsumbong sakin. "Hoy! Huwag ka ngang maingay. Gusto mo ikuga ta ka? (Gusto mo ba sakalin kita?)." inalis niya ang kamay ko sa bibig niya ng pilit at hinay hinay na nilagay ang kamay ko sa balikat niya. "Gawin mo." ngiti nito.

Napangiti rin ako sa kanya ng matamis at tuluyan ko na siyang sinakal. Agad niya naman akong pinilit na bitawan siya. Binitawan ko siya at umupo sa bench habang nag cross legs at arms dahil naiinis na ako sa dumistorbo ng tulog ko.

"Epal ka. Ang dami mong pakulo, bakit? sino ka ba?"

"Ako lang naman si-"

Hindi niya matapos tapos ang sasabihin niya dahil na didistorbo din siya sa pag-open ko ng isa sa mga nagpapakalma sakin, walang iba kundi ang lollipop ko na flavored strawberry. Inilagay ko ang lollipop sa bibig ko ng mapansin ko na huminto siya, kaya naman tiningnan ko siya ng masama habang ngumingiti. "Ituloy mo. Sino ka?" saad ko na puno ng sarkastiko ang tono ko.

"Clyde Sebastian D. Reyes."

"And?"

"And I'm the SSG President."

I rolled my eyes. Kala siguro ng lalaki na to matatakot ako sa kanya dahil SSG President siya. Tumayo ako at nilahad ang kamay ko sa harapan niya.

"And I'm Maria Amelia L. Rodriguez. Class President." nakita ko namang napangiti din siya sa sinabi ko.

"So Amelia, what's a class president doing here? Sa garden ng school during class hours?"

"Siguro nag skip ng class."

"Stand up."

"Tara kahit ihatid mo pa ako sa principal or sa teacher ko, wala akong paki. Kahit ako pa mag lead ng way."

"Madali ka lang din naman kausap, lead the way."

Ngumisi ako sa sinabi niya. Kala mo maiisahan mo ako.

Pagdating namin sa classroom ay agad siyang kumatok sa pintuan ng room ko at kinausap si ma'am. Para siyang taksil sa mga pelikula na sinusuko ang kaibigan niyang kriminal sa mga pulis.

"Ma'am I found your student roaming around campus during class hours. I would like you to discipline her according to school rules."

"Si Amelia loitering? No dear. You had it all wrong. She is excused in her classes kasi siya ang chess player ng school for nationals. Her competition is near."

Natatawa si Ma'am Lopez ang adviser ko at pati na rin ang mga kaklase ko dahil parang tanga si Sebastian sa ginawa niyang pag report sakin at gusto niya pa akong paratangan ng kaparusahan.

"Checkmate." I said as he turned to me with mixed emotions. "Chess player ka nga Amelia. Nagawa mo ba naman pagtripan si kuya Clyde." saad ng kaklase ko. "I'm sorry for disturbing your class ma'am ihahatid ko nalang si Amelia sa chess club." lumingon siya sakin na may pilit na ngiti pero bakas sa boses niya ang pagkainis.

Habang pabalik kami sa chess room ay ni isa sa amin ay walang nagsalita hanggang sa huminto siya sa paglalakad at inilagay ang dalawa niyang kamay sa bulsa niya.

"Be honest with me. Chess player ka ba talaga? Bakit hindi pa kita kilala? Hindi ka din ina-announce sa school flag cem"

"Lowkey lang talaga ako. Ayaw ko na tinitingala ako ng marami dahil mahirap na kapag matalo, mabibigo sila." ngisi ko at kumindat sakanya bago magpatuloy sa paglalakad.

"Amelia! Sus ikaw bata ka! Kanina ka pa hinihintay ni Carson." reklamo ng coach ko sakin.

"Nakalimutan mo na ba Amelia? Ngayong araw ang challenge natin. Takot ka ba at nagdesisyong di magpakita?" Hindi ko siya pinansin at diretsong umupo sa upuan na kung nasaan naka set up na ang chess board sa lamesa. Si Carson ang isa sa mga pro chess players at kakagaling lang sa Singapore para mag laro ng chess. Nag request siya ng challenge sakin dahil sa improvement ko nung umalis siya. "Nanghinayang ka ba na hindi mo ako makikita. Quit babbling and sit down." pagsabat ko habang hindi siya tinitingnan at sa halip ay inaayos ko ang mga pieces na hindi straight ang posisyon.

Umupo siya sa upuan at tiningnan ako ng nakangisi. "Then let's start."

Sa buong laro ay hindi ako nagpakita ng ekspresyon dahil kilala ko si Carson, nakikita niya sa mukha ng isang player ang pag-asa niya. Strength niya ang pagbabasa ng winning chances niya base sa expressions ng kalaban.

At dahil bored din ako sa laro namin ay nag pay attention nalang ako sa lollipop ko. Pagkatapos ng 20 minutes ay na checkmate ko din siya. Tumayo ako at nilahad ang kamay ko sa harapan niya. "Good game." Tinanggap niya ang kamay ko at mararamdaman ko ang tension at inis niya dahil malakas ang pagkahawak niya sa kamay ko. "Don't worry, I'll be sure to win next time." sabi ko at akmang aalis na ng nakita ko si Clyde banda sa pintuan.

Kanina pa ba yang SSG Pres na yan diyan? Nanood ba siya ng game namin ni Carson?

Sa huli ay nilampasan ko lang siya at lumakad papalabas. Nagulat ako dahil sinundan niya ako. Ilang minuto na kaming naglalakad ng nagdesisyon ako na tumigil sa paglalakad at harapin siya.

"What?" I rolled my eyes at him. Inis ko siyang hinarap.

"I want to challenge you."

"What?" Pag-uulit ko ng tanong ko.

Nababaliw na siguro ang lalaking to pero dahil gusto ko ring maghanap ng kaaway sa chess ngumiti ako "You have the guts do you. Ok, pumunta ka sa chess room tomorrow same time."

Tumalikod ako at sa lagay na to ay nagdesisyon ako na ang opening na gagamitin ko bukas sa kaniya ay ang paborito ko na hindi ko pa ginagamit sa kung kaninong kalaban.

Ang Pirc Defense