webnovel

Chapter 1

"Archyd!"sigaw ng aking napakagandang mommy la.

"Po!"dali dali akong bumaba ng tawagin ako ni mommy la.

"Bilhan mo nga ako ng itlog tsaka crispy fry powder dun sa tindahan nila aling bebang ubos na kasi yung na grocery natin noon kaya sa makalawa nalang tayo bibili.."anito sabay abot sa 100 na pera.

"Pst.. mommy la."aniko. Dahil nakatalikod ito sa akin.

"Oh?."sagot nito habang nag hihiwa ng gulay.

"Akin na yung sukli ah?"aniko sabay baba-taas sa kilay ko.

"Abat! Kang bata ka.. kailangan pa talaga ng sweldo para utusan ka?! Ibang klase na talaga ang mga heresyon ngay—"pinotol ko na yung sasabihin niya sana bago pa mapahaba ang pagsasalita niya at ma sermonan nanaman ako.

"Oo na..Oo na.. pero penge padin kahit 20pesos lang."sabi ko atsaka nag beautiful eyes sakanya."sige na nga!"anito. Yes! HAHA!

Nang makadating na ako sa tindahan nila aling bebang ay nakita ko ang anak ni aling bebang na nagsasayaw.Bigla nalang ako natawa dahil para itong temang na nag twe-twerk at parang bulateng sumasayaw.

Kaya ng marinig ni Yameitie ang tawa ko ay agad naman itong napatigil. At biglang ibinababa ang damit niya nilukot para maging croptop.

"Wuy archyd anong kailangan mo?"mataray nitong sabi.

"May Itlog ka ate?"tanong ko sakanya. Palihim naman akong tumawa ng tumalikod ito at tiningnan kong may itlog paba.

"Meron."anito sabay irap sakin. Maldita.

"Ay..ang sayang."aniko. Dahil sa sinabi ko ay Nagtaka naman ito sa aking sinabi.

"Anong sayang?"taka nitong sabi. Napatihimik naman ito sandali at inaala ang pangyayari. Ng magets niya namn ay agad siyang namula at tiningnan ako ng masama. Kaya napahalakhak ako ng malakas.

"Gaga,Babae ako! Pano ako magkakaroon ng itlog!"anito habang nagsasalobong ang kilay nito. Kaya mas lalo ako natawa.

"Eh bat mo kasi sinabi na meron eh wala ka naman itlog."natatawang ani ko."pabili nga crispy fried powder tsaka itlog."aniko. Bago pa siya magsalita ay inunahan ko na baka sumabog eh.

"Ito oh."sabay bigay sakin ng crispy fried powder at itlog.

"Salamat."sabay abot sa bayad.

"Salamat ka dyan..wag kana bumalik ah? Panira ka ng araw eh."anito sabay irap. Tinawanan ko nalang siya at naglakad na pauwi.

-

"Mommy la ito napo yung pinapa,lbili niyo."sabay abot sakanya ng plastic na ang laman ay yung crispy fried powder at itlog. At tsaka yung sukli na din sa 100 pesos. Syempre mabait ako eh. Pero syempre hindi ko nakalimutan yung 20 pesos ko..

"Sige Salamat.. mag prepare kana pala Pupunta tayo ng tindahan mamaya."anito.

"Sige po."at umakyat na sa taas upang magpahinga. Kakapagod kaya nakakaloka.

Pagdating ko sa Room ko ay agad akong humiga at nag c-check kong may notif ba ako or emails. Para sa klase ko bukas for now sa online class na muna ako ng-aaral or it's either tuture.

Habang nag c-check ako sa mga emails at notif ko ay may biglang tumawag na buang.

~Incoming call from Blessie Santos~

At yun ay si blessie na gaga.

(Phone Conversation)

Blessie: "Good evening Archyd!"

"Yeah..yeah..Good evening din"sagot ko."bat napatawag ka nga pala? Ano kilangan mo?"dagdag ko.

Blessie:"Lah..di pwedeng nangangamusta lang?" Anito sabay tawa.

"Wala.. Wala.."natatawa kong ani sakanya.

"Nga pala ano yung nakita ko sa post mo kanina sa Insta mo?"dagdag ko.

Blessie:"Kasi naman eh..."mangiyak-ngiyak nitong ani.

Hula ko Ni reject nanaman to..

"Ano? Rejected ka nanaman noh?"aniko.

Blessie: "Diba nong nag vacation tayo nila mommy la mo pumunta tayo sa Big 8 hotel Sa may tagum.."

"Oh tapos?"

Blessie: "Diba nakita mo yung lalaking naka hoodie na black tapos naka standby sa may pool.?"

"Yes..so ano nga? Diba crush mo yun."

Blessie:"Eh kasi sinundan ko siya tapos nakipag kaibigan ako sakanya.. then nakita ko siya dito sa CityMall Tagum City. Tapos nong mga nakalipas na araw mag c-confess na sana ako ng aking feelings towards him pero may jowa na pala siya.."anito at ngumawa na parang bata. Ang dali naman niyang mag-confess. -;-.

"Aww..sad."aniko. Hindi ko alam kong ano ba ang magiging reaction ko kung matatawa ba ako or magiging Malungkot din katulad niya.

Blessie:"ano ba yan! Ganyan lang ba yong magiging reaction mo!"naiinis nitong ani.

"Hahaha!Ano ba kasing dapat maging reaction ko?"

Blessie:"Syempre dahil bestie kita syempre magiging malungkot ka din para sakin."anito. Parang namang temang yun.

"Gaga..para namang engot yun"tawang aniko.

Blessie:"kahit na dapat ka din maging sad ganern."temang ang gaga.

"Oo na,kunwaring naging sad.. oh yan happy ka na?"

Blessie:"okay.. kunwaring happy."anito. Kaya natawa ako.

"So yan lang ba yung sasabihin mo sakin? Need ko na kasi mag prepare pupunta pa kami ni mommy la sa tindahan mga maya-maya eh."

Blessie:"Meron pa syempre..ito na last ko na sasabihin to baka naka abala pa ako sayo eh."natatawang ani ni blessie.

"Sira..okay lang So ano sasabihin mo?"

Blessie:"May pinapasabi lang si mom Sayo tapos sa mommy la mo din"

"Ano daw sabi ni tita?"

Blessie:"Pinapunta kayo dito samin eh..may celebration lang Birthday ni kuya Kiyo next week."

"Sige..sige sasabihan ko si mommy la mamaya."

Blessie:" Punta ka ah.. basta yung birthday ni kuya ngayong September 23.."

"Sige..sigee.. salamat sa pag invite paki sabi nalang din kay tita Elyse na salamat."

Blessie:"No prob Hahaha."

"Sige..end ko na muna to Blessie ah. May gagawin lang talaga."

Blessie:"sige babyeee."

"Bye..ingat kayo dyan."

Blessie:"Kayo din bye"anito kaya enend ko na yung call.

(Phone Conversation ended)

Pagtapos ng pag-uusap namin ni blessie ay agad akong tinawag ni mommy la.

"Archyd!"ani niya.

"Yes po!"

"Tapos ka na ba? Pupunta na tayo mga maya maya."

"Opo! Magbibihis lang ako.."

"Sige bilisan mo dyan kakain pa tayo."

"Opo mommy la."Kaya agad na akong nagbihis ng pang alis para mamaya.

Pagkatapos kong magbihis ay agad na akong bumaba para kumain.

"Oh andyan kana pala, halika na archyd kain na tayo."ani mommy la pagbaba ko galing itaas. Hindi sa langit ha kung ano ano iinisip niyo eh.

Habang kumakain kami ay bigla kong naalala ang sinabi ni blessie kanina. Enpernes ang sarap ng luto ni mommy la.. kasing sarap ko... Choss.

"Mommy la."tawag pansin ko dito.

Sa

"Bakit?"anito.

"Maypinapasabi nga po pala si Blessie kanina."Na maganda daw ako.. choss ulet.

"Ano yun?"

"Invited daw tayo sa birthday ni Kiyo sa September 23 sabi ni tita Elyse."

"Baka hindi tayo makasama niyan."

"Bakit?"

"Basta..sa susunod ko nalang sasabihin sayo. Pero sa tingin ko makakahabol naman tayo." Kahit ay nagtataka man ako ay pinabayaan ko nalang Tsaka sasabihin rin naman yan ni mommy la eh.

Maya-maya ay natapos na akong kumain at nilagay ko na ang mga pinagkainan namin ni mommy la sa kitchen sink at hinugasan.

Pagkatapos kong magligpit ay agad akong

lumabas sa kusina namin ay bigla nalang may nagsalita sa gilid ko kaya bigla akong napatalon.

"Archyd."

"Hayss! Ano ba yan mommy la nakakagulat ka naman."aniko. At hinihimas yung dibdib ko. Wag kayong green...

"Sus.. di naman kita ginulat. Ikaw lang yung nagulat."anito.

"Ano ba kasi yun?"mangiyak-ngiyak kong ani.

"Paki labas sa garahe yung kotse..ito na yung susi oh."Anito sabay abot sa susi.

"Ako magdadrive?"nakangisi kong ani.

"Oo kaya bilisan mo dyan." Himala at pinayagan ako ni mommy la. Once in the blue lang yan mangyari. Ano kaya nakain non. Ah! Alam ko na yung itlog nila Yameitie

At crispy fried. Hahaha Magpapasalamat ako kay Yameitie After ng lakad namin.

-

"Ain't it fun"

@HikoshikiskiSakka

(This story is publishing in Wattpad.)

please do follow me!

Bab berikutnya